Share

Prologue

"You'll die." Walang takot na wika ng dalaga habang nakatutok ang paboritong baril nito sa lalake na ngayon nakaluhod at nagmamakaawa na hindi siya patayin.

"This is an order." Walang emosyong aniyo nito at itinitok sa noo ang baril at agad pinihit ang gatilyo, umalingawngaw sa boung silid ang ingay nito. 

Makikita sa dalaga ang maladimonyong mata at ngisi nito na walang takot sa lahat ng bagay, lahat kaya niyang gawin, in a snap of her fingers her victim will be on the cold floor, lifeless. 

Aakalaing isa itong inocenteng babae na may mala-anghel ang mukha, walang bahid ng kasalanan sa mundo. Isang mababasaging kristal na sa isang hawak lamang ay mababasag at magkakapirapiaso.

Itinuon niya ang kanyang pansin sa isang bahagi upang makaharap nya ang susunod na papatayin. 

Ang tanging maririnig lamang sa gabing ito ay ang iyak ng isang pitong taong gulang na batang babae at yakap yakap nito ang kanyang walang buhay na ina. 

Ang walang kamuwang-muwang na batang ginigising nito ang kanyang walang buhay na ina. Hindi niya alam kung anong nangyayari kung bakit ginagawa ng babaeng ito sa kanila. 

Wala paring bahid ng kung anong emosyon sa enosenteng mukha nito, nilapitan nito ang batang walang humpay sa pagiyak at paghikbi na ginigising nito ang ina. Hinaplos nito ang kainosentehang mukha nito ng bata. 

"M-mommy..." hikbing wika nito sa kanyang ina. May takot ang makikita sa umiiyak na bata. And she's trembling non-stop.

"Don't worry my dear, makikita mo rin sila." Mahina aniyo habang hinahaplos ang makintab na buhok ng bata. 

I'm sorry.

"Hindi ka na mahihirapan pa." Umayos sya ng tayo at itinutok nito ang armas nito sa ulo ng bata at walang awang binaril ito.

Isa.

Dalawa.

Mariin siyang napapikit.

Tumalsik sa kanyang inosenteng mukha ang dugo mula rito, wala paring bahid sa mukha nito ang awa sa pamilyang pinatay nito.

Deal is a deal. 

This is the consequences of the family. Kung ano ang napag-usapan ay dapat sundin. The top rule of the organization, and you will not die. 

Agad syang umalis sa silid, makikita sa paligid nito ang mga tauhang wala na rin buha magisa nya itong ginawa. 

She's an assassin, the reaper of the organization. Perks. 

Mga katulong na nasa hagdanan nakahandusay at wala na 'ring buhay pati rin ang kaawang-awa aso ay hindi rin tinantya at pinatay dahil sa kaingayan nito. 

At mga bodyguards na wala 'ring awang pinatay, hindi iniisip ang may mga pamilya rin na naghihintay sa kanilang pag-uwi sa kanilang tahanan. 

Pinagpatuloy niya ang paglalakad at agad din pinahiran ang mukha nitonh may bahid nang tumalsik na dugo na nagmumula sa bata. 

Sa murang edad ay pumapatay na sya upang mabuhay lang ito. Sampung taong gulang pa lamang sya ay alam na nyang pumatay.

Sampong taon na nya itong ginagawa upang mabuhay lamang, hindi sinisikmura ang halos araw-araw na pagpatay nito. 

Sa edad din ng batang pinatay nya ay kaedaran din nya ito kung paano pinatay ang boung angkan nya sa harapan nya mismo.

Dahil sa mundong ito, kailangan mong pumatay upang mabuhay. Ang katagang ito ang laging umiikot sa utak niya. Para mabuhay kailangang pumatay.

Isa rin sa kanyang rason kung bakit sya walang awang pumapatay ay dahil sa hinahanap nito ang pumatay sa kanyang boung angkan.

Mag-isang namumuhay ang dalaga. Tuwing umaga isa itong inocenteng dalaga na walang bahid ng kasamaan at kasalanan sa mundo ngunit sa tuwing sumapit ang gabi ay nagiging dimonyo ito at walang awang pumapatay.

Nakarating sya sa labas ng bahay nito o sa tinarawag na mansyon at naghihintay dito ang isang binatilyong nasa labing-pitong taong gulang pa lamang ito. 

Katulad nya ganoon din ang sinapit ng kanyang pamilya. Pumasok ang dalaga sa naghihintay nitong mamahaling kotse ay agad niyang ipinikit ang mga mata. 

"Tired?" Bungad na tanong ng binata na nakatingin lamang ito sa harap ng laptop at nagtitipa ng kung ano.

She heavily sighed, "Yeah," tipid na sagot nito.

At iniisip na pagkauwing-pagkauwi nito ay agad itong hihilata sa kama at maghinga. Narinig nyang mahinang tumawa ang binatilyo agad nya nmn itong binigyan ng tinitigan.

Dahil alam nito ang dahilan kung bakit ito pagod, sa halos araw-araw ba namang trabaho nito tuwing gabi?, hindi kaba mapapagod. 

"Pwede ba." Walang emosyong wika nito sa binatilyo.

Tumigil naman ito sa pagtawa at kunyaring napaubo para pigilan ang nagbabadyang pagtawa ulit nito.

"Okay, okay." wika nito habang nakataas ang kamay nito sa ere. 

"Hindi lang din ikaw ang pagod 'no." dagdag pa nito at binuhay ang makina ng kotse at pinaharurot papaalis sa mansyong iyon dahil tapos na ang misyon nila doon. 

Sa isip ng dalaga, "Aarrgghhh...may kailangan pa pala akong gagawin, maghaharap pa kami ni Thesis at may quiz pa bukas, kainis!" She groaned and slammed back to the seat. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status