Share

CHAPTER 3

DARK The Mafia Boss Chapter 3

HABANG BINABAKTAS ang kawalan at walang patutunguhan ay bigla nalang kumalam ang sikmura ko. Napasimangot tuloy ako't hinimas-himas ang tyan.

Ilang oras na ba akong naglalakad sa lugar na ito? Hindi ko nga alam kung nasaan na ako. Basta ang alam ko ay naglalakihang gusali at mga taong nagmamadali sa paglalakad. At gutom na ako! Sa sobrang gutom ay gusto ko ng kumain ng tao. Pero joke lang yun hindi ako cannibal 'no.

At naiilang na rin ako sa mga taong nakatingin sa akin habang nilalagpasan ako at bumubulong pa. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong may dalang maleta sa tanghaling tapat? Tsk!

Dinukot ko ang natitirang ari-arian ko sa bulsa. Para akong pinagsakluban ng langit at lupang nakatitig sa bente pesos na natitirang pamasahe ko no'ng isang araw papunta rito sa Maynila.

Sana pala, kung alam ko lang na mangyayarr ito ay hindi nalang sana ako tumungo rito kung ganito lang pala ang madadatnan ko.

Baliw lang ba iyun o may saltik lang talaga sa utak ang  lalakeng iyon.

Pakasalan siya? Pwe! Never! Oo, pogi siya. Pinapangarap ng lahat ng babae pero hindi ako mahuhulog sa charms niya 'no. Kahit pogi 'yon at mayroong napakagandang mga mata ay hindi talaga ako mahuhulog sa charms ng lalaking iyon.

Iniisip ko pa lang ang gwapo nitong mukha ay parang nanglalambot na ang mga tuhod ko. Ugh! Ano ba Aileen! Tumigil ka na sa kakaisip sa kanya, okay? tigil! Tigil!

Mahina kong pinupukpok ang noo ko para mawala ang lapastangan na lalaking iyon.

Binuksan ko ang mga matang nakapikit at nasalubong ang mga kakaibang titig sa akin ng mga tao. Hindi ko pala namalayan na nakahinto na ako sa gitna ng isang malaking parke dito. At tumambad sa akin ang napakalaking fountain. Teka, ito yung nakikita ko sa mga TV kapag may scene ang mga artista dito.

Teka, nasaan na ba ako?

Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Ang masasabi ko lang ay naliligaw na ako. Hindi ko na alam kung anong lugar ito at saan ako.

Ayts! Kainis naman.

Napapadyak ako sa inis at padabog na hinila ang malaking maleta na dala-dala ko kanina pa.

Wala akong matitirhan, wala akong matutuluyan at wala akong kakilala man lang dito. Maliban sa tiya ko doon sa malaking mansyon.

Naiiyak na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana pala hindi nalang ako umalis sa lugar na iyon at sana pala sinabayan ko na lang ang kabaliwan ng takas sa mental na lalaking iyon.

Nasa gilid na ako ng kalsada habang hila-hila parin ang maleta ng may puting van ang himinto mismo sa harapan ko. Dahilan para mapatigil at mapaatras ako sa dalawang dahilan. Una, muntik na akong masagi. Pangalawa, dahil sa takot. Hindi ko alam pero parang iba ang nararamdaman ko sa sasakyang ito.

Napasinghap ako ng may lumabas na limang lalake na ngayon ay nakapalibot sa akin. Nakasout ito ng mamahaling itim na amerikana at naka-shades pa. Uhm, Men in Black na ang peg ng mga ito? Hindi naman ako alien ah! Maganda lang ako pero hindi ako alien.

"B-bakit po?" Nauutal na tanong ko sa kanila habang pinalibot ang tingin sa limang lalakeng ito.

Ang lalaki pa ng katawan nito. "Kung pera po ang gusto niyoㅡ" dinukot ko sa bulsa ang bente pesos at nilahad ito sa harapan ko. "ㅡito po kunin niyoㅡaahh!!"

Napatili ako ng bigla nilang akong hinila papasok sa loob ng sasakyan. Ako naman ay pilit na kumakawala sa kanila. "Aah! Bitawan niyo ko! Tulong! Tulong!" Nagpupumilit parin ako sa pagkawala sa kanila. Nagpupumiglas pa ako pero malalakas sila.

Kahit na anong sigaw ang gawin ko ay walang tutulong sa akin. Aarrghh! Kainis!

"Aah!! Tulong!!" Sigaw ako ng sigaw pero wala parin. Hawak-hawak ako ngayon ng dalawang lalake at pilit akong ipinapasok sa loob ng sasakyan.

Natatakot na talaga ako. Parang gusto ko ng maiyak sa takot. Dahil sa pagpupumiglas ay may panyong tumakip sa ilong at bibig ko dahilan para maamoy ko ang kakaibang amoy na nanggagaling rito.

Bigla nalang akong nanghina at bago pa ako mawalan ng ulirat ay may narinig pa akong boses.

"Stubborn woman, tsk."

At kadiliman.

BAKIT ANG dilim? Nabulag na ba ako? Dinukot lang naman ako ha. Hindi naman nila ako binulog. Napasinghap ako.

Paano kung, binulag pala nila ako. Waah! Ayokong mangyarr iyon. Paano na lang ako makakita ng poging lalake. Hindi ko pa nga nakikita ang paging lalaking iyon. Mabubulag agad ako? Nooo!

Pero bakit ang wierd. Para kasing may nakatakip sa mga mata ko at nakatali ako sa kung saang poste! Ano ba ang nangyayare!? Nasa lapag lang ako at hindi alam ang nangyayari.

Pilit kong tinatanggal ang nakatali sa palapulsohan ko. Pero mas lalo lang iyon sumasakit. "Aray!" Tsk. Kainis.

Nasaan ba ako. Bobo lang Aileen. Ni wala ka ngang makita sa paligid dahil sa nakatakip sa mga mata mo diba? Tss. Kung sisigaw kaya ako? May makakarinig kaya? Tumatango-tango ako. Mukhang magandang ideya yun.

At kumikirot rin ang ulo ko. Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako uminom. Napapikit ako sa sakit. Kinalma ang sarili at idilat ang mga mata.

Sisigaw na sana ako ng marinig ang marahang pagbumukas ng pintuan. Napatigil naman ako at pinakiramdman ang pumasok.

Nang hindi ito magsalita ay ako na mismo ang nagsalita. "Sino ka?" Parang hindi lang siya mag-isa. "Sino kayo?! Pakawalan niyo na ako rito! Hindi naman ako mayaman. Diba nga binigay ko na ang bente pesos ko kanina,"

"Pfft!"

Napatigil ako dahil sa taong nagpipigil ng tawa at napakunot ang noo. "I didn't inform that she's funny, bro." Hindi pamilyar ang boses nito.

"Yeah,"

"Sino ba kayo?!" Sigaw ko. "Ano ba ang kailangan niyo sa akin?! Wala nga akong pera diba!" Napaisip ako.

Paano kong iba pala ang kailangan nila. Napasinghap ako ng marahan.

"Waaah!! Parang-awa niyo po. Bata pa po ako. gusto ko pa pong magkapamilya. Wag niyo po akong rape-in." Waah, ang puri ko.

"Hahaha!" Napitigil ulit ako dahil napakalas na talaga ng tawa nong dalawa. Oo dalawa sila.

Pinagtitripan ata ako ng mga baliw na ito.

Napakislot ako ng may kumuha sa piring sa aking mga mata. Dahan-dahan pa akong dumilat dahil sa nakakasilaw na ilaw. Nag-aadjust pa ang paningin ko sa paligid ng bumungad sa aking harapan ang lalakeng may kulay asul na mga buhok. Napakalawak ng ngiting nakatitig sa akin. May pagkasingkit ang mga mata nito pero ang masasabi ko lang ay sheeet ang pogi niya.

"Dude, mukhang na-starstruck ata sayong kagwapuhan. Lagot ka sa kanya! Hahaha!" 

Naagaw ang atensyon sa kasama nito. Kulay berde naman ang buhok nito at nakatayo lamang. Pareho sila ng mukha pero ang buhok lang ang naiiba sa kanila. Ang nasa harapan ko ay magulo-gulo ang kulay asul na buhok nito at ang lalakeng nakatayo ay naka-top knot ang buhok tapos naka eye-glasses na mas nakakapagpapogi sa kanya.

"Ikaw rin, lagot ka." Pananakot rin na sagot naman ng nasa harap ko na mas nakakapagpakunot ng noo ko.

"Sino ba kayo?" Mahina pero sapat lang para marinig nila ang tanong ko. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa gilid ng kama. Tama, nasa isang kwarto ako. At napakamapilyar talaga ng kwartong ito.

"Oh!" Mas ningitian naman ako ng lalakeng nakatayo at lumapit ito. "I'm East Martinez and this man beside me is my win brother West Martinez," tinitigan ako ng kambal nito. "Mahahalata mo naman kung sino sa amin si East at West, right?" Tanong niya habang nakaturo sa mga buhok nila. "pero halatang mas gwapo ako." Sinabayan niya ito ng malakas na pagtawa.

"Kapal ng isang 'to," inirapan ni West si East sa kahanginan nito. "By the way, wala namang kaintere-interesado sayo, bakit ganon maka-protekta sayo ang pinsan namin." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Hindi ko siya maintindihan.

"Yeah, right." Tumango ni East sa sinabi ng kambal. "Pero wag muna natin siyang husgahan. Malay mo siya ang makakapagpababago sa pinsan nating matigas pa sa bato." Sabay tawa nito.

"Sundin mo na lang ang gusto niya."

"Ha?"

Ngumiti na pagkamisteryoso ang kaharap ko. "I think, this is will gonna be exciting," nilingon nito ang kambal na si East na nakangisi lang. "What do you think, East?"

"Until we are still the captain of this ship, this ship will never be sinking." Makahulugang ani nito sa kakambal.

Hindi ko talaga sila maintindihan. Napaka-wierd nila.

"Sino ba talaga kayo? Anong kailangan niyo sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

"Uhm..." napakamot sa ulo si East.

"Wala kaming kailangan sayo, yung loko-lokong pinsan namin, meron." Tuloy ni West sa pagsasalita ng kambal nito.

"Ano ba ang kailangan niya sa akin? Kailangan ba talagang nakatali pa ako rito, ha?" Naiinis na talaga ako.

"Hahaha! Baka kasi tumakas ka na naman."

Napanguso ako. "Hindi naman ako tatakas."

Sabay silang nagkibit-balikat.

"Sorry Aileen, pero hindi ka namin matutulungan diyan at baka kami ni kambal ang mayari diyan." Ani ni East.

Tumango si West. "Nakakatakot pa naman magalit ang isang iyon."

"Bakit niyo ako kilala?" Pag-iiba ko ng tipiko.

Nagkatinginan silang dalawa sa isa't-isa. "Secret!" Sabay nilang sagot.

Pinagloloko ata ako ng magkapatid na ito 'e.

Tumayo si West sa pagkaka-squat at nilapitan ang kambal. "See you later, Aileen."

Inakbayan naman ng kakambal nito papaalis ng silid na ito.

Nanlaki ang mga mata ko, teka saan sila pupunta? Iiwan nila ako rito? "Teka! Saan kayo pupunta! Hoy!" Sigaw ko.

Napapikit ako dahil sa malakas na pagsara ng pinto. Waah! Iniwan nila talaga ako rito.

Anong gagawin ko dito? Maghihintay sa kung sino ang magliligtas sa akin rito? Tutunganga? Hindi. Dahil ako mismo ang magliligtas sa sarili ko.

Pero ano ba ang gagawin ko. Nakatali lang naman ako sa poste ng kama. Nganga. Walang magawa. Waah!

Pilit kong inaalis ang pagkakatali sa poste ng bumukas ulit ang pintuan. Dahilan para marahas akong mapalingon roon at inaasahanang ang kambal pero nagimbal ako sa nakikita ko.

Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa itim na itim niyang mga mata. Napalunok ako.

Wala pa siyang ginawa pero parang nanlambot ang katawan kong nakatitig sa kanya. Nangatal ang mga labi ko sa takot. Hindi ko alam kung anong takot ang nararamdaman ko.

Siya. Siya pala ang nagpadukot sa akin?! Ano ba talaga ang gusto niya sa akin?

Napaatras ako at napasiksik pa sa gilid ng kama ng tangka itong lumapit sa akin.

"W-wag kang lumapit." Bulong ko sa kanya pero hindi siya natinag at mas lumapit pa siya sa akin.

Iniluhod niya ang kanang tuhod bilang suporta't pinantayan ako.

Sa hindi naman ako natatakot sa kanya pero meron kasi sa loob ko na hindi ko matansya kung ano ito.

Hindi ko alam pero nagsituluan ang mga luha sa aking mga mata. "P-please don't." I plead.

Bigla na lang nagsibalikan ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan. Ang sakit, galit at pighati nanumbalik sa aking isipan. Ang pagpatay sa aking mga magulang na wala man lang akong nagawa para iligtas sila. Dahil sa pagkaduwag ako.  Tumakbo ako. Tumakbo ako dahil sa takot na hindi iniisip ang kalagayan ng aking mga magulang. Lahat iyon ay napakasariwa sa aking alaalaㅡ

I gasp for air when I felt his hands caress my wet cheeks. Inipit nito ang mga hibla ng buhok ko sa aking tenga.

"Shh..." aniya.

Napatigil ako. Nakatitig ngayon sa walang buhay niyang mga mata. May mga emosyong tinatago na ayaw ipaalam.

"A-ano ba talaga ang kailangan mo," tanong ko sa kanya na halos hangin nalang ang makakarinig.

Hindi siya nagsalita imbes ay nakatitig lamang siya sa akin.

"Ah!" D***g ko ng maitanggal niya ang mga kamay ko sa poste. Hinihimas ko ito upang mawala ang sakit. Namumula pa ito at namamakat pa. Dahil doon ay bumalik ang inis ko sa kanya.

Marahad na pinahid ang luha sa aking pisngi at masama siyang tinitigan. "Ano ba talaga ang kailangan mo?!" Halos pasigaw na tanong ko. At sa pagkakaalala ko wala naman akong kasalan sa taong ito.

Ngumisi siya. "Change of mood, eh."

Eh-ehin mo mukha mo. Baliw. Napairap ako sa hangin.

"May mental ba dito?" Tanong ko.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa tanong ko. "What?"

"takas ka siguro dun 'no?" hindi ko na napigilan ang dila ko. Naman! Sinamaan niya ako ng tingin.

Napaatras naman ang dila ko sa pagkatitig nito. Nakakatakot talaga siya. Promise! Huhuhu.

Napakislot ako sa gulat ng inilagay niya ang takas klng mahahaba buhok sa likod.

"Next time, don't that again." Pagsasalita niya na mas malamig pa sa yelong binibenta sa mga tindahan. "If you do, I will punish you." Napakaseryoso ng tingin nito sa akin.

"Aah, right, your punishment is starting right now."

"Ano bang pinaㅡ" naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko na ikinagulat ng lahat ng mga hormones ko sa katawan.

Nagising lahat ng mga internal organs ko. Pati pagdaloy ng dugo ay mas nabuhay.

Ang malalambot niyang labi sa aking mga labi para akong nasa...nasa...naramdaman ko ang kamay nito sa aking batok. Mas idiin pa ako nito sa kanya.

Hindi ko man lang magawang manlaban dahil nakakalambot ng katawan. Pwede magmura kahit ngayon lang? Okay. Putang*na!

Mariin akong napapikit.

Habol-habol ang aking hininga ng kumawala siya sa halik. Nakatitig ang itim na itim na mga mata nito sa akin.

"That's your first punishment," napanganga ako. "...as my wife." mas napanganga pa ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status