Share

MAFIA SERIES 3: Dark The Mafia Boss
MAFIA SERIES 3: Dark The Mafia Boss
Author: ayamdyosaaaaa

PROLOGUE

DARK The Mafia Boss Prologue

NANG bumalik ako sa maliit lamang naming tahanan hindi kalayuan sa bayan ay kitang-kita ko mula rito ang tinutupok na ito ng apoy.

Napaluhod ako sa aking nasaksihan. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na nag-uunahang pumatak.

Kani-kanina lang masaya kong kasama ang mga magulang ko.

Hindi ko alam. Basta ang naalala ko ay may mga nakaitim na taong sumugod sa aming tahanan at pinatakbo ako ni Mama palayo sa lugar at ang sunod ko na lang na narinig ay ang sunod-sunod na putok ng baril dahilan para mas mabilis pa akong tumakbo palayo.

Napahagulgol ako ng maalala ang mga magulang kong naiwan. Napakamasarili ko talaga kahit mga magulang ko ay iniwan ko dahil sa pagkaduwag at takot.

Napaangat ako ng tingin ng may taong nakatayo sa harapan ko.

Walang emosyon niya akong pinagmasdan. Napababa ang tingin ko sa hawak-hawak niyang baril sa kanyang duguang kamay.

Napaatras ako dahil sa takot at baka ako ang isusunod niyang patayin.

"P-pakiusap m-maawa ka" garagal kong wika habang humihikbi sa takot.

Lumuhod siya at marahang hinawakan ang aking pisngi. Nanginginig naman akong napayuko.

"P-please..."

Matapos niya akong hawakan sa aking pisngi ay agad niya akong binitawan dahilan para mapaangat ako ng tingin at napakunot-nuong pinagmasdan siya.

Madilim ang mukha nito at may galit akong nakikitang emosyon sa kanya mukha. Tumayo ito.

"I will fucking kill them..." anito at marahas na tumalikod at umalis.

Pinagmasdan ko siyang papaalis hanggang sa hindi ko na ito matanaw. Hindi ko siya kilala pero may nararamdaman akong ligtas ako sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status