Share

CHAPTER 5

DARK The Mafia Boss Chapter 5

"SAAN naman kaya ako pupunta nito?" Nilibot ng aking paningin ang boung paligid. Habang ang isang daliri ko naya ibaba ng mga labi ko. Napasamangot ako.

Sa laki ng bahay na ito baka maligaw pa ako. Pero wala naman kasing magawa doon sa kwarto. At bumabalik lang sa isip ko ang tagpong iyon kanina. Bakit niya kasi ako hinalikan sa noo pwede naman sa lips dibㅡaahh! Ano ba yang iniisip mo Aileen! Istapit na! Oki!

Umiiling-iling ako upang mawala ang tagpong iyon. Ipinalibot ko ulit ang mata sa buong paligid. Baka maligaw ako. Aaiish, bahala na nga.

Nasaan kasi si tiya.

Bumaba ako sa napakalawak na hagdan. Na nihawakan ay hindi ko magawa dahil sa kintab nito at baka madumihan. Pero napaisip ako, sa ganda kong ito hindi pwede humawak sa napakakintab na barindilya ng hagdan na ito. Nevah!

Kaya humawak ako rito at habang bumababa ay nakakalat naman sa paligid ang mga men in black kulang na lang ay may alien na biglang sumulpot sa harapan nila at handa silang i-quarantine ito sa loob ng mansyon.

Sa pagkakaalam ko, parang sila yung mga lalakeng dumukot sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko. Pinag-iisip ko na naman. Ganda ko kasi.

Binabay ko ang daan kung saan patungong kumidor. Nauuhaw kasi ako kaya kailangan ko ng maiinom.

Habang dumadaan ako ay nakakaasiwa ang mga titig ng mga taong ito. Anumang oras kasi parang lalapain nila ako kahit naka shades sila. Tagos kung tagos ang mga titig nila sa akin.

"Kuya, hindi po ako alien," bulong ko na ako lang naman ang nakakarinig. Nakababa lang ang tingin ko habang papasok sa loob ng kumidor.

Hallelujah! Nakarating rin ako.  Kaya nagmamadali akong kumuha ng baso at tubig sa ref.

Habang nagsasalin ng tubig sa baso ay nag-iisip ako kung saan naman ako pupunta pagkatapos nito. Pagkatapos ay ininom ito. Siguro ay lalabas na lang ako.

Pupunta ako sa likod ng mansyong ito at dahil gusto kong puntahan ang napakagandang tanawin sa likod ng mansyong ito. Naeexcite na ako.

"Hellow!!" Naibuga ko ang nainom kong tubig dahil sa gulat. At tinignan ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.

Nakangiti ito ng napakalawak sa akin na nakasandal sa island counter at kumakaway.

Hindi ako makapagsalita dahil pa rin sa gulat na nararamdaman ko. Bigla-bigla nalang kasing sumusulpot.

Nagdadalawang isip ako kung ngingitian ko ba siya at batiin. Ag sama ko naman ata kung hindi ko siya babatiin. Maganda ako pero hinid ako snob, "ahm, h-hi."

Mas lumawak pa ang ngiti sa labi nito, "you are Aileen, right?"

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Mabilis naman itong lumapit sa akin na ikinaatras ko. "They're right." Sabi niya habang sinusundot-sundot niya ang pisngi ko. Problema ng babaeng ito?

Napapantastikohan niya parin akong tinitigan.

"He-he-he Bakit?" Tanong ko sa kanya dahil hindi niya parin kasi inaalis ang kakaibang tingin nito.

Napakahaba ng itim na itim nitong buhok na nasisiguro ko ay hanggang beywang niya at kulot ang nasa dulo nito. Nakatank-top at pinaresan jeans at killer heals. Hindi maalam kasi ako sa fashion pero ang masasabi kk lang ay bumagay sa kanya ang sout niya.

"you're beautiful, indeed." Sinabayan niya iyon ng paghagikhik. "like me," dagdag niya.

Naman, maganda talaga ako no'. Kahit simple lang ako, maganda parin ako. Oo, nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Ningitian ko siya sa sinabi niya. "salamat," pahumble muna.

"Ay, oo nga pala," nilahad niya ang kamay niya. "I am Talianna Sandoval, Talia for short, twenty-two years of age, ipinanganak ako sa tabi-tabi lang diyan. Paborito ko ang color pink and I love hello kitty, tinkebell, barbieㅡ"

"Pwede stop muna?" Ano 'to? Autograph?

"Shopping tayo, pleeeeaase." Kapagkuwan ay anito at pinagsalikop niya yung dalawang kamay niya at nagmaakaawa sa aking nakatingin.

Napakamot tuloy ako sa ulo. "Ha? Ano...kasi..." habang sinasabi ko iyon ay palinga-linga ako sa paligid, gusto kong tumakas, obvious ba? Wala nga akong pera, magsh-shopping pa.

Bigay ko kaya ang bente pesos at maghanap siya ng kasama niya at bumili ng corneto. Joke lang.

"Pasensya naㅡ"

"Pleeeaasse..." kulit ng puwet nito. Sa pagkakatanda ko mas matanda ito ng isang taon sa akin ah. Bakit parang bata ito kung kumilos.

"anoㅡ"

"Talia, can you stop bugging her? You so annoying,"

Nilingon ko ang nagsalitang iyon. Nasa hamba siya ng pinto at ang cute niya.

Hanggang leeg lang ang silver nitong buhok. Butterscotch eyes. Malamlam ang mga mata nito. At pink na pink na pisngi nito na ang sarap kurutin. Tapos subo-subo pa nito ang isang chichiryang nakakunot ang noo. Cute.

"Eeeeh, ayoko! I want a shopping with her lang naman eh." Nagmamaktol at nakasimangot naman ang katabi ko ngayon.

"Still you're annoying," ulit nitong cute na babae habang walang tigil sa pagpapapak sa chichirya niya.

Hindi ko naman magawang ialis ang tingin sa kanya. Naaliw ako. Cute kasi.

Napansin niya siguro na kanina pa ako nakatitig sa kanya kaya nilingon ako nito at sinamaan ng tingin na ikinakunot ng noo ko. Problema niya?

"if you want this food, go get yours, I do not share." Grabe siya oh.

Hindi niya parin ako nilulubayan ng masama niyang tingin. Iniisip siguro nito ay gusto ko yung pagkain niya.

"Hihihi," nilingon ko si Talianna dahil bumungisngis ito. "Aileen, she's Psyche Lovein Haythe, ang patay-gutom na babae dito and she's not sharing her foods sa amin because she's maduga." Pagpapakilala niya sa babaeng kakarating lang na sinamaan siya ng tingin ng huli.

"I don't care if I'm maduga," ginaya nito kung paano magsalita si Talia. At nagme-make-face ito na mas ikina-cute niya. Nakakatuwa sila. Isang conyo girl at isang matakaw girl.

Nilingon ako ni Psyche matapos nilang magbangayan ni Talia. "just call me Psyche, no other names or you'll be dead." Pagbabanta nito.

Katakot naman siya. Tumango ako ng ilang beses bilang sang-ayon.

"She hates her pangalan because, because that's it hehehe," sinamaan ulit siya ng tingin ni Psyche habang sinusubo ang chichirya sa bibig at inirapan.

"Taray," anito ni Talia. "So, let's shopping?"

Pasimple akong napairap. Hindi pa pala nawawala ang topikong iyan.

"Pwede ba Talianna, stop it, will you!?" Kahit galit ang cute niya parin. "What?!" Binalingan ako ng masama nitong tingin na mabilis kong ikinailing.

Nakasimangot naman na nilingon si Talianna. "ahm," nilingon niya ako.

"Wag na nga lang," nag-iisip siya. "gusto mo bang lumabas? You know what it's so maganda in the backyard may mini labyrinth there,"

Umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya at ilang beses na tumatango. "Psyche, ipasyal natin si Aileen, it's that okay with you?"

"Okay," kibit-balikat na sagot nito.

Nagsimula na kaming lumabas at ginamit namin ang likurang bahagi ng mansyon para makalabas. At bumungad sa akin ang napakalawak na mini-labarynth na may iba't-ibang klaseng kulay na rosas. At ang nakakapagpaganda rin nito ay ang kulay asul na karagatan.

Napakasarap ng simoy ng hangin. Nakakagaan ng loob. Humahampas naman sa akin ang mahinang bayo ng hangin nito. Dahilan para hawakan at ilagay sa kabilang balikat ang buhok ko.

"Mahanda diba?"

Binalingan ko ng tingin si Talia.

"Oo napakaganda," sang-ayon ko. 

Umupo kami sa bench na nandito sa loob ng labarynth na nakaharap sa karagatan. Rinig ko mula rito ang hampas ng alon.

So refreshing, at nakakawala ng pagod at problema. Ang nakakasira lang ng moment na ito ay ang malakas na tunog ng pagnguya ng chichirya ni Psyche.

Nakakunot ko siyang tinitigan ganon din si Talia.

"What?"

PAGSAPIT ng gabi ay nasa silid na ako na kwarto ni Dark. Mag-aalas-syete na at hindi pa rin siya dumadating. Alam ba niyang gutom na ang mga alaga ko sa tiyan? Aaiishh, kainis.

Padabog akong tumayo sa pagkakaupo ko sa kama at tutungo na sana sa pinto ng mapatigil ako ng may sunod-sunod na kumatok rito.

Lumapit ako at binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang babae na sa pagkakaalam ko ay chambermaid ito ng mansyon. Pinasosyal ko lang.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako nito. "Nakahanda na po ang dinner niyo miss, at naghihintay na po ang master,"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Master? Karate kids? Ahm, "okay," yun na lang ang sinabi ko at sinasarado muna ang pinto at inaayos ang hitsura ko.

Para na kasi akong dinaanan ng bagyo sa hitsura ko ngayon. Kailangan din mag-ayos ng sarili pero hindi na kailangan kasi effortless na yung ganda ko.

Bumaba ako at tinahak papuntang kumidor. Pero napahinto ako sa kalagitnaan ng aking paglalakad. Hinga malalim Aileen. Be confidently beautiful with a heart like Pia Wu-wurs--- ay, bahala na nga hindi ko mabigkas ang apilido niya. Napaka-komplikado katulad ni Dark. Connect please.

Pero, promise mga bes' ito na naman kinakabahan na naman ang kagandahan ko. Makikita ko na naman ang lalakeng iyon.

Hoo! Hinga malalim at buga, hoo! Paulit-ulit kong ginagawa iyon.

"Hey, are you okay?"

Napaubo ako sa gulat with matching nabilaukan pa. Napamura tuloy ako ng wala sa oras. Aatakihin ata ako sa puso nito.

Bakit ba kasi nangugulat ang taong ito. Sisinghalan ko na sana ito pero napatigil ako ng makilala ko siya. At nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Bes' meant to be na ba etey?

My bebelabs! "K-kidd," nauutal pa ako niyan.

Binigyan ako ng matamis nitong ngiti. Laglag panty alert!

"What are you doing here? Dark is waiting in the dining." Ang pormal talaga nitong magsalita kaya nga nakaka-nakaka...kaka...gigil. 

Hinila niya ako sa siko at tinangay paloob sa kumidor. Habang papasok ay nakatulala lang ako sa kagwapohan niya. Nakaka...nakaka...kaka..gigil.

Napatigil lang ako sa pagtitig kay bebelabs ng maramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko sa batok. Katakot. Anu yon?

Nilingon ako ni Kidd na may pag-alinlangan sa mukha na ginantihan ko naman ng ngiwi. Para kasing alam ko ng kung saan galing ang aurang iyon.

Nilingon ko siya na ngayon ay ang sama na naman ng tingin sa akin.

Ano bang ginawa ko? Wala naman diba? Ay meron pala, inamoy-amoy ko lang naman yung brief niya kanina ng nilibot ko ang buong kwarto. Bakit?! Kasalan ko ba na amoy fabric conditioner ang brief niya? Bango kaya.

Sa hagod ng titig nito ay kulang na lang ay mag-ala super sayan si Dark. Huhuhu. Bakit ba ang sama nito sa akin? Kung makatingin kasi para akong si majinbo na nagt-werk sa harapan niya.

Nalipat ang atensyon ko sa taong nagkukunwaring umubo at tahimik kasi ng hapag. Si West ito dahil sa kulay asul na buhok nito.

"Ah, so, let's eat?"

"Who said?" Wala paring emosyong ani ni Dark. Pero nakatitig parin ito sa akin.

Kanina ay parang kakainin na ako sa ekspresyon ng mukha nito ngayon naman ay wala itong kahit na anonh emosyon.

Napalabi akong hindi inilalayo kay Dark ang titig ko. Gutom na ako eh. Dumaan ang malambot na ekspresyon nito at bumalik ito sa dati. Tama ba iyong nakikita ko?

"Come here," utos nito.

Nilingon ko si Kidd sa tabi ko. Baka siya ang inutusan ni Dark. Pero sa akin ito nakatingin. Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?"

"Who else?" Ang lamig talaga ng boses nito. Pwede na sigurong akong magnegosyo ng Ice candy for sale dito.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinunod ko siya. Bale, magkatabi kami ngayon ni Dark sa aisle ng napakahabang lamesang ito. At pwede ng magkasya ang cabinet members ni Duterte.

Sa kaliwang bahagi ni Dark ay nakaupo si West na sinundan ni East at Zach. At sa kanan ko naman si Kidd, Darrfyl at Jaycob. May kulang, nasaan si Hypnos? Yung si sleeping boy.

Magtatanong sana ako ng may mapansin ako.

Yiee, kinikilig ako kasi katabi ko si kras. Lihim naman akong napangiti.

Naagaw ang atensyon ko ng padabog na tumayo si Dark at masama na naman akong tinitigan. Bakit? Ano na naman ba?

"Get up."

"Ha?" Tuminga ako sa kanya kasi nakatayo ito.

"I said, get the fvck up." Kahit mahina lang iyon ay nakakatakot parin.

Wala na akong magawa kasi nakakatakot siya. Tumayo ako at nagulat akong inilipat niya ako sa dati niyang pwesto at doon naman siya sa dati kong inuupuan. Aba'tㅡ hindi na kami magkakatabi ni Kidd? Ang daya.

May narinig akong nagpipigil ng tawa pero hindi ko iyon pinansin dahil malalim ang iniisip ko parang pacific ocean sa lalim.

Napasinghap ako. Wag mong sabihin na. Oh my gee! Bet niya ba si Kidd kaya ganyan siya kung makareact? Omgee talaga. Hindi ko ma take! May karibal na ako kay kras!

"Sit," nilingon ko si Dark na ngayon ay nakaupo na.

Pinasingkitan ko siya ng mata habang dahan-dahan akong umupo. Hindi inilalayo ang mga titig sa kanya.

"What?" Aba'y patay malisya ang isang ito a'.

"What- watin ko yang fes mo." Bulong ko.

"I can hear yoy, Aileen." Natigilan ako sa sinabi niya. Perstaym to bes' tinawag na ako sa pangalan ko. Bakit a ma ng hot pakinggan?

Iling-iling. May bebelabs ka na okay. Pero asawa mo siya! Aah! Nakaka-baliw! Promise, cross my heart, podluck, tapon susi!

"Crazy," nilingon ko ang katabi ko.

Nagsisimula na pala sila sa pagkain. Inpenes ha, parang fiesta rito. Ukupado ng nakakalaway na pagkain ang kalahati ng napakalaking lamesa na ito.

Kukuha na sana ako ng may maalala. "Teka! Hep! Taym pers! Hinto! Wait!" Inilahad ko ang kamay ko at ningitian ko sila ng sabay-sabay nila akong nilingon.

Nag-sign of the cross ako at pinagdikit ang aking palad. "Pray muna," kumunot naman ang mga noo nila pero iba naman ang sa katabi ko. Nakatitig lang siya sa akin na nginitian ko lang. "Salamat sa pagkain, amen! Lafang na!" Kumuha ako ng chicken sa harapan ko.

Napansin ko pang napailing-iling sila pero nasa pagkain na ang atensyon ko. Galit-galit muna.

Kukunin ko na sana ang kanin ng may kumuha nito at sinandukan ako nito. Napatitig naman ako sa kanyang nakanganga. O-kay. Ang awkward.

Napatitig naman ito sa akin na ikinainit ng pisngi ko. "eat,"

Parang nawala ang sasabihin ko. Nakatitig ang mga mata ko sa walang emosyon niyang mukha.

"Dito ba naman maglandian?" Napalingon ako kay Zach. Hindi ito nakatingin sa amin pero alam kong kami ang tinutukoy niya.

"Hayaan muna, binata na kasi si Darm." Gatol naman ni Jaysob na sinigunda ni Darrfyl.

"Wala paring forever." Anito at sabay sinubo ang steak.

"Hahaha!" Darrfyl.

"Tsk!"

Gutom ako kaya galit-galit muna sa pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status