Share

CHAPTER 4

DARK The Mafia Boss Chapter 4

HALOS MALAGLAG ang panga ko sa sinabi niya. Nakatulala at nakanganga lang ako na nakatitig sa walang buhay nitong mga mata. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang mga salitang mga iyan.

"Noㅡ" sinampal ko siya pagkalakas-lakas bago pa ito magsalita. "What the fvck!?" Sinampal ko ulit siya sa kabila para pantay naman.

Tinitigan niya ako ng masama habang nakahawak sa magkabilang pisnging sinampal ko. Ang sama ng tingin niya sa akin dahilan para mapaatras ako ng bahagya.

"You know whatㅡ"

"Hindi ko pa alamㅡ" naputol ang sasabihin ko ng mas tumalim pa ang titig nito. Waah!

"You are the first person dared to slap me." Napakalamig talaga ng boses niya. Para tuloy akong nasa north pole o kaya yung yelong binibili sa tindihan ni Mang Tomas na kapit-bahay naman ni Papa Ketchup. Huhuhu.

"E-edi mas magandang maranasan mong masampal." mahina ngunit sapat na para marinig niya. Kahit kailan talaga pahamak ang bibig ko.

Napansin kong nagtumiim ang bagang niya.

"Fvck!"

Napalundag ako ng magmura ulit siya. Pero ang mas kinagugulat ko ay sa isang kipmata ay nasa nakasampa na ako sa kanya na para saku ng bigas. Hindi agad ako nakahupa sa pagkagulat. Doon na ko na pumasok sa utak ko ang pangyayare ng makalabas kami sa kwartong kinasasaglakad ko kanina.

"Aaaahhh!!!" Tili ko at nagpupumiglas sa pagkakasampa sa kanya kapagkuway sinuntok-suntok ko ang likod nito. "Ano ba! Ibaba mo ako hayuf ka! Aaaah!!" Sigaw ako ng sigaw.

Na mas umalingaw-ngaw ang boses ko sa buong lugar. Pero wala akong pakealam basta ang gusto ko lang ay makawala sa baliw na lalakeng ito.

Pero ang baliw na ito ay hindi man lang ako binalingan ng tingin. Nasa harapan lang ang napaka-seryoso nitong tingin. Snob lang si koya.

Dahil nahihirapan na ako sa pwesto ko ay ako na mismo ang timigil. At nakapahalumbaba ang isa kong kamay sa likuran nito at naghihintay kung kailan niya ako ibaba.

"Titigil rin pala." Napairap ako sa hangin. Kahit na managalog ang isang ito ay napaka-sexy pakinggan. Ay, sheeet. Napakalandi ko talaga. Stapit na Aileen!

Napakalayo pala ng hallway nito. Yung kwarto kong nasaan ako ay hindi ko na tanaw. Sosyal pala si kuya, carpeted pa talaga ang sahig. Puros puti, itim at abo lang ang tema ng bahay niya. Hindi ko ito napapansin noong nandito pa ako. Dahil inis nga ako sa kanya diba. Ang mga muwebles ay halatang napakamahal nito. Atsaka, sa bawat dingding na malalagpasan ay may mga mamamahaling paintings na hindi ko maintindihan kung paano o anong hitsura ng mga ito.

Pumasok kami ay hindi pala siya lang dahil buhat-buhat niya ako sa isang kwarta or more like isa itong library, napakalaking library, alam ba niyang allergic ako sa mga libro kung hindi, sasabihin ko sa kanya.

Nagpupumilgas ulit ako dahilan para marinig ko siyang magmura.

"Shit! Will you stop moving, woman!?" Sigaw niya sa akin.

"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ibaba muna kasi akoㅡaaah!" Napatili ako ng bigla niya akong binagsak sa sahig. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tinapunan ko siya ng masamang titig. "Bakit mo ginawa yun?!" Hayuf talaga ang lalakeng ito. "Ang shaket! Huhuhu."

"Tsk, sabi mo ibaba kita. Ngayon naman aangal ka?" Sheet! Ang sexy niya talagang managalog.

I gasp. Aileen, maghunos-dili ka. Tama na ang pag-iisip ng ganyan.

Napasimangot ako. "Eh, sabi ko bang ibagsak mo ako ha? ha?" pinandilatan ko siya ng mata.

At ang hudas, inirapan ako. Nakanganga akong tinitigan siya haggang makaupo ito sa isang malaking sofa.

At hindi man lang ako tinulungang makatayo. Sakit kaya ng puwet ko.

"What are you waiting there?" Napakalamig na boses nitong aniya. Nakadekwatro ito at bagot akong tinitigan. "Seat." Utos nito.

Tumayo ako at hindi siya sinunod at nakatayo lang ako't masama siyang tinitigan ganon din siya. Ano ako tuta para sundin ang sinasabi niya ha! No way! Sa ganda kong ito? mga uto-uto lang ang gumagawa nun.

"Sit or elseㅡ"

"Sabi ko nga, uupo na." Nagmamadali akong umupo sa harapan nito. Kahit sofa ay sumisigaw ng karangyaan. Nahihiya tuloy akong umupo. May mini table ito sa gitna na pumapagitan sa amin.

Nakaka-intimidate tuloy ang hagod ng tingin nito sa akin. Imbes na sa mga mata ako nakatingin ay sa likod lang niya ako nakatitig ngayon.

"Kidd," salita nito.

Bumukas naman ang malaking pinto na pinasukan namin kanina. Iniluwa nito ang lalaking nakita ko kanina. Ganoon parin ang postura nito. Ningitian niya ako ng pamansing nakatitig sa kanya ginantihan ko rin ito ng ngiting kinikilig na hindi niya mahalata. Kyot niya talaga, kinilig ako. Kras ko na siya.

Nang makalapit ito sa amo at ng magawi ang tingin ko rito ay ang sama na ng tingin na ipinukol nito sa akin ganon din kay Kidd. Problema naman ng isang ito? Inirapan ko nga.

"Tss."

Ngayon ay natitig lang ako kay bebelabs kong si Kidd. Ang kyot niya talaga.

"Here," nalipat ang tingin ko sa kaharap na ang sama parin ng tingin. Napababa ng ang titig ko sa isang brown envelope. Napakunot ang noo ko. "Ano 'to?" Masungit na tanong sa kanya.

"See it with yourself, idiot."

Ako pa ngayon ang idiot? Kung sapakin ko kaya 'to?

Binuksan ko naman ito at kinuha ang laman. Nagsalubong ang mga kilay ko.

Marriage Certificate

Teka, anongㅡ

Ibinaba ko ang tingin ko sa mga nakapirma. Maryosep! Kailan ko pa ito pinirmahan? Wala akong pinirmahan na kahit ano at wala akong matandaan na pumirma ako ng lecheng Marriage Certificate sa buong buhay ko. Maliban na lang sa school i.d ko at fill-up form.

Marahas akong napatitig sa lalaking ngayon ay nakangisi na sa akin.

"Paano nangyare 'to?!" Singhal ko sa kanya. "No, no. That's fake!" Turo ko sa itinapon kong mga papel sa harapan.

Nagkibit-balikat ito. "That's not fake. And I don't do fake's," mariin niya akong tinitigan. "If you're not convinced, that's not my problem anymore."

Napanganga akong nakatitig sa kanilang dalawa.

"and by the way, he is my lawyer so he can witness the negotiation here,"

Negotiation? Negotiation!? Ano 'to bentahan? Kaloka ha!

Atsaka, butler na nga, lawyer pa. Edi wow! Kras na talaga kita!

Pero totoo na bang may asawa kuno ako? Waaaah!! Hindi na ako single?

"Hindi. Hinㅡ" nabitin sa ere ang sanang sasabihin ko ng maglabas siya ng baril na ikinalaki ng mga mata ko.

Oh my, ghad!

Napasinghap ako ng ilapag niya ito sa mini table paharap sa akin. Tinatakot niya ba ako?! Kung ganun, oo! Natatakot na ako.

Ang ipinunta ko lang naman ito ay trabaho, hindi ang maging asawa ng isang...kagaya niya.

Sino at ano ba talaga siya?

Bakit may ganyan siyang bagay.

"Whether you like it or you like it, you are mine now." Wala dun sa choices ang gusto ko. Bakit ang duga niya?! Tinatakot pa ako ng lalaking ito.

"Paano pag ayaw ko?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi niya ako matatakot okay?

Hindi...niya...ako...mata..ta..kot...waahh! Nakakatakot talaga siya. Titig pa lang pamatay na with palobo pa. Huhuhu. "Okay, fine! Wala na akong magagawa. Tatakotin ba daw ako." Binulong ko na yung huling sinabi ko.

Napansin kong ngumisi ito. "Good."

"Sapakin kita diyan 'e," bulong ko na ikinatawa naman ng mahina ni Kidd. Narinig niya siguro ang binulong ko.

"What?!"

Inirapan ko ito. "Wala!"

Teka nga, ilang araw na akong nandito at hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Asawa ko na nga kuno pero hindi ko naman alam ang pangalan.

Inayos ko ang pagkakaupo ako. "Uhm..."

"What?" Tinaasan ako ng kilay nito. Taray!

Ito na ang pagkakataon mo Aileen para malaman ang pangalan niya. Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang tatlong lalake kanina sa may kumidor.

"Yow!" Bati nung Jaycob.

"Tapos na ba?" Tanong naman ng isa at ningitian ako. "I'm Darrfyl Lance." Pagpapakilala nito. Nakakailang. Ningitian ko nalang siya para hindi naman ako sabihing snob.

"Zachary, Darrfyl and Jaycob will be your guardian," unat ni sino nga ba  siya?

"Guardian?" Nakakunot-noo kong tanong.

"Guardian sa madaling salita bodyguard mo." Sagot ng isa may kulay berdeng mga mata. Mukhang masungit din 'to. Hindi kagaya ni Darrfyl at Jaycob.

Guardian? Mukhang pinasosyal lang sa salita. 

Napansin ko naman ang isang lalaki na nasa kabilang pang-isahang sofa at...natutulog.

"Siya naman Hypnos Logan, masanay ka na sa kanya lagi yang natutulog kung saan man magpunta."  Sagot ni Jaycob nahalata niya siguro akong nakatitig sa lalaking ito.

"Bakit may bodyguard ako?"

"So you cannot scape away from me," salita naman ng hudas na ito na hindi ko alam man lang pangalan. Hindi naman na ako tatakas 'no. 

"Kanina pa tayo nag-uusap dito pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." Deretsahang tanong ko na wala ng paligoy-ligoy.

"Pfft! Pare, alam kong matinik ka sa babae pero pangalan mo hindi niya alam? Mukhang kinakalawang ka na ata." Pang-aasar ni Darrfyl sa kanya. Hindi naman niya ito pinansin datapwa't ay nakatitig lang ito sa akin.

"Jeremiah Dark Astro Martinez Valentin, don't forget that name." Sabi nito sa malamig na boses at tumayo na't tinahak ang pinto palabas.

"Mukhang nainis ata mga pre." Jaycob said.

"Kahit kailan talaga pikon ang isang iyon." Gatol naman ni Darrfyl sa kanya at nag-apiran sa isa't-isa.

"So, asawa mo na si Dark." Napalingon ako kay Jaycob.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung oo ba o hindi pero nasa harapan ko na ag ibidensya. Nakabalandra pa nga ang pangalan na Marriage Certificate sa pagmunukha ko.

"Hahaha! Masasanay ka rin." Jaycob.

"One of this days, matatanggap mo rin na asawa mo na siya." Napalingon ako kay Kidd na ang lawak ng ngiti nito sa labi.

Wala ba kaming pag-asa ni bebelabs Kidd ko. Huhuhu. Saklap naman nito bes'.

Diyos ko po, paano ba nangyari ang bagay na ito. Waaah, kailangan ko si Gus Abelgas ngayon din! Waaaah!!

Nasa malawak na hallway ako kasama si Kidd mylabs. Papunta raw sa silid ko. At yung apat na lalake ay hindi ko na alam kung saan nagpunta dahil bigla nalang itong nawala.

"Uhm, Butler Kidd napapansin ko lang bakit ang daming tao dito lalong-lalo na labas?" Kapagkuwan ay tanong.

"For your safety," sagot nito.

"Safety? Para saan?" Kunot-noong tanong ko.

Nilingon ako nito at binigyan ng mala-toothpaste commercial na ngiti. "From his rivals,"

"Bakit sino ba ang mga kalaban niya?"

"Many of them," huminto siya na ikinahinto ko rin at napapansin kong nasa dulo na kami ng pasilyo. At ngayon ay kaharap ko na ang napakalaking puting pinto. "we're her." Aniya at pinagbuksan ako nito.

Napasinghap ako sa ganda ng silid. Tumambad agad sa akin ang puti at itim na queen size bed. Isang napakalaking sofa nito na nakaharap sa napakaling sliding glass window na nahahanginan ang kulay krema nitong kurtina dahil sa mahinang hangin sa labas at napapansin kong isa itong napakalaking teresa. At napakaganda ng tanawin nito sa labas dahil kita mula rito ang mini-labyrinth at ang kulay asul na karagatan.

"Wow," yun lang ang nausal ko dahil sa pagkamangha sa buong paligid.

Nilingon ko si Kidd pero nawala ito sa kinatatayuan niya. Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid at ni anino niya ay hindi ko na nakita.

Mula sa kinatatayuan ko ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa isang pinto. May tao ba dito? Baka mali ng kwartong pinaghatidan ako ni Butler Kidd. Pero confident na confident pa nga niya akong pinapasok rito.

Ay naamoy ko rin ang panlalaking amoy sa kartong ito. Baka mali ata siya.

Nagmamadali akong tiningo ang pinto at ipipihit na sana ng may malamig na boses ang nakapagpapigil sa pagbukas ko nito.

"Where are you going?"

Napalunok ako ng di-oras. Mariin akong napapikit dahil sa sobrang kabado. Napansin ko rin ang mga kamay ko ay nanginginig.

Ano bang nangyayare sa akin?

"Face me,"

Hindi ko siya sinunod kundi ay nakatalikod lang ako sa kanya. Sa tuwing magsasalita kasi siya parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

"S-sorry, mali ata ang kwartong pinaghatidan sa akin ni Butler Kidd, sorry talaㅡ"

"No, tama ang kwartong pinaghatidan sayo."

Napakagat ako sa labi ko. Tanga ka ba Aileen, tama nga ang pinaghatidan sayo kasi kwarto ito ng asawa mo kuno.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang napakamot sa batok. "Ah..eh...kasiㅡ" napasinghap at nanlaki ang mga mata ko sa tanawing nakikita.

Pakentape! Yummynes abssssssss! madaming 's' kasi ang dami nila.

Kasi walo! Walong pandesal sa tanghali mga bes'!

Naka-black pants ito. At ang moreno nitong balat ay mas bumabay sa ma-maskels niyang pangangatawan. Para tuloy siyang nagbibilad sa araw sa dahil sa kulay ng balat nito. Mukhang pinagpaguran ang bawat detalye ng pangangatawan nito.

Wala sa sariling napakagat at napadila sa labi ko habang nakatitig sa mga nakakainggit na mga water droplets sa abs nito. Buti pa sila nakakapit diyan.

What a chicken bulalo meat! Kahinaan ko ang abs. Leche!

"What?" Walang kamuwang-muwang na lalake. Hindi niya alam na pinagnanasaan ko na ang yummynes abs niya.

Kunwari akong napaupo at iniwas ang tingin sa abs nito. Pero pasulyap-sulyap parin ng konti. 

"A-ano...dito ba talaga ang magiging k-warto ko?" Pinipigilan ko ang mautal pero pahamak ang abs niya.

"Yes, this our room, is there any problem with that?" Nagsalubong ang pagkanunot na noo nito.

Mabilis akong napailing. "Hindi! Ano lang kasi..." napakamot ako sa noo.

"What is it?"

Leche! Nakakadistract talaga ang abs niya! Pwede pasundot? Waaah!! Aileen tama na, okay?

"Tabi tayo?"

"Yes, whether you like or not, tatabi ka saakin sa pagtulog."

Para akong nahihipnotismo sa mga mata nito dahilan para mapatano ako ng ilang beses. Bakit ba pag sa lalaking ito ay tiklop ako? Meron kasi sa loob-loob ko na hindi ko maipaliwanag. Aaiissh!!

"Good." Pumasok ito sa isang pinto at lumabas agad na may dalang damit at agad na sinuot. Babay abs! "I'll be gone this afternoon, and be home before seven. I'll be expecting you at the dining, understood." Tinitigan niya ako ng mariin sa mata na ikinatango ko. At nagulat pa ako ng halikan niya ako sa noo.

Hanggang sa sumara ang pinto ay nakatunganga lang ako roon habang nakatitig at hawak-hawak ang noo kung saan niya ako hinalikan. At ang lakas ng tibok ng puso ko.

Anyare bhe?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status