Share

KABABATA 2

"AKALA namin na kung ano na nangyari sa iyo," ani Carla nang mahimasmasan ang kaibigan.

"Bakit ka pa kasi ngayon naglasing friend, ikaw pa naman ang isasalang sa opening mamaya," si Dessy.

"Si Rodel kasi ang may kagagawan niyan, huwag niyong sisihin ang frenny natin." si Kelly.

"Pasensiya na kung nag-aalala kayo," paumanhin ni Rose habang sapo ang noo. Masakit pa rin kasi ito at para siyang nahihilo. Akma siyang tatayo nang nakaramdam siya ng pagsusuka kaya agad na tinungo ang banyo.

Walang imik na nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan. Ayaw man nilang isipin ngunit parang may gustong ipahiwatig sa mga nangyayari kay Rose ngayon.

"H-hindi kaya..." Napatakip ng bibig si Dessy, ayaw man niyang isipin ngunit may kutob siya sa nangyayari sa kaibigan.

"Huwag naman sana." sambit ni Kelly sabay katok ng tatlong beses sa papag na yari sa kahoy.

Patuloy ang pagduwal ni Rose sa banyo. Ilang ulit na nga ba itong nangyari sa kanya. Kinakabahan siya at ayaw niyang isiping matulad din siya sa nangyari sa iba.

"Ayaw kong mabuntis!" impit siyang napahawak sa flat na tiyan. Napailing siya nang paulit-ulit habang ang kanyang mga luha ay kusang umaagos nang walang tigil.

********

Samantala....

"Daddy? Please.... Ayokong magpastor. Hindi iyan ang calling ko. Pagbigyan niyo na ako," pagsusumamo ni Kevin sa ama.

"Anak, ikaw ang panganay at kaisa-isang lalaki sa inyong magkakapatid, tapos hindi ka magpapastor? And dalawa mong kapatid, si Faith and Precious tingnan mo abala sa mga campuses at mga Bible study. Kailan ka ba magseseryoso sa buhay anak?" malumanay na saad ng kanyang ama na si Kenneth Torres, isang kilalang Bishop sa body of Christ.

"Dad, seryoso ako sa pagiging pulis ko, dito ako masaya," sagot ni Kevin.

"Anak..." walang magawa ang ama kundi ang humugot ng malalim na na hininga habang pinagmamasdan ang anak. Ayaw na niyang makipagtalo rito. Sa tuwing naaalala niya ang ginawa nilang paghahandog sa kanya sa Diyos noon, ay naroon ang pag-asang isang araw ay susunod ang kanyang panganay sa paglilingkod. Batid niyang may tamang oras para dito.

"Sige Dad, pupunta na po ako sa presinto," paalam ni Kevin pagkatapos niyang ibaba ang phone. Niyakap muna ang ama bago tuluyang umalis.

"Mag-iingat ka," pahabol niya. Isang ngiti lang ang tugon ni Kevin bago sumakay ng kotse.

Sa totoo lang ay takot si Kevin na harapin kung ano ang dapat niyang ginagawa kaya pilit niyang nilalabanan ang sarili upang huwag lamang niya lakaran ang landas ng kanyang ama. Alam niyang hindi ito madali. Ayaw niyang mapagdaanan ang naranasang persecution noong bata pa siya ng dahil sa pastor ang kanyang tatay. Hindi madali ang araw araw na nakikibaka sa ispiritwal para sa mga taong hindi mo naman kaano-ano. Pangunahan ang mga parang wala nang pag-asa sa buhay.

Ito na ang kinalakihan niyang buhay at ayaw niyang manatili rito. Nais niyang putulin ang nakatadhanang lalakaran niya gaya ng laging sinasabi ni Bishop Kenneth. " ito ang pagkatawag natin anak, ang maglingkod sa Diyos na buhay."

Muli na namang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon.

"Naglilingkod naman ako ah, sa mga taong nangangailangan ng proteksiyon, alam kong ginagawa ko kung ano ang tama. Dito ako masaya, at isa pa, mayroon pa akong misyon na dapat kong magawa. " wika niya sa sarili.

"Sinong kausap mo?" biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

"AY ANAK KA NG TATAY MO!" bulalas ni Kevin sa gulat. Taas-baba ang dibdib at agad na itinabi ang sasakyan.

"Ano ka ba Bro, bakit ka bang nanggugulat?" singhal niya sa kaibigan na humagalpak ng tawa sa reaksyon nito.

"Masyado ka kasing seryoso Bro, at bakit ka ba nagsasalita mag-isa? At saka, grabe ka naman kung magulat, bawas-bawasan mo 'yang pagkakape mo," wika ni Carl na tumatawa pa rin.

"Wala ka na do'n ha? Kita mong nagmamaneho ako diba? Hindi mo dapat ginawa yun," eh kung madisgrasya tayo, buti sana kung ikaw lang," inis pa rin si Kevin sa kaibigan.

"Oh, sorry na highblood la naman ke aga-aga, cool ka lang," iniba pa ni Carl ang boses saka isinandal ang likod sa upuan na parang di natinag sa inis ng kaibigan.

Napailing nalang si Kevin sa kaibigan. Muli niyang binuhay ang makina.

"Lumipat ka nga dito sa harapan, baka singilin kita diyan ng pamasahe," kumalma na ang tinig nito. Agad naman tumalima ang kaibigan.

"Paano ka ba napunta diyan?"

"Sumabay ako sa pagsakay kanina, kita mo, hindi mo man lang ako napansin, paano na lang kung masamang tao ako."

"Bakit hindi ba?" biro ni Kevin.

"Bro naman, nagbago na kaya ako, e di sana hindi na ako nagpulis," kamot ulo ni Carl.

"Oo na Carlito, naniniwala na akong nagbago ka na."

"Carl na lang, ang bantot naman ng Carlito." nakangisong wika ni Carl. Natawa naman si Kevin sa reaksyon ng kaibigan.

"Oo nga pala, madedestino na ako sa Maynila sa susunod na buwan." pag-iiba ni Carl ng usapan.

"Talaga, bakit daw?"

"Ewan ko ba kay Chief kung ba't ako pa ang napili, di ko pa nga nasasabi kay Larah eh."

"Eh di isama mo."

"Hindi pwede Bro, mabubuking ako."

"Yan tayo eh takot naman pala kay misis pero gumagawa ng kalokohan."

"Minsan lang naman ah, saka kapag good time lang naman.

"Magbago ka na nga! Kapag nahuli ka ng misis mo lagot ka na naman."

"Eh ikaw Bro, kailan ka ba mag-aasawa?"

"O, bakit sa akin napunta ang usapan?" si Kevin.

"Ayan ka na naman eh, ewan ko ba kung tunay kang lalaki, ni wala ka man lang pinopormahan! Sayang naman ang pagiging makisig mo."

"Darating din tayo Diyan," saad ni Kevin at nanahimik na siya.

"Sa tamang panahon, kabisado ko na mga linya mo Bro," wika ng kaibigan pero ngiti lang ang tugon ni Kevin.

*********

Sa club...

"Okey girls, mag-ready na kayo," maarteng wika ni Perlas, ang baklang assistant ni Mr. Choi.

"Oh Magda, ano pang ginagawa mo diyan nagsimula na ang tugtog, umayos ka ha! Kung ayaw mong makatikim na naman," singhal ni Perlas kay Rose. Agad namang tumalima ang dalaga.

Muli na naman niyang suot ang kapirasong telang tumatakip sa kanyang kabuoan. Pikit matang humarap sa mga tao at karamihan ay mga lalaki na tila uhaw sa laman. Muling dumaloy ang mainit na likido sa kanyang pisngi habang sinasabayan ng kanyang katawan ang mapang-akit na musika.

"Tanggalin mo na yan!" sigaw ng isa sa mga nanonood sa kanyang pagsayaw. Ngunit tila wala siyang naririnig. Patuloy ang ang pagindayog ng katawan kasama ang malamig na posteng bakal sa gitna ng entablado.

Pinilit niyang huwag marinig ang mga nakakarinding tawa ng mga uhaw sa laman. Agad niyang nilisan ang entablado pagkatapos ng tugtog na iyon.

Tinungo ang kwarto at agad niyang tinakpan ang kabuoan. Mahigit isang taon na niya ginagawa iyon ngunit tila ba hindi pa rin siya nasasanay.

"Sana huwag na muling sumapit ang dilim." usal niya habang dumadaloy ang saganang luha sa kanyang mga mata.

"Nasaan na si Magda? Naghihintay na ang costumer niya!" narinig niyang tila galit ang boses ni Perlas. Agad niyang inayos ang sarili at lumabas sa kwartong iyon.

Inaasahan na niya iyon. Halos sa tuwing pagkatapos niyang sumayaw ay agad na ipinapatawag siya. Isa siya kasi sa mga binabalikan ng mga mayayamang costumer ng club na iyon.

Tipid ang ngiti sa mga labing hinarap si Mr. Corpuz. Walang salitang namagitan.

Hinawakan siya sa kamay at dinala sa isang kwartong may malamlam na ilaw.

Hinayaan niyang gawin ang gustong gawin ni Mr. Corpuz sa kanya hanggang sa ito ay mapagod.

Pagkatapos makapagbihis ng lalaki ay isang makapal na sobre ang iniwan sa kama.

Walang pag-uusap na naganap. Hindi rin naman siya pinili ng kanyang costumer na makipag-usap sa kanya. Alam naman niyang katawan lamang ang gusto nito sa kanya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jonai Barnabas
thank you at sorry sa maraming errorsss .........
goodnovel comment avatar
Zieldian Romulo
Ang ganda Ng story ate jonaii
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status