Mag-log in"ROSE MARIE?" sigaw ni Kelly nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa malamig na sahig ng banyo. Bigla siyang kinabahan at halos maglaho ang lakas niya dahil sa takot na baka kung ano na ang nangyari rito.
"Tulong! Si Rose Marie! Tulong!" sigaw ni Kelly na nakadungaw sa p***o. Agad namang lumapit ang iba pang mga dalaga upang alamin kung ano ang nangyari. Kaagad nilang sinaklolohan si Rose Marie—pinagtulong-tulungan nilang buhatin ang nawalan ng malay na dalaga at inilabas sa banyo patungo sa higaan. "Rose, ano na naman bang ginawa mo? Please naman, ilang beses ko nang sinabi sa iyo na huwag mong sasaktan ang sarili mo," mangiyak-ngiyak na wika ng tulirong si Kelly habang dinadampian ng basang bimpo ang noo ng kaibigan. Paano ba naman, ilang beses nang nagtangka si Rose Marie na kilitilin ang sariling buhay dahil sa matinding dusa sa lugar na iyon. "Akala na namin kung ano na nangyari sa iyo," ani Carla nang dahan-dahang imulat ni Rose Marie ang kanyang mga mata at mahimasmasan. "Bakit ka pa kasi ngayon naglasing friend, ikaw pa naman ang isasalang sa opening dance mamaya," dagdag pa ni Dessy habang inaayos ang nagulong buhok ni Rose. "Si Rodel kasi ang may kagagawan niyan, huwag niyo namang sisihin ang frenny natin. Pinilit siyang paimuin nang paimuin kanina," pagtatanggol naman ni Kelly. "Pasensiya na kung nag-aalala kayo," mahinang paumanhin ni Rose habang sapo ang kumikirot niyang noo. Masakit pa rin ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay umiikot ang buong silid. Akma siyang tatayo mula sa higaan nang bigla siyang makaramdam ng matinding pagsusuka, kaya agad siyang patakbong tinungo muli ang banyo. Walang imik na nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan habang naririnig ang paulit-ulit na pagduwal ni Rose. Ayaw man nilang isipin, pero tila may gustong ipahiwatig ang mga nangyayari sa kaibigan nitong mga nakaraang araw. "H-hindi kaya..." Napatakip ng bibig si Dessy. Ayaw man niyang sabihin nang malakas, may matinding kutob na siya sa kalagayan ng kaibigan. "Huwag naman sana," mabilis na sambit ni Kelly sabay katok ng tatlong beses sa papag na yari sa kahoy. Samantala, patuloy ang pagduwal ni Rose sa harap ng inidoro. Ilang ulit na nga ba itong nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang linggo? Kinakabahan siya at ayaw niyang isiping matutulad din siya sa pait na sinapit ng iba nilang katrabaho na nabuntis habang nasa ilalim ng sindikato. "Ayaw kong mabuntis..." impit at nanginginig niyang usal habang dahan-dahang napapahawak sa kanyang patag na tiyan. Napailing siya nang paulit-ulit habang ang kanyang mga luha ay kusang umaagos nang walang tigil at humahalo sa tubig na pinhuhugas niya sa kanyang mukha. Samantala... sa kabilang bahagi ng lungsod. "Daddy? Please... Ayokong magpastor. Hindi iyan ang calling ko. Pagbigyan niyo na ako," pagsusumamo ni Kevin sa kanyang ama habang nakatayo sa may study desk. "Anak, ikaw ang panganay at kaisa-isang lalaki sa inyong magkakapatid, tapos hindi ka magpapastor? Ang dalawa mong kapatid na sina Faith at Precious, tingnan mo, abala sa mga gawain ng Panginoon. Kailan ka ba magseseryoso sa buhay, anak?" malumanay ngunit may diin na saad ng kanyang ama na si Kenneth Torres—isang kilalang Bishop sa body of Christ at iginagalang ng maraming miyembro. "Dad, seryoso ako sa pagiging pulis ko. Dito ako masaya, at ayaw niyo namang gawin ko ang isang bagay na napipilitan lang ako, 'di ba?" mahinahon ding sagot ni Kevin. "Anak..." Walang magawa ang ama kundi ang humugot ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang matipuno at matigas ang paninindigang anak. Ayaw na niyang makipagtalo rito lalo't maaga ang pasok nito. Sa tuwing naaalala niya ang ginawa nilang paghahandog sa kanya sa Diyos noong sanggol pa ito, naroon pa rin ang pag-asang isang araw ay susunod ang kanyang panganay sa paglilingkod sa altar. Batid niyang may sariling oras ang Panginoon para rito. "Dad, kailangan ko nang umalis at pupunta na po ako sa presinto," paalam ni Kevin. Niyakap muna niya ang ama bago tuluyang lumabas ng p***o. "Mag-iingat ka sa biyahe," pahabol ng ama. Isang ngiti lang ang naging tugon ni Kevin bago mabilis na sumakay sa kanyang kotse. Sa totoo lang, may takot din si Kevin na harapin ang landas na pilit na inilalaan para sa kanya. Kaya pilit niyang nilalabanan ang sarili upang huwag lakaran ang bakas ng kanyang ama. Alam niyang hindi madali ang maging pastor. Ayaw na niyang balikan ang naranasan niyang pambubully at persecution noong bata pa siya dahil lang pastor ang tatay niya. Para sa kanya, hindi madali ang araw-araw na pakikibaka sa espiritwal para sa mga taong hindi mo naman kaano-ano, o ang pangunahan ang mga taong nawawalan na ng pag-asa. Naniniwala si Kevin na higit na kailangan ng mga tao ang proteksyon sa totoong mundo, at magagampanan niya ito sa pamamagitan ng pagiging pulis at paghawak ng baril at badge. Ito ang buhay na napili niya at ayaw niyang manatili sa ilalim ng lilim ng kanyang ama. Nais niyang putulin ang paulit-ulit na sinasabi ni Bishop Kenneth: "Ito ang pagkatawag natin anak, ang maglingkod sa Diyos na buhay." Muli na namang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon habang pinalilipas ang trapik. "Naglilingkod naman ako ah... sa mga taong nangangailangan ng proteksyon. Alam kong ginagawa ko kung ano ang tama. Dito ako masaya, at isa pa, may sarili akong misyon na dapat kong matapos," bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kalsada. "Sinong kausap mo diyan?" biglang may nagsalita mula sa likuran niyang upuan. "AY ANAK KA NG TATAY MO!" bulalas ni Kevin sa matinding gulat. Taas-baba ang kanyang dibdib at agad niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada habang nakahawak sa manibela. "Ano ka ba Bro, bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya sa kaibigan na humagalpak na ng tawa sa naging reaksyon niya. "Masyado ka kasing seryoso diyan Bro! At bakit ka ba nagsasalita mag-isa? Saka grabe ka naman magulat, bawas-bawasan mo nga 'yang pagkakape mo sa umaga!" wika ni Carl na hawak pa ang tiyan sa katatawa. "Wala ka na do'n! Kita mong nagmamaneho ako 'di ba? Hindi mo dapat ginawa 'yun. Eh kung madisgrasya tayo? Buti sana kung ikaw lang ang maaksidente!" inis pa rin na asik ni Kevin. "Oh, sorry na, na-high blood ka naman kaagad kay aga-aga. Cool ka lang Bro," iniba pa ni Carl ang boses at isinandal ang likod sa upuan na parang walang nangyari. Napailing na lamang si Kevin sa kaibigan. "Lumipat ka nga rito sa harapan. Baka singilin pa kita riyan ng pamasahe eh!" Agad namang lumipat si Carl sa passenger seat. Muling binuhay ni Kevin ang makina at itinutok ang tingin sa daan. "Paano ka ba nakapasok diyan sa kotse ko?" tanong ni Kevin. "Sumabay ako sa pagsakay mo kanina habang nagpapaalam ka sa tatay mo. Kita mo, hindi mo man lang ako napansin. Paano na lang kung masamang tao pala ako?" "Bakit, hindi ba?" biro ni Kevin sabay tingin nang palihim sa kaibigan. "Bro naman, nagbago na kaya ako! Kung masamang tao pa rin ako, 'di sana hindi na ako nagpulis," kamot-ulong sagot ni Carl. "Oo na, Carlito. Naniniwala na akong nagbago ka na. Kaso wala lang talaga akong makitang ebidensya." "Carl na lang kasi! Ang bantot naman kapag Carlito," nakangusong hirit ni Carl. Natawa na lang si Kevin dahil alam niyang ayaw na ayaw nitong binabanggit ang buo nitong pangalan. "Oo nga pala, madedestino raw ako sa Maynila sa susunod na buwan," pag-iiba ni Carl ng usapan habang tumitingin sa labas ng bintana. "Talaga? Bakit daw sa Maynila?" "Ewan ko ba kay Chief kung bakit ako pa ang napili. Hindi ko pa nga nasasabi kay Larah eh." "Eh 'di isama mo si misis." "Hindi pwede Bro, mabubuking ako kapag kasama siya roon." "Ayan tayo eh. Takot naman pala kay misis pero gumagawa pa rin ng kalokohan sa labas." "Minsan lang naman ah, kapag may good time lang kasama ang tropa." "Magbago ka na nga nang tuluyan. Kapag nahuli ka ulit ng misis mo, ewan ko na lang sa 'yo," ilag na payo ni Kevin. "Eh ikaw Bro, kailan ka ba mag-aasawa o magkaka-girlfriend man lang?" tanong ni Carl. "O, bakit sa akin biglang napunta ang usapan?" "Ayan ka na naman eh. Ewan ko ba sa 'yo kung tunay kang lalaki! Ni wala ka man lang pinopormahan o kinakausap na babae sa presinto. Sayang naman 'yang pagiging makisig mo," pang-aasar ni Carl. "Darating din tayo diyan," simpleng sagot ni Kevin at nanahimik na habang nagmamaneho. " 'Sa tamang panahon' — kabisado ko na 'yang linya mo Bro!" panggagaya ni Carl sa boses niya. Ngiti at iling na lang ang naging tugon ni Kevin habang patuloy silang bumabyahe patungong presinto. "kapag nakita ko na siya muli." mahinang sambit ni Kevin, sapat nang siya lamang ang nakarinig.TAAS baba ang dibdib ang ina ni William dahil sa sobrang gulat. Noon lamang sila nakakita ng ganung kalaking ibon sa malapitan.Dumaan ito sa harapan ng kanilang sasakyan kaya ganun nalang ang kanilang gulat ngunit nagtawanan din sila pagkatapos. Hanggang sa marating nila ang bakuran ng pamilya ng dalaga."ELMY!" natigilan ang mag-anak sa narinig. Nagkatinginan sila."Boses ni William iyun Nay," ani ni Elmy at agad na tinungo ang bintana. Nabungaran niya ang kumakaway na William sa labas at may kasama ito."Nay! Tay! Si William nga po at may kasama siya," muling niyang nilingon ang binata na nakangiti ito sa kanya. Agad na tinungo naman ni Elmy ang pintuan ganun din ang magulang nito."William ! Anong ginagawa mo dito?" natutuwang tanong ng dalaga. Agad niyang niyakap si William dahil ang totoo miss na niya ito kahit isang araw pa lang ang nakakalipas mula nang ito'y bumalik sa Maynila. Ang totoo ay hindi niya ito inasahan.Gumanti rin ng yakap ang binata at napapikit pa ito."Sana ga
NAKAEMPAKE na lahat ng gamit ni Rose. Inilabas na rin niya ito sa kanyang silid at inaabangan na lamang niya ang pagdating ni Rex upang sunduin siya. "Aalis ka na talaga, hindi ka na mapipigilan." wika ni Axle mula sa likuran papalapit kay Rose. "Oo, nagsawa na kasi akong makita ang mukha mo!" Pabirong sagot ng dalaga. "Ikaw talaga, aalis ka na nga lang, ginaganyan mo pa ako," kunwaring pagtatampo ni Axle. "Nagdrama pa!" "Mami-miss kita" madamdaming saad ni Axle at walang pasabing hinila ang braso ng dalaga at niyakap. Hindi kaagad nakagalaw si Rose, hinayaan na lamang niya si Axle na yakapin siya sa sandaling iyon. Gumaan na rin naman ang loob niya dito kahit paano.Nasa ganoong posisyon sila nang biglang dumating si Rex. "Anong ibig sabihin nito?" Seryoso ang mukha at tinig ni Rex pagkasabi niyon. "Dude, relax, wala kamimg ginagawang masama. Nagpapaalam lang ako kay Rose, okay?" "Alam mong ayaw ko na pinapakialaman ang akin, Axle." "I know, dude, teka, pwede ba
NAKAEMPAKE na lahat ng gamit ni Rose. Inilabas na rin niya ito sa kanyang silid at inaabangan na lamang niya ang pagdating ni Rex upang sunduin siya. "Aalis ka na talaga, hindi ka na mapipigilan." wika ni Axle mula sa likuran papalapit kay Rose. "Oo, nagsawa na kasi akong makita ang mukha mo!" Pabirong sagot ng dalaga. "Ikaw talaga, aalis ka na nga lang, ginaganyan mo pa ako," kunwaring pagtatampo ni Axle. "Nagdrama pa!" "Mami-miss kita" madamdaming saad ni Axle at walang pasabing hinila ang braso ng dalaga at niyakap. Hindi kaagad nakagalaw si Rose, hinayaan na lamang niya si Axle na yakapin siya sa sandaling iyon. Gumaan na rin naman ang loob niya dito kahit paano.Nasa ganoong posisyon sila nang biglang dumating si Rex. "Anong ibig sabihin nito?" Seryoso ang mukha at tinig ni Rex pagkasabi niyon. "Dude, relax, wala kamimg ginagawang masama. Nagpapaalam lang ako kay Rose, okay?" "Alam mong ayaw ko na pinapakialaman ang akin, Axle." "I know, dude, teka, pwede ba
NAKAEMPAKE na lahat ng gamit ni Rose. Inilabas na rin niya ito sa kanyang silid at inaabangan na lamang niya ang pagdating ni Rex upang sunduin siya. "Aalis ka na talaga, hindi ka na mapipigilan." wika ni Axle mula sa likuran papalapit kay Rose. "Oo, nagsawa na kasi akong makita ang mukha mo!" Pabirong sagot ng dalaga. "Ikaw talaga, aalis ka na nga lang, ginaganyan mo pa ako," kunwaring pagtatampo ni Axle. "Nagdrama pa!" "Mami-miss kita" madamdaming saad ni Axle at walang pasabing hinila ang braso ng dalaga at niyakap. Hindi kaagad nakagalaw si Rose, hinayaan na lamang niya si Axle na yakapin siya sa sandaling iyon. Gumaan na rin naman ang loob niya dito kahit paano.Nasa ganoong posisyon sila nang biglang dumating si Rex. "Anong ibig sabihin nito?" Seryoso ang mukha at tinig ni Rex pagkasabi niyon. "Dude, relax, wala kamimg ginagawang masama. Nagpapaalam lang ako kay Rose, okay?" "Alam mong ayaw ko na pinapakialaman ang akin, Axle." "I know, dude, teka, pwede ba kitang maka
NAKAEMPAKE na lahat ng gamit ni Rose. Inilabas na rin niya ito sa kanyang silid at inaabangan na lamang niya ang pagdating ni Rex upang sunduin siya."Aalis ka na talaga, hindi ka na mapipigilan." wika ni Axle mula sa likuran papalapit kay Rose."Oo, nagsawa na kasi akong makita ang mukha mo!" Pabirong sagot ng dalaga."Ikaw talaga, aalis ka na nga lang, ginaganyan mo pa ako," kunwaring pagtatampo ni Axle."Nagdrama pa!""Mami-miss kita" madamdaming saad ni Axle at walang pasabing hinila ang braso ng dalaga at niyakap.Hindi kaagad nakagalaw si Rose, hinayaan na lamang niya si Axle na yakapin siya sa sandaling iyon. Gumaan na rin naman ang loob niya dito kahit paano.Nasa ganoong posisyon sila nang biglang dumating si Rex."Anong ibig sabihin nito?" Seryoso ang mukha at tinig ni Rex pagkasabi niyon."Dude, relax, wala kamimg ginagawang masama. Nagpapaalam lang ako kay Rose, okay?""Alam mong ayaw ko na pinapakialaman ang akin, Axle.""I know, dude, teka, pwede ba kitang makausap bago k
NAKAEMPAKE na lahat ng gamit ni Rose. Inilabas na rin niya ito sa kanyang silid at inaabangan na lamang niya ang pagdating ni Rex upang sunduin siya."Aalis ka na talaga, hindi ka na mapipigilan." wika ni Axle mula sa likuran papalapit kay Rose."Oo, nagsawa na kasi akong makita ang mukha mo!" Pabirong sagot ng dalaga."Ikaw talaga, aalis ka na nga lang, ginaganyan mo pa ako," kunwaring pagtatampo ni Axle."Nagdrama pa!""Mami-miss kita" madamdaming saad ni Axle at walang pasabing hinila ang braso ng dalaga at niyakap.Hindi kaagad nakagalaw si Rose, hinayaan na lamang niya si Axle na yakapin siya sa sandaling iyon. Gumaan na rin naman ang loob niya dito kahit paano.Nasa ganoong posisyon sila nang biglang dumating si Rex."Anong ibig sabihin nito?" Seryoso ang mukha at tinig ni Rex pagkasabi niyon."Dude, relax, wala kamimg ginagawang masama. Nagpapaalam lang ako kay Rose, okay?""Alam mong ayaw ko na pinapakialaman ang akin, Axle.""I know, dude, teka, pwede ba kitang makausap bago k
SA ISANG maingay at may kadilimang bulwagan ay pumapailanlang ang isang maharot na musika na sinasabayan ng mapang-akit na sayaw sa isang babaeng halos wala na'ng saplot sa katawan. Nakatutok sa kanya ang patay-sinding makukulay na kaya kitang-kita ang katawan nito na siya namang pinagpipiyestahan n
SA CLUB... "Okey girls, mag-ready na kayo," maarteng wika ni Perlas, ang baklang katiwala ni Mr. Choi sa bar na iyon. "Oh, Magda, ano pang ginagawa mo diyan nagsimula na ang tugtog, umayos ka ha! Kung ayaw mong makatikim na naman," singhal ni Perlas kay Rose. Agad namang tumalima ang dalaga pero t
NAGWAWALA pa rin si Rodel sa labas ng kwarto. Naiingayan na rin ang ilang kababaihang naghahanda para sa kanilang perform maya-maya lamang. "Girls, don't worry, ako na ang bahala." ani Monique na naiinis na. Padabog niyang tinungo ang pintuan at numiti muna siya ng peke bago binuksan ang pinto. "A
BALIK SA KASALUKUYAN... "Gising na siya!" ani Kelly. Kaagad na tinabihan si Rose Marie at binigyan ng tubig. Pagdilat niya ay nakatunghay ang lahat niyang kaibigan sa kanya. "Friend, nahilo ka na naman kanina at sabi ni Perlas ay papupuntahin daw yung doktor."tila nag-aalalang wika ni Kelly. "B







