Share

Chapter 3 The Beast

ISANG bayan yon sa lalawigan ng Rizal na malapit lamang sa Metro Manila ang tinungo ni Oliver. Huminto ang kanyang kotse sa tapat ng isang ordinaryong bahay. Isang matandang babae ang lumabas at masayang sumalubong.

“Good morning po sir Oliver.” Bungad bati nang nakangiting si Aling Lagring.

Umibis sa kanyang kotse si Oliver. “Si Aling Lagring talaga. Sabi ko naman sa’yo alisin mo na ang sir. Oliver na lang po.”

“Pasensiya ka na talaga sir. Hindi pa rin kasi ako masanay. Mayaman ho kayo at sobra po ang pag-galang ko sa inyo kaya sir ang tawag ko po.”

“Kayo po talaga. Payakap nga po.”

Mahigpit na yumakap si Aling Lagring at muli na namang tumulo ang mga luha nito tulad ng dati kapag niyayakap niya.

Suminghot-singhot bago nagsalita. “Alam mo sir. Kapag yakap kita ay palagi kong naalala ang anak kong si Banjo.”

Napapikit ng mariin si Oliver sa narinig. Pinigilan niya ang nang-gigilid na mga luhang sumilay sa sulok ng kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng matanda.

Hindi pa panahon, naisaloob niya.

Kumalas na sa pagkakayakap si Oliver. “Tama na po ang drama. Mabuti pa ho ay tulungan ninyo akong kunin ang mga pasalubong ko sa inyo. Nasa loob ho ng kotse.”

MULA nang bumalik siya mula sa Amerika ay si Aling Lagring kaagad ang pinuntahan niya. Halos mag-iisang taon na rin ngayon. Mag-isa na lamang ito sa buhay at mula noon ay palagi niya itong dinadalaw. Ang dating lumang bahay ay ipinagawa niya. Isang kuwento ang kanyang binuo upang papaniwalain si Aling Lagring upang tanggapin nito ang mga tulong niya dito. Sinabi niyang isa siyang malayong kamag-anak na tumira sa Amerika. Totoo namang may kamag-anak si Aling Lagring na nasa ibang bansa. Ang pinsan nito sa pinsan na si Aling Chayong ngunit matagal nang hindi umuuwi sa Pilipinas. Sinabi niyang ipinagbilin di umano ni Aling Chayong na tulungan si Aling Lagring kaya naman ay naniniwala ito kasabay ang labis-labis na pasasalamat

Palagi siya nitong ipinagluluto ng tinolang manok mula sa mga alaga nito kapag dinadalaw niya.

“Kain ka lang ng kain Sir.” Masayang sabi nito. “Talagang masaya ako kapag dumadalaw ka dito.”

Kung alam nyo lang po kung gaano rin ako kasaya inay kapag kasama kayo, gusto sana niyang isagot ngunit pinigil niya muli ang sarili. Hindi pa panahon para malaman nito ang katotohanan. Kasabay ng isiping iyon ay nanariwang muli ang kanyang nakaraan. Noong siya pa si Banjo Canoy.

“Aling Lagring.” Tawag ng isang babae mula sa labas. Pinutol ng tawag na iyon ang pagbabalik tanaw sana ni Oliver.

“Ay teka sir.” Nag-mamadaling dumungaw sa bentana ang matanda. “Halika Elisa pumasok ka.”

Nakangitng pumasok ang bagong dating at bahagyang naudlot ng makita si Oliver. “Dumating po pala kayo sir. Sakto po nagluto po ako ng mga panindang kakanin, heto po. Baunin niyo na pag-uwi.”

“Ikaw talaga Elisa. Nag-abala ka pa. Pero salamat. Paborito ko itong mga paninda mong kakanin.” Sagot naman ni Oliver at saka dumukot ng pera at iniabot kay Elisa. “Heto bibilhin ko ito.”

“Huwag na po sir. Bigay ko po yan. At saka pagtanaw ko po yan ng utang na loob sa inyo dahil palagi nyo akong binibigyan ng pera kapag napupunta kayo dito.”

“Tanggapin mo yan. Kasi ang sabi ni Aling Lagring ay gusto mong ipagamot ang nanlalabo mong mga mata. Huwag kang mag-alala tutulungan kita.”

“Maraming salamat po sir. Malaking tulong po ito. Kasi po talagang ayaw ko pong mabulag. Sabi po kasi ng doctor ko, baka raw mabulag ako kapag hindi naagapan.”

“Ang sabi ko nga po sa kanya ay tanggapin na ang iniaalok mong tulong sir.” Sabat naman ni Aling Lagring. “Kako ay pumayag na siyang ipaopera ang mga mata, sa tulong ninyo sir.”

“Nahihiya po kasi ako sir. Malaking gastos po ang kailangan sa operasyon. Hindi ko po kayo mababayaran.”

“Hay naku Elisa, huwag mo na munang intindihin ang bayad. Akong bahala. Basta ihanda mo ang sarili mo at pagbalik ko, magpa-opera ka na.”

NANG mapadaan siya sa National High School kung saan siya nag-aral dati ay gumuhit muli ang sakit at bumangon sa kanyang dibdib ang labis na hinanakit dala ng pang-aalipusta ng mga dating kaeskuwela at mga kakilala.

Mamaw. Mamaw. Mamaw. Tila naririnig pa niya ang mga sigaw na yon. Mamaw. Salitang hango sa Halimaw. Iyon ang tingin sa kanya noon ng lahat. Isinilang siyang pangit. Makakapal ang mga kilay na tila sa isang kapre. Maiitim at busargang mga labi na daig pa ang nangudngod sa ulingan. At dahil nagbibinata na ay unti-unti nang nag-sulputan ang mga tigyawat niya sa mukha. Na lalong dumami habang tumatagal. Maging siya ay nandidiri rin sa kanyang sarili kapag humaharap siya sa salamin.

Tanging si Aling Lagring ang totoong nagmamahal sa kanya at nagpapalakas ng kanyang loob.

“Huwag mo silang pansinin anak.” Madalas nitong sabihin sa kanya.” Wala sa mukha at anyo ang sukatan ng pagiging tao. Ang importante ay wala kang ginagawang masama. Wala kang inaapakan.”

“Pero bakit po ba ako isinilang na ganito inay? Pangit po ba ang tatay ko?” Madalas niyang itanong sa ina. Hindi na kasi niya nakagisnan ang amang si Mang Doroy. Paslit pa siya ng mamatay ito. Wala rin itong iniwang kahit anong klase ng picture man lang noong nabubuhay pa.

Malungkot na napailing si Aling Lagring bago sumagot. “Hindi pangit ang itay mo anak. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit nagkaganyan ang itsura mo. Siguro dahil ipinaglihi kita sa horror komiks. Noong ipinagbubuntis kasi kita ay hilig kong magbasa ng komiks na mga halimaw ang character.”

“Kayo naman pala kasi inay. Sa dami ng puwedeng paglihian ay horror character pa. Tingnan mo tuloy ang itsura ko. Parang hybrid na kapre at tikbalang.”

Awang-awang niyakap ni Aling Lagring ang anak at tanging nasabi na lamang niya, “Pasensiya ka na anak.”

Ngunit ang kuwento tungkol sa horror komiks ay gawa-gawa na lamang ni Aling Lagring dahil bago namatay ang kanyang asawa na si Mang Doroy ay inamin nito na lahi talaga nila ang pangit. At ang itsura ni Banjo ay namana nito sa pamilya ng father side. Kumbaga ay hereditary na sa pamilya ng father side nila ang itsurang ganoon. Suwerte nga raw na hindi nagmana si Mang Doroy.

Napailing na lamang si Oliver sa alaalang iyon. Itinabi niya ang kanyang kotse sa tapat ng eskuwelahan. Umibis siya at naupo sa ilalim ng malabay na puno. Iyon rin ang madalas niyang tambayan noong nag-aaral pa siya dito. At dito rin niya madalas pagmasdan ang unang babaeng nagpatibok at dumurog sa kanyang puso.

Si Chantal Meraville. Second year high school siya noon ng lumipat sa kanilang school ang pinaka-magandang babaeng una niyang hinangaan. Matalino ito kaya madaling naging kaibigan ng lahat. Maliban sa kanya na sadyang iniiwasan ng dalagita. Gayon pa man sadyang hindi niya mapigilan ang sarili na hindi pagmasdan ang halos perpektong mukha nito.

“Pauwi ka na Chantal?” Minsan ay lakas loob na sinabayan niya ito sa paglalakad.

“Anong pake mo?” Mataray na sagot nito. “At saka puwede ba lumayo ka sa akin. Ayaw kong mahawa sa itsura mo.”

“Sobra ka naman.” Malumanay niyang sagot. Durog na durong ang kanyang puso. “Tao rin naman ako ah.”

“Yakkss.” Tila diring diring sagot uli nito. “You are uglier than the creepy monsters in movies. Get lost. Okay?”

Mula noon ay hindi na niya tinangkang lapitan pa si Chantal. Nakukuntento na lamang siyang pagmasdan ito mula sa malayo.

“Chantal. Nakatingin na naman sa’yo si Mamaw.” Minsan ay pabulong na sabi ng isa nilang classmate.

Napalingon naman si Chantal. “Eewww. Gross. Grabe. Lalo siyang pumapanget every minute. Yakks.” Diring diring tinapunan siya nito ng tingin.

Narinig rin iyon ng isang classmate nilang lalaki. Si Welmor De Asis ang classmate nilang pinaka-bully.

“Hoy Mamaw. Kursunada mo si Chantal ano?” Mataas ang boses na sita ni Welmor. Tumayo pa ito sa upuan at lumapit pa sa harap niya. “Dehins kayo bagay kaya wag mo masyadong ambisiyonin. Kasi kami ang mas bagay. Pogi ako at maganda si Chantal. Kayo ay beauty ang the beast. Ikaw yong beast ha ha ha.”

Nagtawanan ang buong klase nila sa sinabi ni Welmor. Napayuko na lamang siya noon. Hiyang-hiya. At muling panabay na bumigkas ng Mamaw. Mamaw. Mamaw ang buong klase.

Natigil lamang ang lahat ng pumasok na ang kanilang teacher.

“What is this noise? Nasa labas pa lamang ako ay dinig ko na ang ingay nyo.” Bungad na sabi ng teacher nila.

“Eh kasi ma’am. Itong si Mamaw ay crush pala si Chantal.” Sumbong kaagad ni Welmor.

Isa ring mapang-asar ang teacher nila na matandang dalaga. Tiningnan siya nito at tila nakaka-lokong ngumiti. Nakataas pa ang mga kilay.

“Have you look at yourself in the mirror Banjo?” tanong nito. “Maawa ka naman kay Chantal.”

Nagtawanan uli ang buong klase.

Ang pang-aalipusta ng mga kaeskuwela ay puwede niyang itolerate pero hindi ang sinabi ng teacher na dapat sana ay pangalawang magulang niya pero harapan siyang binastos nito. Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. Bumangon ang matinding galit niya sa dibdib.

Kinuha niya ang notebook at padabog na tumayo para lumabas ng classroom. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay pinakawalan niya ang tinitiping sama ng loob.

“Ang sasama ninyo!” Galit na galit na sabi niya. “Hindi ko ginustong isilang na pangit. Hindi ko deserve ang pang-aalipusta ninyo dahil wala akong kasalanan sa inyo. Kung may nagawa akong mali, okay lang pero wala. Wala akong kasalanan sa inyong lahat!”

Pagkasabi ay lumabas na siya ng pinto. Naiwang tahimik ang lahat. Hindi na siya pumasok mula noon. Nawalan na siya ng pag-asa sa buhay. Ano pa nga ba ang kapalaran ang naghihintay sa isang pangit na tulad niya. Natuto siyang maglasing dahil sa labis na sama ng loob.

At madalas siyang umiyak sa harap ng nanay niya. “Masakit nay. Kung may kasalanan sana ako matitiis ko ang panlalait nila. Pero wala. Hindi ko ginustong isilang na pangit. Pahiram na lang ng kasalan inay.” At humagolgol siya ng humagolgol dala ng kalasingan.

Awang-awang niyakap siya ng ina. Bilang ina ay halos madurog ang puso nito dahil sa pagdurusa ng anak. Kaya ng mag-paalam siya para makipag-sapalaran sa Maynila ay hindi na siya nito pinigilan.

Napukaw lamang ang kanyang pagbabalik tanaw ng mula sa kanyang likuran ay nagsalita si Elisa.

“Andito pa pala kayo sir.”

“Ikaw pala Elisa. Pauwi ka pa lang?”

“Oo. Nag-kuwentuhan pa kami ni Aling Lagring. “Nakangiting sagot ni Elisa. “Alam mo sir dito rin ako nag-aral ng high school. Kaya lang wala kaming pera kaya hindi na ako nakapag-college.”

Gusto sana niyang isagot, alam ko dahil classmates tayo noon ngunit muli niyang sinarili na lamang muna yon. Hindi pa panahon para malaman nila.

Sa mga naging kaeskuwela niya ay tanging si Elisa ang hindi nakikisabay sa pang-aalipusta sa kanya. Tahimik lang ito at kung minsan ay nakiki-pagkuwentuhan pa nga sa kanya. Mabait si Elisa kaya gusto rin niyang tulungan ito ngayong may pera na siya.

Makuwento si Elisa. “Alam mo sir magaling rin ang eskuwelahang ito. Maraming graduate dito ang sikat na ngayon. Tulad ng classmate ko dati si Chantal Meraville. Muntik nang manalo yon sa sinalihang beauty pageant.”

“Talaga?” kunwari’y walang alam na sagot niya.

Pero may teacher ding masama ang ugali, naisaloob niya.

“Yong si Welmor de Asis. Classmate ko rin yon. Pinaka-bully sa amin pero ngayon ay congressman na.”

Bigla siyang nagka-interes sa narinig. Welmor de Asis. Naalala niya ang bully na kaeskuwela. Ang madalas mang-asar sa kanya noong pangit pa siya. Madalas rin siya nitong utos-utusan at alilain. Kung minsan ay nakakatikim pa siya ng dagok mula dito.

“Alam mo ba kung saan nakatira si congressman?” naitanong niya bigla kay Elisa.

“Bakit sir? Kilala mo ba siya?”

Ikinagulat niya ang tanong ni Elisa ngunit mabilis rin naman siyang naka-isip ng sagot. “H-Ha? Hindi pa pero gusto ko sana siyang makilala dahil balak kong magtayo ng negosyo dito sa inyo. Baka makatulong sa akin.”

“Puwede ko kayong samahan sir. Alam ko po ang bahay ni Congressman.”

“Sige. Some other time. Medyo busy pa ako ngayon.”

HABANG tumatakbo ang kanyang sasakyan ay hindi mapigilan ni Oliver ang mapangiting mag-isa. All his predators will become his prey. Very soon.

Ikaw ang isusunod ko Oliver de Asis.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa maluwang na bakuran ang kotse ni Oliver. It was an old mansion at the heart of the city. Built somewhere in 18th Century. Maluwang na bakuran at may mga mayayabong na puno.

Maging ang mga furnitures ay makaluma. Ang sala ay maluwang at pagpasok pa lamang ay bubungad na kaagad sa sino mang bibisita ang dalawang life size portrait na nakasabit sa dingding. It was the portrait of his benefactor Dr. Leonardo Calderon at ang isang portrait ay ang kanyang larawan. Matikas. Guwapo. Mayaman. Taliwas na buhay noong siya pa si Banjo Canoy.

Aakyat na sana siya sa kanyang kuwarto ng lumapit ang isa sa nga kasambahay. “Sir kanina pa ho tumatawag si Maam Kristy. Hindi raw po kayo sumasagot sa cellphone n’yo?”

“Ah oo nga pala. Lowbat kasi cellphone ko.” Pagdadahilan niya. “Pag-tumawag uli, sabihin mong wala pa ko.”

Si Kristy Montenegro ay ang fiancée niya sa Amerika.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status