Share

Chapter 5 Oliver Calderon

Isang maliit na paggamutang pambayan ang pinagdalhan sa kanila. Pagdating pa lamang nila ay tuliro na ang mga nurse at doctor sa pag-aasikaso. Sa tingin niya noon, ay talagang espesyal ang lalaking iniligtas niya at sa kilos pa lamang ng mga doctor ay naroroon ang respeto at pag-aalala.

Nakita niya kung paano asikasuhin ang lalaki. Kung ordinaryong tao lamang marahil ang mga naaksidente ay baka hindi kaagad ito inasikaso hangga’t walang pang-down payment. Ganoon kasi sa paggamutang bayan sa kanila. Minsan ay sumakit ng todo ang tiyan ni Aling Lagring at isinugod niya sa hospital ngunit halos hindi sila iniintindi lalo’t kulang ang dala nilang pera. Samantalang ang lalaking ito ay sinundo pa mismo ng ambulansiya ng ospital.

Ang babae naman ay nagkamalay na rin at inasikaso rin at nakita niyang iyak pa rin ito ng iyak habang pinapakalma ng mga nurse. Nang mag-hysteria ang babae ay tinurukan ito ng pampatulog.

Ilang sandali pa ay may lumapag ng helicopter sa likod ng hospital. Nakita rin
Armand Panday

Hello dear readers. Hope you will enjoy reading this. Pangako lalong gaganda ang mga susunod na chapters. Puwede po kayo mag-comment at the end of each chapter. It will be of great help. Thank you.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status