Share

Chapter 43 Doubt

Nang makauwi si Elisa ay dinatnan niya sa kanila si Teacher Badette na kasama ang anak na si Junior. Ipinangalan ito sa kanyang ama kaya Oliver Calderon Jr. at Junior ang palayaw. Nagpapalahaw ng iyak ang bata kahit pa nga ipinaghehele na ito ni Aling Lagring.

“Ang tagal mo naman Elisa. Kanina pa ako naghihintay sa’yo.” Bungad protesta kaagad ni Teacher Badette.

Sadyang hindi pinansin ni Elisa si Teacher Badette sa halip ay si Aling Lagring ang kinausap.

“Bakit ho ba umiiyak yan Aling Lagring.”

“May kabag. Nilagyan ko na ang gamot.” Sagot naman ni Aling Lagring na ipinaghehele pa rin ang bata.

Kinuha ni Elisa ang bata at saka pinahiga ng padapa sa kama. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kaiiyak. Tuwang-tuwa namang nakatingin sina Vino at Eliseo sa bata na ngayon ay ngumingiti na at nakatingin rin sa kanila.

“Kamukha, Vino ang baby.” Puna ni Eliseo.

“Ikaw kamukha.” Sagot naman ni Vino.

“Magkakamukha kayo. Pareho kayong mga panget.” Inis na singit ni Teacher Badette.

“Huwag n’yo nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status