Share

Chapter 42 Between Choices

Ilang araw na ang nakakaraan ngunit tumatanggi pa rin ang isipan ni Elisa na paniwalaang wala na si Oliver. Halos wala na siyang mailuha. Mahigpit ang tangan niya palagi sa kanyang celfone at binabalikan ang masasayang pictures nila ni Oliver lalo na noong magkasama sila sa tabing dagat. Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasadan ang mga iyon. Nakangiti at poging-pogi si Oliver sa mga kuhang larawan.

Walang pagsidlan sa katuwaan ang puso noon ni Elisa. Daig pa niya ang nasa cloud nine. Ang pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Isang guwapo, mabait at mapagmahal si Oliver at alam niyang maraming mga kababaihan ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Oliver Calderon at sa kabila ng siya ay isang simple at mahirap lamang ay siya ang pinili nitong pakasalan.

“Mama, utom na ko.” Pabulol na banggit ni Vino.

“Gatat, mama. Gusto ko gatat.” Ungot naman ni Eliseo.

Dahil malalim ang iniisip ay nawala panandalian sa isipan ni Elisa na tanghali na pala at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status