LOGIN
SKYE'S POV
Bzzzzzztt.....bzzzzzttt..... "Agh! Ingay!" Sambit ko habang sinusubukan kong kapain sa bedside table ko ang alarm clock. Nang mapatay ko na to ay agad na akong bumangon. Isang katok naman ang sunod na bumungad. "Ms. Skye, nakahanda na po ang almusal sa ibaba. Gising na baka mahuli ka pa sa school." Sambit nito. "Opo manang Lourdes. Sunod na lang po ako sa baba." Agad na akong kumilos para maghanda bago pa nila ako pasukin ulit dito sa kwarto, My name is Skye Lorraine Miller. People call me "Skye". 24 years old and currently nasa last year of college sa Southridge University, taking a bachelor's degree in business administration. Lowkey lang pero ang pamilya ko, ang 'Miller' clan ay kilala sa business industry. Usually inclined sila sa mga investments at dahil ako ang panganay, ako ang susunod na maghahandle ng busines ventures namin. Hindi lang obvious sa akin kasi mas gusto ko ang simpleng pamumuhay at hindi din ako mahilig sa mga engrandeng bagay. "Good morning, people!" Masiglang pagbati ko nang makababa ako sa dining area. "Skye, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na palitan mo na mga damit mo. Tamo yang suot mo, gamit na gamit." Sambit ni mama nang makita niya ang suot ko. Well simple lang mga suotan ko; simpleng blouses at trousers tsaka sneakers, at berret hat. "Hayaan mo na hon, ang mahalaga desente pa rin siyang tignan. Hindi naman fashion show ang pupuntahan niya pati, school." Pagtatanggol sa akin ni papa. Napangiti ako at nag apir kami. "Ayan, kaya nasasanay kinakampihan mo." Sagot ni mama. Agad nang inihanda ng mga maid namin ang almusal at isa-isa inilagay sa table. "Oo nga pala, dahil nasa last year ka na ng college, maaari kang mag internship sa kumpanya para matutunan mo na ang mga pasikot sikot once na maupo ka na sa pwesto." Sambit ni Papa. "Papa, pwede sa iba na lang? Hehe" Pabiro kong tanong kaya naman agad niya ako tinignan. "Joke lang. Opo." Sagot ko at sumubo ng hotdog. "Oo nga pala, kilala mo diba ang mga Harlowes?" Tanong ni Mama. "Oo naman, sino ba hindi makakakilala sa kanila eh isa din sila sa mga prominenteng pamilya dito sa Woodhearst town. Balita ko nga hanggang ngayon wala pa rin nakakakita or kilala doon sa billionaire heir nila." Sambit ko. "Bakit mo po natanong?" Dagdag ko. "Dahil may business at personal meeting kami kasama sila, at kailangan nandoon ka din. After 2 weeks yung meeting. Mag ayos ka dahil makikita natin ang tinago nilang tagapagmana." Paliwanag ni mama. "Wow! Bigtime. Para saan?" "Para sa kasal niyo." Naibuga ko naman ang iniinom kong kape. WHAT THE EFF?! ANONG KASAL?! Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga magulang ko. "Ha? Ma, pa. Kayo ba'y nakahithit?" Tanong ko. "Language." Sita ni Papa. "A-anong kasal? Ni hindi ko nga kilala yung tao ipapakasal niyo ako?" Sambit ko. "Aside sa business reasons, ikaw ang nais niya. Mahabang listahan ang mga nakalista para sa pagpili ng magiging partner niya, pero pinili ka niya at wala tayong magagawa doon." Paliwanag ni mama. "NO! Hindi ako basta basta magpapakasal lang for what? Para sa busines? Hell, nah! Mas gusto kong ikasal sa taong mahal ko. Sorry but this won't work." Akmang aalis na sana ako nang magsalita si Papa. "1 year." Agad naman akong napalingon. "Anong 1 year?" "Palugit. Manatili kayong kasal ng 1 year. Kapag hindi talaga kayo nahulog sa isa't isa, then you can file for divorce." Sambit ni mama. Napanganga na lang ako sa mga magulang ko. Ang tagal ng isang taon. "Anong laro to? Masyadong matagal isang taon." Pagmamaktol ko. "Magrereklamo ka pa o tatanggalan ka namin ng mana at itatakwil ka namin bilang isang Miller?" Pambabanta ni Papa. "Wow! Kaya niyo yun? Baka nakakalimutan niyo nag iisang anak lang ako?" Sambit ko. "Nag iisang anak na andito sa Woodhearst town. Si Eloise ay nasa America to finish her high school studies." Pagklaro ni Mama. Halos makalimutan ko na nga pala na may kapatid ako. Si Eloise Joanna Miller. Mas bata sa akin ng 9 years. Nag aaral sa America as a 9th grade high schooler. Matagal na siyang hindi umuuwi at ang komunikasyon lang namin ay through social media, minsan madalang pa makapag usap dahil sa sobrang busy ng schedule. "Yeah, right." Sambit ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Para saan ba at kailangan kong magpakasal sa kanya?" Tanong ko. "Aside sa business ventures, it was his duty na makahanap ng partner. Matagal na siyang naghahanap, pero balita ko ni isa walang nakapasa. Actually, kilala ka niya." Sambit ni Papa. "Ha? Ako? Eh hindi ko nga siya nakikita, at saka balita ko hindi siya nakikita publicly. So saan niya ako makikilala aside sa publicity stunts ng kumpanya?" Sagot ko. "Matalino ka sana kaso minsan di mo ginagamit utak mo. Malamang sa mga public affairs mo." Sambit ni mama. Napanguso na lang ako at pagkatapos ay natahimik na kaming lahat. Nagpaalam na ako at agad na umalis patungo sa school. Medyo mabilis lang ang naging drive ko mula sa mansion hanggang sa university dahil hindi naman ito kalayuan. Nang makarating na ako ay agad na akong nagpark. "Good morning, Princess!" Nakangiting bati sa akin ni Brook nang makababa ako sa kotse. "Morning. Himala nauna ka sa 'kin." Pang-aasar ko. "Syempre, ayoko mahuli na naman. Baka konting late ko pa ay mapatawag na ko sa dean's office." "Tama yan. Graduating na tayo kaya magtino ka." Sambit ko. Natawa na lang siya at agad na kami nagtungo sa classroom namin. Halos tinatamad ako pumasok ngayon dahil wala naman na masyadong gagawin sa last year of college aside sa thesis at internship. "Good morning, Skye." Pagbati sa akin ni Justin nang makaupo ako. "Morning." "Hmm.. wala ka ata sa mood? You okay?" Tanong niya. "Paano ba naman maganda ang bungad sa akin ng pamilya ko ngayong umaga." Nagsalubong naman ang kilay niya. "Why?" "Ikakasal ako." Tipid kong sagot. "Kanino?" tanong niya. "Doon sa Edmund Harlowe. Ni wala nga nakakakita or nakakita doon personally, tas doon pa ako ipapakasal?" Pagmamaktol ko habang binubuklat ang notebook ko. "Hmm... What if nakita mo na siya personally pero di mo lang alam na siya yun?" Tanong ni Justin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sa dinami rami ng tao na nakasalamuha ko, huhulan ko pa ba doon kung sino yung Edmund Harlowe na yan? Eh ayaw nga magpakita nung tao publicly tas hahanapin ko pa. Anyone can be Edmund Harlowe, including you. Pero anyways, ayoko kasi ayokong maikasal sa taong hindi ko kilala or hindi ko mahal." Sambit ko. Natahimik naman si Justin kaya naman napatingin ako sa kanya. "Okay ka lang?" "Oo. I mean, pwede mo naman idecline so anong problem?" Tanong niya. "I can't. Ayoko matakwil and besides, binigyan naman ako ng 1 year na deadline. If di ako mainlove sa kanya, then i could divorce him." Sagot ko. "Mabilis lang naman isang taon, hindi ba?" Nakangiti kong sambit. Hindi nagtagal ay pumasok na ang prof namin at nagsimula nang magpaliwanag ng mga requirements namin this semester.SKYE'S POVNang makarating ako sa estate ay agad akong sinalubong ni manang Lucille, ang maid na hinire ng mga Harlowe's para sa amin ni Ed."Magandang gabi, Mrs. Harlowe." Pagbati nito."Skye na lang po itawag niyo sa akin. Masyadong formal ang Mrs. Harlowe." Nakangiti kong sambit."Sige po, Ms. Skye." Nakangiting sambit nito. Napagala naman ang tingin ko sa buong bahay."Si Ed, nakauwi na ba?" Tanong ko sa kanya."Hindi pa po ma'am. Pero may nakahanda naman nang hapunan para sa inyong dalawa. " sagot ni manang Lucille."Sige po, hintayin ko na lang makauwi si Ed." "Ihahanda ko na po ba mga pagkain?" Tanong ulit niya."Sige po. Salamat." Pagkatapos ay agad na siyang bumalik sa kusina. Agad kong kinuha ang phone ko at minessage si Ed.To: HunHello, hun. Nakauwi na ako. Nasaan ka na?Hindi nagtagal ay natanggap ko agad ang reply niya.Fr: HunOn the way home. Natraffic lang ako. Nagdinner ka na ba?To: HunNope. Still waiting for you. Nagluto na ng dinner si manang Lucille. Hintayin
SKYE'S POVHindi pa rin mawala sa isip ko yung halikan ni Ed at nung Keisha. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting insecurity. Pakiramdam ko hindi ako enough kay Ed."Kung nakakapagsalita lang yang carbonara, kanina ka pa nan sinigawan na tigilan ang kakaikot-ikot sa kanya." Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Phoebe. Nasa restaurant kami ngayon sa isang mall dahil niyakad niya ako na mag shopping."Okay ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo." Tanong niya sa akin."Oo. Marami lang ako iniisip." "Like?""Nothing." Tipid kong sagot at nagpatuloy lang sa pagkain."Skye Lorraine, kilala kita. Kapag natutulala ka hindi lang basta 'nothing' yang pinagdadaanan mo. Now spill the tea." Sambit ni Phoebe. Alam kong gigisahin niya ako ng mga tanong kapag naglihim ako kaya wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya at para na rin makahingi ng payo."I saw Ed and Keisha kissing." Sambit ko. Halos mabitawan ni Phoebe ang tinidor niya nang marinig niya ang sinabi ko."What?! K
EDMUND'S POV"Hindi pa rin ma-identify, Sir. Hindi masyadong kuha mukha niya doon sa cctv footage." Sambit ni Claire. Halos umikot ang mata ko dahil dalawang linggo na ang nakalipas mula nung insidente pero hanggang ngayon ay wala pa rin update."Okay. Hihigpitan na lang natin ang security. Thanks, Claire." "And eto na ang mga paperworks na kailangan mong ireview since start na rin ng internship mo today." Nakangiting sambit ni Claire. Tumango na lang ako bilang tugon at pagkatapos ay lumabas na siya ng opisina. Nagumpisa na ang internship namin ni Skye. Nagstart na siya sa kumpanya nila at ako naman ay sa sarili din naming kumpanya. Kaya mas magiging abala kami ni Skye sa mga kanya kanya naming internship. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Skye para kamustahin."Hello, hun?" "Busy ka?" Tanong ko."Hindi pa naman masyado. Bakit napatawag ka?" Tanong ni Skye."Wala lang. Namimiss lang kita. Gusto ko nang umuwi." sambit ko habang nakanguso. Alam kong hindi naman niya nakikita ang
EDMUND'S POVHindi ko mapigilan ang ngumiti kahit kaunti dahil sa angas ni Skye. Wala nang maipambato si Keisha sa sagot ni Skye sa kanya kaya lumabas na lang siya. Napailing na lang ako dahil sa inaasal ni Keisha. Dati naman hindi niya na ako ginugulo mula nang itigil ko ang setup namin as fuck buddies. Nagkakaganito na lang siya mula nung kasal namin ni Skye at ipakilala na isa akong Harlowe."So, who's that girl?" Tanong sa akin ni Spencer, pambabasag niya sa nakapalibot na katahimikan sa aming lahat."Si Keisha. Dati kong ka fuck buddy. Nothing serious. Just fuck." Sagot ko sabay sipsip ng tubig."Mukhang gusto ka niya." Sambit ni Spencer."Gusto lang niya ako dahil isa akong Harlowe. Hindi naman niya ako ginulo mula nung tumigil kami. Ngayon lang siya nag ganyan." "Malamang gusto lang niya ng pera mo." Pagsingit ni Phoebe."Mabuti at palaban asawa mo haha! Hinding hindi ka niya basta basta maaagaw." Dagdag ni Spencer. Agad naman ako napatingin kay Skye na nag aayos ng mga pagkai
SKYE'S POV "Doc, kamusta po siya?" Nag aalalang tanong ko pagkapasok ng doctor sa kwarto. "Normal naman lahat. Pagod lang siguro and sobrang naexcite kaya siya nawalan ng malay. Kailangan lang niya magpahinga and wag masyadong maexcite." Pagbabalita ng doctor. Nagpasalamat ako at agad na siyang umalis, agad naman akong napatingin kay Ed na mahimbing na natutulog. Paano kami napunta mula sa amusement park na naging ospital? (FLASHBACK) "I like you, Ed. No, let me rephrase it.... I LOVE YOU" pag amin ko kay Ed. Nakatitig lang siya sa akin na tila ba nabato siya sa kinauupuan niya. "Huy." Sabi ko habang winawagayway sa harapan niya ang kamay ko. Hindi nagtagal ay bigla na lang ito nawalan ng malay. "Shit! Help!" Napamura ako nang masalo ko siya. Agad naman akong nilapitan ng mga tao na nakakita dahil medyo mabigat si Edmund. At napamura ako dahil namumutla siya kaya agad siyang dinala sa ospital. END OF FLASHBACK Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin siyang natutulog. Tinawagan k
EDMUND'S POV Nagtungo kami sa isang amusement park para ipagpatuloy ang araw namin. Una muna kami sumakay sa carousel dahil sabi ni Skye umpisahan muna namin sa chill rides bago sa mga extreme ones. "Mukha naman pambata." Sambit ko. "Basher ka. Ang cute kaya ng carousel, and ang nostalgic kaya. Naalala ko nung bata ako lagi akong dinadala ng parents ko sa amusement park. And this one is my favorite ride." Pagkukuwento ni Skye. "Ayaw mo ba sumakay? Its okay." Tanong niya. "It's fine. Sasakay ako. I want to try it." Sagot ko sa kanya. "Wag mong sabihin na hindi ka pa nakakasakay ng carousel?" "Hindi pa ko nakakatry ng amusement park. Lumaki ako sa estate namin. Never ko naexperience mga ganyan since bawal ako lumabas. I was homeschooled bago ako mag college." Sambit ko kay Skye. "Then, sisiguraduhin kong mag eenjoy ka. Yung tipong hindi mo makakalimutan ang experience mo." Nakangiting sabi nito at agad na akong hinila pa carousel. Inassist na kami ng staff at nang makasakay n







