LOGINEDMUND/JUSTIN'S POV
"Sir, may mga business meeting po kayo na nakaschedule for this week." Sambit ni Claire habang hawak ang notebook at binasa niya ang mga pending schedules ko. "And also sir, including next week yung family dinner niyo kasama ang mga Miller's to discuss your wedding." Fuck. Bigla ko na naman naalala ang mga nasabi ni Skye kanina. Ano kaya magiging reaction niya kapag nalaman niya na ako at ang lalaking ipapakasal sa kanya ay iisa? Paano kaya pag nalaman niya na ako ang pumili ng ikakasal sa akin. FLASHBACK It's my first day in college. Masaya din ako kasi finally makakalabas na ako sa Harlowe Estate. Makakabuo na din ako ng normal na buhay gaya ng iba. "Ed, wag mong kakalimutan na hindi mo pwedeng ipakilala o ipakita ang tunay mong pagkakakilala. Ipapakilala mo ang sarili mo bilang Justin Smith. Ikaw na bahala sumagot ng ibang tanong kapag may nagtanong regarding sa pagkatao mo." Sambit ni Papa. "Yes, Pa." Tipid kong sagot. "Oo nga pala, may napili ka na ba doon sa listahan ng mapipili mong pakasalan?" Tanong niya. Napabuntong hininga na lang ako at umiling. Dahil ako ang next in line na magmamanage ng kumpanya at tagapagmana, kinakailangan kong mamili ng magiging partner. Hindi lang para sa busines ventures kundi pati na rin sa buhay. "Bakit wala ka pang napipili? Wala ka bang nagustuhan? Halos mga nasa kilalang pamilya ang mga nasa listahan. Entertainment, business, sports." Sambit ni Papa. "Pa, chinecheck ko pa at saka kinikilala ko pa mga backgrounds nila. Let me take my time with this." Nakangiti kong sagot. "Okay. I trust you with this." "I'm going." Paalam ko. "Hindi ka papahatid kay Manong Jano?" Tanong niya. "Pa, mabubuking agad ako na isa akong Harlowe. Alam mo namang may famiily symbol ang kotse natin, remember?" paalala ko. "Okay, basta mag ingat ka." Ngumiti na lang ako at agad na umalis. Habang nasa kalagitnaan ng pagdadrive ay biglang tumigil ang kotse ko. Agad akong lumabas para tignan. "At ngayon mo pa talagang napiling masira, huh." Bulong ko. Agad kong kinuha ang phone ko para kontakin ang mechanic nang biglang may tumigil na kotse. Isang babae ang lumabas at nakangiti sa akin. "Nasiraan ka?" Tanong niya. "Yeah." Tipid kong sagot. "Saan ka papunta?" Tanong niya. Nakakunot na ang noo ko dahil hindi naman ako mahilig sa social interaction, given na ngayon lang ako publicly lumabas at wala pa nakakakilala sa akin kaya naman di ko na siya pinansin. "Papunta ako Southridge university. Baka lang madaanan natin yung pupuntahan mo isabay na kita. Mukhang matatagalan ka pa dyan eh." Sambit neto. So isa din siyang estudyante doon? Sambit ko sa isip ko. "Actually, papunta din ako doon. Pero thanks sa offer, antayin ko na lang yung extra car." Tugon ko. "Tara na. First day ngayon ayaw mo naman siguro malate sa first day of school, no?" Nakatingin lang ako sa kanya at bigala siyang ngumiti. Nakatitig lang ako sa kanya at napansin nang malalim na dimple sa kanang pisngi niya. She looks so nice...and pretty. Agad kong inalis ang thoughts ko at nabalik ako agad sa reyalidad. "Fine, if you insist." Agad kong minessage si Claire para ipaasikaso ang sasakyan ko at pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse nung stranger na nakalimutan ko pa hingin ang pangalan. Great, Ed. GREAT. "By the way, anong pangalan mo?" Tanong ko. "Skye." Sagot niya. "Skye who?" Tanong ko. Napakunot naman noo niya at bahagyang natawa. "Need mo ba full name?" "Uh.." Oo kasi baka nasa listahan ka ng mga choices na ipapakasal sa akin. "Skye Lorraine Miller. Skye for short. Ayokong tinatawag ako sa second name ko. Ikaw?" Pagbabalik niya ng tanong. "E—" Napatigil ako. Hindi nga pala nila pwede malaman kung sino ako. Halos mawala sa isip ko na ibang identity pala ang gagamitin ko. Nagkunwari akong nasamid at saka nagpatuloy. "Justin Smith." Tugon ko. "So.. ano prefer mo itawag sa'yo? Jus? Tin? Or full name?" Tanong niya. Halos mawindang ako dahil sobrang daldal niya. "Anything will do." "Okay, Jus. Anyways, anong coursse kinuha mo?" Tanong niya. "Accountancy." "Wow, bestfriend mo ata math." Pang aasar nito. "Ikaw?" "Business administration major in finance." Sagot niya. "Same pala tayo mahilig sa numbers." Sambit ko habang nakatingin sa kanya. "Hmm...kinda. Pero di ko hilig. Kailangan lang kasi ako next na mag ma-manage ng business namin. And required talaga na business major kuhanin ko... so ayun. Ikaw, bakit accountancy?" Pagbabalik niya ng tanong. "Same reason." Tipid kong sagot. "Oh, so business inclined din kayo.? Anong type ng business?" Tanong niya. "Monkey business." Pagbibiro ko. Napatingin siya sa akin at napailing. Natawa naman ako bahagya sa naging reaksyon niya. "Grabeng humor naman yan." Sambit niya. "Hahaha! May business pero mahilig lang talaga ako sa math." Sagot ko. Mabuti at hindi na siya nagtanong ulit dahil hindi ko na alam paano lulusutan ang mga tanong. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa university. "Thank you sa pagsabay sa akin." Sambit ko. "No worries, baka need mo din mamaya ng service, hatid na kita." "No need. Susunduin ako ng family driver. Pahingi na lang contact number mo." Sambit ko. Ngumisi naman siya at agad na kinuha ang phone ko at nagtype. "Smooth." Mahinang sambit niya at saka inabot pabalik ang phone ko. "Walang issue ah. Ikaw palang kilala ko. Bago lang ako dito sa lugar. I have no friends." Paglilinaw ko. "Oh, okay. Then meron ka na isa. Mauna na ako, nice meeting you." Sambit niya at agad na siyang umalis. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Claire. "Hello, sir Ed?" "Pahingi ako ng background ni Ms. Skye Lorraine Miller. Send mo sa akin agad." Utos ko at agad na ibinaba ang tawag. Lumipas ang araw na puro introduction at orientation ang naging ganap dahil first day pa lang. Nang matapos ang araw ay agad na akong umuwi. Sinundo ako ni Mang Jano dahil nasira ang kotse ko, pero malayo sa university niya ako pinick-up dahil gamit niya ang sasakyan ng pamilya ko. Pagkauwi ay agad kong nireview ang background ni Skye. Nalaman ko na ang pamilya nila ay kilala sa tradings and investments. May isa siyang kapatid na nag aral sa abroad. "Galing din siya sa prominenteng pamilya." Sambit ko. She seems nice and yung personality niya, pasok sa type ko. What if siya na lang? Napailing naman ako sa naisip ko. I barely even know her. Maybe i should give it some time. Lumipas ang ilang buwan ay mas naging malapit pa kami ni Skye sa isa't isa. Pagkatapos ng mga klase namin ay nagkikita kami para kumain sa labas, naging sandalan namin ang isa't isa. Hanggang sa pakiramdam ko ay nahuhulog na ako sa kanya. "Pa, nakapili na ako." Sambit ko. "Sino?" Tanong ni Papa. "Si Skye Lorraine Miller. Anak ng Miller family." Sagot ko. "Pero wala siya sa listahan—" "I don't care. Siya napili ko. besides, kilala din ang family nila sa business industry, pag nag invest sila at nagmerge ang companies natin ay mas lalakas pa tayo sa business industry. And mapapangasawa ko pa ang taong gusto ko mismo." Paliwanag ko "Win-win situation, y'know." Nakangiting sambit ko." "Okay then, magpapa-apponntment ako ng business meeting with the Millers para mapag usapan ang kasal." END OF FLASHBACK Hearing her against the wedding hurts me pero naiintindihan ko siya kasi sino ba gugustuhin na maikasal sa taong hindi nila gusto, and besides hindi pa niya nakikita yung taong pakakasalan niya. I just hope na hindi niya ako kasuklaman sa ginawa ko.SKYE'S POVNang makarating ako sa estate ay agad akong sinalubong ni manang Lucille, ang maid na hinire ng mga Harlowe's para sa amin ni Ed."Magandang gabi, Mrs. Harlowe." Pagbati nito."Skye na lang po itawag niyo sa akin. Masyadong formal ang Mrs. Harlowe." Nakangiti kong sambit."Sige po, Ms. Skye." Nakangiting sambit nito. Napagala naman ang tingin ko sa buong bahay."Si Ed, nakauwi na ba?" Tanong ko sa kanya."Hindi pa po ma'am. Pero may nakahanda naman nang hapunan para sa inyong dalawa. " sagot ni manang Lucille."Sige po, hintayin ko na lang makauwi si Ed." "Ihahanda ko na po ba mga pagkain?" Tanong ulit niya."Sige po. Salamat." Pagkatapos ay agad na siyang bumalik sa kusina. Agad kong kinuha ang phone ko at minessage si Ed.To: HunHello, hun. Nakauwi na ako. Nasaan ka na?Hindi nagtagal ay natanggap ko agad ang reply niya.Fr: HunOn the way home. Natraffic lang ako. Nagdinner ka na ba?To: HunNope. Still waiting for you. Nagluto na ng dinner si manang Lucille. Hintayin
SKYE'S POVHindi pa rin mawala sa isip ko yung halikan ni Ed at nung Keisha. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting insecurity. Pakiramdam ko hindi ako enough kay Ed."Kung nakakapagsalita lang yang carbonara, kanina ka pa nan sinigawan na tigilan ang kakaikot-ikot sa kanya." Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Phoebe. Nasa restaurant kami ngayon sa isang mall dahil niyakad niya ako na mag shopping."Okay ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo." Tanong niya sa akin."Oo. Marami lang ako iniisip." "Like?""Nothing." Tipid kong sagot at nagpatuloy lang sa pagkain."Skye Lorraine, kilala kita. Kapag natutulala ka hindi lang basta 'nothing' yang pinagdadaanan mo. Now spill the tea." Sambit ni Phoebe. Alam kong gigisahin niya ako ng mga tanong kapag naglihim ako kaya wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya at para na rin makahingi ng payo."I saw Ed and Keisha kissing." Sambit ko. Halos mabitawan ni Phoebe ang tinidor niya nang marinig niya ang sinabi ko."What?! K
EDMUND'S POV"Hindi pa rin ma-identify, Sir. Hindi masyadong kuha mukha niya doon sa cctv footage." Sambit ni Claire. Halos umikot ang mata ko dahil dalawang linggo na ang nakalipas mula nung insidente pero hanggang ngayon ay wala pa rin update."Okay. Hihigpitan na lang natin ang security. Thanks, Claire." "And eto na ang mga paperworks na kailangan mong ireview since start na rin ng internship mo today." Nakangiting sambit ni Claire. Tumango na lang ako bilang tugon at pagkatapos ay lumabas na siya ng opisina. Nagumpisa na ang internship namin ni Skye. Nagstart na siya sa kumpanya nila at ako naman ay sa sarili din naming kumpanya. Kaya mas magiging abala kami ni Skye sa mga kanya kanya naming internship. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Skye para kamustahin."Hello, hun?" "Busy ka?" Tanong ko."Hindi pa naman masyado. Bakit napatawag ka?" Tanong ni Skye."Wala lang. Namimiss lang kita. Gusto ko nang umuwi." sambit ko habang nakanguso. Alam kong hindi naman niya nakikita ang
EDMUND'S POVHindi ko mapigilan ang ngumiti kahit kaunti dahil sa angas ni Skye. Wala nang maipambato si Keisha sa sagot ni Skye sa kanya kaya lumabas na lang siya. Napailing na lang ako dahil sa inaasal ni Keisha. Dati naman hindi niya na ako ginugulo mula nang itigil ko ang setup namin as fuck buddies. Nagkakaganito na lang siya mula nung kasal namin ni Skye at ipakilala na isa akong Harlowe."So, who's that girl?" Tanong sa akin ni Spencer, pambabasag niya sa nakapalibot na katahimikan sa aming lahat."Si Keisha. Dati kong ka fuck buddy. Nothing serious. Just fuck." Sagot ko sabay sipsip ng tubig."Mukhang gusto ka niya." Sambit ni Spencer."Gusto lang niya ako dahil isa akong Harlowe. Hindi naman niya ako ginulo mula nung tumigil kami. Ngayon lang siya nag ganyan." "Malamang gusto lang niya ng pera mo." Pagsingit ni Phoebe."Mabuti at palaban asawa mo haha! Hinding hindi ka niya basta basta maaagaw." Dagdag ni Spencer. Agad naman ako napatingin kay Skye na nag aayos ng mga pagkai
SKYE'S POV "Doc, kamusta po siya?" Nag aalalang tanong ko pagkapasok ng doctor sa kwarto. "Normal naman lahat. Pagod lang siguro and sobrang naexcite kaya siya nawalan ng malay. Kailangan lang niya magpahinga and wag masyadong maexcite." Pagbabalita ng doctor. Nagpasalamat ako at agad na siyang umalis, agad naman akong napatingin kay Ed na mahimbing na natutulog. Paano kami napunta mula sa amusement park na naging ospital? (FLASHBACK) "I like you, Ed. No, let me rephrase it.... I LOVE YOU" pag amin ko kay Ed. Nakatitig lang siya sa akin na tila ba nabato siya sa kinauupuan niya. "Huy." Sabi ko habang winawagayway sa harapan niya ang kamay ko. Hindi nagtagal ay bigla na lang ito nawalan ng malay. "Shit! Help!" Napamura ako nang masalo ko siya. Agad naman akong nilapitan ng mga tao na nakakita dahil medyo mabigat si Edmund. At napamura ako dahil namumutla siya kaya agad siyang dinala sa ospital. END OF FLASHBACK Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin siyang natutulog. Tinawagan k
EDMUND'S POV Nagtungo kami sa isang amusement park para ipagpatuloy ang araw namin. Una muna kami sumakay sa carousel dahil sabi ni Skye umpisahan muna namin sa chill rides bago sa mga extreme ones. "Mukha naman pambata." Sambit ko. "Basher ka. Ang cute kaya ng carousel, and ang nostalgic kaya. Naalala ko nung bata ako lagi akong dinadala ng parents ko sa amusement park. And this one is my favorite ride." Pagkukuwento ni Skye. "Ayaw mo ba sumakay? Its okay." Tanong niya. "It's fine. Sasakay ako. I want to try it." Sagot ko sa kanya. "Wag mong sabihin na hindi ka pa nakakasakay ng carousel?" "Hindi pa ko nakakatry ng amusement park. Lumaki ako sa estate namin. Never ko naexperience mga ganyan since bawal ako lumabas. I was homeschooled bago ako mag college." Sambit ko kay Skye. "Then, sisiguraduhin kong mag eenjoy ka. Yung tipong hindi mo makakalimutan ang experience mo." Nakangiting sabi nito at agad na akong hinila pa carousel. Inassist na kami ng staff at nang makasakay n







