Share

Chapter 1

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2026-03-12 18:40:24

NAGISING si Lyka na nasa private room ng isang ospital. Hindi niya alam ang nangyari sa paligid niya. Napalinga si Lyka, nahagip ng mga mata niya ang Mama at Papa niya.

"Ma... Pa.. a-anong nangyayari?" tanong ni Lyka. Lumapit si Lani sa anak at hinawakan ang isang kamay ko.

"Wala ka bang natatandaan?"

Napakunot ang noo ni Lyka. Pilit niyang hinahalungkat ang alaala, pero parang may makapal na ulap na nakatakip sa isip niya.

"Ako… ang huling naaalala ko, papasok ako sa work…" mahina niyang sagot.

Pilit niyang inaalala ang lahat. Pakiramdam niya ay matagal siyang nakatulog, mga taon.

"Tapos, may ilaw. Malakas na tunog, tapos wala na."

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Nakita ni Lyka ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nila.

"Anak…" nanginginig ang boses ng Mama niya.

"Naaksidente ka."

"Naaksidente?" ulit ni Lyka, parang hindi makapaniwala.

Tumango ang Papa niya at marahang lumapit. "Nabangga ka ng sasakyan habang tumatawid ka. Tatlong araw kang walang malay ss ospital. Akala nga namin mawawala ka sa amin."

Nanlaki ang mga mata ni Lyka. "Tatlong araw…?"

Pakiramdam niya biglang nanlamig ang buong katawan niya. Hindi niya akalaing ganoon katagal siyang walang malay. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o magpapasalamat na buhay pa siya.

"Mabuti na lang ngayon, gising ka na at ligtas na," sabi ng Mama niya habang pinipigilan ang luha.

"Araw-araw ka naming binabantayan. Hindi kami umalis dito."

Napatingin si Lyka sa kamay ng Mama niya na mahigpit na nakahawak sa kanya. Ngumiti siya nang mahina.

"Pasensya na po… kung pinag-alala ko kayo."

Bumaba ang tingin ni Lyka sa kanyang tiyan. Nang may maalala siya. Marahan niyang hinaplos ang ang kanyang tiyan. Naapangat ang tingin niya sa magulang niya.

"Huwag mong sabihin ‘yan," agad na sagot ng Papa niya. "Ang mahalaga, gising ka na."

Ngunit habang nakatingin si Lyka sa kanila, may kakaiba siyang naramdaman. Parang may kulang. Parang may bagay siyang dapat na matandaan pero hindi niya maalala kung ano 'yon.

"Ma, ang anak ko?" Nalilitong tanong ni Lyka.

Nagulat si Lani sa sinabi ng anak niya. Napabaling ang tingin niya sa asawa.

"Anak, wala kang anak. Hindi ka naman buntis."

Nanlaki ang mga mata ni Lyka. "Ma, I'm pregnant. Alam ko may bata sa sinapupunan ko!"

Hysterical na sigaw niya.

Napahawak siya sa kanyang ulo. Ang alam niya nagdadalang-tao siya.

Natigilan ang buong silid sa sigaw ni Lyka.

"Anak, kumalma ka muna," pilit na mahinahong sabi ng Papa niya habang lumalapit.

"Hindi!" umiiling si Lyka. Napahawak siya sa tiyan niya. "Nararamdaman ko siya. Narito lang siya… narito lang…"

Ngunit may kakaiba. Tahimik at walang galaw, walang pintig siyang nararamdaman sa kanyang sinapupunan. Walang kahit anong pamilyar na pakiramdam na inaasahan niyang maramdaman.

"Nasaan siya?" nanginginig na ang boses niya. "Nasaan ang baby ko?"

Napaluha si Lani. Hindi niya agad masabi ang totoo. Nanginginig ang mga labi niya habang hinahaplos ang buhok ng anak.

"Lyka…" basag ang boses niya. "May mga bagay na… hindi mo na maalala."

Napailing si Lyka. "Hindi… hindi puwedeng wala siyang anak. Hindi puwedeng mali ako."

Napapikit siya nang mahigpit. Pilit niyang inaalala. May mukha. May boses. May mga kamay na humahawak sa kanya.

Isang lalaki. Matangkad siya at malamig ang mga mata. Ngunit may lambing kung tumingin sa kanya.

Ang boses nito na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang tenga. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lyka.

"Nasaan siya?" bulong niya. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy niya. Ang baby o ang lalaking iyon.

Nagkatinginan muli ang kanyang mga magulang. May lihim sa mga mata nila. Isang lihim na pilit nilang itinatago.

"Magpahinga ka muna, anak," sabi ng Papa niya.

"Hindi pa handa ang katawan mo at ang isip mo."

Ngunit hindi iyon ang gusto niyang marinig.

"May hindi kayo sinasabi sa akin," mahina ngunit matigas na sabi ni Lyka.

Walang sumagot.

"Ma, tawagin ko na kaya ang doktor ni Lyka..." sabi ni Enrico.

"Ang maigi pa nga, Papa. Hindi ko kayang tignan ang anak natin na ganito."

Mabilis na tumakbo si Enrico palabas ng private room at iniwan ang kanyang mag-ina sa loob ng kuwarto.

Napatingin si Lyka sa pintuan nang tuluyang magsara iyon. Naiwan siya kasama ang Mama niya na pilit na pinipigilan ang pag-iyak.

"Ma…" mahina niyang tawag.

Hindi agad sumagot si Lani. Patuloy lamang nitong hinahaplos ang kamay ng anak, ngunit ramdam ni Lyka ang panginginig nito.

"May nangyari ba sa baby ko?" deretsahang tanong ni Lyka.

Parang tinusok ang puso ni Lani sa tanong na iyon. Napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang katotohanan o kung dapat ba niya itong sabihin ngayon.

"Lyka, hindi pa malinaw sa doktor ang lahat. Saka hindi ko alam kung totoong buntis ka," umiwas siyang sagot.

Ngunit hindi iyon sapat para kay Lyka.

"Ma, huwag mo akong lokohin," nangingilid ang luha niyang sabi. "Ina ako. Nararamdaman ko siya, dito sa sinapupunan ko. Hindi ko lang iyon imahinasyon."

Tumulo ang isang luha mula sa mata ni Lani. Hindi na niya kinaya ang sakit na nakikita sa anak niya.

Bago pa siya makapagsalita, bumukas ang pintuan. Pumasok ang doktor kasama si Enrico. Naka-seryosong ekspresyon ang doktor habang hawak ang chart ni Lyka.

"Good afternoon, Ms. Lopez," mahinahong bati nito.

Napatingin si Lyka sa kanya. "Dok… buntis po ba ako?"

Natigilan ang doktor sa tanong. Napatingin ito sa mga magulang ni Lyka, na halatang kinakabahan.

"Doktor, sabihin n’yo po ang totoo," giit ni Lyka.

"Kailangan kong malaman."

Huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita.

"Ms. Lopez… noong naaksidente kayo, may mga komplikasyon na nangyari sa katawan ninyo."

Parang tumigil ang mundo ni Lyka.

"Ano pong ibig n’yong sabihin?" mahina niyang tanong.

Hindi agad sumagot ang doktor. Ngunit sapat na ang katahimikan nito para maramdaman ni Lyka ang paparating na sakit.

"Nagkaroon kayo ng miscarriage."

Parang nabingi si Lyka.

"Hindi," bulong niya.

"Sinubukan naming iligtas ang bata," maingat na dagdag ng doktor. "Pero masyadong malakas ang impact ng aksidente."

Napailing si Lyka. Unti-unting tumulo ang mga luha niya.

"Hindi!" ulit niya. "Hindi puwedeng mangyari iyon!"

Mahigpit niyang hinawakan ang tiyan niya, na parang umaasang mararamdaman pa rin niya ang presensya ng bata.

Ngunit wala na nga. Wala na ang maumbok niyang tiyan. Wala na ba ang anak niya.

"Lyka…" umiiyak na sabi ni Lani habang niyayakap ang anak.

Biglang napasigaw si Lyka.

"HINDI!"

Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong silid. Punong-puno iyon ng sakit, galit, at kawalan.

"May anak ako! Alam ko meron!" hysterical niyang sigaw habang umiiyak.

Agad siyang pinigilan ni Enrico. "Anak, please… kumalma ka…"

Ngunit paano siya kakalma kung pakiramdam niya ay may bahagi ng kaluluwa niya ang nawala?

Kasabay ng sakit na iyon…

May isa pang tanong ang unti-unting nabubuo sa isip niya.

Kung may anak siya…

Sino ang ama?

Pumikit si Lyka ng kanyang mga mata. Sa dilim ng isip niya, muling lumitaw ang mukha ng lalaking iyon.

Matangkad, may matigas ang panga at malalim ang mga mata.

Pilit niyang inaalala ang lahat pero wala talaga siyang maalala

Biglang bumukas ang mga mata ni Lyka.

"Ma…" nanginginig niyang bulong. "May asawa ba ako?"

Nanigas sina Lani at Enrico. Walang sumagot sa kanila. Ngunit sapat na ang katahimikan nila para kumpirmahin ang kinatatakutan ni Lyka.

May isang katotohanan sa buhay niya ang pilit nilang itinatago. Sa sandaling iyon, nagsimulang mabasag ang mundong pilit nilang binuo para protektahan ang kanilang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 32

    "GUMISING ka, Lyka! Anong nangyayari sayo?" Hysterical na sigaw ni Vanna habang niyuyugyog ang balikat ng kanyang best friend. Napamulat si Lyka ng kanyang mga mata. Napanganga ng malaki, para siyang kinapos ng kanyang paghinga. Napabaling ang tingin niya kay Vanna. Napaluha siya nang makita ang kaibigan. "Vanna... Vanna..." humahagulgol na sabi niya. Kinabig ng mahigpit na yakap ni Vanna si Lyka. "Kumalma ka. Huwag kang matakot," alo niya sa kaibigan. "Napanaginipan ko ang anak ko... si Reese. Hindi ko maintindihan, bakit parang kamukha ni Reese ang anak ko sa panaginip ko," sabi ni Lyka habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha. Nagbuntong-hininga nang malalim si Vanna habang hinahagod ang likod ng kaibigan upang pakalmahin ito. Alam niyang matagal nang hinahanap-hanap at inaasam ni Lyka na makita at makapiling ang anak, kaya hindi na siya nagtaka kung bakit puno ng emosyon ang bawat salita nito. "Baka dahil laman-laman ng isip at puso mo si Reese, kaya siya ang lumabas sa

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 31

    NANLAKI ang mga mata ni Vanna. "Di ba, contract wife ka lang ni Tony? E, paano kung mabuntis ka?" Bahagyang natigilan si Lyka sa tanong ng kaibigan. Hindi siya agad nakasagot at tila iniwas pa ang tingin. “Hindi ko alam...” mahinang saad niya. “Hindi ko rin naman inasahan na mangyayari iyon. Saka, ayokong isipin muna sa ngayon." Napabuntong-hininga si Vanna saka sumandal sa sofa. “Lyka, hindi ako galit ha? Nag-aalala lang ako para sa’yo. Mas mahihirapan kang makawala kay Tony kung mabubuntis ka," Malumanay ang tono nito. “At aam mo rin kung gaano kakomplikado ang sitwasyon mo kay Tony.” “Alam ko...” bulong niya. “Eh ano naman si Tony? May sinabi ba siya pagkatapos no’n?” Sandaling natahimik si Lyka bago sumagot. “Wala.” Mapait siyang napangiti. “Parang normal lang sa kanya. Kinabukasan, malamig na ulit siya. Ganoon naman talaga siya noon, di ba?" Napatitig si Vanna sa kanya. “At ikaw? Ano bang nararamdaman mo?” Napakurap si Lyka saka napayuko. “Hindi ko al

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 30

    "KUMUSTA na ang pakiramdam mo, Lyka?" tanong ni Vanna sa best friend niya. "Medyo okay-okay na... mahimbing na ang tulog ko kagabi," sagot ni Lyka. Sabay buntong-hininga at humarap sa kaibigan. Sa bahat ni Vanna pumunta si Lyka. Hindi alam ni Tony ang sa bagong bahay ng kaibigan niya kaya malabong masundan siya. "Alam mo, Vanna... napakahirap na ganito ang pamilya mo. Ang tingin lang sa'yo, investment ka. Kaya ka nagawang ipagbili kapalit ng mga ari-arian na nawala sa kanila. Sila naman ang may kagagawan kung bakit iyon nawala." Dagdag niya. Hinawakan ni Vanna ang kamay niya at iginiya palapit sa sofa. Magkalapit silang umupo. "Naiintindihan kita. Hindi mo gusto ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Naiipit ka. Pero ang kawawa rito ay si Reese. Kahit pa sabihing hindi mo siya tunay na anak..." “Pero ang kawawa rito ay si Reese. Kahit pa sabihing hindi mo siya tunay na anak... ikaw pa rin ang kinilala niyang ina,” mahinang dugtong ni Vanna. Napayuko si Lyka habang mahigpit na magka

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 29

    TONY hired the best investigator para lamang mahanap si Lyka. It's been a day na wala siya sa mansyon at para na siyang mababaliw. "Where are you, Lyka? Galingan mo lang ang pagtatago mo. Kapag nakita kita, hinding-hindi ka na muling makaalis sa qQqaQqQbuhay namin ni Reese..." Mariing napakuyom ang kamao ni Tony habang paulit-ulit na binabasa ang report na hawak niya. Halos mapunit na iyon sa higpit ng pagkakahawak niya. "Sir, we already traced her last location," maingat na sabi ng investigator sa kabilang linya. "She was seen leaving the city. Mukhang may tumutulong sa kanya." Lalong tumalim ang tingin ni Tony. "Find out who. I don’t care how much it costs," malamig niyang utos. "I want every detail. Lahat ng galaw niya, gusto kong alam ko." "Yes, sir." Agad niyang pinatay ang tawag at ibinagsak ang cellphone sa mesa. Napahagod siya sa kanyang buhok, pilit pinipigilan ang sarili na tuluyang mawalan ng kontrol. Isang araw. Isang araw pa lang wala si Lyka, pero pakir

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 28

    MARIING nakatiim ng kanyang bagang si Tony, matalim ang kanyang mga mata habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng kanyang opisina sa loob ng mansyon. "Can anyone tell me what happened?" Madiing tanong niya. Napasinghap si Renan sa tono ng boses ng kanyang anak. Nakayuko naman si Carlita, ayaw niyang salubungin ang matalim na tingin ni Tony. "Tell me what happened!" Napalakas ang boses ni Tony na ikinabigla ng mag-asawa. "W-Wala kaming alam ni Carlita..." mabilis na sagot ni Renan. "Then why my wife reaction is like that. She's crying the whole day. At wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa loob ng aking pamamahay." Matigas na sabi ni Tony. Hindi niya matanggap na maabutan niya si Lyka sa ganoong sitwasyon. Parang nadudurog ang puso niyang makita itong umiiyak ng ganoon. "Ang totoo niyan ay ang dapat siguro na tanungin mo ay sina Enrico at Lani. Napansin ko silang nagtatalo," sabat ni Carlita. Hindi nakaimik si Tony. Kuyom ang kanyang kamao. Ayaw niyang malalaman na may kinal

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 27

    HUMAHANGOS si Tony na umuwi sa mansyon. "Lyka! Lyka!" Malakas niyang sigaw sa labas ng silid ng asawa. Malalakas ang kanyang katok na halos magiba ang pinto ng kuwarto. "Open this d*mn door! Or else I will break it!" Bulyaw pa niya sa labas. Muli sana siyang kakatok nang bumukas na ang pinto. Nakayuko si Lyka na ayaw ipakita ang mukha sa kanya. Hinihingal si Tony na nakatingin lamang sa asawa. Inayos niya ang kanyang buhok at huminga ng malalim. "Can I come inside?" Hindi sumagot si Lyka, sa halip ay niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok siya sa loob. Sinundan ni Tony ang asawa sa loob. Pinapanood niya si Lyka na umupo sa gilid ng kama. "Puwede bang tapusin natin ang kontrata? A-Ayoko nang ituloy..." iwas niyang tanong kay Tony. Nanlaki ang mga mata ni Tony at mabilis na lumapit sa pwesto ng asawa. Nanginginig ang buong katawan niya sa narinig. Ilang beses ba niyang marinig ang ganitong salita mula sa babaeng kanyang minamahal? "What? Tapusin? Bakit? May nagawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status