LOGINLIMANG araw ang lumipas, tahimik ang biyahe ni Lyka habang nakatingin sa bintana ng kotse. Ang mga gusali, ang mga tao, at ang mga kalsada ay tila ordinaryo.
Ngunit ang puso niya ay hindi mapakali. Kabado siya na makakaharap si Tony. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya na papasok siya bilang katulong sa bahay ng lalaking kanyang minahal noon. May lihim siyang pagtingin kay Tony. Alam niyang mali iyon, dahil si Vanna ang gusto ng binata. Pilit niya iyong itinatago. Gusto niyang mahalin si Tony mula sa malayo. Mahigpit niyang hawak ang maliit na bag na naglalaman ng kanyang mga damit. Ito na ang kanyang bagong mundo. Iba sa mga nakagisnan niya. Kung noon ay mahirap na ang buhay para sa kanya. Ngayon, ay parang mas naging mahirap pa. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya sa pagpasok niyang muli sa buhay ni Tony. Hindi nagtagal, bumagal ang sasakyan at tuluyang huminto sa harap ng isang napakalaking bakal na gate. Unti-unting bumukas ang gate. Simula palang noong una ay malaki na ang agwat ng buhay nila ni Tony. May mga negosyo rin ang kanilang pamilya, ngunit hindi iyon katulad ng narating ni Tony. Namangha si Lyka nang makita ang mansyon. Napakalaki nito. Mas malaki pa kaysa sa dati nilang bahay. Ang malawak na hardin, ang eleganteng fountain sa gitna, at ang tatlong palapag na mansyon ay tila sumisigaw ng kapangyarihan. Napalunok si Lyka. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Bumukas ang pinto ng kotse at bumaba siya. "Miss Lyka," magalang na bati ng isang matandang lalaki na naka-uniform. Mukhang siya ang butler. "Ako po si Manong Felix. Ako ang namamahala dito sa mansion. Inaantay ka na po niya." Kinabahan lalo si Lyka. "A-andito po ba siya?" mahina niyang tanong. Tumango si Manong Felix. "Oo, Miss. Nasa loob si Master." Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lyka. Hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bahagi ng sarili niya ang natatakot. May bahagi ring sabik. Tahimik siyang naglakad papasok ng mansion. Bawat hakbang niya ay tila lalong nagpapabigat ng kanyang dibdib. Pagpasok niya sa loob, bumungad sa kanya ang napakalawak na living room. Mataas ang kisame. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol. Ang hagdan sa gitna ay kurbado, parang sa mga napapanood niya lang dati. Ngunit hindi iyon ang nagpahinto sa kanya. May isang maliit na batang lalaki na nakatayo sa gitna ng sala. Nakatingin ito sa kanya. Malaki ang mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit, ngunit parang may kung anong kumirot sa puso niya nang makita ito. Unti-unting lumapit ang bata kay Lyka. Pinapanood lang niya ang ekpresyon ng batang lalaki. "Ikaw ba si Mama?" Parang tumigil ang mundo ni Lyka. Nanlaki ang mga mata niya. "A-ako?" nanginginig niyang tanong. Tumango ang bata. "Matagal ka naming hinintay." Hindi niya alam kung bakit, ngunit biglang namasa ang mga mata niya. Hindi pa niya kilala ang batang ito in person. Pero madalas niyang makita ang mukha ng anak ni Tony sa newspaper. Ngunit ang puso niya… Parang matagal na itong naghihintay sa kanya. "Bakit ngayon ka lang bumalik?" inosenteng tanong ng bata. Hindi nakasagot si Lyka. Hindi niya alam ang isasagot. Ayaw niyang masaktan ang inosenteng bata na nasa harapan niya. Ang amo ng mukha nito na parang kay hirap makitang nalulungkot. Ngunit bago pa siya makapagsalita, may malamig at pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran niya. "Hindi siya bumalik." Unti-unting nanigas ang katawan ni Lyka. Kahit hindi pa siya lumilingon… Alam niyang siya iyon. Ang lalaking sisira sa katahimikan ng puso niya. At marahil, ang lalaking sisira muli sa puso niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Dumating siya dahil iyon ang kailangan niya." Dahan-dahan siyang lumingon. Doon niya nakita ang lalaking hindi niya maalala. Ngunit tila hindi siya kailanman nakalimutan. Matangkad ito. Matikas at sobrang lakas ng charisma na mapapatulala ka sa ka-guwapuhan. Nakasuot ng itim na suit. Ang mga mata nito ay malamig, ngunit puno ng kung anong damdaming hindi niya maipaliwanag. Nagtagpo ang mga mata nila. Sa loob ng isang segundo. May kung anong pira-pirasong alaala ang sumilay sa isipan niya. Lumundo ang dibdib niya. Hindi niya alam kung sa kaba iyon, dahil sa presensiya ng lalaking ngayon lang ulit niya nakita. "Welcome back, Lyka. It's nice to see you again." Napaawang ang labi niya. "B-back?" Bahagyang ngumiti ang lalaki. Ngunit ang ngiting iyon ay walang init. Para itong ngiti ng isang taong matagal nang nasaktan. "I'm Ray Tony Bautista," malamig nitong sabi. Huminto ito sa harapan niya. Sobrang lapit na parang nasasakal si Lyka. "Sana sa pagkakataong ito… hindi mo na ako iiwan muli." Nanlaki ang mga mata ni Lyka. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang salita ni Tony. Ngunit ang puso niya ay tila durog na durog. "A-anong sinasabi niyo?" mahina ngunit totoo niyang sagot. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ni Tony. Parang may kung anong nabasag sa loob nito. Ngunit mabilis din nitong itinago ang emosyon. "Talaga?" malamig nitong tugon. Bahagya nitong inangat ang baba ni Lyka gamit ang dalawang daliri,"GUMISING ka, Lyka! Anong nangyayari sayo?" Hysterical na sigaw ni Vanna habang niyuyugyog ang balikat ng kanyang best friend. Napamulat si Lyka ng kanyang mga mata. Napanganga ng malaki, para siyang kinapos ng kanyang paghinga. Napabaling ang tingin niya kay Vanna. Napaluha siya nang makita ang kaibigan. "Vanna... Vanna..." humahagulgol na sabi niya. Kinabig ng mahigpit na yakap ni Vanna si Lyka. "Kumalma ka. Huwag kang matakot," alo niya sa kaibigan. "Napanaginipan ko ang anak ko... si Reese. Hindi ko maintindihan, bakit parang kamukha ni Reese ang anak ko sa panaginip ko," sabi ni Lyka habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha. Nagbuntong-hininga nang malalim si Vanna habang hinahagod ang likod ng kaibigan upang pakalmahin ito. Alam niyang matagal nang hinahanap-hanap at inaasam ni Lyka na makita at makapiling ang anak, kaya hindi na siya nagtaka kung bakit puno ng emosyon ang bawat salita nito. "Baka dahil laman-laman ng isip at puso mo si Reese, kaya siya ang lumabas sa
NANLAKI ang mga mata ni Vanna. "Di ba, contract wife ka lang ni Tony? E, paano kung mabuntis ka?" Bahagyang natigilan si Lyka sa tanong ng kaibigan. Hindi siya agad nakasagot at tila iniwas pa ang tingin. “Hindi ko alam...” mahinang saad niya. “Hindi ko rin naman inasahan na mangyayari iyon. Saka, ayokong isipin muna sa ngayon." Napabuntong-hininga si Vanna saka sumandal sa sofa. “Lyka, hindi ako galit ha? Nag-aalala lang ako para sa’yo. Mas mahihirapan kang makawala kay Tony kung mabubuntis ka," Malumanay ang tono nito. “At aam mo rin kung gaano kakomplikado ang sitwasyon mo kay Tony.” “Alam ko...” bulong niya. “Eh ano naman si Tony? May sinabi ba siya pagkatapos no’n?” Sandaling natahimik si Lyka bago sumagot. “Wala.” Mapait siyang napangiti. “Parang normal lang sa kanya. Kinabukasan, malamig na ulit siya. Ganoon naman talaga siya noon, di ba?" Napatitig si Vanna sa kanya. “At ikaw? Ano bang nararamdaman mo?” Napakurap si Lyka saka napayuko. “Hindi ko al
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, Lyka?" tanong ni Vanna sa best friend niya. "Medyo okay-okay na... mahimbing na ang tulog ko kagabi," sagot ni Lyka. Sabay buntong-hininga at humarap sa kaibigan. Sa bahat ni Vanna pumunta si Lyka. Hindi alam ni Tony ang sa bagong bahay ng kaibigan niya kaya malabong masundan siya. "Alam mo, Vanna... napakahirap na ganito ang pamilya mo. Ang tingin lang sa'yo, investment ka. Kaya ka nagawang ipagbili kapalit ng mga ari-arian na nawala sa kanila. Sila naman ang may kagagawan kung bakit iyon nawala." Dagdag niya. Hinawakan ni Vanna ang kamay niya at iginiya palapit sa sofa. Magkalapit silang umupo. "Naiintindihan kita. Hindi mo gusto ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Naiipit ka. Pero ang kawawa rito ay si Reese. Kahit pa sabihing hindi mo siya tunay na anak..." “Pero ang kawawa rito ay si Reese. Kahit pa sabihing hindi mo siya tunay na anak... ikaw pa rin ang kinilala niyang ina,” mahinang dugtong ni Vanna. Napayuko si Lyka habang mahigpit na magka
TONY hired the best investigator para lamang mahanap si Lyka. It's been a day na wala siya sa mansyon at para na siyang mababaliw. "Where are you, Lyka? Galingan mo lang ang pagtatago mo. Kapag nakita kita, hinding-hindi ka na muling makaalis sa qQqaQqQbuhay namin ni Reese..." Mariing napakuyom ang kamao ni Tony habang paulit-ulit na binabasa ang report na hawak niya. Halos mapunit na iyon sa higpit ng pagkakahawak niya. "Sir, we already traced her last location," maingat na sabi ng investigator sa kabilang linya. "She was seen leaving the city. Mukhang may tumutulong sa kanya." Lalong tumalim ang tingin ni Tony. "Find out who. I don’t care how much it costs," malamig niyang utos. "I want every detail. Lahat ng galaw niya, gusto kong alam ko." "Yes, sir." Agad niyang pinatay ang tawag at ibinagsak ang cellphone sa mesa. Napahagod siya sa kanyang buhok, pilit pinipigilan ang sarili na tuluyang mawalan ng kontrol. Isang araw. Isang araw pa lang wala si Lyka, pero pakir
MARIING nakatiim ng kanyang bagang si Tony, matalim ang kanyang mga mata habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng kanyang opisina sa loob ng mansyon. "Can anyone tell me what happened?" Madiing tanong niya. Napasinghap si Renan sa tono ng boses ng kanyang anak. Nakayuko naman si Carlita, ayaw niyang salubungin ang matalim na tingin ni Tony. "Tell me what happened!" Napalakas ang boses ni Tony na ikinabigla ng mag-asawa. "W-Wala kaming alam ni Carlita..." mabilis na sagot ni Renan. "Then why my wife reaction is like that. She's crying the whole day. At wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa loob ng aking pamamahay." Matigas na sabi ni Tony. Hindi niya matanggap na maabutan niya si Lyka sa ganoong sitwasyon. Parang nadudurog ang puso niyang makita itong umiiyak ng ganoon. "Ang totoo niyan ay ang dapat siguro na tanungin mo ay sina Enrico at Lani. Napansin ko silang nagtatalo," sabat ni Carlita. Hindi nakaimik si Tony. Kuyom ang kanyang kamao. Ayaw niyang malalaman na may kinal
HUMAHANGOS si Tony na umuwi sa mansyon. "Lyka! Lyka!" Malakas niyang sigaw sa labas ng silid ng asawa. Malalakas ang kanyang katok na halos magiba ang pinto ng kuwarto. "Open this d*mn door! Or else I will break it!" Bulyaw pa niya sa labas. Muli sana siyang kakatok nang bumukas na ang pinto. Nakayuko si Lyka na ayaw ipakita ang mukha sa kanya. Hinihingal si Tony na nakatingin lamang sa asawa. Inayos niya ang kanyang buhok at huminga ng malalim. "Can I come inside?" Hindi sumagot si Lyka, sa halip ay niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok siya sa loob. Sinundan ni Tony ang asawa sa loob. Pinapanood niya si Lyka na umupo sa gilid ng kama. "Puwede bang tapusin natin ang kontrata? A-Ayoko nang ituloy..." iwas niyang tanong kay Tony. Nanlaki ang mga mata ni Tony at mabilis na lumapit sa pwesto ng asawa. Nanginginig ang buong katawan niya sa narinig. Ilang beses ba niyang marinig ang ganitong salita mula sa babaeng kanyang minamahal? "What? Tapusin? Bakit? May nagawa







