"I mean, Sir, bakit ako? Marami kasing puwedeng makuha diyan na puwede ninyong pakasalan... Alam ko kung gaano kayo kasikat sa buong bansa. Baka nga po pati sa labas ng bansa," lakas loob na paguulit ng tanong ni Lyka.Ilang segundo siyang tinitigan ni Tony, tila sinusukat kung gaano katatag ang loob ng babae sa harap niya."Because you need something from me," malamig nitong sagot. "At kailangan ko rin ng isang tao na mapagkakatiwalaan para sa aking anak.Napakunot ang noo ni Lyka. "Mapagkakatiwalaan?"Hindi niya maintindihan kung bakit siya. Sa dinami-raming babae ng isang Ray Tony Bautista. Siya talaga ang naisip nitong i-kontrata na asawa.Tumayo si Tony at naglakad patungo sa malaking bintana ng opisina. Nakatanaw ito sa malawak na hardin ng mansyon."Kung ibang babae ang pakakasalan ko, iisipin nilang may dahilan ako. Pera, pangalan, o negosyo," sabi nito. "Magiging usap-usapan lang iyon."Muling lumingon si Tony kay Lyka. "Pero ikaw, ibang usapan. May kasalanan ang Papa mo sa
Last Updated : 2026-04-02 Read more