LOGINAfter Seven Years
"ANAK, patawarin mo kami ng Papa mo. Hindi namin sinasadya," hingi ng patawad ni Lani sa kanyang anak. Nakaluhod siya sa harapan ng anak. "Ma, ano pong nangyayari? Bakit mawawala ang kompanya sa atin? May iba pa po bang paraan para maisalba ang kompanyang pinaghirapan ninyo ni Papa?" malungkot ang mga mata ni Lyka habang nakatingin sa ina. Tumayo si Lani at inayos ang sarili. Napatingin-tingin siya sa buong sala ng kanilang malaking bahay, saka muling humarap sa kanyang anak. "Anak, kung meron ba. Gagawin na namin..." sagot ng Papa niya. Ngunit bakas sa mukha nito ang pagkatalo. Natatakot sila na mawala ang negosyo. Ang pinagpaguran nilang mag-asawa na negosyo. Lahat ay ibinuhos nila, pera, panahon at pawis. Dahil lang sa isang scandal ay mawawala iyon. Tahimik na napaupo si Lyka sa lumang sofa sa sala. Ang dating malaki at maliwanag nilang bahay ay tila lumiit sa loob ng pitong taon. Ang mga dingding na dati ay puno ng mamahaling paintings ay halos wala na. Ang chandelier na minsang simbolo ng kanilang yaman ay napalitan ng simpleng ilaw. Sa loob ng pitong taon mula nang magising siya sa ospital na walang maalala kahit ano sa kanyang nakaraan. Pitong taon mula nang malaman niyang may bahagi ng buhay niya ang tuluyang nawala. Ngayon, pitong taon din ang lumipas… ngunit muli na naman siyang haharap sa isa pang pagsubok. "Magkano po ang kailangan para mabawi natin ang negosyo?" mahina niyang tanong. Nagkatinginan sina Lani at Enrico. "Malaki, anak," sagot ni Enrico. "At iisa lang ang taong handang tumulong para hindi tuluyang mawala ang lahat sa atin. Saka, ipapakulong niya kami kung hindi namin siya susundin sa gusto niya." Kinabahan si Lyka. Parang ayaw na niyang marinig ang kasunod na sagot ng Mama niya. "Sino po siya? Bakit kailangang ikulong pa kayo?" Nag-atubili si Lani bago sumagot. "Si Ray Tony Bautista." Nanlaki ang mga mata ni Lyka. Kilala niya ang pangalan na iyon. Isa ito sa pinakabata at pinakamakapangyarihang negosyante sa bansa. Kilala sa pagiging malamig, istrikto, at walang awa sa negosyo. Malaki ang impluwensya ng mga Bautista sa larangan ng negosyo sa bansa. Saka, hindi sila basta-bastang pamilya. Ngunit bukod doon, may kakaiba siyang naramdaman. Hindi niya malaman kung ano 'yon. Pero may kakaiba siyang naramdaman nang marinig ang pangalan ni Ray Tony Bautista. At parang may kung anong kumirot sa dibdib niya nang marinig ang pangalang iyon. Hindi niya alam kung bakit. "Ano po ang kapalit?" tanong niya. Hindi agad sumagot si Enrico. "Anak…" mahina nitong sabi. "Kailangan mong pumasok bilang katulong sa mansyon." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lyka. "K-katulong?" halos pabulong niyang ulit. Magiging katulong siya? Kaya niya kayang magampanan ang trabahong 'yon? Tumango si Lani, puno ng lungkot ang mga mata. "Hindi ka niya sasaktan. Nangako siya. Kailangan niya lang ng mag-aalaga sa anak niya. Iyon lang ang kabayaran sa lahat para hindi makulong ang Papa mo." Natigilan si Lyka. "Anak?" ulit niya. Wala siyang maintindihan. May anak pala si Tony? "Oo," sagot ni Lani. "May pitong taong gulang siyang anak." Pitong taon. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kung anong mabigat na pakiramdam ang biglang bumalot sa puso niya. "Iyon lang po? Magtatrabaho akong yaya ng anak niya, pagkatapos ay ibabalik niya sa atin ang negosyo ni Papa?" tanong niya, pilit na pinatatag ang sarili. Muling nagkatinginan ang kanyang mga magulang. May kung anong hindi nila masabi. "M-Mayroon pa, anak..." sagot ni Enrico na tila kinakabahan. "Ano pa po?" mariin niyang tanong. Huminga nang malalim si Enrico. "May isa pang kondisyon si Tony..." sabi ni Enruco at napabalinng muki ng tingin sa asawa. Saka muling bumalik ang tingin sa kanyang anak. "K-Kailangan mong magpanggap na asawa niya." Tumigil ang mundo ni Lyka sa mga sumunod na salita. Nanlaki ang mga mata niya. "Ano po?!" "Mamagitan lamang iyon sa loob ng mansyon," mabilis na dagdag ni Lani. "Para sa kapakanan ng bata. Hindi nga lang iyon malalaman ng iba." Hindi makapaniwala si Lyka. Parang hindi niya maunawaan ang naririnig niya. "Bakit ako? Ang dami-daming babae, bakit ako pa ang napili ng Tony na 'yon?" tanong niya. Hindi agad nakasagot ang mga magulang niya. Dahil kahit sila… Hindi rin alam kung paano ipapaliwanag ang katotohanan na matagal na nilang itinatago. "Anak," nanginginig ang boses ni Lani. "Ito na lang ang tanging paraan. Tulungan mo kami. Nagmamakaawa kami ng Papa mo sa'yo, Lyka." Napapikit si Lyka. Sa loob ng pitong taon, sinubukan niyang buuin muli ang sarili. Tinanggap niya na may mga alaala siyang hindi na babalik. Tinanggap niya na may mga tanong na walang sagot. Dahil kahit ang mga magulang niya ay walang maibigay na sagot sa kanya. Ngunit ngayon, pakiramdam niya, muli na naman siyang itinutulak sa isang mundong may bahagi ng kanyang nakaraan. "Sino siya sa akin?" bulong niya. "Magiging amo mo, pansamantala. Anak, sa oras na maibigay ni Tony ang negosyo ko, puwede ka nang makalaya sa kanya. Babalik muli sa normal ang buhay natin," mahabang sagot agad ni Enrico. Ngunit hindi iyon ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit. Ang pangalang Ray Tony Bautista ay parang hindi estranghero sa puso niya. Tumayo si Lyka. Kung ito ang tanging paraan para mailigtas ang kompanya ng pamilya niya… gagawin niya. "Sige po," mahina ngunit buo niyang sabi. "Papayag ako. Kung para sa pamilyang ito, magpapakasal ako kay Tony Ray Bautista." Nagulat sina Lani at Enrico. "Anak… sigurado ka ba?" tanong ni Lani. Tumango si Lyka. "Wala na po tayong ibang pagpipilian." Ngunit hindi niya alam… Sa pagtanggap niya sa kondisyong iyon. Tinanggap din niya ang pagbabalik sa nakaraan niyang pilit itinago sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ni Lyka habang mahigpit niyang hawak ang laylayan ng kanyang damit. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa mansyon ng lalaking iyon. Ngunit malinaw ang isang bagay, hindi niya kayang pabayaan ang mga magulang niya. Responsibilidad niya ito bilang isang anak. Kahit pa labag sa kanyang kalooban, makikipag-sapalaran siya para sa kanila. Hindi pagkatapos ng lahat ng ginawa nila para sa kanya. "Salamat, anak…" umiiyak na sabi ni Lani habang niyakap siya nang mahigpit. Mahina lang na gumanti ng yakap si Lyka. Hindi niya magawang ngumiti. Wala rin naman siyang puwedeng pagpilian. Ayaw niyang sumama ang loob ng Mama at Papa niya. Sa ngayon, kakalimutan muna niya ang kanyang sarili. Saka na lang siguro kapag"MAY naisip na ako." Napatingin agad si Lyka sa kanya. "Ano?" "Si Tony ang magpapabalik sa'yo." Napakunot-noo si Lyka. "Paano mangyayari 'yon? Malinaw ang sinabi ko noong umalis ako. Ayokong bumalik sa mansyon." Napangiti si Vanna na tila may binubuong plano. "Hindi ikaw ang lalapit sa kanya." "Kundi?" "Si Reese." Natigilan si Lyka. "Napansin ko naman, hindi ba? Kapag wala ka, ikaw ang hinahanap ng bata. Hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang kumain nang maayos o matulog nang maaga." Napalunok si Lyka. Naalala niya ang maliliit na yakap ni Reese, ang matamis nitong pagtawag ng "Mommy Lyka," at ang mga gabing ayaw itong matulog hangga't hindi niya binabasahan ng story. Biglang kumirot ang kanyang dibdib. "Hindi ko rin siya kayang kalimutan," mahina niyang pag-amin. "Kaya gamitin natin 'yon." Napailing si Lyka. "Ayokong gamitin si Reese." "Hindi mo siya ginagamit. Binibigyan mo lang siya ng pagkakataong makasama ka ulit. Kung talagang kailangan
"TUMIGIL ka na, Lyka! Pinapaasa mo lang ang sarili mo na anak mo si Reese. Ang totoo ay hindi naman. Matagal nang patay ang anak mo!" Singhal ni Vanna sa kaibigan. Lumakas ang kanyang boses dahil gusto niyang maintindihan ng kaibigan niya na nag-iilusyon itong anak nito si Reese. Napatunghay si Lyka kay Vanna. "Pero paano kung totoong anak ko siya? Nararamdaman ko.. sa puso ko." Sunod-sunod na napailing si Vanna. "Sis, sinasaktan mo lang ang sarili mo. Alam ko na mahirap ang mawalan ng anak. Pero hindi tama na angkinin mo at mabuhay ka sa isang ilusyon." Napahagulhol nang malakas na iyak si Lyka. Naawa si Vanna sa kaibigan. Ilang taon na rin itong naghihirap ang kalooban simula noong mawala ang kanyang anak. Humihikbi si Lyka habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. "Vanna, hindi ko maipaliwanag. Tuwing nakikita ko si Reese, parang may humihila sa puso ko. Parang may boses na nagsasabing anak ko siya," umiiyak niyang sambit. Napabuntong-hininga si Vanna. Dahan-dahan
"GUMISING ka, Lyka! Anong nangyayari sayo?" Hysterical na sigaw ni Vanna habang niyuyugyog ang balikat ng kanyang best friend. Napamulat si Lyka ng kanyang mga mata. Napanganga ng malaki, para siyang kinapos ng kanyang paghinga. Napabaling ang tingin niya kay Vanna. Napaluha siya nang makita ang kaibigan. "Vanna... Vanna..." humahagulgol na sabi niya. Kinabig ng mahigpit na yakap ni Vanna si Lyka. "Kumalma ka. Huwag kang matakot," alo niya sa kaibigan. "Napanaginipan ko ang anak ko... si Reese. Hindi ko maintindihan, bakit parang kamukha ni Reese ang anak ko sa panaginip ko," sabi ni Lyka habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha. Nagbuntong-hininga nang malalim si Vanna habang hinahagod ang likod ng kaibigan upang pakalmahin ito. Alam niyang matagal nang hinahanap-hanap at inaasam ni Lyka na makita at makapiling ang anak, kaya hindi na siya nagtaka kung bakit puno ng emosyon ang bawat salita nito. "Baka dahil laman-laman ng isip at puso mo si Reese, kaya siya ang lumabas sa
NANLAKI ang mga mata ni Vanna. "Di ba, contract wife ka lang ni Tony? E, paano kung mabuntis ka?" Bahagyang natigilan si Lyka sa tanong ng kaibigan. Hindi siya agad nakasagot at tila iniwas pa ang tingin. “Hindi ko alam...” mahinang saad niya. “Hindi ko rin naman inasahan na mangyayari iyon. Saka, ayokong isipin muna sa ngayon." Napabuntong-hininga si Vanna saka sumandal sa sofa. “Lyka, hindi ako galit ha? Nag-aalala lang ako para sa’yo. Mas mahihirapan kang makawala kay Tony kung mabubuntis ka," Malumanay ang tono nito. “At aam mo rin kung gaano kakomplikado ang sitwasyon mo kay Tony.” “Alam ko...” bulong niya. “Eh ano naman si Tony? May sinabi ba siya pagkatapos no’n?” Sandaling natahimik si Lyka bago sumagot. “Wala.” Mapait siyang napangiti. “Parang normal lang sa kanya. Kinabukasan, malamig na ulit siya. Ganoon naman talaga siya noon, di ba?" Napatitig si Vanna sa kanya. “At ikaw? Ano bang nararamdaman mo?” Napakurap si Lyka saka napayuko. “Hindi ko al
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, Lyka?" tanong ni Vanna sa best friend niya. "Medyo okay-okay na... mahimbing na ang tulog ko kagabi," sagot ni Lyka. Sabay buntong-hininga at humarap sa kaibigan. Sa bahat ni Vanna pumunta si Lyka. Hindi alam ni Tony ang sa bagong bahay ng kaibigan niya kaya malabong masundan siya. "Alam mo, Vanna... napakahirap na ganito ang pamilya mo. Ang tingin lang sa'yo, investment ka. Kaya ka nagawang ipagbili kapalit ng mga ari-arian na nawala sa kanila. Sila naman ang may kagagawan kung bakit iyon nawala." Dagdag niya. Hinawakan ni Vanna ang kamay niya at iginiya palapit sa sofa. Magkalapit silang umupo. "Naiintindihan kita. Hindi mo gusto ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Naiipit ka. Pero ang kawawa rito ay si Reese. Kahit pa sabihing hindi mo siya tunay na anak..." “Pero ang kawawa rito ay si Reese. Kahit pa sabihing hindi mo siya tunay na anak... ikaw pa rin ang kinilala niyang ina,” mahinang dugtong ni Vanna. Napayuko si Lyka habang mahigpit na magka
TONY hired the best investigator para lamang mahanap si Lyka. It's been a day na wala siya sa mansyon at para na siyang mababaliw. "Where are you, Lyka? Galingan mo lang ang pagtatago mo. Kapag nakita kita, hinding-hindi ka na muling makaalis sa qQqaQqQbuhay namin ni Reese..." Mariing napakuyom ang kamao ni Tony habang paulit-ulit na binabasa ang report na hawak niya. Halos mapunit na iyon sa higpit ng pagkakahawak niya. "Sir, we already traced her last location," maingat na sabi ng investigator sa kabilang linya. "She was seen leaving the city. Mukhang may tumutulong sa kanya." Lalong tumalim ang tingin ni Tony. "Find out who. I don’t care how much it costs," malamig niyang utos. "I want every detail. Lahat ng galaw niya, gusto kong alam ko." "Yes, sir." Agad niyang pinatay ang tawag at ibinagsak ang cellphone sa mesa. Napahagod siya sa kanyang buhok, pilit pinipigilan ang sarili na tuluyang mawalan ng kontrol. Isang araw. Isang araw pa lang wala si Lyka, pero pakir
"TONY, wala na talaga kaming pupuntahan ng Mommy mo. Wala na rin akong trabaho. Hindi ko na alam pano matutustusan ang pang-araw-araw namin ng Mommy mo," pakiusap ni Renan sa anak. Personal na pinuntahan ni Renan ang anak sa kompanya nito para makiusap na tanggapin silang mag-asawa sa mansyon. Na
“ANAK! Anak ko! Huwag ninyong ilayo ang anak ko sa akin!” malakas na sigaw ni Lyka. Nagulat si Tony nang marinig ang sigaw mula sa loob ng kuwarto ng dalaga. Agad siyang lumapit at walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto. Nakita niya si Lyka na nakaupo sa kama, pawis na pawis at nanginginig an
LIMANG araw ang lumipas, tahimik ang biyahe ni Lyka habang nakatingin sa bintana ng kotse. Ang mga gusali, ang mga tao, at ang mga kalsada ay tila ordinaryo. Ngunit ang puso niya ay hindi mapakali. Kabado siya na makakaharap si Tony. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya na papasok siya b
NAGISING si Lyka na nasa private room ng isang ospital. Hindi niya alam ang nangyari sa paligid niya. Napalinga si Lyka, nahagip ng mga mata niya ang Mama at Papa niya."Ma... Pa.. a-anong nangyayari?" tanong ni Lyka. Lumapit si Lani sa anak at hinawakan ang isang kamay ko."Wala ka bang natatandaa







