(EPIC)EVERYTHING was ready, at si Kurt nalang ang aking hinihintay. Sina manang Linda at Pipay ay umuwi na muna dahil tapos na sila sa kanilang trabaho dito kay Fiandro at para makapag-palit pa sila.Nag-message ako kay Kurt para ibalita na umuwi muna sina manang Linda at Pipay sa bahay ni Senyor Enrique. Nagreply siya na susunduin na lang namin sila pagkatapos niya akong masundo.Dumating si Kurt mga alas sais na ng gabi. Dumungaw ako sa halfglass door, at nakita ko si Kurt na kabababa ng sasakyan.Bago pa nito mabuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas para sakanya na ikinagulat naman niya."Hi." wala sa sarili nitong bati."Hello. Tara na ba?" tanong ko sabay ayos sa aking damit.Tumango siya sabay ngiti sakin. "Yup. Ang simple mo, pero bagay sayo." komento niya sa aking kabuuan.Bigla akong namula, kahit sino naman siguro magagalak sa mga ganoong salita."Salamat. Di mo na kailangang sabihin iyan eh." sabi ko sabay yuko dahil nahihiya akong tumingin sakanya."I can't help it. I wi
(OFFER)UMUWI na kami ni Fiandro pagkatapos naming kumain sa pinuntahan na restaurant.Nadaan ko ang orasan at saglit na tumingin doon, alas nuwebe na ng gabi ng makarating kami. Bilis din ng oras noh? Di mo mamamalayan agad.Tahimik kaming dalawa paakyat ng hagdan papuntang kwarto. Nauna akong naglakad pataas ng hagdan pagkatapos tignan ang orasan. Sumunod si Fiandro na nasa likod ko dahil kanina pumunta siya sa kusina kanina. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob."Huwag ka ng lalapit kay Kurt sa susunod." bilin ni Fiandro sa seryosong tono.Hinarap ko siya. Nakasandal na sa hamba ng pintuan at nakapamulsa ang dalawang kamay nito.Kumunot ang aking noo. "Bakit naman?" pagtataka ko.He should give me a good reason to stay away from Kurt. Dahil wala akong nakikitang mali sa ginagawa noong tao. I can see him as so friendly, jolly, and caring. Atsaka bakit ko susundin ang bilin niya kung maayos naman ang pakikitungo sakin ni Kurt?"Basta." simpleng sagot lang niya.It irritates m
(SETTLEMENT)DAHIL sa konsensya napag-isipan kong magluto ng gabihan. Gusto kong makabawi sa ginawa ni Fiandro bilang pagpapa-salamat at pag-hingi na din ng tawad.I know it's sounds ridiculous but this is the only way I could do to settle our misunderstanding.Nag-luto ako ng menudo, isa sa pinaka-paborito kong pagkain. Madalas ito ang niluluto ng lola ko noong bata pa ako, kaya naman ito ang ipapatikim ko kay Fiandro na minana ko pa sa aking lola.Agad ding nawala ang masama kong pakiramdam. Kaya nang gumaling na'ko ay doon ko napag-isipan na mag-luto para sa kanya. Masaya akong nagluluto, ni hindi ko rin alam kung bakit. Binuksan ko ang takip ng kaldero, marahan kong ipinikit ang mga mata ko ng amuyin ko ang bango ng menudo. I hope he would like it. Nag-effort ako para rito.Sinulyapan ko ang orasan, inorasan ko ang niluluto ko ng limang minuto para lumambot pa ang patatas at karots.I heard the door opened. I looked back and saw Fiandro standing in front of the door with his eyeb
(THANK YOU)NASA ikatlong palapag kami ni Kim ng simulan niya akong ilibot. Galing kami sa ikalawang palapag kung saan ang office ni Fiandro.Sa buong palapag na iyon ay nahati sa tatlong malalaking cubicle. Dalawa doon ay ang mga empleyado at ang isa ay kung saan mga naka-display na miniatures na buildings.Lumapit ako ng konti para masilip ang ginagawa nila. Karamihan sa kanila ay nag-guguhit at may iilan na nasa isang cubicle na nag-uusap sa ginagawang miniature na building na hindi pa natatapos. Maybe it's a huge project."This is the Architect floor." lumingon ako kay Kim na nasa likod ko. "Sila ang nagde-design ng mga bahay at buildings."Tumango ako sa sinabi niya. "Ang dami nila. At, iisang building lang ang ginagawa nila?" kuryoso kong tanong.Ang dami talaga nila para gawin ang isang malaking building. Wouldn't be enough kung dalawa o tatlo lang? They were almost ten architects!"Well, si sir Fiandro ay mataas ang expectations non. One architecture wasn't enough for him. Gus
(FIRST DAY)INUTUSAN ako ni Fiandro na pumunta sa isang unibersidad para mag-enroll. Ang sabi niya sa akin sa telepono ay dumiretso lang daw ako sa cashier at ibibigay na sa akin magiging schedule ko sa papa-lapit na pasukan.Inabot ko sa cashier ang papel na binigay din sakin ni Fiandro. Tumango lang ito at ibinigay na sakin ang schedule ko.Binasa ko ang aking schedules sa klase. Mula monday to saturday ay halfday ang pasok ko. Not bad, pero ito ba talaga ang schedule ko o baka naman may kinalaman pa si Fiandro dito?"Maam, please hindi ba pwedeng balikan ko iyong bayad?" dinig kong pagma-makaawa ng isang babae sa cashier 2 na katabi ko lang.Sinulyapan ko ang babaeng frustrated na kinakausap ang cashier at halata sa mukha na ang laki ng problema niya."I'm sorry. Till 10 am lang kami. Last enrollment na'to sa kurso mo." saad ng cashier na wala ding nagawa sa pagsu-sumamo noong babae."Please! Just in a bit. Babalikan ko lang iyong purse ko sa bahay maam." she still insisting and be
(PRESENTS)ILANG mga papel na ang naitapon ko sa trash bin. Halos maluwa na ng basurahan ang lahat ng papel na itinapon ko doon.Tanghali na at hindi pa ako nakaka-kain ng tanghalian. Wala din akong gana kahit nagrereklamo na ang aking sikmura. Mas tutok ako sa pinapagawa ni Fiandro sa mga lintik na drawings na'to.Maduling-duling na ang aking mga mata sa pasalit-salit na tingin sa magkabilang papel. Para magaya at ma-perfect lang ang drawing. Ang ikinafu-frustrate ko ay iyong pag-kulay at ano ang color combinations ng aking gagayahin.Sana lang talaga matapos ko lahat 'to sa saktong oras. Dahil kung hindi, di ko na alam."Huy girl, lagpas twelve o'clock na. Di ka pa kakain?" siniko ako noong Harley. Bagong kaibigan ko, and he is a gay.Actually, lahat ng nasa palapag na ito ay puro mga bakla at iisa lang ang lalaki. Medyo curious nga ako eh, wala pa akong nakikitang babae na nagwo-work dito sa kompanya ni Fiandro bukod sakin."Hindi pa ako gutom." sabi ko ng di siya binabalingan dahi
(FRUSTRATIONS AND MOTIVATIONS)ISANG panibagong araw na naman ang ipagpapa-tuloy ko. Hindi ako naka-tulog ng maayos kagabi dahil nababahala ako sa susunod na ipapagawa sa akin ni Fiandro.Umunat muna ako sabay bangon sa higaan. Humabol pa ang aking paghikab at kinusot ang mga mata para magising lalo. Pagkatapos noon ay umalis na sa kama at sinuot na ang tsinelas.Nag-hilamos muna ako bago bababa para mag-handa ng agahan. Inayos ko ang aking buhok at tinali ng ponytail style.Habang bumababa ako ng hagdan ay may naaamoy na akong niluluto mula sa kusina. Nang tuluyang makababa ay nakita ko si manang Linda, nagluluto ng agahan.Lumapit ako sa gilid ng island counter. "Mukhang okay na kayo manang Linda." bati ko sa kanya.Kaagad siyang bumaling sakin at ngumiti. "Magandang umaga." bati niya. "Sa awa ng diyos ay gumaling din ako. Akala ko nga hindi na'ko gagaling eh." dagdag pa nito tsaka binaling ulit sa niluluto.Nilapitan ko pa siya lalo. Nadungaw ko ang prinipritong bacon na malapit ng
(ADVICE)HALOS idikit ko na ang aking mukha sa papel na pinag-guguhitan. Ni hindi rin ako maka-usap o malapitan ni Harley dahil alam niyang abala ako sa ginagawa.Hindi ko pa naigagalaw ang pagkaing binili para sakin ni Harley noong oras ng break time na carbonara with toasted bread. Dahil wala akong gana, at parang sayang pa sa aking oras.Tanghalian na, ngunit wala pa rin akong balak na umalis para kumain. Nagka-ugat na ata ako sa aking kinauupuan, dahil di ko kayang iwan itong ginagawa ko."Bakla? Lunch na. Di ka pa kakain?" bulong sakin ni Harley ng ayain nakong kumain."Hindi pa. Di pa ko nagugutom. Mauna ka na lang." sagot ko ng di siya binabalingan."Okay. Text me kung may ipapabili ka. Una na'ko." paalam niya."Sige." ngiti ko kahit di tumitingin kay Harley.Naiwan ulit akong mag-isa sa office, lahat sila nagsi-alisan para kumain. Maya-maya pa ay may narinig akong katok mula sa labas ng cubicle. Nang balingan ko iyon ay si Kim na may dala ulit na puting styro.Nagka-ngitian ka