Nagmamadali akong naglabas ng make up kit ko para mag-retouch. Nagtataka pa akong sinulyapan ni Kai na kababalik lang sa ulirat niya.
“A-Anong ginagawa mo?”
“He’s the perfect one, Kai. He is.” I stated straightforwardly. Wala nang paligoy-ligoy. Sila lang ba ang may karapatan na magpaikot-ikot? Hindi ako papayag.
“H-Ha?” tila naguguluhan pa ring sagot ni Kai. I think it’s still buffering in her mind pero ako, I walked straight towards the man. I can’t explain the kind of magnet that pulls me towards him. Nagkainteres ako sa kanya bigla. He’s jaw dropping handsome like a god. Grabe, kahit mula sa malayo ay tanaw ko ang perpekto nitong mukha. Wala kang mahuhusga sa kanya sa pisikal na anyo.
“You look alone,” I said to him as I sat beside him.
Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin! God! Am I that ugly?! I am close to perfect too! Maganda ako! Can’t he see it?
“I’m Eloisa Sandoval. You are?” Pagpapakilala ko pa sabay lahad ng aking kamay. But the man? He just stared at it! Ni hindi niya man lang tinanggap para makipagkilala! Nagmukha tuloy akong tanga. Sa hiya ko ay binawi ko na lang ang kamay ko sabay roll eyes.
“It’s obvious that I’m alone, but I’m not interested in you. . . “ He paused for a while and uttered. “Leave.” Diretsahang utos nito. Ito yata ang pinakaunang harap-harapang pamba-busted sa ‘kin?
Napaangat agad ako ng kilay saka ako natawa ng mahina. “Leave? Why? Are you the owner of this club? I bet not.” Ayaw paawat kong sagot. Aba, siya lang ba ang may karapatan? Hindi puwede!
Hindi niya ako muling sinagot kaya mas lalong uminit ang dugo ko. Aba, sinusubukan talaga ako ng lalaking ‘to ah!
Akmang iinom na siya ng tequila nang agawin ko ‘yon para ako ang uminom. Bahagya iyong natapon kaunti sa pantalon niya. But I took the shot and drank it straight.
“What do you want?!” tiim-bagang na wika nito. Bakas ko ang galit sa boses niya. Natataranta niyang pinunasan ang pants niya. Naka-suit ka pa kasi! Sa bar ka nagpunta, hindi sa trabaho! Hmp!
Tila maiksi yata ang pasensya ng isang ‘to. Nag-iinit ang mga mata nito na tila galit at napipikon na sa kakulitan ko. Oh, well. Pasensya ka na, mukhang ikaw ang mapag-iinitan ko ngayong gabi.
“Marry me,” I straightly told him.
Hindi siya nakakibo. I just saw his eyebrows flicked. Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumagot. “Okay, see me tomorrow at ten in the morning at the civil registrar.”
Iyon lang ang sinabi niya saka niya ako iniwan na nakanganga pa rin at hindi makapaniwala. Ba’t ang dali naman yata niyang pumayag? Gano’n ba ako kaganda para mapa-oo agad siya? Well. . .tiningnan ko ang buong ayos ko. I’m pretty. Pero ni hindi man lang nga niya ako tinitigan! How can he appreciate my beauty? Grr. That man! He is really something.
“What the hell. . .” Naibulalas ko na lang sa kahanginan. Did he just accept my proposal? I was just kidding! I wasn’t really sure?
Hindi ko magawang naka-move on sa nangyari. Bago kami umuwi ni Kai ay ang dami niya pang pinagkukuwento sa ‘kin pero ni hindi ko na ‘yon maalala dahil tinangay na ng lalaking ‘yon ang isipan ko. Nawala na ko sa ‘king ulirat. All I can remember is his handsome face and his jaw dropping masculinity.
“Girl! Okay ka pa ba? Hindi na kita makausap ng matino simula kanina ah?” Saway sa ‘kin ni Kai. Napalinga-linga ako sa paligid at narito na pala kami sa bahay. I don’t feel like going out to see the traitor’s faces. Nasusuka ako.
“Hindi mo alam kung anong kagagahan ang nagawa ko, Kai. My gosh. I don’t know if this is really happening but I think I need to be alarmed.”
Naguguluhang napailing-iling si Kai. “Ano ba ‘yan? Sabihin mo nga sa ‘kin nang maintindihan ko naman.”
At doon, kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Aba, pinagsasapak ba naman ako. “Aray! Stop it! Ano ba?”
“Gaga ka talaga! S-Sigurado ka ba? Nababaliw ka na!” Bulalas ni Kai at talagang hindi makapaniwala sa mga kinuwento ko sa kanya. Sino ba naman kasi ang maniniwala? I found an instant groom just right now! My gosh!
MAXIMO’S POV
I puffed my cigarette after I finished my drink. I didn’t know it’s this boring here. Clubs and girls seems boring for me. Pinilit lang talaga nila ako na magliwaliw rito nang makahanap raw ako ng babae. Wala lang naman silang ginawa kundi ang magpa-cute at magpapansin sa ‘kin. I know I’m handsome. That’s given. But I really had no interest with these kind of girls. Although, my grand mother told me to settle down and get married. Matanda na kasi siya, she wants grand kids already. Iyon ang huling hiling niya. Bago man daw siya mawala sa mundo, at least she could see her grand kids. Now, I’m pressured to look for a wife. What more can a woman ask for me? I am a self made billionaire. Financially stable and good looking. Ang problema ko lang ay makahanap ng karapat-dapat na babaeng pakakasalan ko. Someone I could share my genes with just to grant my grandmother’s wish.
Sa lakas ng patugtog ay hindi ko namalayan na kanina pa pala tawag nang tawag sa ‘kin ang assistant ko. I answered the call and asked. “Does anyone know that I am here?”
“Only your grand mother, Sir,” sagot naman nito.
I just nod my head to agree.
“May iba pa ba kayong kailangan, Sir? I’ll just wait here outside.”
“The car.”
“Oh, tungkol po diyan, I got you the cheapest as you wish.”
“Good.”
“Anything else, Sir?” tanong pa nito.
Mariin akong napapikit habang nakasandal sa kotse. Naalala ko bigla ang babae kanina. How dare she have the guts to introduce herself to me? Tsk. Well, she needs to face the consequences of her actions.
“Yes,” mabilis kong sagot saka ko pilit na inalala ang pangalan ng babae kanina. If I am not mistaken, it’s Eloi. . .Eloisa. Right!
“I want you to do a thorough background check of a girl named Eloisa Sandoval, please. And by tomorrow, I want the data.” Iyon lang ang sinabi ko saka ko binaba ang tawag. I don’t want to spend most of my time talking to my people.
“That’s new.”
I knew he would react that way. Never pa ako nagkaroon ng interes sa babae. Ngayon lang. Nang magbilin na si grandma na maghanap ako ng mapapangasawa. I just can’t believe na yayayain ako ng babaeng ‘yon na pakasalan siya. She doesn’t look like she know me. But I like her bravery and confidence. Kapag pumasa siya sa standards ko, bukas na lang kami magtutuos sa civil registrar. ‘Yun ay kung hindi siya umatras? If I would rate her face kanina, mas mukha pa siyang gulat kaysa sa ‘kin.
Tulad ng utos ko sa assistant ko, I want the cheapest car in the family. I don’t want to look like a walking gold bar dahil I wanted to live a low profile life here in Manila from now on. There are lots of gold diggers out there so it’s better be careful. It is also one way to find the right woman who would want to settle down with me without being after my money. After that, I went out of the club and sat at the back seat of my Bentley, the one my assistant brought for me. On my way home, hindi ko malaman kung bakit ayaw matanggal ng babaeng ‘yon sa isipan ko. At sa tingin ko, hindi ko na makakalimutan pa ang mukha niya. ELOISA’S POVI went to the company the next morning and get some of my files there. Sa hallway ay tila mapatigil agad ako nang makita ko siya. If I am to blame someone here so bad, si William ‘yon. Kung hindi lang siya gano’n kakapal, hindi niya kami pagsasabayin ng ate ko. Demonyo siya. Walang hiya siya. Ubod ng kapal ang pagmumukha niya. “E-Eloisa,” nauutal pa n
Habang nagmamaneho ako ay walang humpay ang pagpatak ng luha sa mga pisngi ko. Ito na siguro ang isa sa pinakamasakit at pinakamabigat na pinagdaanan ko sa tanang buhay ko. Being betrayed by the man I loved the most. Maski pamilya ko ay isinuka na ako matapos ng lahat ng sinakripisyo ko para sa kumpanya. Are they that blind not to appreciate me? Hindi naman ako nagkulang. Halos buong buhay ko ay iginugol ko sa pagtatrabaho. Iyak lang ako nang iyak habang binabalingan ko ng tingin ang naka-empake kong mga maleta. Hindi ko pa pala nasasabi kay Kai na umalis na ako ngayon. Masyado akong na-busy. Napatigil lang ako sa pag-iyak nang maalala ko na ngayon pa la ang usapan namin ng lalaking iyon sa Civil Registrar. Paano kung sinasakyan niya lang ang mga sinabi ko at wala siyang balak na seryosohin ‘yon? Napakatanga mo kasi, Eloisa! Napaka-impulsive mo! Hamakin mo, nagawa mong magyaya magpakasal sa isang lalaki? Ni hindi mo nga iyon natangkang gawin sa nobyo mo! Kung sa bagay, kung kay Willi
Sa kakaikot ko sa loob ng bahay ni Maximo ay naligaw na tuloy ako. Bakit ba naman kasi gaanito kalaki ang bahay nila? Hindi ko na alam kung saan ako lalabas. I can't find the exact way out in here. Lagot na. Baka hanapin ako non ay palayasin na lang agad dahil sa kagagahan ko. Out of curiosity, napadpad ako sa isang medyo madilim na parte ng bahay. I find it interesting kahit na medyo nakakatakot. There are only yellow colored lamps na nagbibigay ilaw sa hallway. I walked until I reached the end of that hallway at tumambad sa akin ang isang malaking space with lots of books in it. Parang isang library. Well, baka dito makahanap ako ng mga impormasyon tungkol dito sa napangasawa ko. Mukha kasi siyang masikretong tao. Hindi tulad ni William. Wait, am I thinking about that cowardly dog again? He's the worst mistake I made in my life. But all I found inside that library-like room was legal documents and some good book. Is he some kind of a lawyer? Woah. Ang talino niya kung ganoon. "Wha
BANDANG alas kuwatro na nang makauwi si Kelvin. Hihirit pa nga sana na dito na matulog sa mansiyon pero hindi ko na pinayagan. Si Eloisa lang naman ang gusto niyang makita. Now that he already saw her, there’s no reason to stay anymore.Napailing-iling na lang ako naang madatnan kong nahihimbing na sa pagtulog si Eloisa sa sofa. Katabi pa nito si Tabitha. May sariling kuwarto si Tabitha. Pero minsan tabi kami matulog. It doesn’t want any other humans na tumabi sa kanya. But look at that cute cat now, enjoying its peaceful sleep beside Eloisa at magkatabi pa sila.“Hay, how can I just let you sleep here in this cold living area?” bulong ko sa hangin saka ko siya inalalayan para buhatin.I had no other choices. I can’t let her sleep her outside. I still have some decency left.Halos pumutok ang ugat ko sa leeg sa bigat ni Eloisa. I did my very best para mabuhat ko siya ng pangkasal. Pero pakiramdam ko malalagutan naman ako ng hininga. Tsk. I never did this in my entire life!“Hmmmm,” u
Walton Law firm? Basa ko sa pagkalaki-laking pangalan sa labas ng building na pinasukan namin ni Maximo. Nasa likod namin ang ilan sa mga body guards niya. Sobrang ganda ng gusali. Ni wala sa kalahati ang laki ng company namin dito. So, tama nga kaya ang kutob ko? Is he a lawyer? O anak ng abogado? Hmp! Nahihiya rin naman kasi akong magtanong at baka kung ano pa ang isipin non. Hindi naman ako ganon katsismosa, knowing him, masungit iyon at baka itapon pa ako sa labas ng pagkataas taas na building na ‘to.“GOOD MORNING, Sir.”Pormal lahat nang pagbati kay Maximo nang makapasok kami sa isang malaking gusali. Pagkataas-taas no’n at nakakalula. I wonder kung pag-aari nila ito? Kasi kung oo, hands down na talaga ako sa yaman nila. Naririnig ko naman noon kay William ang pangalan ni Maximo, but I never heard of what he’s doing for a living. Bakit ba iniisip ko pa rin ang animal na ‘yon? Tsk. He is even in my dreams last night.I kept on smiling everytime we pass by his employees. Kahit na
ELOISA’S POV Nang magsidatingan ang halos sampong body guards na nakasuot ng itim na suit ay mas lalo akong kinabahan. Napapakapit ako ng mahigpit kay Maximo kahit na hindi ko naman iyon dapat ginagawa. I know how he hate it that someone is touching him. Masyado siyang iritable. “Nalulukot na ang suit ko.” Saway niya sa ‘kin. Napatingin ako sa kamay ko na matindi ang kapit sa kanya. “S-Sorry. A-Ang dami nila. Ang lalaki. Kinakabahan ako, e.” Narinig ko pang napa-tsk si Maximo saka tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa damit niya. Napa-pout ako ng tuluyan. Ang sama niya naman. Doon na nga lang ako kumakapit para mawala ang kaba ko, e. But what he did next made my heart beat even more faster. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako doon. Ramdam ko ang init ng palad niya dahil sobrang lamig ng akin. Para akong maninigas sa kinatatayuan ko bago pa man dumating ang Daddy niya. “M-Maximo a-anong ginagawa m-mo--” “Stay still.” Pagdidiin niiya kaya hindi na ako sumabat
OF ALL the places, bakit kailangang dito pa kami magkita kita? Ganon na ba talaga ka mapaglaro ang tadhana? Gusto ba talaga nitong saktan ako nang paulit-ulit? Hindi ko yata kayang isubo ang in-order ni Maximo. Paano ba naman kasi, inaya niya lang naman sin William na makipag-double date sa amin. Is it just right? Hindi talaga tama para sa ‘kin!“So, William, how’s your wedding preparation doing?” Si Maximo ang nagsalita.Sinamaan ko siya ng tingin. Nananadya ba talaga siya? Kailangang dito talaga niya sabihin sa harap ko pa ha?“Well. . .” Si Ate Elisha ang nagsalita. Nakangiti pa siya na tila iniinggit ako. Maximo cleared his throat. “Excuse me, I am talking to William. Did you change names or something? My bad.”Bigla akong nagpigil ng tawa. Hoy, Maximo! Baliw ka talaga! Pero ang galing mo diyan. Sige lang. Ipagpatuloy mo ‘yan. Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Ate Elisha. Bigla itong na-badtrip at napataas ng kilay niya. Ano ka ngayon ha? Asawa ko lang yata ang
SOBRANG laki ng bahay ni Maximo tapos kaming dalawa lang. Nung mga unang araw hindi ko pa naramdaman ang takot dahil nakakatulog ako kakanood ng TV. Pero ngayon, I am still awake and it’s past 10PM hindi ko alam ang gagawin. Sobrang lamig ng aircon. Bukas pa ang malaking glass door palabas sa may balkonahe ng kwarto ko. Tinatangay ng hangin ang puting kurtina. I shut it close. Huhu, bakit ba kasi walang katao-tao dito sa bahay nila?Nagpasya ako na bumaba na lang muna para uminom ng tubig. Feeling ko ay nasa hunted house ako ngayon dahil patay ang main light nila. Tanging mga maliliit lang na light bulb ang nagbibigay liwanag sa hallway. Nagmadali akong bumaba sa kitchen.Kaya mo to, Eloisa. Matapang ka. Ano ka ba? Pilit ko na lang pinalalakas ang loob ko pero sa totoo lang ay nangangatog na tong tuhod ko.Kahit kusina, walang kailaw-ilaw. Sobrang dilim. Liwanag na lang ng buwan na tila nakapasok sa loob ng bahay ay nagbibigay ilaw. Nakakainis naman, e. Mapapadasal ako ng wala sa oras