Share

CHAPTER TWO

Tulad ng utos ko sa assistant ko, I want the cheapest car in the family. I don’t want to look like a walking gold bar dahil I wanted to live a low profile life here in Manila from now on. There are lots of gold diggers out there so it’s better be careful. It is also one way to find the right woman who would want to settle down with me without being after my money. 

After that, I went out of the club and sat at the back seat of my Bentley, the one my assistant brought for me. On my way home, hindi ko malaman kung bakit ayaw matanggal ng babaeng ‘yon sa isipan ko. At sa tingin ko, hindi ko na makakalimutan pa ang mukha niya. 

ELOISA’S POV

I went to the company the next morning and get some of my files there. Sa hallway ay tila mapatigil agad ako nang makita ko siya. If I am to blame someone here so bad, si William ‘yon. Kung hindi lang siya gano’n kakapal, hindi niya kami pagsasabayin ng ate ko. Demonyo siya. Walang hiya siya. Ubod ng kapal ang pagmumukha niya. 

“E-Eloisa,” nauutal pa niyang bigkas nang makita niya ako. The world is really small indeed. Kung sino pa ‘yung iniiwasan mo talaga ay ‘yun pang ilalapit sa ‘yo ng tadhana. Ewan ko ba. Nang marinig ko ang boses niya ay tila manginig ang buo kong sistema sa galit. Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sipain sa p*********i niya nang mahimasmasan siya nang tuluyan at mabawas-bawasan naman ang kakapalan ng mukha niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. I cried enough. They didn’t make me weak, dahil mas lalo lang nila akong pinatatag. Pinatatag ng galit at puot.

“Ano pang ginagawa mo rito, William? Don’t tell me, hanggang dito susundan mo ang ate ko? Nakakahiya. Everyone knew you’re still my boyfriend. Gusto mo bang I-announce ko na sa kanila na pinagsabay mo kami ng ate?” sarkastiko kong sabi sa kanya. 

Nakita ko ang pamumula niya. Pahiya ka agad? Wala pa akong ginagawa. Kapag may ginawa na ‘ko, baka mas gustohin mo na lang na maglaho diyan sa kinatatayuan mo. 

Ang sunod niyang ginawa ang sadyang nakapagpagulat sa ‘kin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Tila nakuryente ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung paanong magre-react doon. “A-Ano ba?” tanging mga salitang namutawi sa bibig ko. Ba’t hindi ko matabig ang kamay niya?! Nakakainis! I hate this feeling! I hate you, William!

“Eloisa, listen to me. I just did it so that we can make use of all your family’s property! I heard, they will turn over everything to your sister!”

Hindi ko alam pero tila nanghina na lang ako bigla nang marinig ko ang mga sinabi niya. What is happening? Ibibigay nila kay ate ang lahat? And what would be left for me? Would it be myself till the end? Wala na bang matitira sa ‘kin mula samga pinaghirapan ko? This is becoming really unfair in my part! Hindi por que siya ang panganay, siya na ang pamamanahan kahit na sa katunayan ay wala naman siyang alam sa lahat ng paghihirap ko just to make sure that the company will open its wings and fly! Hindi niya naranasan ang lahat ng hirap, pagod,  dugo at pawis na sinakripisyo ko para lang marating ko ‘to. Tapos, ibibigay lang nila sa ate? Parang gusto ko na lang maglaho.

Napansin ko na lang ang sarili ko na naglalakad papalayo kay William na tila wala sa sarili. Parang hindi ko na maramdaman ang buto ko sa katawan. I heard him still calling my name pero hindi ko na siya kayang makausap. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. Ganito pa la sa pakiramdam ang pagsakluban ng langit at lupa?

I cried inside my office. Para na nga akong tanga na kinakausap ang sarili ko kung saan ako nagkulang. Am I not enough? Hindi ba ako naging sapat na girlfriend at anak sa kanila? Kulang pa ba ang lahat ng sakripisyo? Bakit parang ako lang ang nagpakahirap nung mga panahong nag-uumpisa pa lang ang kumpanya. Tapos ngayon na tumatayo na ito at nasa r***k na ng tagumpay, bigla nilang kukunin sa ‘kin ang lahat? What did I do to deserve this? Everything is slowly falling apart.

Nang mahimasmasan ako ay umuwi ako sa bahay. As usual, I put on a concealer to hide my swollen eyes. Ni hindi na iyon gumagaling kaiiyak. Ang ate ko agad ang bumungad sa ‘kin as she was holding a pile of documents in her hands. I was trying to get rid of her pero mukhang sinusubok talaga ng tadhana ang pasensya ko. 

“Nandito ka pa rin pa la, Ate. Ba’t ‘di na lang kayo magsama ni William? Bumukod na kayo nang lumuwag naman ang bahay na ‘to.” 

“Stop being like that, Eloisa. Nalulungkot ako sa tuwing nakikita kang ganyan. I just can’t help it. William has always like me. Ako ang gusto niya at hindi ikaw, Eloisa. Narinig mo na rin naman na sinabi niya, you were always like a younger sister to him.” 

Magsasalita pa sana ako para sumagot pero nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Sabay kaming napalingon dahil sigurado ako, si Mommy iyon. Pero ang sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Bigla na lang umupo si Ate Elisha sa sahig at ikinalat ang mga dokumento na hawak niya kanina as if someone pushed her. 

Napakunot noo ako. What is she doing?

“O-Ouch!” reklamo niya pa. She’s faking it!

“What happened? Tinulak mo ba siya, Eloisa?” walang pakundangan na pagbibintang sa ‘kin ni Mommy. Bakit ako? Kailangan ba ako na lang lagi ang pagbuntunan?

“Mom, no!” Pagtatanggol ko sa sarili ko. 

Humangos-hangos pa si Ate na tila naiiyak. “Mom, I-it’s not her fault. I-I just fell on my own. I-Isa pa, I think it’s Eloisa who is more fitted for the company than I do.” Paawa pa nitong sabi. 

“No, sweetheart. Alam kong pinagtatakpan mo lang ‘tong kapatid mo, e. Eloisa, apologize to your elder sister! Nakakahiya ka! Hindi na kayo bata para magtulakan! Ano bang pumasok sa isipan mo at ang ate mo na naman ang nakita mo?”

“Ate, ano ba? Stop acting like you care! You can go to Oscars for your acting skills! Hands down ako sa ‘yo pagdating sa bagay na ‘yan. Nakakasuka ka! Hindi ako magso-sorry, Mom! Wala akong ginawang kasalanan!” Pagdidiin ko. 

I stormed out and walked away. Hindi ko na kaya pang tagalan na makita sila. 

 

Tila mapuno sa sama ng loob ang dibdib ko dahil sa ginawang pagtatanggol na iyon ni Mommy kay Ate. Sigaw ako nang sigaw sa isipan ko pero ni hindi ko iyon mahabi sa salita. Isa lang ang nararamdaman ko, sobrang sakit. Mas masakit pa la na kahit iyong wala kang ginagawa ay ikaw pa rin ang ituturong masama. 

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko para kunin ang mga nakahanda kong gamit. Ayoko na. I am finally leaving this freaking house! Nakakap*tangina silang lahat! First, my boyfriend, ngayon, ang kumpanya naman ang kukunin nila sa ‘kin?! The f*ck!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lee Deoghwan
굿입니다. 넘 재미있어서 계속 읽게 돼네요.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status