LOGINChapter 1-1
Bella POV Nakauwi na kami ng bahay dumiretso ako ng kusina dahil magluluto pa ako ng pagkain namin ni dwight. Meron naman kaming katulong pero gusto kong ako ang nagluluto ng pagkain namin ni dwight kapag maaga ako nakakauwi ng bahay. Ilang sandali lamang ay naluto na ang aming pagkain. " Hon, kakain na tayo tawag ko kay dwight ". Ngunit hindi siya sumasagot. Kaya pumasok ako sa aming kwarto upang tawagin siya. " Hon, kakain na tayo , tawag ko ulit sa kanya nasa may balcony pala siya kaya hindi niya pala ako naririnig. Lumapit ako sa kanya , hon kakain na tayo! Saad ko sa kanya. May kausap pala ito sa telepono. Kaya pala hindi niya ako naririnig. Kinalabit ko ito at nagulat siya. " Hon, kakain na tayo " saad ko sabay ngiti. " Kanina ka pa andyan? " Tanong ni dwight na parang nagulat siya na nasa likod lang niya si bella. " Ah hindi dwight, kakarating ko lang tara na kain na tayo " saad ulit ni bella at inakay niya si dwight palabas ng kwarto nila. Habang kumakain sila. " Hon, may business trip pala ako sa Los angeles 1week ako roon ". Paalam ni dwight kay bella. " Ah okay hon, kelan ka aalis ? Bukas ng umaga ang flight ko ". Sagot naman ni dwight. " Sige, ipaghahanda kita ng mga gamit mo mamaya pagkakain ". Saad ni bella na ngumiti kay dwight at kumain na ito. - - Pagkatapos naming kumain pumunta ako agad sa kwarto namin upang mag handa ng mga dadalhin ni dwight sa business trip niya. Flashback Habang papalapit ako kay dwight narinig kong may kausap siya sa telepono. Kaya nakinig muna ako saglit naging chismosa muna ako saglit. " Karyle, kelan mo ba ako titigilan? Hindi na kita mahal hindi na tayo magkakabalikan pa. " Saad ni dwight sa telepono. Hindi ko alam kung anong sinabi sa kanya sa kabilang telepono dahil hindi naman ito naka loud speaker. Nasa los angeles si karyle, at hindi malabong mag kita ang dalawa. Bago kami magkakilala ni dwight girlfriend niya iyon dati kaya lang naman sila naghiwalay dahil ayaw ng mga magulang ni dwight kay karyle kaya napilitan si dwight na iwan ito at yun nagkakilala kami sa isang subject sa school naging magkaklase kami at nadevelop ang feeling namin sa isat isa. Pero hindi ko rin sure kung 100% ang pagmamahal niya saakin kahit kasal na kami dahil minsan feeling ko mahal niya pa rin si karyle at na pilitan lang siya na mahalin ako dahil para sa mga magulang niya. - - Natapos na ako sa pag hahanda ng mga gamit ni dwight. Kaya nilabas ko na ito ng kwarto at ibinaba sa may sala para mabilis na niyang madala ito sa kotse. Pagbalik ko ng kwarto ay nakita ko na si dwight na natutulog na sa kama Kaya tinabihan ko na ito. " Good night hon, mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. " Saad ko at natulog na ako. KINABUKASAN Pag gising ko wala na si dwight sa tabi ko. Hindi man lang niya ako ginising bago siya umalis . Hayssst ! Bumaba na ako para kumain ng almusal at papasok na rin ako sa trabaho ko. " Good morning! Ma'am bella " saad ni manang ester. " Good morning din po manang ester ". Saad ko sa kanya " Kumain kana ng almusal baka malate ka pa sa trabaho mo " saad ulit ni manang kaya umupo na ako sa upuan at kumain na. - - Papunta na ako ngayon sa trabaho ko. Sinundo ako ni harris dahil yun daw ang bilin ni dwight para daw hindi ako mahirapan pumasok sa trabaho at umuwi. Ang sweet talaga niya kaya mahal na mahal ko yun eh. Hihihi " Thank you! Harris sa paghatid mo sa aakin dito ". Saad ko bago ako bumababa ng kotse. " Welcome po ma'am! Kayo pa ba " sabay ngiti. Mamaya na lang po ingat po kayo ma'am. At lumalis na ito. Kaya pumasok na ako sa loob. - - to be continueChapter 3-4Tyler POVAndito ako ngayon sa office ko, alam ko na ang lahat ng tungkol kay bella at dwight. Hay nako ang hirap ng sitwasyon ni dwight ngayon. Pero mas mahirap ang kalagayan ni bella naaawa talaga ako sa kanya. Mabait kasi siyang tao eh kaya gusto kong maging masaya siya.Ring...ring...ring... Incoming call from: kate" Hello, kate bakit ka tumawag? " Saad ko rito." Magkita nga tayo " saad ni kate sabay baba ng tawag.Galit sakin si kate hahaha Akala niya kasi may nangyari samin. Pero wala naman talaga dahil nasukahan niya yung damit ko nung inaalalayan ko siya palabas ng bar. Dinala ko siya sa hotel dahil hindi ko alam kung saan ang bahay niya kaya hindi ko alam kung saan ko siya ihahatid. Habang nasa hotel kami tinanggal ko yung damit ko dahil amoy suka. Tapos nung naihiga ko na si kate sa kama bigla na lang siya naghubad ng mga suot niya. Sa sobrang kalasingan niya siguro hindi na niya alam ang ginagawa niya. Kinumutan ko na lang siya. Mabait na bata kaya ako. Hahaha
Chapter 3-3Nakatulog pala ako kila bella sa may sofa . Sinilip ko siya sa kanyang kwarto tulog pa rin siya. Kaya naisipan kong mag luto para pag gising niya kakain na lang siya.Habang nag luluto ako narinig kong may nagbukas ng pinto. Baka gising na si bella kaya inayos ko na ang niluto ko." Anong ginagawa mo rito? " Saad ni bella at nagulat dahil nasa bahay niya si dwight." Ah eh, nakita kasi kita kagabi sa bar lasing na lasing kana kaya hinatid kita rito ". Paliwanag ko." Nagluto pala ako tara kumain na tayo " saad ko ulit at inusod ang upuan upang makaupo na si bella.Umupo naman si bella at kumain na sila. Hindi nagsasalita si bella dahil nagtataka pa rin sa mga nangyayari." Dont worry bella aayusin ko ang lahat " saad ko at kumain na ulit.Tiningnan lang siya ni bella habang kumakain.Umalis na ako sa bahay niya pauwi na ako ng bahay. Magpapalit lang ako ng damit dahil may meeting ako ngayon.Kailangan kong ayusin ang lahat pati ang sarili ko kailangan kong ayusin saad ko s
Chapter 3-2Bella POVNalaman na ni dwight na nagkaroon kami ng baby, pero paano niya kaya iyon nalaman?. Hayssst ang sakit ng puso ko bakit niya yun nasabi kanina, " lets start again " . Paano kami mag sisimula ulit eh hindi naman niya ako mahal tsaka magpapakasal na siya kay karyle. Ano yun papaasahin lang niya ako? Katulad ng ginawa niya saakin noon. Hindi pa nga ako masyadong nakakamove on sa kanya eh ayan na naman siya.Pabalik na ako sa coffee shop umalis na rin si dwight sa bahay ko. Akala ko hindi na siya aalis eh. - -Heaven's tea shopPagpasok ko sa loob. " Ma'am may naghahanap po sainyo kanina " saad ni juan staff ko." Ah nagkausap na kami kanina " saad ko at pumunta na ako sa office ko.Hay! Irelax mo lang ang utak mo bella, wag mong masyadong intindihin yung sinabi sayo ni dwight. Payo ko sa aking sarili.Gabi na pala, hindi ko namalayan ang oras dahil nagpakabusy ako kanina.Ring...ring...ring tunog ng aking cellphone." Hello, napatawag ka ? " Saad ko sa telepono." B
Chapter 3-1Buntis si bella nun? Bakit hindi niya sinabi saakin yun?. Bakit nung sinabi ko sa kanya na maghiwalay na kami pumayag siya agad? Bakit hindi man lang niya sinabi saakin nun? Yan ang mga tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon. Kailangan kong makausap si bella tatanungin ko kung totoo ang sinabi ni tyler saakin kanina.Habang kinukuha ko ang gamit ko upang lumabas na ng opisina bilang dumating si karyle." Hi love, bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko kagabi " saad ni karyle. Aalis ka? Saad ulit niya" I have important things to do? , Kaya maiwan muna kita dyan ". Saad ko at lumabas na ng opisina." But love kakarating ko lang " saad niya pero nakalabas na ito ng opisina.Papunta na ako ngayon sa coffee shop ni bella gusto ko siya makausap ngayon. Marami akong itatanong sa kanya.Nakarating na ako sa coffee shop niya." Where's bella? " Tanong ko sa staff." Ah sir si ma'am bella umuwi po muna saglit sa bahay nila ano pong kailangan niyo? " Tanong ng staff." Alam mo ba a
Chapter 2-5Karyle POVTinatawagan ko ngayon si dwight pero hindi siya sumasagot. Alam kong nadistract siya sa ex wife niya kanina kaya hindi niya ako kinakausap. Mahal na mahal ko siya kaya ayokong mawala siya ulit saakin. Kaya gumawa talaga ako ng paraan na magkita ulit kami ni dwight. Nagpatulong ako sa mga magulang ko na gumawa ng company at yun nga naging magbussiness partner kami. Alam kong hindi naman niya mahal si bella napipilitan lang siya pero minsan natatawag niya akong bella o di kaya lagi niya akong nakukumpara kay bella at i hate it. Alam kong matagal rin silang nagkasama sa iisang bubong kaya alam kong hindi madali iyong pag aadjust pero naiinis pa rin ako minsan.Ng hindi pa rin sinasagot ni dwight ang tawag ko napagpasiyahan ko na lang matulog at pupuntahan ko na lang siya sa office niya bukas.- -Tyler POVAno bang problema nito ni dwight lasing na laging na siya kaya inawat ko na at ihahahatid ko na siya sa bahay nila.Nakarating na kami sa bahay ni dwight akay a
Chapter 2-4Lumipas na ang mga araw nagpatuloy lang ang buhay ni bella. Nagresigned na siya sa bridges magazine at nagtayo na lang siya ng isang coffee shop para hawak na niya ang oras niya yun talaga ang pangarap niya eh ang magkaroon ng coffee shop. Opening ngayon ng kanyang coffee shop. Ang panglan ay " heaven tea shop ". Dahil ang pinakakamahal niyang baby ay nasa heaven na." Congrats, bella sa bago mong business " saad ni kate at may dalang flowers " Salamat kate buti nakarating ka " saad naman ni bella at kinuha ang flowers." Syempre naman noh, hindi ako pwedeng wala rito sa grand opening ng coffee shop mo " saad ni kate sabay tawa.Habang nag uusap ang dalawa ay papasok na rin si seth." Uyy, seth andito ka rin pala " saad ni bella sabay tingin sa direksyon niya." Hi bella, nalate ba ako ng dating? " Saad ni seth sabay kamot sa ulo.Nagtawanan ang mga ito.Habang busying busy ang lahat sa coffee shop may biglang dumating si tyler.Nasabi ko na rin sa kanila na siya ang tum







