Nasa coffee shop kami at magkaharap ang upuan. Naririnig ko ang banayad na tugtog ng classical music sa paligid, which gives me a nostalgic feeling."It looks like you two aren't doing well," aniya.Tinitigan ko lang siya at walang naging reaksyon. Kanina pa umiikot doon ang mga sinasabi niya sa akin. Iyon lang ba ang dahilan kung bakit niya gustong makipag-usap sa akin? If that's the case, I'll just let her say whatever she wanted. Hihintayin ko na lamang kung kailan siya mapapagod sa kadadada.Ngumiti siya, animo'y nang-uuyam. "It's not that I'm surprised anyway. Well, I must say that Damon is totally a hard guy. Mahirap nga siyang lapitan kung hindi patungkol sa negosyo ang pakay mo," pahayag ng dalaga.Alam ko na iyon. Sa mga panahong magkasama kami, hindi man lang tumingin sa iba si Damon, kahit mismong babae na ang nagpapakita ng motibo rito. Pero bakit hindi ako sang-ayon sa huli niyang sinabi? I can talk to him about random stuff. Minsan nga ay sumasagot ito sa akin, gayong hi
Traffic nang makarating kami sa main road, kaya napahaba ang naging pag-uusap namin ni Kuya Rey bago pa makarating sa Apex Metal Inc."Floor seventeen po, Ma'am. Hintayin ko na lang po kayo rito," anito.Tumango ako roon, ngumiti. "Okay. Maiwan na muna kita rito sa labas, Kuya," sabi ko.Kinuha ko ang nakabalot na lunch box nang iabot nito iyon sa akin, saka nagtungo sa entrada ng gusali. Agad akong binati ng guard pagkapasok ko sa loob. I did the same and flashed him a small smile. Pinagmasdan ko muna ang mga empleyadong paroo't parito. Lunch break na kasi at marami sa kanila ang magka-grupong lalabas para kumain.Lumigid ako papunta sa reception area na nakapuwesto sa kanang bahagi ng gusali. Ngumiti ako sa babaeng empleyado roon. "Good morning," sabi ko.She smiled back at me. "Good morning, Ma'am. What can I do for you?""Um, I was hoping to meet the CEO. Dala ko kasi ang lunch niya," pahayag ko, sabay pinakita ang dala kong pagkain.Napatingin naman ito sa hawak ko at tipid na ng
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng mga ginawa ko kagabi. I'm ashamed of what I did. Wala talagang mabuting maidudulot ang pag-inom, dahil binabago nito ang takbo ng utak ng tao.Tanghali na at nakahiga pa rin ako sa kama. I didn't even bother picking up my phone, which had been bombarded with missed calls and texts. Sigurado akong isa sa mga iyon si Faith, pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaibigan. Sinira ko ang plano namin.Napabaling ako sa pintuan nang marinig ang sunod-sunod na katok doon, kasunod ng boses ni Ate Pat."Ma'am Aella, pinatatanong ni Nanay Rose kung gusto niyo na raw kumain?" tanong nito.Bumangon ako sa higaan. "Tell her I'll be there," anunsyo ko."Sige po. Aalis na po ako."I smiled at that. "Maraming salamat, Ate Pat...""Walang anuman po," tugon ng babae.I fixed the bed and opened the curtains before going to the bathroom. I smelled pretty awful. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong uminom noon. Napilitan lang ako kag
Tulad nga ng sinabi ni Faith sa akin, nagbihis ako ng lingerie, pero 'yung hindi masyadong revealing ang pinili ko. I'm nervous and scared at the same time. Hindi ako sigurado kung gagana ba ang plano namin, gayong wala namang pakialam sa akin si Damon. Gayunpaman, susubukan ko pa rin.Lastly, inutusan ko si Bebang na magdala ng wine sa aking kwarto. Isa iyon sa mga kailangan ko para maisagawa ko ang plano.Nakaupo ako sa sopa at ilang beses nang inaayos ang laylayan ng aking roba upang takpan ang sumisilip kong mga binti. Mag-aalas otso na ng gabi. I've been waiting for him for almost two hours now, subalit wala pa rin siya.Muli kong sinalinan ng wine ang aking baso at sumimsim doon. It's already my second shot. Alam kong para mamaya pa ito, pero dahil hindi ako mapakali ay naisipan kong buksan ang bote at uminom. Gusto ko siyang harapin habang kalmado ako.Lumipas ang kalahating oras, hanggang sa mapansin kong umiikot na ang paningin ko. Muntik pa akong matumba nang ibaba ko ang ba
Bumalik ang lahat sa dati, ayon sa napagkasunduan namin. Pero hindi lamang iyon.Nahahalata ko ang malaking pagbabago sa ugali niya. Ni hindi na nga niya ako sinasamahang kumain. Hindi ko mapigilang magtaka roon. He might not have been that soft toward me before, but this time, it has become even worse. It's like he's surrounding himself with thick boundaries so I cannot easily break through him.Ito na nga ba ang sagot niya sa sinabi ko noong nakaraang mga araw? Kung ganoon, mas pagbubutihin ko pa ang pagkumbinsi ko sa kanya."Paalis na po si sir, Ma'am Aella," anunsyo ni Bebang nang pagbuksan ko ito ng pinto.Inutusan ko ang dalaga na ipaalam sa akin ang lahat ng ginagawa ni Damon. Kumbaga, ito ang nagsilbing mga mata ko. We've been doing this for days now, and I was hoping for changes. Naging mas mailap kasi ang lalaki, kaya lalo akong nahihirapang lapitan siya.I nodded at that and smiled. "Thank you, Bebang. I'll be there," sabi ko.Nagpaalam ito sa akin, saka umalis.Bumalik ako
I spent the remaining days with my mom and cherished every moment with her before she could leave the country. It hurt so much. Just the thought of it made me miss her more. Bawat segundo, minuto at oras na lumilipas ay tila ba gusto ko lang na hilingin na manatili ito at wag nang umalis.Ngumiti ako kay Damon nang makalabas ng banyo. He didn't smile back and stepped in. Hindi ko alam pero simula nang dumating siya ay malimit siyang magsalita. Kahit si Mama ay napansin iyon kanina. But I just shrugged it off. Baka may problema lang sa kompanya kaya siya ganoon.Pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang blower, nang matapos ay dumiretso ako sa kama. I just got myself into the bed when my phone rang. Gumapang ako papunta sa kanang bahagi ng kama, kinuha iyon sa side table, at naupo. Hindi ko sinilip pa ang pangalan ng tumatawag at agad na sinagot."Good evening. Sino 'to?""It's me, Callista. Nandiyan pa ba ang Mama mo?" si Papa."Ikaw pala, Pa. Yeah, she's still here. Why?" tanong ko.I he