Dalawang linggo pa lamang ako sa El Salvador, pero hindi ko inaasahang magbabago ang takbo ng buhay ko. Bumalik ako sa Pilipinas sa pag-aakala na kailangan ng tulong ko ang kumpanya. Iyon pa rin naman ang dahilan, kaso ako ang naging kapalit para bumangon ang negosyo ni Papa sa pamamagitan ng pagpapakasal.I am married, and I still can't believe that every moment I think about it. Sa edad na bente-singko, kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang pagpapakasal. Mahal ko ang aking trabaho, na halos wala na akong iniisip pa kundi iyon. Subalit sa pagkakataong ito, dumating sa buhay ko ang bagay na minsan nang hindi naging importante sa akin."How do you feel now that you got married yesterday, hija?" Tita Sandra asked me during our breakfast.Nahinto ako sa pagkain at tumingin sa madrasta ko na nakaupo sa kabila. Tipid na ngumiti rito. "I feel fine, Tita," tugon ko.She nodded at that and flashed me a smile.Hindi sinasadyang napatingin ako sa katabi nitong dalaga, ang aking stepsister
Terakhir Diperbarui : 2025-08-08 Baca selengkapnya