MARRYING THE PSYCHO BILLIONAIRE (Magnate Series 1)

MARRYING THE PSYCHO BILLIONAIRE (Magnate Series 1)

last updateLast Updated : 2025-08-15
By:  DashielUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
7Chapters
100views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang pabagsak na ang kompanya ng ama ni Callista, napilitan siyang umuwi sa Pilipinas upang tulungan ito. Pero ang hindi niya inaasahan, bitag lang pala iyon upang maipakasal siya nito sa isa sa mga bilyonaryong may hawak sa buong La Tierra. She has been the perfect, docile daughter, which became the reason she was forced to obey whatever her father wanted, just to save his dying company. Pero nang malaman niya kung sino ang lalaking pakakasalan, tila gusto na lang niyang takbuhan ang ipinangako sa Ama. Damon Lazaruz Auclair is one of the powerful magnates in La Tierra. Most people were afraid of him because of his ruthless and cold demeanor. How will she be able to marry him when he is known as untamable and a psycho billionaire?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Nakatitig lamang ako sa lalaki na ngayon ay hawak ang aking kamay habang isinusuot ang kumikinang na singsing sa aking daliri. Pakiramdam ko, nakalutang lang ako at hindi alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ito.

Biglaan ang kasal. Kaming dalawa lamang kasama si Mayor Cyprian Jacques Ludwill, na siyang nagsagawa ng seremonya sa opisina nito, at kaibigan din ng lalaking mapapangasawa ko.

Tiningala ko siya. Ngayon ko lamang nagawang titigan ang mukha niya. He is Damon Lazaruz Auclair, one of the most powerful magnates in La Tierra. Pagmamay-ari niya ang pinakamalaking kumpanya ng Automobile sa Pilipinas. Known for being untouchable and merciless in business. At higit sa lahat, siya ang taong makakasama ko hanggang sa pagtanda.

He possessed a striking appearance and exhibited a cold and ruthless demeanor. Lalong-lalo na ang kulay-asul niyang mga mata na kung tumitig sa akin ay tila ba ako'y binabawiin ng hininga. Nakikita ko rin sa kanya ang mala-Europeong istraktura ng mukha na nakikita ko lamang sa mga Hollywood actors. He was also tall, maybe six feet and two. Hindi naman ako nagkulang sa tangkad, ngunit sa kasamaang palad, hanggang dibdib niya lamang ako.

Pero bago ang lahat ng ito, dumaan muna ako sa maraming pagsubok…

Nakatira ako kasama si Mama sa isang real estate sa Britannia, Calgary. Isang high school teacher sa All Saints High School. I was happy and contented with our lives there, but then, some bad news came just to ruin our peaceful living. 

Matagal ng hiwalay ang mga magulang ko dahil sa ginawang panloloko ni Papa. Nangyari iyon noong nasa high school pa ako.

Mahirap para sa akin ang sitwasyon namin noon. 'Yung tipong kailangan kong mamili sa dalawang tao kung saan ako sasama. Pero kahit nakapagdesisyon akong sumama kay Mama sa ibang bansa, siya na mismo ang pumigil sa akin.

She left me with my dad so I could have a better future. It pained me, of course. Alam ko kasi kung gaano kahirap sa kanya ang naging desisyon. Alam ko kung gaano kasakit ang ginawa ng ama ko sa kanya. Umabot nga sa puntong kini-kuwestiyon ko ang aking sarili kung ako ba ang dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.

Coming from a broken family was never an easy battle; it was both traumatic and painful.

Alas sais na nang hapon noon nang makauwi ako sa bahay. Dala ko ang masamang balita at hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mama ang tungkol doon. 

"How's your work, dear?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago sumagot. "Like usual, Ma. Ikaw po, anong ginagawa mo sa bahay?"

"Oh, you don't have to ask me, dear.”

"Tama. Nagtanim ka na naman, po," I giggled.

Bumuntot ako sa kanya hanggang sa sala at ibinaba ang aking purse sa sofa. Saka umupo at hinarap siya.

"Sa tingin ko po, kailangan mo nang maghanap ng makakasama. Papa has had his own family for so many years until now, and you should, too," sabi ko.

Agad nasira ang mukha niya sa sinabi ko. "Why would I? I already have you, Callista. Isa pa, ayoko nang magmahal at baka tulad lang din ng papa mong hindi lang siraulo, kundi manloloko. I've had enough," aniya.

Kahit papaano, masaya na ako dahil hindi ko na nakikitang nasasaktan siya kapag patungkol kay Papa ang usapan. Unlike before, her tears were shallow even by the mention of his name.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. "Uhm, I have something to tell you about, Ma. Maupo muna kayo rito…" wika ko, sabay turo sa uupuan niya.

Dumaan ang pagtataka sa kanyang mukha bago siya umupo sa tabi ko.

"Si Papa... he called me at lunch—"

"What?! At bakit naman? Anong kailangan niya sayo?" bulalas niya, at marahas na napatayo.

Ito na nga bang sinasabi ko.

Marahan akong napalunok at nagkibit-balikat. "Sinabi niya sa akin ang nangyari sa Lavender. They were about to go bankrupt…"

She scoffed at that. "That's what he got for throwing us out. Karma niya 'yan," angil ni Mama. "Ano pang sinabi niya sa'yo?" Tumikwas ang kilay niya.

"Uhm, he told me to go back to the Philippines—"

"No. I won't let you. Matapos ka niyang palayasin sa bahay, ngayon pababalikin ka niya sa Pilipinas? Baliw ba siya?"

"But that never happened, Ma. Ako ang nagkusang umalis. Ngayon na kailangan niya ng tulong, I have to do something. Anak niya pa rin naman ako, 'di ba?" sabi ko.

Napailing siya. "Don't let him fool you, Callista. Kahit ama mo siya, kaya ka pa rin niyang traydurin," salungat niya. "Remember what happened to me. He manipulated everything to be with his mistress. He even lied to everyone that I was dying since his parents hated weak and lifeless women to be part of their family," dagdag pa niya.

"Tandaan mo ang paghihirap ko, anak..."

Alam ko. Kailanman ay hindi ko iyon nakalimutan. I once hated my father for that, but still, I am a part of him. We shared the same blood. Kasalanan ang talikuran ito sa panahon ng pangangailangan. At least, to me.

Humingi ako ng malalim. "I'm sorry, Ma. Nakapagdesisyon na po ako." Tiningala ko siya. "Babalik ako sa Pilipinas…”

I came back from my reverie when he pulled me by my waist. Napasinghap pa ako dahil sa gulat, sabay tingala ko sa kanya. Salubong ang parehong kilay ng lalaki, animo'y hindi nagustuhan ang naging asal ko.

Akmang magsasalita na sana ako nang walang anu-anong hinuli niya ang labi ko. I stiffened with my eyes wide open. Hindi siya gumagalaw, pero ramdam ko ang lalim at init ng labi niya sa akin.

Binitawan niya lamang ako nang marinig naming pareho ang tikhim ni Mayor Ludwill. Agad akong lumayo sa kanya at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko, sobrang init ng magkabilang pisngi ko dahil sa nangyari.

Gosh! Dapat ba talaga biglaan?

Namalayan ko na lamang ang sariling nasa loob ng sasakyan ni Damon pagkatapos ng kasal. Walang nagsasalita sa amin kaya inilibot ko na lamang ang tingin sa kabuuan ng sasakyan upang may pagkaabalahan. The inside looks good, actually. It was customized with high-end materials, as expected from the CEO of the company that manufactures these luxurious materials for automobiles.

Nakabukas na ang gate ng mansyon namin sa El Salvador nang makarating kami. Agad niyang naipasok ang sasakyan sa loob. Tinanggal ko ang seatbelt at dinala ang bungkos ng puting rosas nang lumabas. Sumunod din siya sa akin agad.

"I'll be back after two days to get you," he said.

Hinarap ko siya at itinago sa likod ang hawak kong bumalaklak. Tipid na ngumiti. "Okay…"

Hinintay ko siyang bumalik sa loob ng sasakyan. Subalit ilang segundo ang lumipas at nagtaka ako nang hindi man lang siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tumikhim ako. "Bakit, may sasabihin ka—" He cut me off with another kiss on the lips.

"I'll take my leave... Calle."

Hanggang sa makaalis siya, nakatunganga lang ako roon. Hindi alam kung anong gagawin. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
AshQian19
Highly recommended
2025-08-15 20:01:54
1
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status