Share

Chapter 6

Author: Bratinela17
last update Last Updated: 2023-02-04 03:09:09

Nagtatakbo ako sa pagkakapahiya. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Para akong babaeng pakawala ng oras na 'yon. Muntik na akong bumigay. My! Gosh!!! "Tamara, wake up! MC was change." paulit ulit kong tinatatak sa isipan ko para hindi na ako masaktan. Sa nangyari kitang kita naman na wala na siyang pagmamahal na natitira para sa akin. Ibang iba na ang dating asawa. Hindi na siya ang MC na minahal ko. Ang MC na nasa harapan ko kanina ay demon*o na. Sabagay, hindi ko naman ito masisisi, sapagkat iniwan ko siya ng walang paalam. Kahit sino naman kung ganon ang ginawa kamumuhian talaga. Pero, ginawa ko ang lahat ng 'yon para sa'kaniya. Para mabuhay siya at kahit masakit nag tiis ako, pero heto lang pala ang matatanggap ko. Sana, sana hindi na lang ako umalis. Haixt!

At kahit makailang ulit akong magsisi. But it's too late, sapagkat hindi ko na mababago pa ang lahat. Galit na siya sa'kin at dahil sa galit na 'yun kinamumuhian niya na ako. Hindi ko namalayang unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko na naglalandas sa buong mukha ko. Mabuti na nga lang rin na lagi akong naka water proof na make-up, dahil kung hindi kanina pa ako dito na mukhang bruhilda. Inayos ko ang sarili, sapagkat bumukas ang elevator at pumasok ang ilang empleyado ng company na pagmamay-ari nito. MCB??? Bakit hindi ko ba naisip na siya ang nagmamay-ari nito. Haixt!

"Are you okay Miss?" tanong ng isa sa nakasabay ko sa elevator napansin niya yata na nagsasalita ako ng mag-isa.

"Yes! I am." mabilis na sagot ko mahirap na baka mapagkamalan pa ako nitong baliw. Nang tumigil ang elevator kaniya kaniya na silang labas at sumunod naman ako. Huli na nang malaman kong paakyat pala ang button na pinindot ng mga ito. Kaya bumalik ako sa itaas. Badtrip!!

Palabas na sana ako ng makita ko si MC na patungong elevator. Gusto ko sanang isara ngunit sa pagkakataranta ko imbes na close ang ma click ko open button kaya nakapasok ito. Halos tambulin ng kaba ang dibdib ko lalo na nang marinig ko ang baritonong boses nito.

"Did you miss me?" tanong nito na sa isang iglap lang nasa likuran ko na. Damang dama ko ang init ng hininga niya na bumubuga sa may batok ko.

"S...sir, a..Ano kasi... A....Ah!" nauutal na sagot ko.

"Relax miss...

"Tamara sir." mabilis na sagot ko.

"Bakit ka ba umalis?" tanong nito.

"Wala lang sir. Gusto ko lang umuwe mukha namang hindi mo naman nagustuhan ang ginawa kong proposal" sagot ko.

"Sinong nagsabi sa'yo niyan? Miss. Tamara, well in fact your proposal is qualified that's why I wanted to talk to you. Do you understand Miss. Tamara? You can report to me as may personal assistant." wika niya.

"W... What? excuse me sir. I'm offering you my project plan but I'm not applying for assistant." mariing wika ko.

"Well, kong ayaw mo babawiin ko na lang ang mga pinirmahan ko at...

"Okay. Deal." mabilis na sagot ko. Bahala na kailangan ko ng tulong niya. Alam ko sa ginawa ko mas lalo lang akong lumubog sa kumunoy.

"Good. That's my girl." anya. Tama ba ang narinig he called me my girl??? o sadyang nabingi lamang ako.

"Anyway Miss. Tamara, just close your mouth at baka mapasukan ng insekto." wika niya nang mapansing nakanganga ako sa harapan niya. Nagulat ako sa ginawa niyang pagsara ng bibig ko parang bulta butaheng kuryente ang dumaloy sa balat ko ng magkadikit ito.

Napa atras ako at napa yuko, sapagkat nahulog ang folder na hawak ko at sumabog ang mga files sa lapag. Pilit kong inaabot ito kaya napatuwad ako at hindi nakaligtas sa mga mata nito ang ginawa ko.

"Nice butt!" anya sabay palo ng likuran ko.

"Bastos." wika ko.

"Bastos? Bakit naka hubad ba ako?" sarkastiskong tanong nito.

"Nevermine!" sagot ko.

Nakuha ko na ang lahat ng files ng biglang nakarinig ako ng tunog at namatay ang ilaw sa loob.

"A...Ano 'yon?" tanong ko. May sakit akong claustrophobic kaya hindi ako pwedeng magtagal sa loob ng elevator at kakapusin ako ng pag hinga.

"Don't panic nasira lang ang elevator. You'll be safe with me." anya.

"Safe???" usal na tanong ko sa sarili ko.

Maya maya lang kinakapos na ako ng pag hinga. Kaya unti unti ko binuksan ang mga butones nang blusa ko para makahinga ako. Hindi ko na inisip pa ang sasabihin nito kong makita niyang naka sleeveless na lang ako.

"What are you doing? Are you flirting with me?? Hey!!

Hindi ko na naitindihan pa ang iba niyang sinasabi sapagkat biglang nanlabo na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.

Pag mulat ko ng aking mga mata nasa loob ako ng isang room na hindi ko mawari kong ospital nga ba ito. Maya maya lang nakita kong lumapit si MC sa akin, kitang kita ko sa mga mata nito ang labis na pag-a-alala sa akin.

"Are you okay??" tanong niya. Kikikiligin na sana ako ng biglang nagsalita ito na; "Next time mag-ingat ka hwag kang tanga tanga. I have an appointment to do before you collapsed." anya.

"Thank you for your help but you can leave now. I'm okay." wika ko sabay talikod para hindi niya mabakas ang pag ragasa ng mga luha ko sa mga mata ko. Ang sakit the way he called me tanga. Wala nang mas sasakit pa siguro sa physical na naramdaman ko kay Tita at sa emotional damage na pinaparamdam sa akin ng kaisa isang lalaking minahal ko. Kong alam mo lang ang mga sinakripisyo ko mabuhay ka lang hon." usal ko.

Maya maya lang nakarinig na ako ng mga yabag papalayo sa akin at ang malakas na pag balya nito ng pintuan. Alam kong nagalit na naman siya sa akin. Hindi niya alam ang lahat ng ginawa ko, tiniis ko sa Europa para lang sa kaniya. Syempre wala siyang alam, dahil ang tanging tumatak sa isipan niya ay ang pag iwan ko sa kaniya at wala ng iba pa. How I wish maibalik ko pa ang dating ikaw. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit roon. Nasa loob pala ako ng clinic ng MCB Corporation. Nang maalala ang anak namin. Kailangan ko nang makabalik ng bahay.

Patayo na sana ako ng pumasok ang nurse.

"Miss, saan po kayo pupunta?" tanong nito.

"Ah! E' sa comfort room sana." sagot ko.

"Comfort room, nandon po ang comfort room. Palabas na po ito ng clinic ang dinadaanan niyo." sagot nito sabay turo kong nasaan ang comfort room.

"Ah! Sorry! Hindi ko kasi alam." sagot ko.

"Okay lang Miss. Siya nga pala kabilin bilinan ni Mr. MC na dito muna kayo magpagaling 24 hours at babalik daw siya after the meeting." anya.

"What??? I can't stay longer here Miss. I have important things to do." wika ko. Ang totoo kasi niyan walang kasama si Tyron kapag umalis ang Ninang Jessy niya. Kanina pa nga natawag ang bruha paktay na naman ako nito.

"Ahmm! Miss hindi talaga pwede pasensya. Mag comfort room na po kayo then check ko na ang vitals mo." ani nito

"Sige." tipid na reply ko.

Naglakad na ako patungong comfort room at habang naglalakad ako nag iisip ako ng tamang gawin para maka alis ako dito at hindi na kami muling magkita pa. Siguro ika cancel ko na lang ang business proposal namin at iaalok ko na lang sa ibang company. Sa nangyari at nasabi nito parang hindi ko kakayanin na araw araw at bawat oras kasama ko siya. Lalo na't alam kong siya pa rin ang laman ng puso ko. Kahit anim na taon na ang nakakalipas. He's still the one and no one can replace him. Tanga na kong tanga, pero ganon siguro talaga. Heto na ang kapalaran ko to become a single Mom. Masaya naman kaming mag-ina at gagawin ko ang lahat para mas maging masaya pa kami at hindi na isipin o hanapin pa ni Tyron ang Daddy niya.

Habang nasa comfort room ako hindi pa din ako makapag isip kong paano ko ba matatakasan ang nurse ngayon. Maya maya lang nakarinig ako ng katok mula s labas.

"Miss are you done?" tanong ng nurse.

"Ahmm! Not yet. Medyo masakit ang tummy ko bloated yata ako." sagot ko. At uma acting pang masakit talaga ang tummy ko, pero ang totoo niyan gusto kong umalis siya para makatakas na rin ako.

***

Habang nasa board meeting naman si MC at nilalaro ang pen na hawak niya kanina pa. Hindi mawala sa isip niya ang pagkatakot ng biglang himatayin ang dating asawa. Nawala sa isip niya na claustrophobic nga pala ito. Kaya ganon na lang ang labis na pagkatakot ang naramdaman niya nang nagcollapsed ito.

"Mr. Benitez, are you okay?" tanong ni Vienna. Isa sa investor ng MCB na lantarang may gusto sa akin. Kulang na lang siguro na mag hubad siya sa harapan ko. Katulad ngayon panay himas niya ng legs ko sa ilalim ng table. Mabuti na nga lang hindi niya makapa ang kiliti ko at baka mapahalakhak ako ng todo rito at nakakahiya. Ano na lang iisipin sa akin ng mga board. Hindi ako seryoso sa business namin. Actually, nabasa ko ang proposal ni Tamara at heto nga ang pina pa discuss ko sa assistant ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 22

    Nang maka alis ako ng ospital at nakauwi ng bahay napag isip isip ko ang lahat lahat. Sabi nga nila lahat gagawin ng isang ina para sa kanyang anak. Kaya kahit nagkakasakitan kami ng Daddy ng anak ko hindi ko pa rin dapat kalimutan ang pagiging Ina ko sa kanya. Naidlip lang ako at pagod na pagod ako sa byahe. Hinayaan ko na lang ang mag-ama na makapag bonding dalangin ko na pagalingin niya agad ang anak ko at itatama ko na ang lahat lahat. Pumikit ako at natulog gusto kung bawiin ang ilang gabing wala akong halos natulog although may tulugan sa loob ng ospital kaso hindi pa rin sasapat ang tulog ko sa mga ganoong pagkakataon at lugar. Habang bantay pa ang daddy niya sa anak ko susulutin ko ang pagpapahinga ko sa bahay. Nag alarm naman ako kaya magigising ako ng maaga. Three hours later nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock hudyat na para gumising ako at mag asikaso, balak kung lutuan ng arozcaldo ang aking anak. Kaya nagsimula na akong magprepated ng aking sarili. Nag inat

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 21

    Samantalang sa loob naman ng emergency room himalang nagkamalay ang kanilang anak. Akala ni Tamara ay mawawala na ang kanyang pinakamamahal na anak. Nang sabihin ng doktor sa kanya na may heartbeat na ulit ang anak niya nakahinga siya ng maluwag kahit kaunti lamang. Katatapos lang rin niyang kumain at medyo inaantok na rin siya. Sa sobrang antok niya ay hindi niya namalayan ang sarili na nakatulog na pala siya. Nagising siya na parang may humahaplos sa kanyang ulunan hindi niya alam kung nanaginip nga ba siya o hindi. Nag unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata nakita niya ang kanyang anak na si Tyron. "A-anak! Gising ka na?" tanong niya sa pag-aakalang nanaginip lamang siya. "M-Mommy! O-Opo!!" nauutal na sagot nito sa kanya. Hindi man lang naisip ni Tyron na kahit hirap mag salita ay nagawa pa rin niya. "Salamat sa Diyos, gising ka na anak. Pinag alala mo ng sobra ang Mommy. Saglit lang at tatawag ako ng doctor." Ani niya. Ngunit ng tatayo na siya agad nitong hinaw

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 20

    Nabulabog ang Emergency room ng biglang tumigil ang paghinga ni Tyron. "Code blue! Code blue." wika ng doctor at sinimulan ng irevived ang bata. Paulit ulit ginagawa ng doctor at inoorasan ang bata. ilang segundo na nilang ginagawang isalba ang bata kaso wala man lang kitang nakikita indikasyon na buhay pa ito. Hanggang sa hindi tinigilan ng doctor na magkaroon ito ng hininga. "Oxygen!" utos ng doctor. Napalitan na ng bagong tangke ng oxygen. Samantalang nagugulat ang dalawa sa labas ng makitang maraming Nurses ang pumasok sa emergency. At nang silipin ni Tamara kung anong nangyayari halos gumuho ang mundo niya ng makitang sinasalba ang kanyang anak. "No! It can't be, huhuhu. Tyron, anak." palahaw na iyak niya mula sa labas ng emergency room.. Habang pinapakalma siya ni MC. "Let's do their job! We will wait here." aniya. "Ayokong tumanga dito na walang ginagawa para sa anak ko." bulyaw niya rito. "Alam mo kung wala kang sasabihin, umalis ka na lang! Hindi kita kailangan dito." sig

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 19

    At Benitez Mansion Saktong kakauwi lamang niya at pagod na sumalampak sa kama ng kanyang kwarto. Wala siya sa mood makipag usap na kahit kanino at sobra siyang natakot sa nangyari kanina lang. Hindi niya akalaing makikita niya sa ganong kalagayang ang kanyang anak. Sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang mga dugo na nagkalat sa sahig at kumapit sa kanyang balat. Habang naghihintay siya ng tawag ni Tamara kung ipapaalam ba nito sa kanya ang nangyari sa kanikang anak, ngunit inabot na siya ng alas dos ng madaling araw kakahintay ng tawag nito pero, wala man lang. Ganon nga ba katindi ang galit jiti sa kanya at ayaw siyang bigyan ng karapatan para sa anak nila. Kasalanan rin naman kasi nito kung naging tapat lang sana ito sa kanya baka naging okay pa sila. Kaso mas pinili nitong iwan siya at magpakasasa sa Barcelona. Ayon ang matinding ikinagagalit niya na habang siya ay nag aagaw buhay nagawa nitong tikisin siya na iwan at magpakasaya sa malayo.Ipinikit na niya ang kanyang mga mata hang

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 18

    Kanina pa siya pabalik balik sa emergency room. Hindi niya malaman ang gagawin ng mga oras na 'yon para siyang pinagsakluban ng mundo. Wala pa ring tawag mula sa emergency room kaya naman hindi siya mapakali sa kan'yang kinauupuan paroon at parito siya. Hindi niya rin natatawagan pa si Tamara ang Mommy nito hindi niya kasi alam ang sasabihin niya. Kaya nagpunta muna siya sa information section at nakiusap na tawagan ang number nito. Hindi pwedeng makita siya nito roon kaya tiniyak niya na magtatago siya sa oras na dumating ito. Matapos niyang maibigay ang cellphone nito umalis na siya agad at bumalik sa emergency room para makibalita kaso wala pa rin. Kaya nilalamon na siya ng kaba at pagkabahala. Pagod na rin siya kakaisip ng posibleng mangyari. Habang naghahanap naman si Tamara at nababaliw na nga kung saan niya hahanapin ang kan'yang nawawalang anak. At hindi talaga niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa anak niya. Kasalanan niya kasi '

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 17

    "Mom, is this true??? Are you hiding something from me again? Kaya ba nagmamadali kang umalis ng bansa at bumalik ng Europa dahil alam mong nagkakalapit na kami ng biological father ko?" sunod sunod na tanong ng anak ko at wala akong maapuhap na sagot sa mga katanungan niya ngayon, miski ako ay nagulat ng malaman ni MC na may anak kami gayong hinarang ko naman ang naunang DNA test result niya. Pero, sadyang mautak siya at hindi na rin ako magtataka dahil hindi na siya ang dating MC na kilala at minahal ko. "Mom! Please answer me. I need to know the truth.." naiiyak na wika ng anak ko at sa mga oras na 'yon nanatili akong pipi at bingi sa harapan niya. Hindi ako pwedeng magsalita gayong mas lala ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa ng anak ko. "Tyron, son, go to your room and pack your things. Don't interrogate me now. We need to leave as early as we can." mariing utos ko. Tumingin lang sa akin ito sabay takbo. Mabuti naman naturuan ko ang anak ko noon pa man na makikinig pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status