Salamat po sa mga nagbasa na sa bagong Story. Help me reach the goal for the contest. Sa mga hindi pa nag-add, the story is titled "MARRIED TO MY EVIL BOSS: INSTANT MOMMY. KUNG PINAIYAK KO KAYO DITO. TIYAK, IIYAK NAMAN KAYO SA KILIG SA STORY NA IYON. SALAMAT PONG MULI.
Michelle's Point of View"Don't worry, everything will be okay. Pinapangako ko, makikita mo ang anak mo, Michelle..."Nasa emergency room na ako. Naka-ready na ang lahat. Ginagap ko ang kamay ni Luigi na siyang mag-se-cesarian sa akin. Ang mga mata kong puno ng pangamba ay nagsusumamong tumitig sa kanya. "Kahit anong mangyari, Luigi, unahin mo ang anak ko. Save my baby bago ako, ipangako mo..."Sumibol ang luha sa mga mata ko. Mas tumindi ang takot sa sistema ko habang papalapit ang oras.Hinigpitan ni Luigi ang hawak sa kamay ko. "I'll save both of you," aniyang nagawa pang kumindat. Pinapagaan ang alam naming mabigat na sitwasyon.Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko."We will give you general anesthesia now. Mapanatag ka, Michelle. Everything will be okay..."Bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ay nanalangin ako. Dalangin na sana pagbigyan ako ng Diyos na makasama ang anak ko. Kahit saglit lang. Gusto ko siyang mahawakan at mahalikan.****Mabigat ang
Michelle's Point of ViewSa isang sulok na tago, doon ako nagtago—habang ang mga mata ko ay naghihintay na muling masilayan si Lucas kahit sandali lang. Isang bagay na gusto kong iwasan pero hindi ko mapigilan. Ilang buwan rin na hindi ko siya nakita. Kumusta na ba siya? Naging masaya ba siya na wala na ako sa buhay niya? Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahanap? Labis akong natakot nang malaman na may nagtatanong-tanong tungkol sa akin. Nang mapag-alaman namin na si Lucas ay laking pagtataka ko. Dahil ba hindi ko napirmahan ang divorce paper namin kaya halos halughugin niya ang mundo para mahanap ako? Alam kong gusto niyang lumaya mula sa akin.Kinakailangan ba niya akong habulin para doon?Habang papalayo ang sasakyan na lulan siya ay mapait akong napangiti. Tama si Doctor Luigi, hindi na dapat pa akong magpakita pa sa kanila. Kahit kay Robert na siyang nagbigay sa akin ng pagkakataong makalaya. "Pumasok na tayo, Michelle."Lumingon ako kay Sister Felomina nang siya ay magsali
Lucas's Point of ViewDays passes. Becomes week. And then months. Halos anim na buwan na ang nakararaan pero wala kaming napapala sa paghahanap. Wala akong makita ni anino ni Michelle. She really disappeared without traces.I slowly buried myself in work. Nag-umpisa ulit akong magtrabaho. Pero hindi ko kinakaligtaan ang paghahanap kay Michelle.Kahit nasa kalagitnaan ako ng trabaho, kapag tumawag ang private investigator ay kinukuha ko. Kahit na papunta ako sa meeting at may balitang nakita si Michelle ay pupuntahan ko. Unti-unti kong tinatanggap sa sarili ko ang katotohanan. Niyayakap ko ang pagdurusa ng puso ko. Iyon lang ang magagawa ko. Hindi ako puwedeng magpadaig sa pagdurusang iyon, gusto ko pang makita si Michelle at humingi ng kapatawaran. Kung kailangan kong isabuhay ang pagdurusa kong ito ay mabubuhay akong nagdurusa."Lucas, anong balak mong gawin?"As the days goes by. Hindi lang paghahanap kay Michelle ang ginawa ko. I traced all her past, kasama na roon ang pamilyang k
Robert's Point of View "Sonia..."Napalunok ako nang tawagin ko ang pangalan ni Sonia. Sa totoo lang, sa loob ng maraming taon, ngayon lamang ako nagkalakas ng loob tumawag sa kanya. Ang direktang kausapin siya.Batid kong maging siya ay nagulat nang marinig ang boses ko. Alam kong hindi niya inaasahan ang pagtawag kong iyon. But I don't have a choice. Kailangan kong gawin ito para kay Lucas. Dahil kung hindi—he might die. Muli akong humugot ng lakas ng loob para magsalita. "I...need you here." Natigilan ako sa sariling pakiusap. Gusto kong suntokin ang sarili ko dahil hanggang ngayon, sa maraming taon na nakalipas, ganoon pa rin ako sa kanya."I mean, I need you here for your brother. He's not in good shape..."Habang nagsasalita ako ay para bang tinatambol ang puso ko sa kaba. Lalo na at hindi man lamang siya tumutugon sa mga sinasabi ko."Son—""I'll go home right away." Iyon lang. Binaba na niya ang tawag pagkatapos ng katagang iyon. Walang bakit? Walang paano? Walang hiningin
Lucas's Point of View Hindi ko alam kung paano ko nagawang muling makaalis sa basement. Parang walang patutunguhan ang mga paa ko habang palabas sa may pinto. Dala ko ang painting ni Michelle habang hilam pa rin ng luha ang mga mata ko.Napaupo ako sa swivel chair dahil sa nanghihinang mga tuhod. Para akong kakapusin ng hininga. Para bang umiikot ang paligid ko. I closed my eyes as I calmed myself. Sa pagkakapikit ko ay bigla akong may naalala.Dali-dali kong binuksan ang drawer. Sa pinakasulok niyon ay may box na parihaba. Kinuha ko iyon at binuksan. Tumambad sa paningin ko ang lumang telepono na pinakatago-tago ko noon pa man.Pinulot ko ang telepono na iyon. Kay Michelle iyon na telepono. Ako ang kumuha niyon sa sanglaan noong nabanggit niyang wala na siyang cellphone. I want to give it back to her pero noong makita kong tumatawag doon ang papa niya ay hindi ko na nagawa. I just bought her a new phone to cut her ties with the ones on her contacts.I don't know if it still works
Lucas Point of View The days are slow. But the nights are lonelier than ever. Para akong laging pinapatay sa tuwing dadating ang gabi. Sa katahimikan ng kuwarto ni Michelle—sa kadiliman ng gabi, I was sitting in the bed, longing for her. Halos walang sapat na tulog dahil laging naghihintay. I am tired going around where she might be. Ilang hospital na rin ang napuntahan ko. Hindi pa bilang ang mga tauhang inutusan ko at binayaran para hanapin si Michelle. I know she can't be far. Sa kalagayan niya, sigurado akong nasa malapit lamang siya. "Lucas, Nana wants to see you. Kahit sana dumalaw ka lang sa kanila saglit," ika ni Sonia noong dalawin niya ako. Halos isang buwan na rin ang nakararaan. As usual, she wears a big hat and a mask to hide her face. Sinabi kong bumalik na siya sa US dahil kaya ko na ang sarili ko pero ayaw niya. Siya din lamang ang iniisip ko dahil nahihirapan siya sa pagtatago ng sarili sa mga tao lalo na sa mga reporters at sa industriya na kilala pa rin siya. "