Share

Chapter 2 Siya lang dapat

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-03-05 12:51:46

Michelle's POV

"You may kiss the bride," masayang saad ng Judge pagkatapos naming pirmahan ni Lucas ang papel sa aming harapan..

Nakangiti ako at maluha-luha nang marinig iyon. Sa wakas, ikinasal na ako sa taong minahal ko ng matagal na panahon.

Nangniningning ang mga mata kong humarap sa lalaking pinakasalan ko. Pero mabilis na napawi ang ngiti sa mga labi ko nang magtagpo ang mga mata namin. Imbes na masaya ay ang galit ni Lucas ang nakikita ko sa mga mata niya. Nanlilisik iyon at napakadilim ng awra na nanggagaling sa kanya. Alam ko, galit na galit ang kalooban niya dahil ang kagustuhan ko ang nasunod.

"Are you happy now?" uyam na saad niya. Humakbang siya palapit sa akin. Nakakatakot ang ngiti niya sa mga labi. Parang may kung anong nakatago roon. Sa likod ng ngiti na iyon ay matinding galit. "Maging masaya ka ngayon. But remember, dinala mo lang ang sarili mo sa impiyerno. Huwag na huwag ka sanang magsisisi sa pinili mo, Michelle. You can't blame me either if you live in sorrow!"

Napalunok ako. Napapiksi ako nang hawakan niya ang braso ko nang mahigpit. I sense his anger. Kung wala siguro ang judge roon ay baka napilipit na niya ang leeg ko sa galit. Kung nakakamatay ang matalim niyang mga tingin ay baka bumulagta na ako kanina pa sa sahig. Baka nga pinapatay na niya ako sa kanyang isipan.

"You want my kiss?" bulong na muli niya. Nakangising tumingin siya sa judge na litong-lito sa nangyayari sa amin. "You kiss my asş!" aniya bago ako bitiwan bigla at iwanan ako. Nanginig ang mga tuhod ko kaya muntikan akong matumba. Buti na lang ay nakakapit ako sa mesa.

Awang ang aking bibig habang sinusundan siya ng tingin papalayo sa lugar na iyon. Kinagat ko ang pag-ibaba kong labi para pigilan ang aking pag-iyak. Ngunit may sarili yatang utak ang mga luha ko. Nag-uunahan silang magpatakan habang papawala si Lucas sa paningin ko.

"A-are you okay?" tanong ng judge na may pag-aalala. Pinunasan ko ang aking mga luha at pinilit na ngumiti. Kinuha ko ang papel na pinirmahan namin bilang katibayan na kasal na kami ni Lucas.

"May pinagdadaanan lamang ang asawa ko Mr. Xeron," pilit kong pinagtatakpan si Lucas. Para iligtas na rin ang sarili ko sa kahihiyan. "Thank you for accommodating us kahit na biglaan ang pagpapakasal namin," sabi ko. Pinilit ko na naman na ngumiti kahit pa nga labis na nasasaktan. Hindi lang ako napahiya sa harapan nito kundi, nasaktan din ako dahil lantarang ipinakita ni Lucas na ayaw niya sa akin. Na napilitan lamang siyang magpakasal sa akin.

Gusto kong tawanan ang sarili ko. Hindi ba at iyon naman talaga ang totoo? Pinilit ko siya. Ipinagduldulan ko ang sarili ko sa kanya para pakasalan ako. Kaya kailanman ay hindi ko siya masisisi na tratuhin ako ng ganoon.

Matamang nakatitig lamang ang judge sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero pinili niyang tumahimik. Mas pabor sa akin iyon. Dahil ayaw kong marinig ang mga salitang pampalubag sa loob ko galing sa kanya. Gaya ng sabi ni Lucas. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyon na iyon. All I need to do is to make him fall in love with me. Alam kong hindi siya masamang tao. Hindi bato ang puso niya para hindi ako mahalin. Ipinapangako ko sa sarili ko, he will fall in love with me. Matututunan niya akong mahalin and treasure. Just like how she treats Olivia.

"Well, congratulations again Mrs. Belleza," ika ni Mr. Xeron. inilahad niya ang kamay sa akin para sa pakikipagdaupang palad.

Tinanggap ko iyon. Hindi ko inalis ang ngiti sa mga labi ko. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit ganoon ay masaya pa rin ako.

"Salamat, Mr. Xeron. Mauuna na po ako," sabi ko. Pagkatapos ay naglakad na rin ako paalis. Dala ang papel na katibayang kasal na ako.

Lumunok ako bago ako lumabas sa gusali. Hindi ko alam.kung paano ko haharapin si Lucas at ang galit niya ngayon na wala ng ibang tao. Pero naroon na ako. Kasal na kami. All I need to do is melt his heart. Paibigin siya para mahalin niya ako. Kung paano ay hindi ko pa alam.

Ngunit laking dismaya ang naramdaman ko nang paglabas ko sa gusali ay hindi ko na siya makita. Maging ang sasakyan niya ay wala na roon. Ni hindi niya ako hinintay man lamang.

Mapait akong napangiti. Of course, umpisa pa lang ay ipaparamdam na niya sa akin na kinamumuhian niya ako at hindi niya ako kailangan.

Mabigat sa puso. Masakit dahil ngayon pa lamang ay ipinamumukha niya sa akin na asawa lamang niya ako sa papel. Nakakatawa, akala ako ay napaghandaan ko na ang lahat ng iyon pero masakit pala talaga na mabalewala.

Naglakad ako na hindi alam ang patutunguhan. Gusto ko lang maglakadlakad para mawaglit ang sakit na nararamdaman ko. May malapit na mall sa gusaling pinanggalingan ko at iyon ang tinungo ng mga paa ko. Gusto kong magpalipas ng oras. Ayaw ko rin na umuwi agad sa bahay namin dahil nasasakal ang pakiramdam ko roon. They don't need me there. They have their own life to live. Problems to solve. Balewala din lamang naman ako sa kanila. Hangin akong hindi hindi nila nakikita.

Mapait akong napangiti. Ano kaya ang iisipin nila kung malaman nilang kasal na ako kay Lucas? Makikita na kaya nila ako? For sure, magagalit sila sa akin. And Olivia? Sigurado, magmamakaawa siya sa akin.

Papasok na ako sa mall nang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko sa bag ko iyon at tiningnan. Bagong numero ang nag-flash doon. Nang basahin ko ang nilalaman ng text ay mas lalong naging mabigat ang kalooban ko.

*You get what you want. Now, come to the hospital. Give the bone marrow we need for Olivia*

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bigla na lang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko. Kailangan niya pala ako doon pero bakit iniwanan pa niya ako? Bakit hindi na lang niya ako hinintay? Ganoon na ba niya kaayaw na makita kami ng iba na magkasama?

"Mam, okay ka lang?" tanong sa akin ng security guard na kanina pa pala nakamasid sa akin. Paano ay napatigil na ako sa mismong kinaroroonan niya. "Heto Mam, tissue," sabi pa niya nang patuloy ako sa pag-iyak.

Nahihiyang kumuha ako ng tissue na nasa kahon. Pasinghot-singhot ako nang tuyuin ko ang mga luha sa aking pisngi. Pilit kong pinipigilan ang pagluha pero bakit ayaw makinig ng mga iyon. Bakit kakapigil ko ay mas bumulwak naman iyon. Bakit ko ba iniiyakan ang mababaw na bagay?

"Sorry, Manong. Sorry," humihikbing paghingi ko ng paumanhin dito. Ayaw talagang paawat ng mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinagtitinginan na rin ako ng ibang tao.

"Maupo muna po kayo, Mam," sabi ni Manong guard. May monoblock chair siyang inilagay sa harapan ko. "Baka po may mangyari pa sa inyo dito. Namumutla po kasi kayo," dagdag pa niya.

Bumalatay ang gulat sa mukha ko. Nakaramdam nga ako ng pagkahilo. Kanina pa iyon pero binalewala ko. Pinilit ko lang maging okay dahil mahalaga ang araw na ito sa akin. Hindi din kasi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pero inaamin ko, lamang ang pangamba. Muntikan ko ng hindi ituloy ang balak kong pagpapakasal kay Lucas. Pero may mas malalim pa akong dahilan para gawin iyon bukod sa mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko siya kayang mapunta sa iba. Lalo na kay Olivia. Di bale ng ako ang maghirap kesa siya.

Muling tumunog ang telepono ko. Si Lucas muli ang nagtext sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa muli ang laman ng text niya.

*Get here as soon as possible. Nakausap ko na ang doctor*

Hindi pa man bumubuti ang pakiramdam ko ay nagpatawag na ako ng taxi kay Manong Guard. Buti na lang at mabait siya at handang tulungan ako. Tanging pasasalamat lamang ang nasabi ko nang magpaalam ako sa kanya.

"Mag-ingat po kayo, Mam," pahabol pa niya nang isara niya ang pinto ng taxi na sinasakyan ko.

Pumikit ako habang nasa biyahe. Nahihilo pa rin ako. Hindi ko rin maituro kung saan banda sa ulo ko talaga ang masakit. Pumipitik sa bandang sentido ko at sa aking batok. Nakainom na ako ng gamot pero hindi man lamang iyon nakabawas sa pananakit ng ulo ko. Mula sa pagkakapikit ay nagawa kong hilutin ang aking sentido.

Gusto kong mabuti na ang pakiramdam ko pagdating sa hospital. Ayaw kong isipin ni Lucas na nagwawagi siyang pahirapan ako. I need to stand tall. Bawal ang maging bahag ang buntot. Courage is what I have. I am courageous enough to make him marry me. I need to be more courageous to live with him. Araw-araw ko na siyang makikita. Araw-araw ko siyang makakasama.

Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay mabilis akong pumasok sa hospital. Pero hindi muna ako nagtuloy sa private room na kinaroroonan ni Olivia. I need to talk to someone first. Para mas maging handa ang lahat. Ayaw kong malaman nila mama o papa o ni Olivia na ako ang donor. Alam iyon ni Lucas at hindi naman niya ako pinigilan kung ililihim ko iyon.

Alam kong ayaw niya rin na malaman ni Olivia iyon dahil magiging utang na loob lamang ng babae sa akin ang buhay niya. Ma-pride si Olivia. Kung papipiliin ito ay hindi nito tatangapin ang bone marrow na ido-donate ko.

Mamamatay na lamang siya kesa ang bone marrow ko ang tanggapin niya. Kesa ako ay sa iba na lang ito aasa.

Pero gaya ni Lucas, hindi niya bibigyan ng pagpipilian si Olivia. She'll donate her bone marrow. Siya lang.

Siya lang dapat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B4:Chapter 20

    "Hi Basti," bati ni Samantha kay Basti nang mabungaran nito ang lalake na mag-isa sa sala. May hawak itong lapis at papel at tila may ini-sketch. Nakaupo ito sa pandalawahang sofa at kahit na may upuan pa ay nakisiksik siya roon. "Sa—" natigil sa ere ang sasabihin nito nang bigla niya itong harapin at ngitian. Medyo umusod ito palayo pero umusod din siya palapit. "I have to go—" "Basti!" pigil niya sa pagtayo nito. She cling to his arm at hinila ulit ito paupo. "Huwag ka ngang umiwas sa akin..." aniya. Nakangiti pa rin. Walang pakialam sa naging asal ng lalake. Kumunot ang noo ni Basti kay Samantha. "I am not!" ika niya. Hindi naman talaga. Pero medyo asiwa siya sa presensiya nito. At bakit dumidikit-dikit ito sa kaniya. Paano kung makita sila ni Ethan. Si Ethan. "Tell me..." "Hmmmm, what is it?" buo ang atensiyon na saad nito. Nagningning ang mga mata na para bang ang saya-saya na nanatili siya at kinakausap niya. "You and Ethan...." Nagsalubong ang mga kilay nito. "What a

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B4:Chapter 19

    Sa isang kuwarto si Ethan at Samantha nanatili. Sa isa naman ay naroon si Basti at Leila. Parehong nagpapakiramdaman. Parehong hindi mapalagay ang mga isipan. Lumabas si Ethan saktong ganoon din si Leila. Medyo napatda si Leila at agad na umiwas ng tingin. "How is she?" medyo nautal pa niyang tanong. Mariin namang napatitig si Ethan sa babae. May hinihintay na reaksyon. "She's okay. She's resting..."Tahimik. Bigla silang nanahimik na dalawa. "Hmmm...may balita na ba sa gustong pumatay sa akin?""How's your neck?"Halos sabay silang nagsalitang muli. "It's better.""No news yet."Sabay na naman silang sumagot. Pormal lang si Ethan. Natuto na siyang itago ang nararamdaman. Si Leila naman, habang tumatagal ay talagang aminado siyang apektado siya sa lahat ng may kinalaman kay Ethan. Naiinis siya sa sarili dahil akala niya, wala na iyon sa tagal na panahon ang lumipas. Hindi pala ganoon nabubura ang isang damdaming natanim na ng husto at nag-ugat sa kaniyang puso."Hmmmm, okay. I'm

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B4: Chapter 18

    Agad na dinala ni Ethan ang babae sa kabilang kuwarto. Kumuha agad ng palangganang may tubig at pamunas. Pinagpapawidan ito at medyo mainit ang katawan. Si Leila naman na nagpapahinga ay nabulabog sa maliit na kumosyon kaya napalabas sa kuwarto. "Basti... what happened?" Ininguso ni Basti ang kabilang kuwarto. Bukas ang pinto kaya nakita ni Leila ang ginawang pagpunas ni Ethan sa katawan ng babae at ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatitig sa babae. Napanguso siya. Iyon ba ang babaeng kausap niya sa telepono? Paano na si Cristina na die-date nito? Nagulat siya nang akmang huhubaran ni Ethan ang babae. "Hoy anong ginagawa mo...." Masakit pa ang katawan niya dahil sa pagkakabangga pero mabilis siyang pumasok sa kuwarto. Agad na tumambad sa kaniya ang magandang mukha ng isang babae nang makalapit na.. May mga sugat ito sa kamay at mukha pero hindi maipagkakailang maganda talaga. "I need to change her clothes..." ika ni Ethan na hindi siya tiningnan. Ipagpapatuloy na sana n

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B4:Chapter 17

    Hindi mapakali si Leila kahit na pagod ang katawan niya. Hindi din siya makatulog kahit na wala pa siyang naging tulog simula kahapon. Iniisip niya ang Mama at kapatid niya. Baka nag-aalala na rin ang mga ito sa pagkawala niya. Hindi siya mapakali dahil alam niya ang kalagayan ng ina at ang hindi maaasahan na kapatid."Are you okay, Leila? Did you sleep well?" tanong ni Basti na pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya. Ngumiti siya. Pilit na pilit. "Pasensiya ka na Basti, nadamay ka dito..." ika niya. Kahapon pa niya gustong humingi ng pasensiya sa lalake. Umiling naman ito agad. "Wala ito, Leila. Importante ang kaligtasan mo. Ayon kasi kay Ethan, nanganganib ang buhay mo kaya kailangan kang itago..." sabi naman ni Basti. Kinausap niya kanina si Ethan. Gusto niyang malaman ang lahat para ready din siya."Iniisip ko sila Mama...""Don't worry about them. Uncle Lucas was looking after them now..." Parehong silang napatingin ni Basti sa may pinto. Naroon si Ethan. May dalang tray ng

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B4:Chapter 16

    Masakit ang ulo ni Leila nang magising. Nasapo niya ang leeg dahil pakiramdam niya ay may nakalagay doon."You have a neck brace, careful..." Dahan-dahan na bumaling siya sa nagsalita. Napalunok siya nang magtagpo ang mga mata nila ni Ethan. May benda ito sa ulo."Are...you okay?" nagawa niyang itanong kahit na medyo nakakaramdam siya ng hiya dito nang maalala ang nangyari. "Yeah, maliit lang na sugat sa noo ang natamo ko. You, are you feeling okay?"Iniiwas niya ang tingin. "Bukod sa parang na-stiff neck ako? I feel okay, naman..." sagot niya."If that's the case, we need to go...""Huh?"Nagulat siya. Gusto niyang sumigaw pero parang nalunok niya ang dila niya. Wala din siyang magawa dahil parang nanghihina pa siya. Tapos..."Saan mo ako dadalhin, Ethan?" Nanlaki ang mga mata niya dahil buhat-buhat siya nito. Ipinagtaka din niya ang pag-iwas nito sa ilang mga nakikitang staff ng hospital at sa mga pulis.Ginamit din nito ang backdoor ng hospital para makaalis sila mula roon."Etha

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B4:Chapter 15

    Nanginginig pa si Leila habang naroon na ang mga pulis at kinukuha ang laman ng package na ipinadala sa kaniya. "A death threat..." iyon ang ika ng isang pulis na babae. Sinusuri ang laman ng box. Napayakap si Leila kay Lilybeth na siyang tumawag agad ng mga pulis pagkatapos niyang sumigaw pagkabukas ng package. May picture din iyon ng kanyang ama at mga letrang nagsasaad na siya ang susunod."We will run an investigation, Miss Schutz. We will take this with us..." sabi ng pulis. Inutusan ang isang kasamahan na dalhin na ang package palabas sa opisina niya.Kinuha ang testimonya niya maging ni Lilybeth na siyang tumanggap ng package. Ibinigay din sa kaniya iyon mula sa receptionist area kaya ngayon ay tinatrack ng pulis ang delivery man. Maging ang mga surveillance camera. "Kung sana ganito ang ginawa ng iyong ama noon. Baka sakaling buhay pa siya ngayon..."Agad na lumipad ang tingin ni Leila kay Lilybeth dahil sa sinabi nito. Wala na ang mga pulis at sila na lamang doon. "A-lam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status