Lucas POV
"Robert, prepare the papers. And tell Miss Asuncion to come in my office," utos ko sa aking secretary. Agad naman siyang tumalima. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Dinala niya ang envelope na galing sa attorney ko. Inilapag niya iyon sa harap ko. Pagkatapos ay nagpaalam siyang bababa na para tawagin si Michelle. Nabalitaan kong nakabalik na ang babae after the procedure ng pagdo-donate niya sa kanyang bone marrow. The doctor suggested doing it in a private setting, kaya, I did arrange a clinic for all of them to stay. It took only hours to do it. But I am kind enough to give Michelle a whole week of break just to recuperate. Kung sobrang sama kong tao, baka hinayaan ko na lang siya. But I am not, isa pa, iniisip kong baka kailangan pa siya ni Olivia. They are a match. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng ka-match ni Olivia kapag nagkataon. Dahil hindi gusto ni Michelle na malaman ng pamilya niya na siya ang donor ay in-arrange ko ang lahat. Kaming dalawa lamang at ang doctor ang nakakaalam ng lahat. I pay him more than enough to make it a secret. At kapag nagtagumpay ang transplant ay mabibigyan pa siya ng bonus. Puwede na siyang hindi magtrabaho. He just needs to make sure that Olivia is doing well and surviving. Habang hinihintay ang pagdating ng babae ay binasa ko ang nilalaman ng dokumento. Kung akala ni Michelle ay nagtagumpay na siya at napaikot na niya ako sa mga palad niya. Nagkakamali siya. Lucas Belleza will not succumb to those cheap tricks of her. Pinagbigyan ko lang siya for the sake of Olivia. Habang nakatunghay sa papeles ay narinig ko ang mahihinang katok mula sa pinto. Nang bumukas iyon ay umayos ako ng upo. Akala ko ay bubungad agad sa akin ang mukha ni Michelle. Pero ni hindi ko siya agad nakita. Nakasunod ito sa aking sekretarya na siyang naunang naglakad papasok. Dahil matangkad at malaki ang katawan ni Robert at nasa likod naman nito si Michelle na maliit lang sa height na five feet and two inches ay hindi ko agad ito makita. "Sir, narito na si Miss Asuncion," sabi ni Robert nang pumasok ito. Nakangiti nang maluwang si Michelle nang dumungaw siya mula sa likod ni Robert. Gumalaw ang panga ko nang makita ang ningning sa mga mata niya at ang malaking pagkakangiti sa kanyang mga labi. She can smile all she wants. Tignan ko lang kung kaya pa niyang ngumiti after I give her the documents. "Pinatawag mo daw ako Luke..." "Stop calling me by that name..." bulyaw ko nang magsalita siya. "Hindi ko gugustuhing magmula sa bibig mo ang pangalan na iyan!" Nairita kong saad. Olivia gave me that nickname. No one can ever used it except her. Pinagbibigyan ko lang si Michelle last time. May hangganan ang lahat. Agad naman na napawi ang ngiti niya kanina. Sabi ko nga, she can smile all she wants. Pero hindi na kapag kasama niya ako. She will live in sorrow. "Sir, if you don't need me here. Lalabas muna ako," pagpapaalam ni Robert na hindi man lamang naapektuhan sa bulyaw ko. Kilala na niya ang temper ko. "Miss Asuncion, please," baling nito kay Michelle. Iminuwestra ni Robert ang kamay sinasabing umabante pa papunta sa harap si Michelle. Sa paglabas ni Robert ay ang bantulot na paghakbang palapit ni Michelle sa kinaroroonan ko. Pinagmasdan ko siya habang papalapit. Mababakas sa kanyang mukha ang takot That's it. I want her to fear me. Pagsisihan niyang nagpakasal siya sa akin. Napatigil siya nang bigla akong tumayo mula sa pagkaakupo ko. Pinulot ko ang dokumento mula sa ibabaw ng mesa ko at naglakad papunta sa maliit na receiving area sa aking opisina. Alam kong nakasunod lamang ang mga mata ni Michelel sa akin. "Sit down!" utos ko sa kanya nang hindi siya tumatalima mula sa pagkakatayo na parang naestatwa na. "Ah, yeah." Mabilis ang naging kilos niya. Agad siyang umupo sa kabisera ng kinauupuan ko. Gumalaw ang mga kilay ko pasalubong nang pag-angat ko ng tingin ay nakangiti na naman siya. My irritation grows. Bakit ba kapag ngumingiti siya, pakiramdam ko ay laging may ibig sabihin? "Don't smile. It irritates me!" sabi ko. Akala ko ay mapapawi muli iyon pero hindi. She kept the smile in her face. Nagpa-cute pa. Damn! Ngayon ko lamang talaga siya nakaharap ng mas harap-harapan. Inaamin ko. She's cute. Hindi ko lang napapansin dahil naroon noon si Olivia. Olivia is the most beautiful woman for me. Gusto kong murahin ang sarili ko. Finding her cute is ridiculous! "Uy, huwag kang magalit lagi. Sige ka, tatanda ka agad. Smile always, para laging bata tignan!" litanya ni Michelle. Saglit akong napatigil. I've noticed that she always smiles and laughs. Kahit sa bahay nila ay malakas at madalas na tumatawa ito kahit wala naman masyadong nakakatawa. "I'll smile if I want to. At pinipili ko kung sino ang ngingitian ako," ika kong bumalik ang iritasyon na nararamdamn ko para sa kanya. Inilatag ko ang dokumento paharap sa kanya. I don't have much time to waste, pupuntahan ko pa si Olivia sa hospital. Ngayon kasi ang labas niya at kahit sabihin niyang huwag ko na siyang sunduin dahil sa trabaho ko. I want to be there for her. Iba pa rin ang presensiya ko kahit naroon ang mga magulang nila. "Read it!" Napatingin siya roon. Sa pagkakatitig ko sa kanya ay nakita ko ang bahagyang pagnguso niya ng kanyang mga labi. Napatingin ako roon. Those lips, it's look so soft. Bullshìt! Agad kong sinaway ang aking sarili. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bantulot niyang kinuha ang dokumento. Mataman kong pinagmasdan ang magiging reaksyon niya as she reads it. Nakatitig lang ng mabigat ang mga mata ko sa kanya. And as soon as she flips to the second page, nawala na muli ang ngiti niya sa mga labi. Namimilog ang mga mata niya nang umangat iyon para tingnan ako. "A-anong ibig sabihin nito?" tanong niya. Ngumisi ako. "Surprised? Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Michelle. I want you to sign that contract..." sabi ko. Madahas siyang umiling. "No!" Ang iritasyon na nararamdaman ko ay naging galit dahil sa matigas na pagtanggi niya. Inaasahan ko na na hindi siya agad papatinag. Pero nakakagalit pa rin talaga. "I can divorce you right away if I want to, Michelle. At walang magagawa ang pagtanggi mo na iyan. Pinaboran pa rin kita kahit papaano dahil may isa akong salita." Tumayo ako at naglakad papunta sa malapit na bintana. Tumanaw ako sa labas. "Sign it or leave it! But you don't have a choice..."Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Lucas. Nagpapawis ang kamay niya maging ang noo ay tagaktak ng pawis. "Are you okay, Hon?" tanong ni Michelle nang mapansin siya. Tumango lamang siya. Papunta sila ngayon sa kanilang University para sa food festival. Napag-usapan nilang dumalo doon. Alam niyang hindi na naaalala pa ni Michelle na minsan ay nakadalo na sila roon. Kaya this time he wants it to be very special. Dahil ang lugar na iyon ay sobrang espesyal sa kanila. "Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na lang tayo kung ganoon..."Umiling siya. Sinubukan niyang ngumiti kahit na halata sa kanyang itsura na hindi siya komportable. Kung bakit kasi mas kinakabahan siya ngayon gayong normal lang naman sanang okasyon iyon. Normal? Parang gusto niyang tawanan ang sarili. "Don't worry about me, Hon. I am really fine..." aniya para hindi na ito mag-alala pa.Parang hindi pa naniniwala sa kanya si Michelle. Pero nang dumating sila doon ay naiwaglit nito ang pag-aalala sa kanya. Maging siy
Nakatayo si Lucas habang nakatanaw sa mga tanim sa hardin. Pinaglaro niya ang daliri sa hawak na bulaklak. "You put them in danger. Buti na lang at naging successful ang plano mo..." aniya. Naiisip pa rin niya ang naging plano. Ang ibigay mismo sila Basti at Michelle kay Vincent. Natawa ang kausap niya. "If we did not risk something, baka hanggang ngayon umiikot pa rin tayo sa nakaraan. It is worth the risk, Lucas..." Seryoso niyang binalingan ang kausap. "The document you sent me, it will put them in jail..." aniya. "Not enough. Buhay ang inutang nila sa atin, buhay din ang kabayaran..." Kumunot ang noo niyang napatitig ng mabigat sa kausap. "You got your happiness. I got the freedom I always wanted..." aniya nang hindi siya nagsalita. Bakit pakiramdam niya ay mabigat ang dinadala nito. Noong unang beses niya itong makaharap, ramdam na niya ang bigat sa paligid nito. Na para bang namuhay ito sa isang buhay na puno ng pasakit. "How about Miranda's ashes? Do you want it?"
Masaya gumising na walang anumang alalahanin. Buo ang pamilya at puno ng pagmamahalan. Iyon ang pinangarap nila Michelle at Lucas dahil hindi naman nila nakagisnan ang ganoong set up sa kani-kanilang kinalakhang pamilya. Ngayon nga ay natutupad na iyon. Magkahawak kamay silang hinaharap ang bawat araw. Gumigising sa umaga na isa't isa ang kuhanan ng lakas. Sa bawat lumilipas na araw ay pagpapasalamat sa Diyos ang nasasambit nilang dalawa habang nakatanaw sa mga anak na masayang nagmamahalan. Nagtuturingang totoong magkapatid.Sa wakas. Buong-buo na ang kanilang mga pagkatao. Buo na ang puzzle na matagal na nawawala ang piraso. Ang mga puso nilang sugatan at nasaktan ay unti-unting hinihilom ng kasiyahan nila ngayon. Pero alam nila. Hindi pa talaga buo. Para kay Michelle. May kulang pa. At iyon ang kanyang alaala.Isang buwan na ang nakalilipas simula noong buuin nila ang kanilang pamilya. Nag-aaral na si Basti sa paaralan kung saan ay nag-aaral din si Leila. Nakakatanda sa kanila na
Nakatago si Basti sa likod ni Michelle nang bumaba sila sa rooftop at pumasok sa silid na kinaroroonan ni Lucas at Lucille. Nagkatinginan sila ni Lucas at nag-usap ang mga mata nila. Nagkaintindihan kahit hindi magsalita."Basti..." tawag niya sa batang lalake. Si Lucille naman ay ibinaba ni Lucas. Ito na ang lumapit sa kanila. "I'm sorry if I hurt your feelings, Kuya Basti..."Nanginig ang mga labi at agad na dumaloy ang luha sa mga mata ni Michelle nang marinig ang sinabi ng anak. Agad niyang pinunasan iyon nang tumingala ito sa kanya. Bumaba siya para pantayan ang dalawang bata. Gumitna siya sa mga ito. Si Basti ay nakatayo at nakatingin kay Lucille. Si Lucille naman ay nakatitig din kay Basti."I'm sorry also. Hindi ko gustong kunin ang mommy mo—"Umiling si Lucille tsaka humagikgik. Kinuha nito ang kamay ni Basti. "From now on, we are sharing my mommy. Our mommy. But..." Nagulat sila dahil my 'but' pang alam ang anak. Muli itong ngumiti. "Share with me my teddy, okay? I miss
"Leila and Ethan found him already. They are talking to him.." pagbabalita ni Robert sa kanila nang balikan sila sa kuwarto. Tumakbo daw sa rooftop si Basti at doon nakita nila Leila at Ethan na magkasamang naghanap dito."I need to talk to him," ika ni Michelle habang hindi pa rin maalis ang guilt sa kanyang kalooban. "Naging kampante ako Lucas..." ika niya. "Let them talk to him. There's a chance he will listen to them.." aniya naman ni Scott."Tama si Scott, Michelle. Halos magkakaedad lamang sila. Malay mo, makinig si Basti sa kanila..." ika naman ni Robert. Lalo siyang nakaramdam nang guilt nang makita ang anak na karga ni Lucas. Tulog na ito dahil sa pag-iyak. Ipinaliwanag nila dito ang totoo pero bata lang ito para maintindihan agad-agad ang katotohanan. Hindi din makausap nang mabuti si Lucille dahil sa mataas na emosyon.Nangyari daw ang komprontasyon nang marinig ni Lucille ang kuwento ni Basti kay Leila tungkol sa ina nito. Itinuro siya ni Basti at tinawag na Mama. Na
Isang linggo pa ang nakalipas. Isang araw na lang bago tuluyang lumabas si Lucas sa hospital. At sa isang linggo na iyon ay walang mintis sa pagdalaw si Michelle. Kung wala lamang si Basti ay baka namalagi na rin siya roon para samahan ang lalake. Pero mas inuna niya ang kapakanan ni Basti. Kailangan niyang mas pagtuunan ng pansin si Basti ngayon. Naghihintay pa siya ng tamang panahon para sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang masaktan ang bata kaya naman dahan-dahan niyang ipinapahiwatig dito ang lahat. Sa mga araw na pagdalaw niya kay Lucas ay siyang oras din na nakakasama niya si Lucille. Totoo ang sinabi ni Lucas, marami silang pagkakahalintulad ng anak sa ugali. Mahilig din itong magpinta. May mga mannerisms itong nakuha sa kanya. Pero mas lamang na kaugali ito ni Lucas. "Mommy, why are you not coming home with me again?" pangungulit na muli ni Lucille sa kanya. Uuwi na ito at inaaya siyang sumama na. Naghihintay na si Robert dito. Ito kasi ang naatasang mag-uwi sa bata ngayo