Michelle's POV
Sign or leave it... Iyon lamang ba talaga ang choices na maari kong pagpilian? Either sa dalawa ay wala akong gustong gawin. Hindi ko rin pakikinabangan. Ako pa rin ang talo. Hindi ko gustong idiborsyo agad ako ni Lucas. Dahil alam ko, babalik siya agad kay Olivia kapag nagkataon na pinagbigyan ko siya. "Three years! Iyan lang ang maibibjmigay ko para sa atin bilang kasal..." muling umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Lucas. Pinigilan ko ang mga luha ko habang nakatitig sa dokumento. Pilit kong inaalisa ang bawat nilalaman niyon. Pero hindi agad napoproseso sa utak ko ang lahat. "Sign it!" muling utos niya. Nagulat ako nang may ballpen na nakalahad sa harapan ko. Tumingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas na siyang nag-aabot sa akin ng ballpen na iyon. "I...I have one condition," nagawa kong sabihin. Sa nilalaman ng dokumento ay talong talo ako. Kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang lahat ng ginawa ko. I will not give up so easily. I will give it a shot. Kinuha ko ang ballpen na iniaabot niya sa akin. Imbes na pumirma ay nagsulat ako sa ibaba ng mga kondisyon na nilagay niya doon. Pagkatapos ay pinulot ko iyon at ibinigay sa kanya. Kunot ang noo niulya nang basahin ang nilalaman ng sinulat ko. At batay sa bigla niyang pagbaling sa akin na nanlilisik ang mga mata ay alam kong labis na ginalit ko siya at hindi iyon nagustuhan. "This is ridiculous!" singhal niya. Nakakatakot siya. Kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko. Nilakasan ko laman ang loob kong harapin talaga siya. "You want our marriage to be a secret? Okay. Walang problema iyon sa akin. Kaya kong magkunwari. We can do whatever we want to na hindi pinapakialaman ang isa't isa? Call!" nagtatapang tapangan ako sa harap niya. Tumayo ako at ngayon ay magkaharap na kami. Tumingala ako para hulihin ang mga mata niya. "Gusto mong kasal lang tayo ng tatlong taon? Sige, papayag ako. Marami ang kondisyon mo, Luk—. " Napalunok ako. Ayaw niya palang tinatawag ko siya sa pangalan na iyon. "Lucas, iisa lang ang kondisyon na nilagay ko diyan. Take or leave it." Tinalikuran ko sjya at humakbang ako paalis. Pero nang malapit na ako sa pinto ay tumigil na muli ako. "Huwag mo din akong gawin tanga, Lucas. Hindi mo ako basta-basta maididiborsyo na wala akong pirma..."sabi ko na hindi siya nililingon. Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis. Hindi siya binigyan ng pagkakataong makapag isip at kontrahin ang sinulat ko roon. Naghihina ang pakiramdam ko pagdating sa aming bahay. Pagkatapos kong manggaling sa opisina ni Lucas ay wala na akong gana sa lahat. Ni hindi ko nga nagawang kumain ng tanghalian kahit inaaya ako ng mga ka-trabaho ko. "O, Mich, nandito ka na pala, tamang-tama, pakilinia at pakiayos mo nga ang kuwarto ni Olivia. Mamaya ay uuwi na siya," salubong na utos ni Mama sa akin. Papanhik ako at siya ay pababa na ng hagdan. "Saan po kayo pupunta?" natanong ko nang makita siyang nakapustura. Nakaayos ang buhok niya at naka-make up pa. Mukhang bago rin ang kanyang damit. Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Susunduin namin si Olivia." Mas nangunot ang noo ko. Pero agad kong iniiwas kay mama ang mukha ko. Pagalitan pa ako kapag nakita ang hilatsa ng mukha ko. Susundo? Susundo lang siya ay nakapustura pa talaga? Hospital lang ang pupuntahan hindi party. O baka naman magpa-party talaga siya dahil uuwi na ang mahal niyang anak. Naglakad ako para lagpasan na siya. Ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko nang magtabi kami sa hagdan. Ang mahahabang kuko niya ay bumaon bahagya sa balat ko. Napalingon ako sa kanya. "Narinig mo ba ang sinabi ko, Mich?" "Ho?" Saan ba sa sinabi ni Mama? "Sabi ko linisan mo ang kuwarto ng kapatid mo!" "Ma, pagod ako. Hindi ba kaya ni Nanay Susan?" Mas humigpit ang pagkakahawak ni Mama sa braso ko. Tinaasan pa niya ako ng kilay. "Mag-isa na lang ni Susan dito. Magluluto pa siya ng handa sa pagbabalik ni Olivia. Iisa na nga lang ang ipinapagawa ko sa iyo nagrereklamo ka pa! Aba, Mich, wala kang naitutulong dito sa bahay ha!" litanya ni Mama. Bumuntong hininga ako. Paulit-ulit din lang naman ang sinasabi ni Mama tungkol sa pagiging wala kong silbi sa bahay. "Kung matapos mo ang kuwarto, tulungan mo si Susan. Darating din kasi si Lucas, ang fiancee ng kapatid mo..." Bigla siyang nabuhayan nang marinig ang pangalan ng lalaki. Pero agad din naman nanlumo dahil hindi naman siya pupunta sa bahay bilang asawa ko kundi bilang fiancee ng kapatid ko. "Sige na, aalis na kami," aniya ni Mama. Napahaplos ako sa braso ko nang bitiwan niya iyon. "Ano pa tinutunganga-tunganga mo riyan, ha?" "Sige ma. Ingat po kayo," sabi ko na lamang. Ipinagpatuloy ko ang pagpanhik sa kuwarto ko. Pagdating sa kuwarto ko ay napahiga ako sa kama ko kahit naka-uniform pa. Pagod na pagod talaga ang pakiramdam ko. Ni hindi ko magawang nagpalit ng damit. Tumagilid ako at napatitig na lang sa dingding habang hindi ko mapigilang mapaluha. I am not self pitying just to justify what I am feeling. Pero pakiramdam ko talaga ay hindi ako belong sa pamilya namin. Simula noong bata ako ay ganito na ang trato nila sa akin. I am an outcast. Saka lang nila ako mahal at kinagigiliwan kapag may nakaharap na ibang tao. Lalo na si Mama. Ginawa ko naman ang lahat for her to like me. Kahit sabihin na hindi ko naman talaga siya tunay na ina. Pinalaki niya ako. Siya ang tumayong ina ko habang lumalaki ako. Si Papa kasi ay laging wala dahil sa negosyo. Niyakap ko ang aking sarili habang hindi mapigilang mapahikbi. Ang bigat ng dibdib ko. Wala ako ni isang kakampi. Maging ang tunay kong ama ay hindi ako ang kinakampihan. Lalo na noong ma-engaged sina Lucas at Olivia. He saw a big opportunity, kapag nga naman nakasal si Olivia kay Lucas, matutulungan siya ng future son in law niya sa negosyo. Ako kaya, kapag ba nalaman niyang ako ang ikinasal kay Lucas, magiging proud kaya siya sa akin? "Chelle, nariyan ka ba sa loob?" sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa labas kasabay ng pagtawag ni Nanay Susan sa pangalan ko. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at bumangon. Nga pala, kailangan ni Nanay Susan ng kasama. Lalo at mag-isa na lamang siya na katulong sa aming bahay . Wala akong alam sa nangyayari. Ayaw nilang sabihin sa akin pero isa-isa nilang pinagtatanggal ang mga katulong sa bahay. Si Nanay Susan na lamang ang talagang natira dahil siya ang pinakamatagal na naninilbihan sa pamilya namin. "Nay, magbibihis lamang po ako," ika ko nang mapagbuksan siya. "Mukhang pagod ka. Magpahinga ka na lamang. Ako na ang bahalang maglinis sa kuwarto ni Olivia," sagot niya sa sinabi ko. Umiling ako. Matanda na rin si Nanay Susan para hayaan kong siya lahat ang gumawa. "Tutulong ako, Nay. Saka na tayo magpahinga pagkatapos nating matapos ang lahat," sabi kong pilit na ngumiti. Alam kong nag-aalala siya sa akin kaya naman ang ngiti sa mga labi ko ang paraan para pawiin ang pag-aalala niya. "Oh, siya. Sinabi mo eh. Kailangan na natin kumilos." "Opo, sususod na po ako," sabi ko bago ko isara ang pinto. Muli akong huminga ng malalim. Pilit kong sinasabi sa sarili kong magiging maayos din ang lagay ko. 'Paanong magiging maayos ang lagay mo kung may ginawa kang kasalanan' Biglang kastigo ng kunsensiya ko. Ipinilig ko ang aking ulo. Wala akong kasalanan na nagawa. I did what I did for love. Maintindihan din ako ng lahat. Maiintindihan din ako ni Lucas, sa tamang panahon. Kapag ready na akong sabihin kung bakit nagawa ko iyon. It's not only because I love him. There's something more...Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Lucas. Nagpapawis ang kamay niya maging ang noo ay tagaktak ng pawis. "Are you okay, Hon?" tanong ni Michelle nang mapansin siya. Tumango lamang siya. Papunta sila ngayon sa kanilang University para sa food festival. Napag-usapan nilang dumalo doon. Alam niyang hindi na naaalala pa ni Michelle na minsan ay nakadalo na sila roon. Kaya this time he wants it to be very special. Dahil ang lugar na iyon ay sobrang espesyal sa kanila. "Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na lang tayo kung ganoon..."Umiling siya. Sinubukan niyang ngumiti kahit na halata sa kanyang itsura na hindi siya komportable. Kung bakit kasi mas kinakabahan siya ngayon gayong normal lang naman sanang okasyon iyon. Normal? Parang gusto niyang tawanan ang sarili. "Don't worry about me, Hon. I am really fine..." aniya para hindi na ito mag-alala pa.Parang hindi pa naniniwala sa kanya si Michelle. Pero nang dumating sila doon ay naiwaglit nito ang pag-aalala sa kanya. Maging siy
Nakatayo si Lucas habang nakatanaw sa mga tanim sa hardin. Pinaglaro niya ang daliri sa hawak na bulaklak. "You put them in danger. Buti na lang at naging successful ang plano mo..." aniya. Naiisip pa rin niya ang naging plano. Ang ibigay mismo sila Basti at Michelle kay Vincent. Natawa ang kausap niya. "If we did not risk something, baka hanggang ngayon umiikot pa rin tayo sa nakaraan. It is worth the risk, Lucas..." Seryoso niyang binalingan ang kausap. "The document you sent me, it will put them in jail..." aniya. "Not enough. Buhay ang inutang nila sa atin, buhay din ang kabayaran..." Kumunot ang noo niyang napatitig ng mabigat sa kausap. "You got your happiness. I got the freedom I always wanted..." aniya nang hindi siya nagsalita. Bakit pakiramdam niya ay mabigat ang dinadala nito. Noong unang beses niya itong makaharap, ramdam na niya ang bigat sa paligid nito. Na para bang namuhay ito sa isang buhay na puno ng pasakit. "How about Miranda's ashes? Do you want it?"
Masaya gumising na walang anumang alalahanin. Buo ang pamilya at puno ng pagmamahalan. Iyon ang pinangarap nila Michelle at Lucas dahil hindi naman nila nakagisnan ang ganoong set up sa kani-kanilang kinalakhang pamilya. Ngayon nga ay natutupad na iyon. Magkahawak kamay silang hinaharap ang bawat araw. Gumigising sa umaga na isa't isa ang kuhanan ng lakas. Sa bawat lumilipas na araw ay pagpapasalamat sa Diyos ang nasasambit nilang dalawa habang nakatanaw sa mga anak na masayang nagmamahalan. Nagtuturingang totoong magkapatid.Sa wakas. Buong-buo na ang kanilang mga pagkatao. Buo na ang puzzle na matagal na nawawala ang piraso. Ang mga puso nilang sugatan at nasaktan ay unti-unting hinihilom ng kasiyahan nila ngayon. Pero alam nila. Hindi pa talaga buo. Para kay Michelle. May kulang pa. At iyon ang kanyang alaala.Isang buwan na ang nakalilipas simula noong buuin nila ang kanilang pamilya. Nag-aaral na si Basti sa paaralan kung saan ay nag-aaral din si Leila. Nakakatanda sa kanila na
Nakatago si Basti sa likod ni Michelle nang bumaba sila sa rooftop at pumasok sa silid na kinaroroonan ni Lucas at Lucille. Nagkatinginan sila ni Lucas at nag-usap ang mga mata nila. Nagkaintindihan kahit hindi magsalita."Basti..." tawag niya sa batang lalake. Si Lucille naman ay ibinaba ni Lucas. Ito na ang lumapit sa kanila. "I'm sorry if I hurt your feelings, Kuya Basti..."Nanginig ang mga labi at agad na dumaloy ang luha sa mga mata ni Michelle nang marinig ang sinabi ng anak. Agad niyang pinunasan iyon nang tumingala ito sa kanya. Bumaba siya para pantayan ang dalawang bata. Gumitna siya sa mga ito. Si Basti ay nakatayo at nakatingin kay Lucille. Si Lucille naman ay nakatitig din kay Basti."I'm sorry also. Hindi ko gustong kunin ang mommy mo—"Umiling si Lucille tsaka humagikgik. Kinuha nito ang kamay ni Basti. "From now on, we are sharing my mommy. Our mommy. But..." Nagulat sila dahil my 'but' pang alam ang anak. Muli itong ngumiti. "Share with me my teddy, okay? I miss
"Leila and Ethan found him already. They are talking to him.." pagbabalita ni Robert sa kanila nang balikan sila sa kuwarto. Tumakbo daw sa rooftop si Basti at doon nakita nila Leila at Ethan na magkasamang naghanap dito."I need to talk to him," ika ni Michelle habang hindi pa rin maalis ang guilt sa kanyang kalooban. "Naging kampante ako Lucas..." ika niya. "Let them talk to him. There's a chance he will listen to them.." aniya naman ni Scott."Tama si Scott, Michelle. Halos magkakaedad lamang sila. Malay mo, makinig si Basti sa kanila..." ika naman ni Robert. Lalo siyang nakaramdam nang guilt nang makita ang anak na karga ni Lucas. Tulog na ito dahil sa pag-iyak. Ipinaliwanag nila dito ang totoo pero bata lang ito para maintindihan agad-agad ang katotohanan. Hindi din makausap nang mabuti si Lucille dahil sa mataas na emosyon.Nangyari daw ang komprontasyon nang marinig ni Lucille ang kuwento ni Basti kay Leila tungkol sa ina nito. Itinuro siya ni Basti at tinawag na Mama. Na
Isang linggo pa ang nakalipas. Isang araw na lang bago tuluyang lumabas si Lucas sa hospital. At sa isang linggo na iyon ay walang mintis sa pagdalaw si Michelle. Kung wala lamang si Basti ay baka namalagi na rin siya roon para samahan ang lalake. Pero mas inuna niya ang kapakanan ni Basti. Kailangan niyang mas pagtuunan ng pansin si Basti ngayon. Naghihintay pa siya ng tamang panahon para sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang masaktan ang bata kaya naman dahan-dahan niyang ipinapahiwatig dito ang lahat. Sa mga araw na pagdalaw niya kay Lucas ay siyang oras din na nakakasama niya si Lucille. Totoo ang sinabi ni Lucas, marami silang pagkakahalintulad ng anak sa ugali. Mahilig din itong magpinta. May mga mannerisms itong nakuha sa kanya. Pero mas lamang na kaugali ito ni Lucas. "Mommy, why are you not coming home with me again?" pangungulit na muli ni Lucille sa kanya. Uuwi na ito at inaaya siyang sumama na. Naghihintay na si Robert dito. Ito kasi ang naatasang mag-uwi sa bata ngayo