Lucas POV
"Luke," masayang yumakap sa akin si Olivia nang makita ako. May dala akong pumpon ng bulaklak para sa kanya. Bulaklak na paborito niya. "Sinabi ko ng hindi mo na ako kailangan pang sunduin." "Kung para sa iyo, gagawin ko, Sweetheart," sabi ko. Sabay abot sa kanya ng dala ko. Ngumiti siya nang mas maluwang. My heart felt so much joy seeing her this way. Healthy na siyang tingnan. Binigyan na rin siya ng doctor ng go signal na makauwi. Pero siyempre, she still needs some monitoring. "Wala pa ang parents mo?" tanong ko nang mapansin na mag-isa lamang niya doon. "Alam mo naman si Mama. Laging late, iyon..." "At sinong laging late?" Mula sa pinto ay saad ng isang babaeng nakasuot ng pulang bestida. Naka-high heels din ito ng kulay na pula. Naka-shades at talaga namang nakapustura. I chose to keep silent kahit na napapataas ang kilay ko sa itsura niya. Or maybe, she's just happy. Whatever it is, its not appropriate what she's wearing. Pinanood ko lang ang paglapit ng babaeng iyon. Olivia's mother. Sa likuran nito ay ang ama ni Olivia. Mas maliit ito kaysa sa mama ni Olivia. He has this arrogant aura. I really don't care about them. Hindi naman sila ang pakakasalan ko. And because I love their daughter, I never mind them. Kung ano man ang gagawin nila. Basta hindi nila kami pinapakialaman. "Lucas, narito ka pala?" bati ni Mrs. Asuncion sa akin. "Yeah. I'm here to take Olivia home," sagot ko. Nang lumapit sila ay nakipagdaupang palad sila sa akin na malugod kong tinanggap. "Tamang tama Lucas, sa bahay ka na rin mag-dinner. I have prepared food for all of us..." "No need for that, Mrs. Asuncion..." tanggi ko. Lalo na noong maisip ko na naroon din sa bahay nila si Michelle. Kung maaari ay iiwasan ko muna siya. "Oh, come on, Lucas. I want to thank you for all you did for my daughter. Olivia..." Nagpasaklolo siya sa anak niya. Napatingin sa akin si Olivia. I look at her, too. Ngumiti siya sa akin. "Pagbigyan mo na si Mama, Luke," malambing na pakiusap ni Olivia sa akin. May magagawa pa ba ako kundi ang pumayag. Mismong si Olivia na ang nakikiusap sa akin. I have Olivia escorted by a nurse to my car. Ang mga magulang niya ay nauna nang umalis sakay ng sariling sasakyan dala ang mga gamit ni Olivia. "Hi, Robert," bati ni Olivia kay Robert na siyang kasama ko. Robert is not only a secretary to me. Kanang kamay ko siya at tanging pinagkakatiwalaan ko. Kaya kasa-kasama ko siya kahit saan. He is driving for me too. "Magandang gabi, Miss Asuncion," bati ni Robert pabalik kay Olivia. Yumuko pa ito bahagya bago bumaling sa manibela. Habang lulan kami ng sasakyan ay yakap-yakap ko si Olivia. I am really glad that she's okay now. Akala ko talaga ay mawawala na siya sa akin. And I'm so happy dahil nakikita ko siyang bumubuti na talaga ang lagay. Nakayakap din sa akin pabalik si Olivia. The hug is so comforting. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ayaw ko na siyang pakawalan pa. I want her to be with me forever... Bigla akong natigilan. Forever? Kung hindi lang sana sinira ni Michelle ang lahat, Olivia and I have our forever. "Luke, magpakasal na tayo kaagad," and she said out of the blue. Mula sa pagkakayakap sa kanya ay napapikit ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Michelle ruined this for us. Sana nga ay nagpaplano na kami ni Olivia ng aming kasal. "Kahit hindi na magarbo, Luke. Basta ikasal tayo, as soon as possible." Nagmulat ako at napatingin sa harapan. Saktong nakatingin din si Robert sa akin mula sa salamin. Alam niya ang lahat. Alam niyang naiipit ako sa sitwasyon. He have that sympathetic look in his eyes. "Luke, bakit hindi mo ako sinasagot?" tanong ni Olivia. May lungkot sa kanyang boses. Umalis siya mula sa pagkakayakap ko at hinarap ako. "Ayaw mo na ba akong pakasalan?" Mangiyak ngiyak na tanong niya. "No, sweetheart, I want to. I really do," alo ko sa kanya. Muli siyang hinila payakap sa akin. I don't want her to see me lying. She can see it in my eyes. "Pero magpagaling ka muna ng tuluyan. Your health first before anything. Makakapaghintay ang kasal." Napakuyom ako ng aking kamao. I started to lie to her. Wala akong magawa. Nakatali na ako sa kapatid niya. This is a mistake I have made without thinking properly. But I did it because I wanted to save her. "Gusto na kita maging asawa, Luke. Sa mga nangyari, gusto na lang kitang makasama agad. Because of you, here I am, alive. Inaalagaan mo din ako ng mabuti. I will be better if I'm with you..." muling pahayag ni Olivia. Making me more guilty. Naiangat ko ang isang kamay ko at nahilot ang pagitan ng aking mga mata. Hindi na lang si Michelle and problema ko at ang walang kuwentang kondisyon niya kundi pati na si Olivia and her rush to get married. "Pag-usapan natin ito sa mga susunod na araw, sweetheart. Kalalabas mo lang sa hospital. Kay?" I said as I dismissed the topic. Kailangan ko munang umiwas sa usapang kasal. Hindi ko pa kayang aminin sa kanya ang lahat. Kailangan mapawalang bisa ko kaagad ang kasal namin ni Michelle. If only she cooperates. "Narito na tayo." Nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip. Napalingon ako sa malaking bahay kung saan nakatira sila Olivia. Umalis na rin si Olivia mula sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya ang kamay ko. "Tara na," sabi niyang puno ng sigla. Nang pagbuksan kami ni Robert ng pinto ng kotse ay si Olivia na ang humila sa akin. "Sweetheart, easy. Baka mapaano ka..." Ngumuso si Olivia. "Para ka talagang matanda, Luke. I'm just happy and excited. Finally, I'm home. Alam mo naman na ayaw ko sa hospital." Napatitig ako sa kanya. She's genuinely happy. Napangiti na lang din ako. My hands from her hand landed to her waist. Then I kiss her lips. She kisses me back. Wala na kaming pakialam kung nasa kalsada pa kami at sa harap ng bahay nila. Natigil lamang kami nang may sasakyan na paparating. Kakaiba kasi ang tunog ng sasakyan. Maingay. Nang maghiwalay kami ay pareho kaming napalingon doon. It was her parents. Napakunot noo ako. Akala ko ay nakarating na sila dahil nauna silang umalis sa amin mula sa hospital. Kami pa pala ang nauna? "Olivia, bakit hindi pa kayo pumasok? Mainit dito sa labas. Pasensiya na, nagloloko na ang sasakyan namin..." "Change it," suhestiyon ko. Sa tingin ko nga ay nasa limit na ang sasakyan nila. "Naku, may sentimental value sa akin ang sasakyan na iyan, Lucas," sagot naman ni Mr. Asuncion na palapit na sa amin. Napatango ako. I can give them a better car. Paano na lang kung kailangan ni Olivia papunta sa hospital ang sasakyan? I'll talk about that later with her. "Pasok na tayo. Siguradong nakahanda na ang mga pagkain..." yakag ni Mrs. Asuncion sa amin. Nagpatiuna na rin sila papasok. Lumingon ako kay Robert na nakatayo malapit sa sasakyan. Yumuko ito at bumalik na muli sa loob. Napansin yata ni Olivia ang paglingon ko kaya napatingala siya sa akin. "Invite him. Magkakilala na ba sila ni Michelle?" Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid. Mukhang nabasa niya ang katanungan sa isip ko. "May girlfriend ba si Robert? We can match them. Malay natin magkagustuhan sila. Para hindi naiinggit sa atin si Michelle. Kapag may boyfriend na siya, hindi na niya tayo iistorbohin." Sana ganoon lang kadali. Finding a man for Michelle so she can let me go. But I think it's not that easy. Bigla akong nakaramdam ng uneasiness. Parang may mangyayari.Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Lucas. Nagpapawis ang kamay niya maging ang noo ay tagaktak ng pawis. "Are you okay, Hon?" tanong ni Michelle nang mapansin siya. Tumango lamang siya. Papunta sila ngayon sa kanilang University para sa food festival. Napag-usapan nilang dumalo doon. Alam niyang hindi na naaalala pa ni Michelle na minsan ay nakadalo na sila roon. Kaya this time he wants it to be very special. Dahil ang lugar na iyon ay sobrang espesyal sa kanila. "Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na lang tayo kung ganoon..."Umiling siya. Sinubukan niyang ngumiti kahit na halata sa kanyang itsura na hindi siya komportable. Kung bakit kasi mas kinakabahan siya ngayon gayong normal lang naman sanang okasyon iyon. Normal? Parang gusto niyang tawanan ang sarili. "Don't worry about me, Hon. I am really fine..." aniya para hindi na ito mag-alala pa.Parang hindi pa naniniwala sa kanya si Michelle. Pero nang dumating sila doon ay naiwaglit nito ang pag-aalala sa kanya. Maging siy
Nakatayo si Lucas habang nakatanaw sa mga tanim sa hardin. Pinaglaro niya ang daliri sa hawak na bulaklak. "You put them in danger. Buti na lang at naging successful ang plano mo..." aniya. Naiisip pa rin niya ang naging plano. Ang ibigay mismo sila Basti at Michelle kay Vincent. Natawa ang kausap niya. "If we did not risk something, baka hanggang ngayon umiikot pa rin tayo sa nakaraan. It is worth the risk, Lucas..." Seryoso niyang binalingan ang kausap. "The document you sent me, it will put them in jail..." aniya. "Not enough. Buhay ang inutang nila sa atin, buhay din ang kabayaran..." Kumunot ang noo niyang napatitig ng mabigat sa kausap. "You got your happiness. I got the freedom I always wanted..." aniya nang hindi siya nagsalita. Bakit pakiramdam niya ay mabigat ang dinadala nito. Noong unang beses niya itong makaharap, ramdam na niya ang bigat sa paligid nito. Na para bang namuhay ito sa isang buhay na puno ng pasakit. "How about Miranda's ashes? Do you want it?"
Masaya gumising na walang anumang alalahanin. Buo ang pamilya at puno ng pagmamahalan. Iyon ang pinangarap nila Michelle at Lucas dahil hindi naman nila nakagisnan ang ganoong set up sa kani-kanilang kinalakhang pamilya. Ngayon nga ay natutupad na iyon. Magkahawak kamay silang hinaharap ang bawat araw. Gumigising sa umaga na isa't isa ang kuhanan ng lakas. Sa bawat lumilipas na araw ay pagpapasalamat sa Diyos ang nasasambit nilang dalawa habang nakatanaw sa mga anak na masayang nagmamahalan. Nagtuturingang totoong magkapatid.Sa wakas. Buong-buo na ang kanilang mga pagkatao. Buo na ang puzzle na matagal na nawawala ang piraso. Ang mga puso nilang sugatan at nasaktan ay unti-unting hinihilom ng kasiyahan nila ngayon. Pero alam nila. Hindi pa talaga buo. Para kay Michelle. May kulang pa. At iyon ang kanyang alaala.Isang buwan na ang nakalilipas simula noong buuin nila ang kanilang pamilya. Nag-aaral na si Basti sa paaralan kung saan ay nag-aaral din si Leila. Nakakatanda sa kanila na
Nakatago si Basti sa likod ni Michelle nang bumaba sila sa rooftop at pumasok sa silid na kinaroroonan ni Lucas at Lucille. Nagkatinginan sila ni Lucas at nag-usap ang mga mata nila. Nagkaintindihan kahit hindi magsalita."Basti..." tawag niya sa batang lalake. Si Lucille naman ay ibinaba ni Lucas. Ito na ang lumapit sa kanila. "I'm sorry if I hurt your feelings, Kuya Basti..."Nanginig ang mga labi at agad na dumaloy ang luha sa mga mata ni Michelle nang marinig ang sinabi ng anak. Agad niyang pinunasan iyon nang tumingala ito sa kanya. Bumaba siya para pantayan ang dalawang bata. Gumitna siya sa mga ito. Si Basti ay nakatayo at nakatingin kay Lucille. Si Lucille naman ay nakatitig din kay Basti."I'm sorry also. Hindi ko gustong kunin ang mommy mo—"Umiling si Lucille tsaka humagikgik. Kinuha nito ang kamay ni Basti. "From now on, we are sharing my mommy. Our mommy. But..." Nagulat sila dahil my 'but' pang alam ang anak. Muli itong ngumiti. "Share with me my teddy, okay? I miss
"Leila and Ethan found him already. They are talking to him.." pagbabalita ni Robert sa kanila nang balikan sila sa kuwarto. Tumakbo daw sa rooftop si Basti at doon nakita nila Leila at Ethan na magkasamang naghanap dito."I need to talk to him," ika ni Michelle habang hindi pa rin maalis ang guilt sa kanyang kalooban. "Naging kampante ako Lucas..." ika niya. "Let them talk to him. There's a chance he will listen to them.." aniya naman ni Scott."Tama si Scott, Michelle. Halos magkakaedad lamang sila. Malay mo, makinig si Basti sa kanila..." ika naman ni Robert. Lalo siyang nakaramdam nang guilt nang makita ang anak na karga ni Lucas. Tulog na ito dahil sa pag-iyak. Ipinaliwanag nila dito ang totoo pero bata lang ito para maintindihan agad-agad ang katotohanan. Hindi din makausap nang mabuti si Lucille dahil sa mataas na emosyon.Nangyari daw ang komprontasyon nang marinig ni Lucille ang kuwento ni Basti kay Leila tungkol sa ina nito. Itinuro siya ni Basti at tinawag na Mama. Na
Isang linggo pa ang nakalipas. Isang araw na lang bago tuluyang lumabas si Lucas sa hospital. At sa isang linggo na iyon ay walang mintis sa pagdalaw si Michelle. Kung wala lamang si Basti ay baka namalagi na rin siya roon para samahan ang lalake. Pero mas inuna niya ang kapakanan ni Basti. Kailangan niyang mas pagtuunan ng pansin si Basti ngayon. Naghihintay pa siya ng tamang panahon para sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang masaktan ang bata kaya naman dahan-dahan niyang ipinapahiwatig dito ang lahat. Sa mga araw na pagdalaw niya kay Lucas ay siyang oras din na nakakasama niya si Lucille. Totoo ang sinabi ni Lucas, marami silang pagkakahalintulad ng anak sa ugali. Mahilig din itong magpinta. May mga mannerisms itong nakuha sa kanya. Pero mas lamang na kaugali ito ni Lucas. "Mommy, why are you not coming home with me again?" pangungulit na muli ni Lucille sa kanya. Uuwi na ito at inaaya siyang sumama na. Naghihintay na si Robert dito. Ito kasi ang naatasang mag-uwi sa bata ngayo