Share

Chapter 94

Penulis: jhowrites12
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-15 11:08:40

Michelle's Point of View

"I'm sorry, Georgia. It was really a mistake. Sana ay maipaliwanag mo ito nang maayos sa asawa mo..."

Malamlam ang mga matang nakatitig sa akin ni Georgia. Magkaharap kami habang may kape sa harapan. Nakaupo kami sa coffee table nila sa garden area.

"You really love him?" tanong niya habang humihigop ng kape. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "You know Michelle, that love can kill you," saad niyang hindi inalis ang mga mata sa akin. "Unti-unti kang kakainin ng pagmamahal na iyan. Hanggang sa wala ng matira sa iyo..."

Mapait akong ngumiti. Kinuha ko ang tasa ng kape na nasa harapan ko at sumimsim. It was hot, but I endured it. Parang pagmamahal ko lang kay Lucas. Nakakapaso pero patuloy ko pa rin gugustuhin. Tama nga si Georgia.

Napabuntong hininga siya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.

"I'll convince my husband to continue the project. Maging siya ay alam kong nanghihinayang na hindi matuloy ang business partnership nila ni Mr. Belleza. I'll ex
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (17)
goodnovel comment avatar
Rameil Maghanoy
wag kana mag alala Lucas malapit na mamatay yang Si Michelle sa lubhang sakit Niya,makakasama mo na rin SI Olivia at pagbigyan mo na rin Ang kagustuhan niyang pa bembang sayo.pakipot kapa sa kanya,pero Kay Michelle na makasarili yon madsli Sayo,kainis at nakakahiya pinipikit sa lalaki eeewww kmich.
goodnovel comment avatar
Rameil Maghanoy
tumigil kana sa katangahan Michelle,maglaho kana sagabal ka sa pagsasama ni Lucas at Olivia,patayin Muna character ni Michelle author,isilang mo siya ulit sa ibang katauhan na may pagpapahalaga sa sarili
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
thank you sa update ma'am God bless you always
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B3:Robert and Sonia Story

    Matagal nang pinangarap ni Robert Perez si Sonia Belleza. Mas matanda ng dalawang taon ang babae sa kaniya pero hindi iyon naging hadlang para mahalin niya ito. Akala niya ay hanggang pangarap lamang talaga niya ito. Masyadong mataas ang babae kahit noong hindi pa ito artista. Lagi pa itong nakasimangot kapag nakikita siya sa mansiyon. Parang laging galit sa kaniya "Bakit ka ba tingin nang tingin? May dumi ba ako sa mukha?" Masungit na asik nito sa kanya. Pero hindi man lang siya kumurap. Ni hindi nabawasan ang paghangang nararamdaman niya sa babae. Mas tumindi pa nga iyon na para bang mas naaakit siya kapag nagsusungit ito. Ibig sabihin, hindi ito basta-bastang napapaibig ng sinoman. Hindi basta bibigay sa kahit sinong guwapo na aaligid dito."Mag-aral kang mabuti, Robert. Iyan lang ang kaya namin ipamana sa iyo. Sana ay suklian mo ang mga tulong ng mga Belleza sa pamamagitan ng pagtatapos mo sa pag-aaral," ika ng kanyang Lola Ibyang. Niyakap niya ito. Hindi lang siya magtatapos.

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 75

    Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Lucas. Nagpapawis ang kamay niya maging ang noo ay tagaktak ng pawis. "Are you okay, Hon?" tanong ni Michelle nang mapansin siya. Tumango lamang siya. Papunta sila ngayon sa kanilang University para sa food festival. Napag-usapan nilang dumalo doon. Alam niyang hindi na naaalala pa ni Michelle na minsan ay nakadalo na sila roon. Kaya this time he wants it to be very special. Dahil ang lugar na iyon ay sobrang espesyal sa kanila. "Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na lang tayo kung ganoon..."Umiling siya. Sinubukan niyang ngumiti kahit na halata sa kanyang itsura na hindi siya komportable. Kung bakit kasi mas kinakabahan siya ngayon gayong normal lang naman sanang okasyon iyon. Normal? Parang gusto niyang tawanan ang sarili. "Don't worry about me, Hon. I am really fine..." aniya para hindi na ito mag-alala pa.Parang hindi pa naniniwala sa kanya si Michelle. Pero nang dumating sila doon ay naiwaglit nito ang pag-aalala sa kanya. Maging siy

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 74

    Nakatayo si Lucas habang nakatanaw sa mga tanim sa hardin. Pinaglaro niya ang daliri sa hawak na bulaklak. "You put them in danger. Buti na lang at naging successful ang plano mo..." aniya. Naiisip pa rin niya ang naging plano. Ang ibigay mismo sila Basti at Michelle kay Vincent. Natawa ang kausap niya. "If we did not risk something, baka hanggang ngayon umiikot pa rin tayo sa nakaraan. It is worth the risk, Lucas..." Seryoso niyang binalingan ang kausap. "The document you sent me, it will put them in jail..." aniya. "Not enough. Buhay ang inutang nila sa atin, buhay din ang kabayaran..." Kumunot ang noo niyang napatitig ng mabigat sa kausap. "You got your happiness. I got the freedom I always wanted..." aniya nang hindi siya nagsalita. Bakit pakiramdam niya ay mabigat ang dinadala nito. Noong unang beses niya itong makaharap, ramdam na niya ang bigat sa paligid nito. Na para bang namuhay ito sa isang buhay na puno ng pasakit. "How about Miranda's ashes? Do you want it?"

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 73

    Masaya gumising na walang anumang alalahanin. Buo ang pamilya at puno ng pagmamahalan. Iyon ang pinangarap nila Michelle at Lucas dahil hindi naman nila nakagisnan ang ganoong set up sa kani-kanilang kinalakhang pamilya. Ngayon nga ay natutupad na iyon. Magkahawak kamay silang hinaharap ang bawat araw. Gumigising sa umaga na isa't isa ang kuhanan ng lakas. Sa bawat lumilipas na araw ay pagpapasalamat sa Diyos ang nasasambit nilang dalawa habang nakatanaw sa mga anak na masayang nagmamahalan. Nagtuturingang totoong magkapatid.Sa wakas. Buong-buo na ang kanilang mga pagkatao. Buo na ang puzzle na matagal na nawawala ang piraso. Ang mga puso nilang sugatan at nasaktan ay unti-unting hinihilom ng kasiyahan nila ngayon. Pero alam nila. Hindi pa talaga buo. Para kay Michelle. May kulang pa. At iyon ang kanyang alaala.Isang buwan na ang nakalilipas simula noong buuin nila ang kanilang pamilya. Nag-aaral na si Basti sa paaralan kung saan ay nag-aaral din si Leila. Nakakatanda sa kanila na

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 72

    Nakatago si Basti sa likod ni Michelle nang bumaba sila sa rooftop at pumasok sa silid na kinaroroonan ni Lucas at Lucille. Nagkatinginan sila ni Lucas at nag-usap ang mga mata nila. Nagkaintindihan kahit hindi magsalita."Basti..." tawag niya sa batang lalake. Si Lucille naman ay ibinaba ni Lucas. Ito na ang lumapit sa kanila. "I'm sorry if I hurt your feelings, Kuya Basti..."Nanginig ang mga labi at agad na dumaloy ang luha sa mga mata ni Michelle nang marinig ang sinabi ng anak. Agad niyang pinunasan iyon nang tumingala ito sa kanya. Bumaba siya para pantayan ang dalawang bata. Gumitna siya sa mga ito. Si Basti ay nakatayo at nakatingin kay Lucille. Si Lucille naman ay nakatitig din kay Basti."I'm sorry also. Hindi ko gustong kunin ang mommy mo—"Umiling si Lucille tsaka humagikgik. Kinuha nito ang kamay ni Basti. "From now on, we are sharing my mommy. Our mommy. But..." Nagulat sila dahil my 'but' pang alam ang anak. Muli itong ngumiti. "Share with me my teddy, okay? I miss

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 71

    "Leila and Ethan found him already. They are talking to him.." pagbabalita ni Robert sa kanila nang balikan sila sa kuwarto. Tumakbo daw sa rooftop si Basti at doon nakita nila Leila at Ethan na magkasamang naghanap dito."I need to talk to him," ika ni Michelle habang hindi pa rin maalis ang guilt sa kanyang kalooban. "Naging kampante ako Lucas..." ika niya. "Let them talk to him. There's a chance he will listen to them.." aniya naman ni Scott."Tama si Scott, Michelle. Halos magkakaedad lamang sila. Malay mo, makinig si Basti sa kanila..." ika naman ni Robert. Lalo siyang nakaramdam nang guilt nang makita ang anak na karga ni Lucas. Tulog na ito dahil sa pag-iyak. Ipinaliwanag nila dito ang totoo pero bata lang ito para maintindihan agad-agad ang katotohanan. Hindi din makausap nang mabuti si Lucille dahil sa mataas na emosyon.Nangyari daw ang komprontasyon nang marinig ni Lucille ang kuwento ni Basti kay Leila tungkol sa ina nito. Itinuro siya ni Basti at tinawag na Mama. Na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status