Michelle's Point of View "Let's suffer together..."Yakap ko ang sarili ko habang umuugong ang mga katagang iyon ni Lucas. Dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman akong sakit ay ni-pull out niya ang medical team na ini-organized niya para sa akin. Ngayon ay naiwan akong mag-isa sa kuwartong iyon. Kuwartong naging kanlungan ng kalungkutan ko. Ngayon ay naging bilangguan ko na rin. Sinubukan kong maging matapang sa kabila ng pangyayari kay Emman. Pero kahit ayaw kong sisihin ang sarili ko, hindi ko magawa. Alam kong may kinalaman si Lucas sa nangyari kay Emman. At alam kong ako ang dahilan kaya sinapit ni Emman iyon.Walang hiya si Lucas!Nanatili akong hindi gumagalaw kahit na marinig ang sunod-sunod na katok sa may pinto ng kuwarto ko. Iisa lang naman kung sino iyon. Bakit kailangan pang kumatok ni Lucas. Puwede naman siyang pumasok na lang, gaya ng kung paano niya panghimasukan ang buhay ko ngayon.Isa, dalawa hanggang sa halos limang beses ang mga katok na ginawa ng kung sinong na
Lucas Point of ViewBumaba ang tingin ko sa nahulog na cellphone. Sinubukan pa niyang itago iyon pero huli na. "L-Lucas...magpapa...liwanag ako..." natataranta niyang saad. Puno ng pagkasindak ang itsura niya dahil sa nahuli ko siya. Natawa ako. Pagak na natawa. Hindi siya nakakilos noong pulutin ko iyon. I hold it tight, almost crushing it."Are you going to get some help, Michelle? To whom? To that doctor who literally screamed that he liked you! Magpapasaklolo ka sa kanya? Sasama ka sa lalaking iyon!" ngitngit ang mga ngipin na akusa ko. Nanlilisik ang mga mata ko habang naalala kung paano ipagsigawan ng doctor na iyon na gusto niya si Michelle. Na handa itong ibigay kahit buhay para sa kanya.Umatras si Michelle. Pero bawat atras niya ay siya namang pag-abante ko. I never give her space. Hanggang sa ma-corner ko na siya. Her back was on the wall. "He can't help you. Not last time, not today, not tomorrow either..." paos na ika ko. Sawa na akong magalit. Sawa na akong sumbatan
Michelle's Point of View I tried to be okay for my baby. Gaya ng sabi ni Emman, my baby is fighting for me. So I should fight back. Fight for our lives."Baby, kaunting tiis pa..." I said as I got up. Medyo maliwanag na sa labas dahil sa sumisilip na sinag ng araw sa nakauwang na kurtina. Maganda ang pakiramdam ko ngayon. Sana kasing ganda rin ito ng magiging araw ko as I move forward. Because I need to be strong and live. Kahit na sa anak ko lang."Good morning Miss Michelle, kumusta po pakiramdam ninyo?" tanong sa akin ng nurse na pumasok sa kuwarto ko. I want to ignore her, dahil alam kong kinukuha lamang niya ang loob ko para magawa ang gusto. But then, mas gusto kong kunin ang loob niya para kahit papaano, maging malaya akong kumilos sa harapan niya. And maybe she can help me. Kahit sa kaunting bagay lang."Morning nurse...Lanie," bati ko. Sinipat saglit ang kanyang name tag para makilala."Mukhang maganda ang gising ninyo ngayon," sabi niya. Ngumiti ako. "Yeah, I slept well la
Lucas Point of View(Disclaimer: Bawal HB agad. Bago magconclude ng kung ano-ano. Make sure na tama hinala ninyo)"Sir.."Tinawag ako ng isang nurse na naka-aasign kay Michelle. Lumapit siya sa akin nang makuha ang atensiyon ko. "Ayaw pong magpakuha ng dugo ni Miss Michelle," tila problemadong ika niya. Napabuntong hininga ako. Michelle is resisting all the help maging ang medical team para sa kanya simula noong dumating kami sa bahay. Hindi ko na sana gagawin ito pero walang nakuhang impormasyon si Robert sa hospital tungkol sa totoong kalagayan ni Michelle. Ang tanging nasa record ni Michelle ay ang pagkakaroon nito ng malalang migraine at ang mababang dugo. Ipinagtaka ko iyon.Migraine won't make her body like this. Kung may kinalaman ang doctor na iyon sa kalagayan ni Michelle, I will not forgive him. Sisiguraduhin kong hindi lang trabaho ang mawawala sa kanya. "Let her take a rest. Do it next time. Just monitor her..." utos ko. Ayon sa doctor na naatasan ko para kay Michelle
Michelle's Point of View"Michelle..."Mula sa pagkakapikit ay naulinigan ko ang pagtawag sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay nasa malalim akong pagkakatulog na pilit ginigising ng kung sino. "Michelle, I need to get you out of here right now," bulong na biglang nagpabalik sa akin sa reyalidad.Kahit na mabigat ang talukap ng mga mata ko ay pinilit kong magmulat ng mga mata. Napakurap kurap ako dahil sa biglang liwanag na bumungad sa akin. Naitaas ko ang kamay ko ng dahan-dahan para takpan ang mga mata ko sa liwanag na iyon."I'm glad you're awake. We need to go, Michelle..."Napalingon ako sa nagsalita. Si Emman ang nakita ko nang maka-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Pakiramdam ko rin ay matagal na akong tulog dahil nanibago ako sa paligid. Kailan pa ba ako naroon?"It's been two days that you're unconscious..."Nagulat ako. Agad na nailagay ang mga kamay sa aking tiyan. "You're baby is okay, Mich. Kumapit siya para sa iyo..." Sinagot ni Emman ang katanungan na hindi ko pa naiigkas
Lucas Point of ViewHalos saglit akong napatigil sa paghinga nang bumagsak si Michelle. Agad ko siyang niyakap kasabay ng pagbagsak ng katawan niya sa aking mga bisig."Hey, this is not a good joke! I'm not gonna buy this!" babala ko pa sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya. But she stays not moving. Unresponsive. "Michelle..."I hold her waist. Nagulat pa ako dahil tila wala na akong makapang laman. I feel her bones and skin. Kailan pa siya pumayat ng ganito? "Hey..."My heart was racing. I pick her up. Mas nagulat ako nang tila papel na lamang siya nang buhatin ko. She's very light. Inaninag ko ang mukha niya habang karga ko siya. She was very pale. Halos magkasing kulay na ang mukha niya at bibig. "Mich..." I hold her wrist. There's a faint pulse. Maging ang paghinga niya ay sobrang hina. What's happening? Is she really ill? May sakit ba siyang hindi sinasabi sa akin?May sakit? I panic. Mabilis akong bumaba buhat siya. Sinalubong agad ako ni Robert. I told him to wait f