/ Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 12 - denied

공유

Chapter 12 - denied

작가: Redink
last update 최신 업데이트: 2025-08-04 10:09:46

NASASAKAL ako sa tension na bumalot sa buong silid. Ngayong araw ako nag-execute ng judicial affidavit para sa kasong pormal na isasampa laban sa dati kong asawa at sa kabit niya.

Umapela ang abogado ng depensa kung pwedeng makausap ako ng masinsinan. Susubukan siguro nilang aregluhin na lang at humingi ng tahimik na annulment process.

Pwede naman akong tumangging harapin ang dalawa sa pribadong pag-uusap pero naisip kong magmumukha akong duwag. Kahit papaano gusto kong panghawakan pa rin ang aking karapatan bilang legal na asawa at ang estado ko na tinapakan nina Gavin at Mildred.

"We will be paying twice of the moral damages stipulated in the case or if there are additional conditions from your side," sabi ni Atty. Rama, ang abogado nila.

"What do you think, Mrs. Arriola?" tanong sa akin ni Atty. Ramos.

Umiling ako at iniwasang tingnan sina Gavin at Mildred na nasa kabilang dako ng parihabang conference table. Kahit may suot na surgical mask halata ang pamamaga at pinsala sa nguso n
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
Ganyan dapat wag pasisindak sa kanila Zanaya. Author kailan magkaka update sa kabila sa Congressman Mistress?
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
salamat po sa update
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 50 - poison

    "Hindi ka ba nauuhaw, Anikka?" tanong ni Ate Chona sa akin pagkababa namin ng van."Careful." Kaagad akong sinaklot ni Rex sa baywang habang karga niya sa kanang bisig ang anak namin."Nagugutom ako," sabi kong tumingala kay Rex."Let's get inside, Chona, ipaasikaso mo na ang mga gamit sa back-ups ko," utos ni Rex kay Ate Chona. "And kindly follow-up the food I ordered from the restaurant. It should be here by now, umaga ko pa iyon na-book.""Sige po, Sir."Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nasa high-end subdivision iyon sa karatig na lungsod ng Juan Luna. Lumipat na naman kami pagkatapos ng report tungkol sa kahina-hinalang mga tao na pumupunta ng hospital at doon sa bahay na dati kong tinitirhan."Rex, paki-check naman si baby, baka umihi," sabi kong naupo sa couch at minasahe ang kanan kong binti. Namimitig na naman. Mabigat pa talaga ang katawan ko at hindi pa ako dapat idi-discharge. Mabuti na lang at na-enroll ako for out-patient."How did you know she pee?" manghang tanong ni Rex

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 49 - cookies

    Hindi ako makahinga sa kaba at pananabik habang humahagod sa tiyan ko ang ultrasound transducer. Nakatuon ang paningin ko sa monitor. Pigil ko ang hininga nang lumitaw doon ang images. "There's our baby," hinagkan ako ni Ark sa labi. Nag-ulap sa saya ang mga mata ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa screen. "Ang baby ko," mahina kong usal. "Baby boy," anunsiyo ng doctor. "You have nothing to worry, malakas ang heartbeat niya at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan mo. Continue mo lang ang routine at doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa panganib, okay? Bantayan din ang kinakain. I-konsulta lagi sa nutritionist kung may food kang gustong kainin. Dagdagan mo rin ng masa maraming veggies ang menu mo.""Thank you, Doc. Madalas nga pala akong nagkakaroon ng cramps.""Baka sobra ang iniinom mong malamig na tubig. Try lukewarm water sometimes. Very cold water may not affect the baby directly but your body will have reactions to it depending on the amount you take, cramps is one

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 48 - illness

    "Baka naman pati sa kaarawan ni April ay pagbabawalan mong pumunta si Ark?" sita ni Mama sa akin habang nag-aayos kami ni Maricel ng cookies at macaroons sa estante. Nilingon ko si Mama. "Unreasonable na po iyon, Ma.""Hindi mo ba napansin na ilang buwan ka nang unreasonable pagdating sa nobyo mo?"Natawa si Maricel sa pag-aakalang biro ang sinabi ni Mama. "Dala lang iyan ng pagdadalang-tao niya, Auntie. Ganyan talaga pag buntis, hindi mo maintindihan ang mood swings.""Hindi mood swings iyan," agap ni Mama."Ako noong nagbubuntis grabe rin ang insecurity ko lalo na at may kabit ang asawa ko. Dumadaan talaga sa ganyang krisis ang mga buntis.""Hindi ko rin po gusto itong umiikot sa utak ko, Ma. Pero hindi ko talaga ma-control." Katuwiran ko at nilikom na ang mga karton at itinabi. "Buo naman ang tiwala ko kay Ark pero natatalo ako ng pangamba at takot. Bumabalik sa isip ko mga ginawa ni Gavin noon."Umiling na lang si Mama habang si Maricel ay hinaplos ang likod ko. Nakokonsensya ako

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 47 - danger

    Ibinaba ko ang cellphone at bumuntong-hininga. Si Ate Zanaya ang kausap ko ngayon lang. Siya lang at ang pamilya niya ang nasa contacts ko bukod kay Rex. Hindi madalas pero halos once a week akong tinatawagan ni Ate Zai para kumustahin. First time na nagsumbong siya tungkol sa problema niya. She said nagi-guilty siya. Pero kung si Capt. Ark ay umiiwas sa mga babae, gusto kong sabihin kay Ate Zai na kabaliktaran si Rex dahil kasa uwi rito sa bahay ay iba't ibang jowa ang bitbit. Iyon lang hindi ko masabi dahil sekreto ang estado ko ngayon habang narito sa poder ni Rex. Ibinaba ko sa bed ang cellphone at tumayo. Pero naudlot ang paghakbang ko nang mapansin ang pag-agos ng dugo sa aking binti, kasunod ang pagsigid ng kirot sa kaning tiyan. "Ate Chona!" sigaw kong nataranta. Hindi ko pa kabuwanan! Manganganak na ba ako? "Ate, tulong po!"Humahangos na pumasok doon si Ate Chona at nagulantang nang makita ang dugo sa sahig at sa maternity dress ko. "Diyos ko! Manganganak ka na ba? Teka,

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 46 - inner battle

    Naka-loud speaker ang cellphone ko at nasa holder habang kausap ko si Ark. Nagbi-bake kasi ako ng banana cake nang tumawag siya. Nagpaalam siyang may dinner meeting sa labas kasama ang ilan sa superiors niya at batchmate sa PNPA."Basta umuwi ka agad pagkatapos ng dinner, okay?" bilin kong abala ang kamay sa paghalo ng mga ingredient sa mixing bowl. "Nagyaya si Gen na uminom, ilang shots lang naman," apela niya."Kasama mo si Katricia?" tanong kong sumimangot. "Oo, narito ang ama niya at-""Hindi ka pwedeng uminom kung ganoon. Umuwi ka pagkatapos ng dinner, maliwanag?" sikmat ko sa kaniya. "Langga, hindi naman ako maglalasing.""Talaga? Paano mo natitiyak na hindi ka malalasing kung tatagayan ka ng mga kaninuman mo? Tatanggi ka? Bakit ka pa sasama sa inuman kung tatanggihan mo lang pala ang alak?" Natigil na sa ginagawa ang mga kamay ko dahil sa pag-angat ng tension sa aking sistema. Is he that innocent of the temptations around him? Hindi niya naisip na pwedeng maging avenue ang a

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 45 - ghost of insecurity

    Sa loob ng apat na araw na umuwi si Rex doon sa bahay, apat na iba't ibang babae rin ang kasama niya. Hindi ako umiimik dahil wala naman akong karapatang sitahin siya as long as sumusunod siya kung ano ang nasa kasunduan namin. Hindi siya nakikipag-sex sa mga babaeng iyon. Naroon siyempre ang harutan habang kumakain sila at nag-iinuman. Kahit nasa loob lang ako ng kuwarto'y naririnig ko pa rin. Ano kayang tingin ng mga babaeng iyon sa akin? Halatang hindi nila naiisip na may ugnayan kami ni Rex at anak niya ang ipinabubuntis ko kasi wala akong makitang pag-aatubili sa kilos at pagsasalita nila tuwing nilalandi nila si Rex."Hindi ka pa kakain, Anikka?" tanong ni Ate Chona na sumunod sa akin sa laundry area. Kasalukuyan kong nilalabhan ang undies ko. Hindi ko kasi maatim na palabhan iyon sa ibang tao. "Busog pa ako, Ate. Kakain ako mamaya pagkatapos ko rito. Nakaalis na po ba ang bisita ni Rex?" pahabol kong tanong."Hindi pa, baka mamayang alas-nueve pa aalis iyan. Energetic pa rin k

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status