Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
View MoreZANAYA ARRIOLA. Married.
Proud ako lagi na isulat iyon sa status entry ng anumang official document. Masasabi kong isa ako sa mga nag-asawa na hindi nagsisi sa naging desisyon ko kahit tutol dati ang mga magulang ko sa lalaking pinili kong pakasalan. Nakulangan kasi sila sa pundasyon ng pagmamahal sa akin ng asawa ko. Masyado raw mabilis. Three months lang kaming mag-on tapos kasal agad. Wala raw akong pagkakataong kilalanin muna si Gavin.
"All done, Ma'am, thank you for giving me your personal info. I will settle this right away and give you updates afterwards," sabi ng agent na kausap ko online.
Nag-apply ako ng life insurance. Medyo maganda na kasi ang kita ng pastry business ko. Banana cookies, cupcakes at macaroons. Kaninang umaga nakabinta ako ng 50 pieces na banana cake, 50 boxes ng macaroons at 50 boxes na cupcake. Tatlong beses sa isang lingo ako nagluluto, sobrang nakapapagod kasi kung aaraw-arawin ko.
Nagtungo ako sa sala at tinawagan si Mama Minda. May problema siyang idinulog kahapon pero sandali lang kaming nagkausap dahil kailangan kong asikasuhin si Gavin.
"Kumusta na si Maricel, Ma?" tanong kong nag-alala.
Kinakapatid ko si Maricel. Inaanak siya ng mga magulang ko sa binyag. Battered wife siya at kahapon ay pinagbuhatan na naman ng kamay ng asawa niya. Hindi makaalis sa poder ng lalaki dahil ginagamit na rason ang dalawang anak.
"Sinamahan namin ni Papa mo sa barangay kanina, ni-refer kami sa women's desk."
"Ilang beses na po ba iyan? Sana magawan na ng action."
"Tutulungan kami ni kapitan."
"Mabuti naman po."
Madalas kong marinig mula sa mga matatanda na ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na pwedeng iluwa kapag napaso ang dila. Ang pag-aasawa, kahit iluwa mo pa ay mag-iiwan ng sugat na maaring hindi maghihilom kahit sa paglipas ng maraming taon.
"Sige na, Anak, tatawag ulit ako bukas. Mag-iingat ka riyan at maraming salamat sa pera. Umiyak si Maricel nang i-abot ko sa kaniya ang padala mo." Nagpaalam si Mama.
"Walang anuman po, update n'yo ko bukas ha? Bye, ingat din kayo ni Papa."
Dalawa lang kaming magkapatid, puro babae. Noong dalaga pa ako, takot akong mag-asawa lalo na at hinulaan ng kapitbahay naming na hindi magiging successful ang married life ko. Magtataksil daw ang mapapangasawa ko. Halos maniwala ako sa hula na iyon kaya umabot ako sa edad na twenty-five bago nagkaroon ng boyfriend.
Si Gavin Arriola, first boyfriend ko at ngayon ay asawa na. Engineer siya at head officer ng City Planning and Development Office ng LGU-Juan Luna City. Four years na kaming kasal at hindi pa rin biniyayaang magkaanak pero hindi naman iyon naging issue sa pagsasama namin. Mas madalas ang ugat ng pagtatalo namin ay tungkol sa kagustuhan kong bumalik sa pagtuturo.
Licensyadong guro ako ng public school noong nagkakilala kami. Matapos naming magpakasal ay pinahihinto niya ako. Pinagbigyan ko na rin, gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya at sa magiging anak namin. Pero dahil mahal ko ang pagtuturo, may mga sandaling sumasagi sa isip kong bumalik kahit sa day care center man lang.
"Ate, tapos ko na po ligpitin ang mga sinampay. Bukas ko na lang po titiklupin." Sumilip sa akin roon sa sala si April. Stay-out maid naming siya at working student. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi.
"Okay na iyan, April. Ako na ang magtutupi mamaya. Aalis ka na ba?" tanong ko.
"Opo, mag-re-review pa ako roon sa library. Prelims na kasi namin ngayong week na ito."
Inabot ko ang wallet na nasa ibabaw ng divider. Binuksan at kumuha ng five hundred pesos na papel.
"Idagdag mo na ito sa allowance mo at may banana cake roon sa ref, kumuha ka ng isa para may snacks ka mamaya."
"Pwede po ba akong kumain na rin ng hapunan, Ate? I-uulam ko po 'yong tira na ham at corned beef kaninang umaga."
"Bakit iyon ang iuulam mo? May marinated chicken diyan sa ref, magluto tayo. Mabilis lang naman, halika."
Nag-prito ako ng mabilisan ng manok at si April ay nagsaing sa rice cooker.
Napansin kong panay ang sulyap niya sa akin na para bang may gustong sabihin pero nag-aalangan.
"May problema ka ba sa school? Huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin lalo na kung sa financial, okay?"
"Okay lang naman po ang pag-aaral ko, Ate. Ano lang kasi, may sasabihin ako pero huwag po kayong magalit ha?" Nilingon niya ako, nasa mga mata ang pagkabalisa.
"Bakit naman ako magagalit? Ano ba iyon?" Bahagya pa akong natawa at lumayo ng kunti sa kawali para makaiwas sa tilamsik ng mantika.
"Ah...noong Sunday nagpunta kami ng classmate ko sa National Book Store, tapos paglabas namin nakita ko si Kuya, pumasok sa McDo, may kasama po siyang babae. Inaakbayan niya tapos hinalikan sa sentido. Gusto ko po sana silang sundan kaya lang nagmamadali na 'yong classmate ko at hindi ko pa po kabisado kung paano sumakay ng bus doon sa siyudad."
Tumawa lang ako. Marami na akong naririnig na ganoon tungkol kay Gavin mula sa mga kaibigan kong guro. Pero may tiwala ako sa asawa ko. Hindi niya ako lolokohin.
"Baka pinsan niya iyon. Close si Gavin sa mga pinsan niyang babae at sobrang lambing. Hindi mo pa nakita ang iba niyang pinsan, no?"
"Hindi pa po. Pero namukhaan ko po 'yong babae, Ate. Nurse po iyon diyan sa City Health Office, si Mildred Las Peñas. Kaya pamilyar sa akin kasi dalawang beses na siyang dinala ni Kuya rito noong nag-deliver ka ng paninda mo."
Bumigat ang tibok ng puso ko. Ayaw kong isipin na kaya akong lokohin ni Gavin. Pero wala namang dahilan para magsinungaling si April. Ako ba ang nagkamali? Masyado ba akong nagtiwala sa asawa ko kaya nagbubulag-bulagan ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko? Gayunpaman, gusto ko pa ring bigyan ng benefit of the doubt si Gavin.
"Ate, sorry po ha, ngayon ko lang sinabi. Ayaw ko kasing sumama ang pakiramdam mo. Anniversary n'yo pa naman bukas ni Kuya."
"Okay lang," matamlay kong sagot.
Tuluyan akong nawala sa focus at nasunog ang piniritong manok. Biglang sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung paano kakausapin si Gavin pag-uwi niya. Siguradong hindi niya magugustuhan kung ang ibubungad ko sa wedding anniversay namin ay ang tungkol sa posibilidad ng pagtataksil niya.
Pero noong gabing iyon ay hindi umuwi sa akin ang asawa ko. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa kaniya buong magdamag. Lalo tuloy naghimagsik ang emosyon ko kahit gusto kong bigyan siya ng pagkakataong isalba ang sarili sa pagdududang kumakain sa akin.
"Pasensya ka na, nag-overtime ako kagabi." Nasa kusina ako at naghahanda ng breakfast nang dumating siya. First time na hindi ko siya sinalubong.
"Hindi ka man lang tumawag?" sita kong hindi siya sinulyapan. Baka sumabog na lang ako sa sobrang poot at takot na nadarama.
Niyakap niya ako mula sa likod. "Sobrang busy lang talaga. May inasikaso kaming madaliang upgrading para sa CLUP ng LGU. Kailangan na kasing maipasa iyon sa province ngayong week na ito."
Bulong ng isip ko kasinungalingan iyon pero gusto kong maniwala dahil takot akong harapin ang totoo.
"Upgrading ng CLUP o ng secret affair mo kay Mildred sa city health?" Umikot ako paharap sa kaniya at itinulak siya. "Are you cheating on me, Gavin? Umamin ka!" Sadya kong nilangkapan ng tapang ang tono kahit umuuga ang mga tuhod.
Rumehistro sa mukha niya ang gulat at ang mabilis na pagdaan ng guilt sa mga mata ay indikasyon na tama nga ang sinabi ni April. Nagtaksil sa akin ang asawa ko. Para akong inabandona ng katinuan.
"Anniversary natin ngayon, tapos ito ang ireregalo mo sa akin? Kapal ng mukha mo! Gaano katagal na ha? Gaano katagal mo na akong niloloko?" Sinampal ko siya pero sinalo niya ang kamay ko at itinulak ako.
Bumuga siya ng hangin at bagsak ang mga balikat na binuksan ang sling bag na nakabitin pa rin sa katawan. May kinuha siyang brown envelope sa loob. Nilapag iyon sa kalapit na mesa.
"Annulment papers ang laman nito, pirmahan mo. Matagal ko nang balak na makipaghiwalay sa iyo, Zanaya. Last year pa noong nanganak si Mildred sa baby namin. Hindi ko lang magawa dahil naaawa ako sa iyo. Pero intindihin mo sanang hindi na kita kayang mahalin pa."
Tigagal akong humawak sa edge ng kitchen counter. Kinapos ako ng hangin. Pakiramdam ko ay umurong ang aking utak. Kumirot ang ulo ko at ang dibdib ko ay parang sasabog sa hindi ko maipaliwanag na sakit.
UNANG pagdinig sa kasong adultery at concubinage. Maaga akong dumating sa korte, kasama ang mga magulang ko. Sadyang nag-leave si Papa para sa araw na iyon."Anak, sasalang ka ba mamaya sa tanungan?" tanong ni Mama."Hindi na, Ma. May judicial affidavit na ako. Okay na raw iyon sabi ng abogado.""Zanaya, punta muna tayo ng briefing room," yaya sa akin ni Atty. Ramos."Sige po. Ma, Pa, sa briefing room muna kami." Sumama ako sa abogado patungo sa briefing room. Halos tubuan ako ng pakpak pagpasok nang makita kong naroon si Arkham. May dalawang police ring nakabantay sa labas ng pinto."He requested to see you, hindi siya pwedeng pumasok doon sa courtroom dahil sa issue ninyong dalawa. May ten minutes ka lang," bilin ng abogado sa akin.Tumango ako, hindi inaalis ang tingin kay Arkham na nasa gitna ng silid, nakapamulsa ang mga kamay sa uniporme niyang pantalon at nakatitig sa akin. Nang humakbang siya ay para bang nagkaroon na rin ng sariling buhay ang mga paa ko. Tumakbo ako at sinalu
SUPORTA ng pamilya at mga kaibigan. Siguridad ng hustisya mula sa panig ng batas. Pagkakataong magsimulang muli. Mayroon na ako ng mga ito. Pero hindi pa rin madali ang umusad. Ngayong akala ko ay ayos na ang lahat dahil nakangingiti na ako kahit papaano, saka naman ako pinupukol ng panibagong kasinungalingang kumakalat sa social media at sa komunidad."Huwag mo nang pansinin iyan, Ate. Kung pati ang mga taong hindi mo kilala at hindi ka kilala ay iisipin mo pa, ma-e-stress ka lang." Inaalo ako ni Zoe.Dalawang araw nang pinutakte ng bashing ang facaebook at instragram account ko. Oportunista. Doble-kara. Asawang lagalag. Palamunin. Ilan lang ang mga ito sa nabasa ko.Sa opinyon ng mga taong hindi alam ang tunay na nangyari, ako ang nagloko. Ako ang nagtaksil. At si Gavin ang kawawa. Lumutang din ang usap-usapang kaya kinaladkad ko sa korte ang asawa ko’y para makapagbayad siya ng malaki sa moral damages imbis na magkaroon kami ng patas na hatian sa conjugal properties na mayroon kami
"The complainant added several charges to the women's desk, sexual abuse and rape. She requested a protection order. Allowing you for bail will put her safety at risk. Isa iyan sa maraming dahilan kaya na-deny ang piyansa ninyo," detalyadong sagot ni Arkham."Rape? Ano'ng kalokohan iyan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Gavin."Kasama sa salaysay ni Zanaya na kahit pagod na pagod siya ay pinipilit mo siyang makipagtalik sa iyo. Nagagalit ka kapag tumanggi siya at idinadaan mo siya sa pwersa. That is an element for a rape case, Mr. Arriola.""Kalokohan! Lahat ng ginawa ko sa kaniya ay nagustuhan niya! Hindi naman siya umangal! Malaking kalokohan iyan, Zanaya!""Nabilang ko iyon, Gavin! Anim na beses, umuwi kang lasing. Pinilit mo ako kahit may sinat ako dahil sa sobrang pagod. Nagreklamo ako pero hindi ka nakinig dahil lasing ka! May pagkakataon din na kahit may bisita tayo, kapag inabot ka ng libog, nawawalan ka ng hiya at kinakaladkad mo ako sa kuwarto!""You did this to us, Captain!
NASASAKAL ako sa tension na bumalot sa buong silid. Ngayong araw ako nag-execute ng judicial affidavit para sa kasong pormal na isasampa laban sa dati kong asawa at sa kabit niya.Umapela ang abogado ng depensa kung pwedeng makausap ako ng masinsinan. Susubukan siguro nilang aregluhin na lang at humingi ng tahimik na annulment process.Pwede naman akong tumangging harapin ang dalawa sa pribadong pag-uusap pero naisip kong magmumukha akong duwag. Kahit papaano gusto kong panghawakan pa rin ang aking karapatan bilang legal na asawa at ang estado ko na tinapakan nina Gavin at Mildred."We will be paying twice of the moral damages stipulated in the case or if there are additional conditions from your side," sabi ni Atty. Rama, ang abogado nila."What do you think, Mrs. Arriola?" tanong sa akin ni Atty. Ramos.Umiling ako at iniwasang tingnan sina Gavin at Mildred na nasa kabilang dako ng parihabang conference table. Kahit may suot na surgical mask halata ang pamamaga at pinsala sa nguso n
Pagkaalis ni Arkham ay tinulungan ko sina mama at Zoe na nag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng kuwarto."Anak, huwag mong mamasamain ang sasabihin ko pero mag-iingat ka sana kay Captain." Nagsalita si Mama."Bakit po, Ma?" nagtataka kong tanong."May gusto ba sa iyo ang lalaking iyon."Tumingin ako kay Zoe na ngumuso at kunyari walang narinig na tanong."Tumutulong lang po siya, Ma." Huminga ako ng malalim at binalingan ang mga aklat sa loob ng cardboard box."Tulong na balang araw may kapalit?"Nahinto ako sa paghango ng mga libro. "Ma, huwag naman po nating pag-isipan ng ganoon si Captain. Police po siya, natural na sa kanila ang tumulong sa tao. Mandato nila iyon.""Pasensya ka na, Anak. Nag-aalala lang ako. Baka mahulog ka sa kaniya. Itong kapatid mo, tatlong minuto pa lang yata ayon, na-crush na roon.""Mama!" angal ni Zoe na nagba-blush.Natawa naman ako. Sukol na sukol ang kapatid ko."Prone sa tukso ang mga gaya nilang police at iilan lang ang may tapang na lumaban. Ayaw ko lan
Walang nagtanong sa mga magulang ko kahit nakita nilang dala-dala ko ang maraming mga gamit. Para bang normal na araw lang iyon na bumisita ako sa bahay namin. Tahimik na tumulong si Papa kay Arkham sa paghahakot ng mga bagahe. Sina Mama at Zoe naman ay naghahanda ng miryenda. May ilan sa mga kapitbahay namin ang nakasilip mula sa kani-kanilang bakuran pero walang naglakas-loob na lumapit."Pupunta raw si Maricel mamaya," abiso ni Mama.Tumango lang ako.Kinondisyon ko na ang isip na sa susunod na mga araw ay masisira ang katahimikan ng pamilya namin. Kapag nagsimula nang kumalat ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Gavin, bubuhos na rin ang opinyon ng mga tao. Positibo at negatibo."Salamat sa paghatid sa kaniya rito, Captain," sabi ni Papa Zandro. Nag-alok siya ng kamay kay Arkham.Agad iyon tinanggap ni Captain. "No worries, Sir. I'm glad to help your daughter.""Aalis ka ba agad?" tanong ko nang iwan kami ni Papa roon sa bakuran."Kailangan kong sumunod sa presinto. Tatawagan kita
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments