"KUYA?" bulalas ni April nang pumasok kami ng sala ng bahay. Tulog pa siya nang datnan namin at ginising na ni Arkham. "Teka, bakit magkasama kayo ni Ate Zaya?""Ano'ng klase kang bantay? Natutulog on duty? Tinakasan ka na ng binabantayan mo!" kastigo ng lalaki sa kapatid. Naglibot ang paningin niya sa kabuuan ng sala, ina-assess yata sa posibleng banta ng panganib. Nature ng alertong alagad ng batas."Ate, umalis ka?" baling sa akin ni April na nagkakamot ng ulo. Naawa ako. Mukhang antok na antok pa si April."Sorry, hindi na mauulit." Hingi ko ng dispensa. "Doon na muna ako sa kuwarto. April, baka nagugutom ang kuya mo, tingnan mo roon sa kitchen kung ano'ng mayroon at pakainin mo siya. Ikaw na ang bahala, okay?" Nag-iwan ako ng banayad na tango sa kapitan at nagtuloy na sa aking kuwarto.Pinagpawisan ako sa paglalakad, nanlalagkit ako. Ang hapdi pa ng talampakan ko. Dapat yata sanayin ko ang sariling maglakad ng nakapaa lang para magkakalyo naman ng kunti ang mga paa ko."Kuya, ba
Last Updated : 2025-07-29 Read more