MIREYA'S POV
Habang nakatingin ako sa dalawang tao na naghahalikan ay naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ako pumasok at nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pinanood ko lang sila at hinayaan ko sila sa ginagawa nila. They betrayed me. Hindi ko alam na inaahas na pala ni Andrea ang fiancee ko. Sa likod ng napakahinhin at inosente niyang mukha ay nagawa niyang patulan ang boyfriend ko.Tumalikod ako at bumababa na. Kaagad akong pumasok sa kotse at doon ako umiyak. Wala akong pakialam kahit na makita ako ni Alexandro. Nang maging okay na ako ay kaagad kong inutusan si Alexandro na umuwi na kami. Pasalamat naman ako dahil tulog na ang parents ko pagdating ko sa bahay."Salamat," saad ko kay Alexandro."Trabaho ko po 'yon, Miss." Sagot niya sa akin. Ngayon ko lang narinig ang mahinahon niyang boses.Ngumiti ako at umakyat na. Dito sa kwarto ko itinuloy ang pag-iyak. Nasasaktan ako dahil minahal ko siya pero paano niya ito nagawa sa akin? Ano bang dahilan niya para gawin ito sa akin? Malapit na ang kasal namin pero nagawa pa niya akong lokohin. Mga tanong na tumatakbo sa isipan ko."If you think na magiging masaya ka. Nagkakamali ka, gusto mo akong paglaruan. Gawin mo," kausap ko sa phone ko habang nakatingin sa larawan niya.I wiped my tears. Hindi ko dapat sila iyakan. Pinalaki ako ng mommy ko na maging matapang. Alam ko na may pagkukulang ako bilang girlfriend niya pero para rin naman 'yon sa kanya. Dahil gusto ko na i-regalo sa kanya ang sarili ko pagkatapos ng kasal namin. Gusto kong ibigay ng buo ang sarili ko. Binura ko ang lahat ng pictures namin. Sa tingin ko ay wala ng dahilan para manatili ito sa phone ko.Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na nagmumula sa veranda. Nang tumingin ako sa orasan ay alas diyes na pala ng umaga. Naghilamos ako ng mukha ko at bumaba na para kumain."Anak, what happened to you?" Tanong sa akin ni mommy."Wala po mommy, nanood kasi ako ng k-drama kagabi. Kasi nakakaiyak pala ang mga scenes." Pagsisinungaling ko sa mommy ko."Kumain kana, saka anak. Huwag kana palaging manood ng nakakaiyak. Nababawasan ang kagandahan mo. Hindi bagay ang magang mata sa prinsesa ko." Pabiro na sabi sa akin ni mommy."Next time po mommy, horror na lang." Pabiro na sagot ko rin sa kanya.Alam ko nagtataka siya kung bakit namamaga ang mga mata ko. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang problema ko. Ayoko na mag-alala sila sa akin. Mas gusto kong ayusin ang lahat sa sarili kong paraan. Nagmukmok lang ako maghapon sa silid ko at nagulat ako dahil bigla na lang pumasok sa silid ko si Zio."Ate, nasa baba ang boyfriend mo." aniya sa akin."Sige, baba ako." Sagot ko sa kanya."Ate.." tawag niya sa akin."Hmmm?""Are you really sure na magpapakasal ka sa lalaking 'yon?" Tanong bigla sa akin ni Zio."Oo naman, bakit? Ayaw mo ba?" Natatawa na tanong ko sa kanya."Honestly, ayoko.. Simula noon ay hindi ko na siya gusto para sa 'yo." Sagot niya sa akin."Bakit naman?" Curious na tanong ko sa kapatid ko."Sa tingin ko may hidden agenda siya. But nevermind baka masyado lang akong paranoid dahil ayaw pa kitang mag-asawa, hahaha!" Natatawa na sabi niya sa akin."You're right," sagot ko sa kanya."What?" Nagtataka na tanong niya sa akin."Tama ka, baka may hidden agenda lang siya sa akin. I saw him last night. Naghahalikan sila ni Andrea 'yong kaibigan ko sa factory." Kwento ko kay Zio."Fvcking cheater! Mapapatay ko siya!" Sigaw nito."Calm down," pagpapahinahon ko sa kanya."Niloko kana niya ate but still you choose to marry him." Tumaas na ang boses niya."Yeah," sagot ko sa kanya."Bakit ate? Ganun mo ba siya kamahal?" Naiinis na tanong niya sa akin."Minahal ko siya but he betrayed me.""Pero bakit magpapakasal ka pa rin?""Let me handle this, okay? Aalamin ko ang hidden agenda niya sa akin. Let them think na mahina ako at walang alam." Sagot ko sa kapatid ko."Are you sure, ate?""Of course, kaya na ito ni ate." Nakangiti na sagot ko sa kanya. Don't worry about me.""Okay, but if you need my help. Sabihan mo ako kaagad. Sarap basagin ang mukha niya. Mangloloko pa talaga ang unggoy. Humanda 'yan sa akin sa opisina." Naiinis na sabi niya sa akin na ikinatawa ko. Sa tingin ko kasi ay may binabalak itong kapatid ko."Sige na puntahan niyo na sila mommy. Susunod ako," utos ko sa kanya."Okay, ate." Sagot niya sa akin at akmang aalis na."Zio..""Yes, ate?""Please, don't tell anyone. Sana maging secret lang ito sa pagitan natin." Sabi ko sa kanya."You can count on me, ate." Nakangiti na sagot niya sa akin."Thank you," nakangiti na pasasalamat ko sa kanya.Lumabas na siya kaya nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Sa room nila mommy ako dumiretso. Masayang nagbibiruan si dad at ang mga kapatid ko habang ako ay tahimik lang. Hanggang sa lumabas na sila at kami na lang ni mommy ang naiwan sa room. Tumabi siya sa akin. Hinahaplos niya ang buhok ko."Kung may mga bumabagabag sa 'yo ay puwede mong sabihin kay mommy. Makikinig ako sa 'yo at gusto ko lang ipapaalala sa 'yo na ang pag-aasawa ay hindi madali. At hindi rin minamadali. Kaya pag-isipan mong mabuti. Kahit na anong mangyari ay nandito lang kami para sa 'yo. Isang pamilya tayo, diba?" Nakangiti na sabi niya sa akin."Thank you, mom. Pero kaya ko po ito, just trust me." Nakangiti na sagot ko sa kanya.Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para itago ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sabihin kay mommy ang lahat pero ayoko. Mas gusto ko na sarilinin na lang ito. Alam ko rin na nag-aalala siya sa akin. At tama siya ngayon ko naisip na mahirap talaga ang pag-aasawa."Lagi mong tatandaan anak ikaw ang aking Miracle Heiress, i love you." Malambing na sabi niya sa akin kaya napaiyak ako."I love you too, mom. Kayo po ni daddy at ang mga kapatid ko. Mahal na mahal ko kayo." Umiiyak na sabi ko sa kanya.Sobrang swerte ko dahil sila ang naging pamilya ko. Napakarami ng nangyari simula noong bata pa ako. Kaya ayoko matulad sa nangyari sa mommy ko. Ayoko na dumating sa point na magiging desperada ako para lang mahalin. I have plans at sa gagawin ko ay sisiguraduhin ko na makikilala nila kung sino ba ang niloloko nila. Siguro ay nasasaktan ako ngayon pero hindi ko hahayaan na masaktan ako habang buhay."Let's go na po, mommy." Nakangiti na yaya ko sa kanya.Hawak kamay kaming bumaba sa hagdanan. Habang pababa ako ay nakita ko ang malawak na ngiti ni Eric. Nang makarating na ako sa harapan niya ay kaagad niyang binigay sa akin ang bulaklak na dala niya. I managed to smile kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko siyang pag-sasampalin."Bakit ka pala nandito?" Nakangiti na tanong ko kay Eric."Pupunta kasi ako sa tagaytay baka gusto mong sumama. Kaya ipapaalam kita kila tito at tita." Sabi niya sa akin"Sure, basta isama natin si Andrea. Gusto ko kasing makapagbakasyon rin siya. Kung okay lang sa 'yo?" Sagot ko sa kanya."Sasama rin ako. Kung okay lang?" Tanong bigla ni Zio.Nakatingin sa akin si Eric. Alam ko na ayaw niya pero wala siyang magagawa kundi ang pumayag. Alam ko naman na natutuwa siyang isasama ko si Andrea pero hindi lang niya pinahalata. Two weeks from now ay kasal na namin at talagang napag-usapan namin dati na magrelax bago ang kasal. Kaagad akong nag-impake ng mga gamit na dadalhin ko.Tinawagan ko pa ang haliparot kong kaibigan correction ex-friend para ipaalam na isasama ko siya. At halatang natuwa siya kaya naman pagkakataon ko na para hulihin ang mga taksil."Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo. Just wait and see."Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte