MIREYA'S POV
Bumiyahe kami papunta sa Tagaytay. Hindi ako sumakay sa kotse ni Eric. Hinayaan ko si Andrea ang makasama niya. Gusto ko ipakita sa kanila na nagtitiwala ako sa kanila at para isipin nila na hindi ako naghihila sa pagtataksil nila sa akin. Si Alexandro ang driver namin ni Zio."So, what's your plan, Ate?" Tanong sa akin ng kapatid ko."My plan?" Kunwari nag-iisip ako sa tanong niya."Ate," tawag niya ulit sa akin."Secret, hayaan mo na lang na sila mismo ang maglantad sa mga sarili nila. Pupunta tayo doon para mag-enjoy." Sabi ko sa kanya.Narinig ko si Zio na nagbuntong hininga. Ako naman ay natulog lang habang nasa biyahe kami. Nagising na lang ako nang makarating na kami at gingising ako ng kapatid ko. Lahat kami ay tig-isang silid. Nasa vacation house kami nila Eric."Hon, excited na ako sa kasal natin." Sabi sa akin ni Eric."Ako rin naman, hindi na rin ako makapaghintay." Nakangiti na sagot ko sa kanya pero sa loob ko ay sasabog na ako.I'm against to violence kaya mas pinipili ko na manahimik na lang. Pero kung katulad ako ni Felix ay sigurado akong may bangas na siya sa akin."I can't wait to be your husband." aniya pa sa akin na para bang sobrang excited niya."Really? Huh? Tsk!" Sagot ko sa kanya pero hindi ko naman naisatinig. Tanging nasa isipan ko."Hon, balik na ako sa room ko. See you tomorrow." Nakangiti na paalam ko sa kanya at tumayo na ako."Ihahatid na kita, hon.""No need na po, I can handle myself." Sabi ko sa kanya at mabilis na lumabas sa silid niya.Nagkasalubong ko si Xandro pero hindi ko siya pinansin. Mabilis akong pumasok sa silid ko. Maaga akong natutulog dahil balak ko na mag-enjoy bukas. Gusto kong sulitin ang araw ko dito.At 'yon nga ang nangyari. Talagang sinulit ko ang bakasyon namin sa Tagaytay.Pag-uwi namin ay si Andrea na ang kasabay ko."Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko kay Andrea."Super! Thank you sis, sa susunod ay isasama ko na ang boyfriend ko dito." Masaya na sagot niya sa akin."Pakilala mo naman sa akin ang boyfriend mo. Gusto ko siyang makilala." Nakangiti na sabi ko sa kanya."S—Sige, next time." Nauutal na sagot niya sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.Pagbalik namin sa Manila ay abala na ang lahat sa gaganapin na kasal. Habang ako wala man lang pananabik na nararamdaman. Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Halis hindi ko namalayan na darating na ang araw ng kasal ko. Bukas ay kasal ko na. Kasama ko ngayon ang buo kung pamilya. Nasa hapagkainan kami."M—Mom, dad may sasabihin po ako sa inyo." Kinakabahan na panimula ko sa kanila."Ano 'yun anak?" Tanong sa akin ni Mommy.Hindi na ako nagsalita at may ipinakita ako sa kanila."Mga hay*p! Paano niya nagawa sa 'yo 'yan? Ang kapal ng mukha niyang ituloy ang kasal niyo! Hindi! Hindi ako papayag na magpakasal ka sa kanya." Galit na saad ni Daddy."Pupunta pa rin ako sa simbahan, dad." Saad ko sa kanya."Are you out of your mind, Mireya?!" Ngayon lang ako pinagtaasan ni daddy ng boses."I totally fine, dad." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Anak," mahinahon na tawag sa akin ni mommy."Puwede ba akong humingi sa inyo ng pabor. Trust me, magiging maganda ang kakalabasan ng kasal namin." Sabi ko sa kanila."Ito ba ang gusto mo?" Tanong sa akin ni daddy. Dahil alam ko na alam niya na hindi ako mapipigilan pa."Yes, dad. Ang presensya niyo ang gusto ko. Kaya, please come." Sagot ko sa kanya.Nagkatinginan silang lahat. Walang kumontra at sumang-ayon naman sila. Tanging ang mga kapatid ko na lalaki ang nakakaalam kung ano ang gagawin ko. Lahat sila ay may kanya-kanyang gagawin bukas. Naayos na namin lahat kaya wala ng problema pa. Maaga silang natulog pero ito ako, gising pa rin. Umiinom ako ng wine habang nasa veranda ng silid ko.Tahimik ang paligid at nakakabingi ito. Hindi ko inaasahan na ito ang mangyayari sa buhay ko. After ng lahat ng ginawa ko ay lolokohin lang ako ni Eric. Nang dahil sa nangyari ay may na-realize ako. Na hindi ko pala siya ganun kamahal dahil ngayon ay hindi naman na ako nasasaktan. Sa tingin ko nga ay nakamove-on na ako kaagad. Dahil parang balewala na siya sa akin. Ni hindi na ako apektado sa panloloko niya sa akin.Tumingin ako sa phone ko at alas dose na ng gabi kaya nagpasya na ako na pumasok na sa room ko at humiga na sa kama ko. Kaagad akong nakatulog dahil sa amoy ng scented candle na sinindihan ko.My mom wake me up dahil baka ma-late pa daw kami sa simbahan. Mabilis akong naligo after that is ako na rin ang nagmake-up sa sarili. I chose my tita Prexie to be my maid of honor. Habang nagbibihis ako ay pinagtatawanan nila ako pero wala akong pakialam. Maybe i have a face of an angel pero sa kabila ng maamo kong mukha ay nagtatago ang isang tigre.Pagkatapos kong magbihis ay bumiyahe na kami papunta sa simbahan. Pagkarating ko ay nakita ko na handang-handa na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. I saw Eric patiently waiting for me. Or ahould I say patiently waiting for my money. Alam ko na kaya lang naman niya ako pinakasalan dahil sa kayamanan ng pamilya namin. And they planned everything to trick me. Para paniwalain ako na mahal niya ako.Nagsimula na akong maglakad at ginalingan ko ang pag-iyak ko. Nang malapit na ako sa kanya ay tumigil ako. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Kahit na inuutusan na nila akong kumilos ay hindi ko ginawa. Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Eric. Alam ko na nawawalan na siya ng pasensiya sa akin at tama nga ako dahil naglakad na siya papunta sa akin."Hon, what's your problem? Bakit hindi ka naglalakad? Huwag mong ipahiya ang buo naming pamilya." May diin na tanong niya sa akin."Bakit? Bakit mo ginawa sa akin 'to? Bakit mo ako niloko?!" Sigaw ko sa kanya."What are you talking about? Are you accusing me?""Why? Are you innocent?" Sarcastic na tanong ko sa kanya."Hindi ko alam kung ano ba ang mga sinasabi mo. Hon, tara na magpakas—"He wants to hold my hand but I refuse. Hanggang sa biglang lumabas sa malaking screen ang video. Oo may video evidence akong kinuha dahil gusto ko malaman ang lahat. Nilagay ko sa room niya noong nasa Tagaytay kami. Nakita ko ang pagkagulat ng mga taong naroon. Narinig ko rin ang mga bulongan. Gusto niya akong sirain pero hindi ako papayag.I'm not Mireya for nothing.Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte