Share

MISSING WITH THE COLD CEO
MISSING WITH THE COLD CEO
Author: HIKARI

CHAPTER 1

Author: HIKARI
last update publish date: 2026-07-05 22:51:18

 GEORGINA VALDEZ 

Sabi ng marami, kapag umabot na daw ng five years ang isang relationship, expected na ang proposal. May mga kaibigan nga ako na tatlong taon pa lang, may pa-diamond ring at crying video na sa social media. Kaya heto ako ngayon, basang-basa sa pawis, kilikili powers activated dahil nasira na naman ang elevator sa building nila, bitbit ang isang box ng signature Mango Bravo cake mula sa paboritong bakeshop ni Kenneth, at may pa-foil balloon pa na nag-spell ng "HAPPY 5TH ANNIV."

Pangiti-ngiti pa ako habang umaakyat sa hagdan ng apartment complex niya. Feeling ko kasi, ako na ang pinaka-supportive at the best girlfriend in the universe. Limang taon ba naman. Limang taon ng pag-intindi sa mga "sidelines" niya na laging lugi, limang taon ng pag-ambag sa pambayad niya ng kuryente at internet, at limang taon ng pagiging un-official secretary niya kapag tinatamad siyang mag-reply sa mga kliyente niya. In my head, today is the day. Baka may nakatagong singsing sa loob ng bulsa niya mamaya pag-uwi niya galing sa shift niya.

Kinuha ko yung spare key na binigay niya sa akin dati. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Gusto ko kasi siyang i-surprise pagdating niya, o kaya baka nauna na siyang umuwi para i-surprise din ako. Imagine, out of nowhere, biglang papasok ang napakaganda niyang girlfriend na may dalang cake. Very cinematic.

Pagbukas ko ng pinto, tahimik ang living room. Madilim. Wala pang tao.

Pero teka, may naririnig akong kakaibang sounds mula sa kwarto niya.

Parang may naglalaba? O may hinihikang aso?

Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto na naka-awang nang konti. Mas lalong luminaw yung tunog. Hindi siya aso. At definitely, hindi siya washing machine.

"Oh my god, babe... ang galing mo talaga..."

Natigilan ako. Boses ng babae 'yon ah. Boses ng babaeng parang naiipit sa pinto pero masaya.

Naramdaman ko yung biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Yung tipong parang may nagda-drums sa loob ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko, pero unti-unti kong tinulak ang pinto.

Bumagsak ang panga ko hanggang sa sahig. Literal na nanlambot ang mga tuhod ko at gusto kong lamunin ako ng lupa right then and there.

Doon, sa mismong kama na binili namin sa Mandaue Foam (na in-installment ko pa sa credit card ko na six months to pay!), nakita ko ang limang taon ng buhay ko na naglalaro ng bahay-bahayan kasama ang isang babaeng naka-blonde highlights. At hindi lang sila nagkukuwentuhan ah. Full action movie ang nagaganap, may pa-acrobatics pang nalalaman na akala mo nag-o-audition sa Cirque du Soleil.

"Kenneth?!" sigaw ko. Ang boses ko, parang boses ng nakawitang manok.

Sa gulat nilang dalawa, nagkandarapa silang maghiwalay. Si Kenneth, muntik pang mahulog sa kama at nagmamadaling hinila yung kumot. Yung babae, nataranta rin at nagtago sa likod niya. Pamilyar yung babae. Si Vanessa? Yung bago nilang 'marketing assistant' sa opisina na laging nire-reklamo ni Kenneth na kesyo pabigat daw at walang alam sa trabaho?

Aba, mukhang may ibang alam gawin si ate girl ah!

"George! Babe! Let me explain!" Nanlaki ang mga mata ni Kenneth, pawis na pawis. Tila nakakita ng multo.

"Explain?!" Naramdaman ko yung pag-akyat ng dugo ko sa ulo hanggang sa bunbunan. "Anong i-e-explain mo? Na nagtuturuan kayo ng anatomy?! Sa ibabaw pa ng kama ko?!"

"Babe, hindi 'to tulad ng iniisip mo!"

"Gago ka ba?!" Sininghalan ko siya. "Kitang-kita ng dalawang mata ko! Limang taon, Kenneth! Limang taon kitang pinakain at binihisan, tapos ganito lang igaganti mo sa akin?!"

Sa sobrang galit ko, gusto kong ibato sa mukha niya yung cake na hawak ko. Itinaas ko yung box, ready nang i-smash sa pagmumukha niyang makapal. Isang magandang headshot sana ng Mango Bravo ang tatapos sa relasyon na ito.

Pero dahil yata sa sobrang panginginig ng kamay ko, o sadyang pinagtri-tripan ako ng universe ngayon, nadulas sa kamay ko yung box. Bumagsak ito sa sahig, saktong-sakto sa tapat ng mga paa ko. Sumabog ang matamis na cream at chocolate syrup sa buong paligid, kabilang na sa paborito kong puting sapatos.

Napasigaw ako sa inis at umabante para lapitan sana si Kenneth at sampalin siya ng kaliwa't kanan. Pero sa kamalasan, naapakan ko yung kumalat na icing.

Nawalan ako ng balanse. Para akong nag-slide sa isang waterpark. Pakiramdam ko nag-slow motion ang paligid. Habang bumabagsak ako, nakakapa ko yung cord ng lumang electric fan na nakatayo sa gilid ng kama. Sa pag-asa kong may makapitan, nahila ko ito nang buong lakas.

Bumagsak ako sa sahig, sapul ang pwet ko sa matigas na tiles. Pero hindi pa doon natapos ang kalbaryo ko. Yung stand fan na nahila ko, nawalan din ng balanse at bumagsak... diretso sa ulo ko.

"Aray ko po!" napasigaw ako sa sakit. Nakuryente pa nang slight yung braso ko dahil nag-spark yung lumang wire ng fan.

"George! Okay ka lang?!" Akmang lalapit si Kenneth, pero naka-boxer shorts lang ang loko kaya napatigil din siya.

"Huwag mo akong lalapitan, hayop ka!" Pinilit kong tumayo kahit parang nabali yung tailbone ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at hiya. Punong-puno ng icing ang damit at sapatos ko, tapos may bukol pa yata ako sa noo dahil sa lintik na electric fan na 'yan.

Nang tingnan ko yung babae, si Vanessa, nakita kong nagpipigil siya ng tawa habang nakabalot ng kumot. P*****a. Nagagawa pa akong pagtawanan ng kabit na 'to.

"Tapos na tayo, Kenneth. Ipadala mo sa apartment ko yung mga gamit ko kung ayaw mong ipasunog ko 'yang buong pagkatao mo!"

Tumalikod ako at mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Pero bago pa ako makalabas ng pinto, sumabit yung suot kong hair extensions sa nakausling pako sa door frame.

Naramdaman ko ang malakas na paghatak sa anit ko. Paglingon ko, nakasabit na sa pinto ang kalahati ng buhok ko. Parang may namatay na pusa na nakasabit doon. Oh my god. Ang mahal ng extensions na 'yon! Buy one take one pa man din sa salon ni Bong!

"Babe, yung buhok mo..." sabi ni Kenneth na nakatayo sa pinto, hindi alam kung tatawa o maaawa.

"I*****k mo sa baga mo!" sigaw ko at tuluyan nang lumabas ng apartment niya, hindi na pinansin ang sakit ng katawan ko.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, naramdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Halo-halong emosyon. Galit. Hiya. Panghihinayang sa limang taon. Pati na rin panghihinayang sa paborito kong cake at sa hair extensions ko.

Paglabas ko ng gate, saktong nandoon si Tiya Marits, ang kapitbahay niyang reyna ng mga tsismosa sa barangay. Nagwawalis siya ng kalsada pero yung mata nakatutok na agad sa akin, parang scanner sa grocery.

"Oh, Georgina, ineng? Bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang sinabugan ng tae ng kalabaw. May dumi ka pa sa mukha. Umiiyak ka ba?" tanong niya habang iniscan ako mula ulo hanggang paa, lalo na yung manipis kong buhok at puting sapatos na kulay brown na ngayon.

Pinunasan ko ang mukha ko. Suminghot ako ng malakas.

"Hindi po ako umiiyak, Tiya Marits," sagot ko habang nagpapara ng dadaan na tricycle. "Na-allergy lang po ako sa malansang isda na nakita ko sa loob ng kwarto ni Kenneth."

Sumakay na ako sa tricycle at mabilis na sinabihan ang driver na umalis na bago pa man makapagtanong ulit si Tiya Marits.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 7

    GEORGINA VALDEZGrabe ang titig ni Donya Remedios. Feeling ko para akong ini-scan ng supercomputer na naghahanap ng virus. Yung salamin niya, kahit makapal, kitang-kita ko kung paano lumiit ang mga mata niya habang tinitingnan ang suot kong alahas, ang mukha ko, hanggang sa dulo ng sapatos ko. Parang hinuhulaan niya kung magkano ang worth ng buong pagkatao ko, at base sa mukha niya, mukhang hindi siya kumbinsido."Lola, yes. This is Georgina," basag ni Alejandro sa katahimikan. Inilagay niya ulit ang kamay niya sa likod ko, bahagya akong itinulak pautay sa harap para mas makalapit sa matanda. "The woman I was telling you about.""Magandang gabi po, Donya Remedios," pilit kong pinatamis ang boses ko. Akmang magre-bless sana ako dahil 'yun ang nakasanayan kong kultura kapag may nakakaharap na matanda, pero bigla kong naalala na nasa high-society event pala ako. Baka isipin nito, masyado akong pang-probinsya. Kaya imbes na mag-mano, nag-bow na lang ako nang kaunti na parang ewan.Tumaas

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 6

    GEORGINA VALDEZKung pwede lang matunaw sa kinatatayuan ko, ginawa ko na. Ang dila ko, parang pinipilipit habang nakatitig sa mukha ng ex kong si Kenneth, na ngayon ay mas maputi pa sa multo ang mukha. Yung mic na hawak nung reporter, halos idikit na sa labas ng labi ko dahil naghihintay ang lahat sa reaksyon ko.Inilapit ko ang bibig ko sa mic, pilit kong itinaas ang mga sulok ng labi ko kahit na ang totoo ay nanginginig ang buong tuhod ko sa apat na pulgadang takong na ’to."O-Opo. Hello po sa inyong lahat," maikli kong sagot, sabay sulyap kay Alejandro.Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Alejandro sa bewang ko. Swabe ang pagkakahawak niya, pero ramdam ko ang babala—umayos ka kung ayaw mong bawiin ko ang isang milyon. Kaya naman, huminga ako nang malalim, inayos ko ang balikat ko, at lalong idinikit ang katawan ko sa kaniya. Kung akala ni Kenneth ay siya lang ang pwedeng sumaya pagkatapos niya akong lokohin, nagkakamali siya. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamatamis na resbak n

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 5

    GEORGINA VALDEZKung may mabilis pa sa internet ng Converge kapag madaling-araw, 'yun ay ang bilis ng pagbabago ng takbo ng buhay ko sa loob lang ng bente-kwatro oras.Galing sa pagiging basang sisiw na saksakan ng malas sa gilid ng highway, heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng isang high-end salon sa Makati. Tatlong bakla ang sabay-sabay na humahawak sa buhok ko na parang nire-restore ang isang abandonadong building. May nagka-cutter ng nails ko, may naglalagay ng kung anong mabangong serum sa mukha ko, at sa tapat ko, nakatayo ang isang kulay emerald green na backless gown na mukhang mas mahal pa sa kabuuang sweldo ko sa loob ng tatlong taon."Jusko, teh, kaninong bangkay ba ang dinala mo sa amin? Charot!" bulong sa akin ni Bong habang kunwaring tsine-tsek ang extension na isasabit sa ulo ko.Dahil bago ako inayusan, tinawagan ko agad ang nag-iisang bff kong parlorista para siya ang gumawa ng makeup ko. Mahirap na, baka multuhin ako sa salamin kapag iba ang humawak sa akin."Basta, B

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 4

    GEORGINA VALDEZUnti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, parang biniyak gamit ang mapurol na palakol. Kumurap-kurap ako para i-adjust ang paningin ko sa nakakasilaw na puting ilaw mula sa kisame. Ang lambot ng kama. Parang lumulutang ako sa ulap. At teka, bakit hindi amoy ospital? Walang amoy ng matapang na alcohol o gamot. Amoy... mamahaling lavender at aircon na bagong linis.Napabangon ako nang wala sa oras, pero napahawak agad ako sa tiyan ko dahil medyo humapdi. Tiningnan ko ang paligid. Malaking flat-screen TV, may sariling refrigerator, may magandang leather couch sa gilid, at may bintana kung saan kita ang buong city lights ng Manila. VIP room 'to ah! Patay, ibebenta ba nila ang kidney ko para pambayad dito?!"You're finally awake."Muntik na akong mapatalon palabas ng kumot. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Doon, sa dulo ng mahabang leather couch, nakaupo yung antipatikong lalaki kanina. Nakadekuwatro siya, may hawak na tablet, at seryosong nagbab

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 3

    GEORGINA VALDEZTuloy-tuloy lang ang paghampas ko ng putikang sapatos ko sa bintana ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung anong brand ng kotse 'to. Porsche ba 'to? Ferrari? O kotseng pang-Batman? Basta ang alam ko, basang-basa ako ng maruming tubig-baha at mukha na akong espasol na inilublob sa imburnal dahil sa pagpapatakbo ng driver na 'to."Hoy! Bingi ka ba?! Ibabato ko talaga 'tong sapatos ko sa mukha mo kapag hindi mo binuksan 'to!" sigaw ko. Pilit kong inilalapit ang mukha ko sa tinted na salamin pero wala talaga akong makita sa loob dahil sa sobrang itim nito.Biglang bumukas ang pinto sa kabilang side, doon sa passenger seat. May lumabas na lalaking naka-itim na suit. Base sa tindig, sa suot niyang sunglasses kahit gabi, at sa earpiece na nakakabit sa tainga niya, mukha siyang bodyguard na laging handang bumali ng leeg gamit lang ang hintuturo."Miss, please step away from the vehicle," seryosong sabi nung bodyguard."Step away your face!" bulyaw ko sa kaniya. Itinuro ko an

  • MISSING WITH THE COLD CEO   CHAPTER 2

    GEORGINA VALDEZKung may award lang para sa Pinakamalas na Nilalang of the Year, panalo na ako. Hahakot ako ng tropeo, pati grand prize maiuwi ko na.Basang-basa ako sa ulan habang naglalakad pauwi. Opo, umulan. Kasi siyempre, kapag brokenhearted ka at galing sa isang matinding betrayal, kailangan may background music na malungkot at malakas na ulan para damang-dama ang drama. Yung universe talaga, may favoritism pagdating sa pagpapahirap sa akin. Wala man lang akong dalang payong. Yung natira kong pera sa wallet, sakto lang pamasahe sa tricycle kanina, kaya heto ako ngayon, naglalakad mula sa kanto papasok sa eskinita ng apartment ko, mukhang basang sisiw na sinabuyan ng putik at asukal.Pagliko ko sa tapat ng inuupahan kong pinto, gusto ko na lang talagang maglaho na parang bula.Nakatambak sa labas ang dalawang maleta ko, isang garbage bag na puno ng mga sapatos ko, at yung stand fan kong maingay. At sa gitna ng lahat ng 'yan, nakatayo si Aling Nena, ang landlady kong daig pa ang s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status