when you forget me

when you forget me

last updateLast Updated : 2026-08-07
By:  Lyn21Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
11Chapters
9views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

> Lumaki kaming magkasama. Nangako kaming magsasama habang buhay. > > Pero nung high school, isang aksidente ang nagbago ng lahat. > > Nagising siya... at nakalimutan niya ako. > > Ngayon nasa college na kami, nakikita ko siya araw-araw. Yung batang dati tawag sakin best friend, first love... ngayon dumadaan nalang sakin na parang hindi niya ako kilala. > > Masakit magmahal ng taong hindi ka na matandaan. > > Matatandaan pa kaya niya yung pagkabata namin? O habang buhay na akong magmamahal sa multo ng taong minahal ko?

View More

Chapter 1

1

*CHAPTER 1: OUR PROMISE*

Pitong taong gulang ako nung unang beses kong marinig si Alex na sabihing "panghabang buhay."

Nakaupo kami sa lumang duyan sa likod ng bahay namin. Mainit yung hapon, pero malamig yung hangin dahil kakauwi lang ng ulan. Basang basa pa yung damuhan at amoy lupa.

"Pinky promise?" sabi ko, naka-nguso kasi ayoko siyang umuwi. Tatawag na kasi yung Mama niya.

Tumingin siya sakin. Yung buhok niyang basa pa, tumutulo sa noo niya. Tapos ngumiti siya. Yung ngiti na hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko pa rin.

"Pinky promise," sagot niya. Idinikit niya yung maliit niyang pinky finger sa pinky ko. "Hindi tayo maghihiwalay, Leah. Kahit anong mangyari. Kahit magalit si Mama. Kahit magalit si Teacher."

Tumawa kami. Ang bobo namin nun. Akala namin sapat na yung pinky promise para hindi masaktan.

Magkapitbahay lang kami. Kaya mula pagkabata, siya na yung unang mukha na nakikita ko pag gising. Siya rin yung huling kausap ko bago matulog sa tawag.

Siya yung nagturo sakin mag-bike. Tatlong beses akong nadapa. Tatlong beses din niya akong binuhat.

"Okay ka lang, Leah? Hindi masakit?" tanong niya nun, habang pinupunasan yung gasgas sa tuhod ko gamit yung panyo niya. Yung panyo na may naka-burda na "A".

Ako naman yung nagbabahagi ng baon ko pag nakakalimutan niya. "Kain tayo," sabi ko at hinati ko yung hotdog sa gitna. "Para dalawa tayo."

"Kawawa ka naman sakin," biro niya. "Best friend ka kasi ng gutom."

"More than best friend," sabi ko nun, walang halong pag-iisip. Bata pa kami eh.

Napatingin siya sakin. "Ano?"

"Wala," bigla akong nahiya. "Basta. Best friends forever."

"Best friends forever," ulit niya. Tapos mas hinigpitan pa yung hawak sa pinky ko.

Nung 10 years old kami, umakyat kami sa bubong tuwing gabi. Nagdadala kami ng flashlight at chichirya.

"Pag lumaki tayo, magkaklase pa rin tayo ha, Alex?" bulong ko habang nakatingin sa mga bituin.

"Oo," sagot niya agad. "Hanggang college. Hanggang tumanda tayo."

"Promise?"

"Promise."

Nung 13 kami, first time niyang sinabi yung tatlong salita.

"First love kita, Leah," sabi niya habang naglalakad kami pauwi galing sa school.

Namula ako. "B-bakit?"

"Kasi ikaw yung unang tao na naisip ko pag gumigising ako. Ikaw yung unang hinahanap ko pag malungkot ako."

Hindi ko nasagot. Pero sa loob-loob ko, "ikaw din, Alex."

Akala namin ganun na yun forever.

Yung duyan. Yung pinky promise. Yung bubong. Yung "first love."

Hindi namin alam na isang aksidente lang pala ang kailangan para burahin lahat yun.

Isang tawag lang. Isang gabi lang.

At paggising niya sa hospital... hindi na niya ako kilala.

Ang sakit para Sakin na yong taong minahal ko hahantong kami sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko alam na Bigla nalang may dumaloy na luha sa mga mata ko habang nakatingin sa hawak Kong selpon na may wallpaper na kaming dalawa ni Alex nakangiti kami pareho.

*The Accident*

14 years old kami nun. Grade 9.

Gabi yun. Umuulan ng malakas. Chat siya sakin:

`Alex: Leah, susunduin kita sa tutorial. Baha daw sa kanto niyo.`

`Leah: Wag na! Delikado!` 6pm na. Hihintayin ko nalang tumigil Ang ulan.

`Alex: Okay lang. 10 mins lang. Promise.`

Hindi na siya nag-reply after nun.

Syempre naghintay ako sa kanya dahil sobrang sama ng panahon at malakas Ang ulan.

Kalahating Oras Ang Oras Wala pa Rin Siya, nagtaka ako Kase 10 minutes lang Naman dapat Ang byahe pero Wala pa Siya.

"oy, nasaan kana? Akala ko ba 10 mins lang." message ko sa kanya.

Pero Wala akong natanggap na reply galing sa kanya.

Habang tumatagal Ang paghihintay Hanggang sa umabot na ng 7 pm Wala parin Siya. Kinakabahan ako, tinawagan ko nalang si kuya para magsundo sakin.

"Kuya, pwede bang sunduin mo ako? Dito ako sa toturial." Sabi ko sa kabilang linya nong sinagot ni kuya Ang tawag ko.

"Huwag Kang umalis Jan, delikado sa daan malakas na Ang baha sa kanto." sabi nito.

Lumingon ako sa labas, kakaunti nalang Ang mga estudyanteng Hindi pa nakauwi at malakas parin Ang ulan.

"Sige kuya, kakain nalang ako sa canteen." pagkatapos pinatay ko na Ang tawag.

Wala Naman akong magagawa dahil Hindi Naman ako pwedeng umalis mag isa dahil Gabi na.

Pumunta nalang ako sa canteen at bumili ng makakain.

Makalipas Ang 9pm sinundo na ako ni kuya dahil tumigil na sa pag ulan.

Habang nasa biyahe kami pauwi ni kuya, Hindi ko mapigilan na tumingin sa phone ko. Bakit kaya walang Alex na nagreply Sakin?

"Alex, pauwi na ako huwag mo na akong sunduin, bukas nalang tayo magkita." message ko ulit sa kanya.

Pero Ganon parin walang reply Hanggang sa nakauwi na kami sa Bahay.

Nasan Siya? Tanong ko sa isip ko. Palagi Naman Siya nagrereply agad kapag nag message ako Ngayon lang Hindi.

Tinawagan ko Siya dahil nag aalala na ako.

pero Walang sumasagot.

"Leah, kanina Kapa nakahawak sa phone mo sino Ang tinatawagan mo?" Tanong ni kuya na kanina pa pala na nakatingin Sakin.

"Si Alex kuya, Hindi Kase Siya nagrereply. Sabi niya susunduin ako kanina pero Hindi Naman Siya dumating." Sagot ko Kay kuya na parang nalulungkot ako, pero malungkot talaga ako dahil ito yong unang beses na Hindi Siya nagreply.

palagi ko siyang kausap sa phone kahit magkasama Naman kami palagi sa school, palaging may good night at pag gising may good morning na agad tapos Mamaya nandyan na Siya sa gate namin para sabay na kami papuntang school.

"Baka Naman may ibang babae pa na sinundo." sagot ni kuya Sakin habang may nakakalokong ngiti.

Iniripan ko lang si kuya Saka lumapit ako sa kanya na nagpapakyut.

"Oh ano na Naman, alam ko na Kong ano ibig Sabihin nyan Leah, lumayo ka Sakin." Iwas nito sa upuan dahil Bigla akong papalapit sa kanya.

Mas Lalo akong nagpapakyut kahit Hindi ako nagsasalita.

Sa utak ko lakas ng tawa ko dahil alam nito na hihingi Naman ako ng pera sa kanya.

"Magkano na Naman kailangan mo?" tanong ni kuya na masama Ang tingin Sakin.

Pero Ang cute talaga ni kuya, pero mas cute si Alex eme!!

Maraming babae Ang nagkakagusto Kay kuya pero Wala pa siyang jowa, iwan ko ba Kong bakit ayaw niya. Minsan naisip ko baka bakla Siya haha.

"Hindi pera Ang kailangan ko." agad Kong sagot sa kanya.

Nagbago Ang expression ng Mukha niya napalitan ng pagtataka.

"Himala. Kung Ganon ano Ang kailangan mo? Gusto mo na bang lumayas sa Bahay? Sige hatid pa kita." pang aasar pa nito Sakin.

Bigla akong napaisip, mabuti pa si kuya kahit ganito kami magsalita at magkulitan nandiyan Siya palagi para Sakin.

Si mama at papa Minsan lang umuuwi sa Bahay palaging nasa business trip. Kasama ko Naman palagi sa Bahay Ang dalawang Yaya dahil Minsan si kuya Hindi Rin umuuwi Dito dahil medyo malayo Ang university ng college samin.

"Labas tayo kuya." Yaya ko sa kanya.

"Saan pupunta?" Sagot agad nito Sakin.

"Kana Alex titingnan ko lang Siya." Sabi ko Kay kuya dahil kanina pa ako nag aalala Kay Alex malapit na mag 10pm pero Wala parin siyang reply.

"Kakarating mo lang aalis kana Naman?" saad nito Sakin. "Hindi Kapa nga nakapagbihis si Alex parin gusto mong Makita?" tiningnan ako ni kuya mula olo Hanggang paa. " Saka tingnan mo buhok mo parang Hindi Kapa nakapagsuklay lalabas Kapa?" Sunod sunod na Tanong nito na para bang nagagalit.

"Mr. Warren Malapit lang Naman Ang Bahay ni Alex eh, dalawang Bahay lang Ang pagitan, samahan mo lang ako." nagpuot ako sa kanya.

Pero walang response si kuya tumingin lang ng masama Sakin.

"Oo na, bukas nalang.. malakas Naman Ang ulan." sabi ko sa kanya dahil Hindi Naman Siya papayag na lumabas pa ako.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan tapos humiga na dahil 10pm na.

Kinuha ko Ang phone ko at nag message ulit ako Kay Alex

"Goodnight, siguro tulog kana. Agahan mo bukas ha, maaga tayong papasok." message ko sa kanya.

Saan kaya Ang lalaking ito. kinalikot ko Ang gallery ko at lahat ng mga litrato karamihan mga selfie namin ni Alex.

Napangiti ako Bigla, dahil Gabi-gabi ito yong ginagawa ko bago matulog.

Inlove nga ako sa kanya pero tulad ng promise namin best friend forever kami.

Sa lahat kasangga ko Siya, sa iyakan sa tawanan at Minsan nag aaway Rin kami pero nagkakabati Rin kami agad.

Sa pag iisip ko Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, at Bigla akong nagising sa tunong ng cellphone ko. May tumatawag pala kaya sinagot ko.

11:30pm nung tumunog yung phone ko. Number ni Tita jean, mama ni Alex.

"Hello, tita." sagot ko Bigla.

Pero narinig Kong nagbuntong hininga Siya bago nagsalita.

"Hello, Leah anak.." sagot nito sa kabilang linya na para bang galing sa iyak Ang boses nito.

"Tita, umiiyak kaba? Bakit ganyan Ang boses mo?" Tanong ko dahil narinig ko na umiiyak Siya sa Tanong Kong iyon ay Bigla siyang humagulgol.

"Tita Anong nangyare bakit ka umiiyak? May problema ba? Si Alex nasan? pwede ko ba siyang makausap?" pero Imbes na sumagot iyak yong tugon niya Sakin.

"Leah anak... naaksidente si Alex. Nabangga ng truck sa may tulay. Nasa St. Luke's siya ngayon."

Biglang nanlamig Ang buong katawan ko sa sinabi ni tita. Hindi ma process Ang sinabi niya Sakin. Hindi ako nakasagot, Wala akong imik habang pinapakinggan Ang iyak ni tita sa kabilang linya.

Bigla Kong pinunasan Ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko.

Kaya ba Hindi Siya nakapagreply Sakin?

Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa hospital. Basang-basa ako sa ulan at luha.

Pagpasok ko sa ER, nakita ko si Tita na umiiyak. Si Alex nasa loob, may mga tubo, may bandage sa ulo.

Bigla akong niyakap ni tita sa yakap na yon naramdaman ko yong sobrang hirap at sakit. nanlambot Ang mga tuhod ko Bigla akong napaupo habang hawak ako ni tita.

"Nabangga Siya kanina nong sunduin ka dapat sa toturial mo." sabi ni tita habang yakap niya parin ako.

Pero Wala parin akong imik imbis na sumagot Isang iyak Ang sinagot ko.

Sa isip ko may Isang linya akong sinabi

'SORRY'

Sana Hindi kita pinayagan na sunduin ako, sana umuwi nalang ako mag isa.

"Gumising ka, Alex," bulong ko habang hawak ko yung kamay niya. "Pinky promise diba? Hindi tayo maghihiwalay."

Hawak kamay ko siyang kinakausap kahit alam Kong Wala siyang Malay.

"Marami pa tayong pangarap diba? Yong mga promise natin dapat matupad mo yon." sa sinabi Kong yon Bigla Naman akong humagulgol na parang bata na nawalan ng Isang candy.

Hindi ko alam pero yong takot sa dibdib ko sobra-sobra.

"Sana ako nalang yong nasa kalagayan mo, dahil Hindi ko gustong nakikita Kang ganyan."

3 araw kaming hindi natulog. Ako, si Tita, lahat kami nagbabantay.

*Pagkagising ni Alex*

Sa ika-apat na araw, gumalaw yung mga daliri niya.

"Alex?" nanginginig boses ko. "Alex gising?"

May biglang saya sa dibdib ko dahil sa wakas magigising na Siya.

Bigla ko siyang nilapitan at hinawakan Ang kamay niya.

Dahan-dahan siyang dumilat. Nalilito. Masakit.

Tumingin siya sa paligid. Kay Tita. Sa mga nurse. Sakin.

Ngumiti si Tita at niyakap siya. "Anak! Salamat sa Diyos!"

Pero Wala siyang reaksyon! walang emosyon napakablangko ng Mukha niya.

Lumapit ako. Kinabahan ako. Ito na yun. Magigising na siya. Maaalala na niya ako.

Tumingin siya sakin. Matagal.

Parang sinusuri yung mukha ko. Parang naghahanap ng pamilyar.

Tapos nagsalita siya. Mahina, paos.

"Ma... sino siya?"

Yung mundo ko biglang gumuho, yong kaninang saya napalitan ng lungkot, yong dibdib ko biglang sumikip.

Ano ito joke?

"Sino... sino ka?" ulit niya sakin. Diretso sa mga mata ko.

Halos Hindi ako makapag salita. Gusto Kong umiyak sa harap niya, pero kailangan Kong pigilan dahil alam Kong ayaw ni Alex na umiiyak ako.

Napalunok ako. "Ako... ako si Leah, Alex. Ako to."

Umirap siya. Kumunot yung noo niya. "Leah? Hindi kita kilala."

Oo, Hindi niya ako kilala, halatang halata sa Mukha niya. Pero bakit ako lang Ang Hindi niya maalala?

Tumingin ako sa mga mata niya.

Yung panyo ko na may "A" na binigay ko sakanya nung bata pa kami, nasa tabi niya. Kinuha niya yun at tinignan.

"Kanino to?" tanong niya sa nurse.

"Hindi ko alam," sabi ng nurse. "Nasa bulsa mo yan nung dinala ka dito."

Ibinalik niya sakin yung panyo. Walang emosyon. "Sayo na to."

Sa loob ng 10 years, siya yung unang tao na gumising sakin. Siya yung huling kausap ko bago matulog.

At ngayon, isang tanong lang: "Sino ka?"

Napatitig ako sa mga mata niya, nagtatanong Kong talaga bang Hindi ba talaga niya ako naalala o kung nagbibiro lang ba Siya?

Pero Wala, talagang Hindi niya ako maalala, Bigla ko nalang naramdaman yong mga luhang pumatak sa mga mata ko.

Bakit mas doble yong sakit?

"Alex ako si Leah, talaga bang Hindi mo ako naalala?" Tanong ko ulit nagbabakasakaling biro lang Ang lahat.

Pero imbis na sagutin niya na 'biro lang' Ang sagot niya.

"Umalis ka sa harapan ko nakakairita Ang pagmumukha mo."

para akong sinampal sa sinabi niya, at di ko alam Kong paano ako tumakbo palabas.

"Leah anak..." tawag pa Sakin ni tita pero hindi ko na pinansin dahil sa sakit ng naramdaman ko.

Sinabi na ng doctor na sa paggising niya may mga Hindi maaasahan dahil galing Siya sa aksidente pero hindi ito yong Inaasahan ko.

*After*

Isang linggo kaming nagbantay. Pero araw-araw, ganun pa rin.

"Sino ka?"

"Kaibigan ka ba ng Mama ko?"

"Bakit ka laging nandito?"

Hanggang sa isang araw, hindi na ako bumalik. Hindi ko kinaya.

Paglabas niya ng hospital, wala na kaming communication. Bawal daw muna siyang ma-stress sabi ng doctor.

At ako? Ako yung stress niya.

Lumipat sila ng bahay 2 months after.

Nawala siya.

Hanggang ngayon, 4 years later, nasa iisang college na kami.

At tuwing nakikita ko siya sa hallway... ngumingiti siya sa lahat.

Sa lahat.

Maliban sakin.

Kasi para kay Alex, estranghero lang ako..

---

COLLEGE STRANGERS*

4:30 AM. Gising na ako.

Hindi dahil excited sa first day ng college. Dahil kaba.

"Leah! Gising na!" sigaw ni Mika sa kabilang linya. Video call kami. Bakas sa mukha niya yung excitement kahit 4AM pa lang. Si Mika Ang naging friend ko simula nong araw na nawala si Alex.

"First day natin! Dapat maganda tayo! Para pag nakita ni Alex—"

"Tigil," putol ko agad. Nakaupo ako sa kama, hawak yung phone. "Hindi para sa kanya to."

"Oo na," ngumiti siya pero halata sa mata niya na naawa. "Para sa atin. Para sa fresh start."

Natahimik ako. Tumango nalang.

Pagkababa ng call, tumayo ako. Kinuha ko yung uniform namin sa NU. White polo, gray skirt. Yung sapatos na bago.

Lumabas ako ng kwarto. Tahimik yung bahay. Tulog pa si kuya. Si mama at papa nasa Cebu na naman for business.

"Miss, almusal niyo," sabi ni Ate Nena, yaya namin. Nilapag niya yung tinapay at kape.

"Salamat ate," ngiti ko. Pero hindi ko maubos. Kinakabahan ako.

5:30 AM. Alis na kami ni Mika at Ria. Tatlo kami sa isang kotse. Si kuya Warren yung maghahatid.

"Be ready, Leah," sabi ni Ria habang nag-aayos ng buhok sa salamin. Siya yung tahimik pero pag nagsalita, tamaan ka. "Hindi na siya yung Alex na kilala mo."

"Alam ko," bulong ko. Tumingin ako sa labas ng bintana.

Lumipas yung 10 taon sa isang iglap. Yung duyan. Yung bubong. Yung "first love kita."

Ngayon, magiging stranger nalang ulit kami.

"Hoy!" biglang sigaw ni Mika. "Tumigil ka! Hindi ka iiyak ngayon ha! First day natin!"

Pinunasan ko yung luhang hindi ko namalayan. "Hindi ako iiyak."

"Diba sabi mo best friend forever?" biro ni Mika para pabulaanan yung lungkot. "E di forever kitang susuportahan. Kahit sa kalokohan mo."

Tumawa ako. Kahit pilit.

6:45 AM. Nakarating kami sa NU. Ang daming tao. Ang daming bago.

Bagong campus. Bagong mukha. Bagong buhay.

Pero siya, nandito pa rin.

"Leah!" tawag ni Ria. "Nandun si—"

Hindi ko tinuloy. Nakita ko na.

Nasa entrance si Alex. Nakapolo. Nakangiti.

Kasama niya si Drake at Zian. Yung mga kaibigan niya ngayon.

Tapos may babae sa tabi niya. Maganda. Matangkad. Naka-hawak sa braso ni Alex.

Si Cassie. Narinig ko na yan kay Mika. "Yung nagpapa-cute kay Alex sa orientation," sabi niya sakin kahapon.

Tumawa si Alex. Yung tawa na pamilyar na pamilyar sakin. Pero hindi para sakin yun ngayon.

Lumapit kami. Nagtagpo yung mata namin.

Isang segundo. Dalawa.

Tumingin lang siya. Walang pagkilala. Walang gulat.

Parang... wala lang.

Tumalikod siya. Sumunod si Cassie, hawak pa rin yung braso niya.

"Leah?" hinawakan ako ni Mika sa balikat. "Okay ka lang?"

"Okay lang," sabi ko. Pilit na ngiti. "Tara na. Late na tayo."

Pagpasok namin sa classroom, magkakahiwalay yung upuan.

Ako sa kaliwa. Siya sa kanan. Katabi si Cassie.

Nag-attendance yung prof.

"Alex Rivera?"

"Present," sagot niya. Malinaw. Malakas.

"Leah Santos?"

Tumingin siya. Saglit lang.

"Present," sagot ko. Mahina.

Buong klase, hindi man lang siya lumingon.

12:00 PM. Bell.

"Leah! Tara kain!" yaya ni Mika habang hila-hila ako palabas. "Nagugutom na ako. At dapat makita mo kung sino kasama ni Alex."

"Kung sino man yan, wala na akong pakialam," sabi ko. Sinungaling.

Pagpasok namin sa canteen, punuan.

Tapos nakita ko sila agad.

Nasa gitnang table. Si Alex. Si Drake na tumatawa ng malakas. Si Zian na tahimik lang.

At sa gitna nila... si Cassie at si Yuna.

Si Yuna. Yung "childhood friend" daw ni Alex sabi ni Mika. Mayaman. Maganda. Palaging naka-bag na mamahalin.

"Uy Alex!" malakas na boses ni Yuna. "Ito oh, binili ko sayo yung favorite mong milk tea. Less sugar diba?"

Inabot niya kay Alex. Kinuha ni Alex. Ngumiti.

"Thanks, Yuna. Ikaw talaga."

Yung dibdib ko sumikip.

Dati ako yung nagdadala ng milk tea niya. "Less sugar, kasi magiging sweet ka na sakin," biro ko pa dati.

"Leah?" bulong ni Ria. "Tara dun sa kabilang table."

Umupo kami. Pero hindi ko maiwasang tumingin.

Biglang tumayo si Cassie. Lumapit sa table namin.

"Oh? Ikaw yung Leah diba?" matamis na ngiti. Pero yung mata, matalim. "Yung kapitbahay daw ni Alex dati?"

Napalunok ako. "Oo."

"Ahh," tumango siya. Tumingin siya pabalik kay Alex tapos sakin ulit. "Sabi ni Alex wala daw siyang maalala na kapitbahay. Siguro panaginip mo lang yun noh?"

Tumawa siya ng mahina. Umalis.

"Gaga yan," bulong ni Mika. Galit na galit. "Gusto mo batukan ko?"

"Hayaan mo na," sabi ko. Pero yung kamay ko nanginginig hawak yung kutsara.

Lumingon ako kay Alex. Nagtatawanan sila.

Hindi man lang siya tumingin dito.

3:00 PM. PE class.

Pinag-group kami. Group 4: Ako, Mika, Ria, Drake, Zian... at Alex.

"Ay gagi," bulong ni Drake pag upo niya. "Magkakagroup tayo ni Campus Prince." tinuro niya si Alex.

"Hindi prince yan," sabi ni Zian. Kalma lang. "Tao lang."

Umupo si Alex sa pinakadulo. Hindi tumingin.

"Hi, ako si Drake," nagpakilala si Drake sakin at kumindat. "Ikaw yung Leah noh? Yung laging nasa top 1 nung senior high?"

"Ah oo," nahiya ako. "Ikaw si Drake diba? Yung MVP ng basketball."

"Oooh kilala mo ko?" natuwa siya. "Si Zian naman to. Tahimik pero matalino."

Ngumiti si Zian sakin. Tipid. "Hi."

"Leah," sagot ko.

Natahimik. Si Alex nasa kabilang dulo, nagce-cellphone.

"Pre," yugyog ni Drake kay Alex. "Kilala mo ba si Leah? Magkaklase pala tayo dati sabi niya."

Tinaas ni Alex yung mata. Tumingin sakin. 2 segundo.

"Hindi," sagot niya. Bumalik sa phone.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Pre naman," sabi ni Drake. "Bastos ka."

"Wala akong maalala," sabi ni Alex. Walang emosyon. "Baka nagkakamali ka."

Tumayo siya bigla. "CR lang." Umalis.

"Sorry ha," sabi ni Zian sakin. Medyo awkward. "Ganyan talaga siya minsan."

"Tama na," putol ko. Pilit na ngiti. "Mag-start na tayo sa activity."

Pero sa loob ko? Gumuho ulit.

*3. KONTRABIDA MOVE - SI CASSIE*

5:00 PM. Pauwi na.

Nasa gate kami ni Mika at Ria. Naghihintay kay kuya.

Tapos huminto yung red na kotse. Bumaba si Cassie. At si Alex.

"Alex! Wait!" tawag ni Cassie. "Hatid na kita. Daanan din natin si Yuna sa dorm."

Lumingon si Alex. Nakita niya kami.

Tumingin siya sakin. Walang sinabi. Sumakay.

Bago isara yung p***o, nagsalita si Cassie. Malakas. Para marinig namin lahat.

"Sayang noh? May mga tao talagang feeling close kahit hindi naman kilala. Nakakaawa."

Tumawa siya. Pumasok. Umalis yung kotse.

Tahimik kami ni Mika at Ria.

"Leah..." hinawakan ako ni Mika.

"Hindi ako iiyak," sabi ko. Pero nanginginig boses ko. "Hindi na."

Pagdating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto.

Kinuha ko yung phone. Yung wallpaper namin. Nakangiti kaming dalawa.

I-delete ko ba?

Hindi.

Pinatay ko nalang yung screen.

"Bukas ulit," bulong ko sa sarili. "Estranghero ulit bukas."

---

Isang buwan na.

Isang buwan na akong "estranghero" kay Alex sa iisang campus.

*THE SETUP - GROUP PROJECT FROM HELL*

"Group 3: Leah, Mika, Ria, Alex, Cassie, Yuna."

Sabi ni Prof.

Nagkatinginan kami ni Mika. "Gagi," bulong niya. "Pinagtagpo talaga tayo."

Umupo si Alex sa dulo. Naka-earphones.

Si Cassie umupo sa tabi niya. Si Yuna sa kabila.

Ako, Mika, Ria sa kabilang side.

"So," simula ni Cassie na nakangiti. "Para fair, si Leah na lang gumawa ng documentation. Siya naman magaling magsulat diba? Naririnig ko sa ibang prof."

"At si Mika sa presentation," dugtong ni Yuna. "Ikaw yung maingay."

"At si Ria sa research," sabi ni Cassie ulit. "Ikaw yung tahimik na matalino."

Tapos tumingin siya kay Alex. "At si Alex... siya na leader. At ako assistant niya."

Hindi man lang tinanong kung okay kami.

Tumango lang si Alex. "Sige. Deadline next Friday."

Buong meeting, hindi siya nagsalita. Hindi tumingin.

Thursday night. 9PM. Library.

Kami lang ni Mika at Ria. Pinupuyat namin yung part namin.

Pagdating namin sa table, wala yung laptop ko.

"Nasan?" nagpapanik ako. "Dun ko yun nilapag kanina!"

Biglang may tumawa sa likod. Si Cassie. Kasama si Yuna at 2 pang babae.

"Ay sorry," kunwari si Cassie. "Nakita ko kasi yung laptop mo. Iniwan mo. Baka manakaw."

Inilapag niya sa sahig. Basag na yung screen.

"Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Mika.

"Eh kasi nadulas ako eh," sabi ni Yuna. "Accident lang. Babayaran namin... charot. Wala kaming pera."

Tumawa sila.

"Leah, wala ka bang magagawa?" pang-aasar ni Cassie. "Diba sabi mo close kayo ni Alex? Pahingi ka tulong. Ay wait... hindi ka nga niya kilala noh?"

Lumapit siya sakin. Binulungan ako.

"Alis ka na. Hindi ka nababagay dito. At lalo na sa kanya."

Nanginginig ako. "Umalis na kayo."

"Or else what?" sabi ni Cassie. Itinulak niya balikat ko.

Doon pumasok si Alex. Kasama si Drake at Zian.

Natahimik lahat.

"Anong nangyayari?" tanong ni Drake.

"Wala," ngiti ni Cassie. Inosente. "Naaksidente lang. Nadulas ako. Nabagsak ko laptop ni Leah."

Tumingin si Alex sakin. Sa basag na laptop. Sakin ulit.

Walang emosyon.

"Kung basag, bili ng bago," sabi niya. Tapos tumalikod. "Uwi na tayo."

"Alex!" tawag ni Mika. "Siya yung—"

"Hayaan niyo na," putol ni Alex. Hindi man lang lumaban para sakin.

Umalis sila. Naiwan kami.

Doon ako bumigay.

Tumakbo ako sa CR. Sinundan ako ni Mika at Ria.

Pagkapasok, sumabog ako.

"BAKIT?! BAKIT AKO PA?!" sigaw ko. Humahagulgol. "10 TAON MIKA! 10 TAON KAMING MAGKASAMA! Tapos isang aksidente lang, binura niya lahat?!"

Niyakap ako ni Mika. Umiiyak din siya.

"Shhh. Alam namin masakit. Pero hindi ka nag-iisa."

"Pagod na ako," bulong ko. "Pagod na akong magpanggap na okay lang. Pagod na akong makita siyang tumatawa sa iba. Pagod na akong maging wala para sa kanya."

Kinuha ko yung phone ko. Yung wallpaper namin.

Pinindot ko. Delete.

"Ngayon," sabi ko habang pinupunasan luha ko. "Tapos na. Hindi na ako Leah na naghihintay kay Alex.

Mula ngayon, para na lang sa sarili ko."

Tumingin ako sa salamin. Namumugto mata ko. Pero matigas na mukha ko.

"Let's finish this project," sabi ko kay Mika at Ria. "At pagkatapos nito... kalimutan ko na siya."

*AFTER*

Friday. Submission day.

Ini-present namin. Ako nagsalita. Malinaw. Matatag.

Hindi ako lumingon kay Alex kahit isang beses.

Pagkatapos, lumapit si Zian sakin.

"Leah," sabi niya. "Yung nangyari kagabi... sorry. Nakita ko sa CCTV. Si Cassie talaga—"

"Tama na, Zian," putol ko. "Wala na akong pake."

Umalis ako.

Sa unang beses in 10 years... hindi ko siya hinanap.

---

*THE SCENE: FUNDRAISING EVENT SA AUDITORIUM*

Isang linggo matapos yung sa library.

Required lahat ng 1st year sa fundraising ng college. May mga booth, may mga games.

Ako, Mika at Ria nasa booth ng English Club. Nagbebenta ng mga handmade bracelets.

"Leah, okay ka lang?" tanong ni Ria.

"Tingin ka nga dun," bulong ni Mika. Tinuro niya sa kabila.

Nandun sila.

Si Alex. Si Drake. Si Zian.

At syempre... si Yuna at Cassie. Naka-team na sila ngayon.

Si Yuna nakadikit kay Alex. Hawak yung braso niya.

Si Cassie naman kunwari busy sa phone pero mata nasa amin.

"Kung lalapit yan, batukan ko yan," sabi ni Mika.

"Shh. Trabaho lang tayo," sabi ko. Pero kumakabog dibdib ko.

*PANGGUGULO #1 - YUNG MILK TEA*

.

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Pagbalik ko, may humarang sakin.

Si Yuna. Nakangiti.

"Oh Leah," sabi niya. Malakas para marinig ng lahat. "Naglilinis ka ba ng booth? Ang ganda naman."

"Iniiwasan ko lang madumihan," sagot ko. Kalma.

Tumawa siya. "Ang sungit naman. Sige, bilhin mo tong milk tea ko. Libre na sayo."

Iniaabot niya sakin. Pero nung aabutin ko na, binuhos niya.

Diretso sa white polo ko.

"Ay!" gulat na gulat siya. Kunwari. "Sorry! Nadulas kamay ko! Ang init pa naman nito!"

Mainit nga. Napaso balikat ko. Pero nginitian ko lang siya.

"Okay lang," sabi ko. "Salamat sa libreng paligo."

Tumawa mga tao. Nahiya si Yuna.

Lumingon ako. Nandun si Alex. Nakatingin.

Walang reaksyon.

5PM. Pauwi na dapat.

Biglang nagkaingay.

"Oy! Bakit ganito?!" sigaw ni Cassie.

Lahat lumingon. Yung booth namin. Wasak.

Yung mga bracelets nakakalat sa sahig. Yung table natumba. Yung donation box bukas at walang laman.

"Anong nangyari?!" takbo si Prof.

"Ma'am, pagdating namin ganyan na," sabi ni Yuna. "Si Leah kasi kanina pa galit. Sabi niya 'wala namang bibili dito'."

Sinungaling.

"Kasama ko siya buong araw!" depensa ni Mika. "Hindi siya umalis!"

"Eh sino?" sabi ni Cassie. "Wala namang CCTV dito. At siya lang naman yung mukhang may galit."

Tumingin lahat sakin.

"Leah?" tawag ni Prof. "Totoo ba to?"

"Hindi po," sabi ko. Nanginginig boses ko. "Hindi ko po ginawa yan."

"Eh sino?" singit ni Yuna. "Ikaw lang naman yung walang ginawa buong araw. Nakaupo lang. Nagmumukmok."

Tumawa yung mga tao.

Doon siya nagsalita.

Si Alex.

Lumapit siya. Tiningnan yung gulo. Tiningnan ako.

"Leah," malamig boses niya. "Ikaw ba gumawa nito?"

"Alex, hindi—"

"Hindi ko tinatanong kung hindi," putol niya. "Tinatanong ko kung ikaw."

Umiling ako. "Hindi ako."

Tumingin siya kay Yuna. Kay Cassie.

"May nakakita ba?" tanong niya.

Umiling si Cassie. "Wala po kuya Alex. Pero siya lang naman yung—"

"Enough," sabi ni Alex. Bumalik yung tingin sakin.

Yung mata niya. Walang galit. Walang awa.

Estranghero talaga.

"Kung hindi ikaw, bakit ikaw yung unang sinisisi?" sabi niya. "Bakit ikaw yung laging nandito sa gulo?"

Napalunok ako. "Hindi ko alam."

"Maglinis ka," utos niya. "Ikaw magbabayad sa mga nasira. At mag-apologize ka sa English Club."

"Pero—"

"Yan ang parusa," sabi niya. Tapos tumalikod na. "Yuna, tara. Uwi na tayo."

Iniabot ni Yuna yung braso niya kay Alex. Sabay silang umalis.

Si Cassie ngumiti sakin bago sumunod. "Good luck maglinis, Leah."

naiwan ako.

Tulala.

"Leah..." hawak ako ni Mika. Umiiyak na siya. "Hindi tama to."

"Hindi ko ginawa," bulong ko. "Pero bakit siya? Bakit siya yung naniwala sa kanila?"

Pinulot ko yung isang bracelet sa sahig. Yung kulay blue. Paborito ni Alex dati.

Ako yung gumawa nito. Para sakanya.

Pinisil ko ng mahigpit.

"Alam mo Mika?" sabi ko. Tuyo na luha ko. "Kanina, nung tinuro niya ako... kahit konti, umasa ako na ipagtatanggol niya ako."

"Leah—"

"Pero hindi," putol ko. Ngumiti ako. Mapait. "Estranghero nga ako."

Lumuhod ako. Naglinis. Mag-isa.

Hanggang 10PM.

Habang nagpupunas ako, isang message pumasok sa GC ng class.

Galing kay Yuna.

Photo. Sila ni Alex sa kotse. Nakangiti.

Caption: `Thank you for always protecting me kuya Alex 🥺❤️`

700+ reacts.

Ako? Zero.

---

Hinayaan ko nalang dahil Wala na akong magagawa. Bigla Naman akong nalungkot pero sabi nga nila habang nabubuhay may pag asa pa.. LABAN lang Leah sabi ko sa sarili ko.

9:30 PM.

Tapos na ako maglinis ng booth. Mag-isa.

Basang-basa pa rin yung polo ko sa milk tea kanina. Madumi yung kamay ko. Pagod na pagod.

"Leah, sabay na tayo," sabi ni Mika. "Sunduin tayo ni kuya mo."

"Hindi na," sabi ko. "Malapit lang naman. Kaya ko."

Sinungaling. Natatakot ako sa dilim. Pero mas natatakot ako na may makakita sakin na umiiyak.

Lakad lang. 30 minutes daw sabi ni kuya.

Tahimik yung daan. Ilang poste lang yung may ilaw.

Pagdating ko sa tulay... nandun siya.

Nakaupo sa railing. Nagva-vape.

Si Alex.

Tumigil ako. Gusto kong tumalikod.

Pero hinarangan niya ako ng tingin.

"Ikaw," sabi niya. Bumaba. "Leah diba?"

Hindi ako sumagot. Naglakad ako.

"Uy," hinawakan niya braso ko. Napahinto ako. "Ka-usap kita."

Binawi ko braso ko. "Bitawan mo ko."

Tumingin siya sakin. Uling-uli.

"Ikaw yung nasa booth kanina noh? Yung pinagbintangan ni Yuna."

"Oo," sabi ko. "At ikaw yung naniwala sakanya."

Tumawa siya ng walang emosyon. "Kasi ikaw yung palaging nandun sa gulo. Ikaw yung laging nakatingin sakin. Nakaka-irita."

Napalunok ako. "So kasalanan ko?"

"Hindi ko sinabing kasalanan mo," sabi niya. Lumapit siya. Amoy yosi at mint. "Sinasabi ko lang... tigilan mo na ko."

Nanlamig ako. "Ano?"

"Tigilan mo na ko, Leah," ulit niya. Mas mababa boses. "Hindi kita kilala. Wala akong maalala sayo. Kahit anong gawin mo, hindi kita maa-alala."

"Sinong nagsabing pinapaalala kita?!" biglang sigaw ko. "Sinong nagsabing gusto kong maalala mo ko?!"

"Eh bakit ka laging nakatingin?" sabi niya. "Bakit pag nakikita mo ko, namumula mata mo? Bakit ka nagkakalat sa booth niyo tapos ako sisisihin ng mga tao?"

"Hindi ko ginulo yung booth!"

"Eh sino?! Si Yuna? Si Cassie? Bakit sila? Bakit hindi iba?"

"Kasi sila yung—" naputol ako. Hindi ko masabi. "Wala. Basta hindi ako!"

Tumingin siya sa ilog sa ilalim ng tulay. Tahimik.

Tapos bumalik sakin.

"Alam mo yung masakit?" sabi niya. "Yung may mga tao na nagpapaalala sakin ng mga bagay na hindi ko maalala. Nakaka-pressure. Nakaka-guilty."

"So ako yung may kasalanan nun?"

"Hindi," sabi niya. "Pero ikaw yung dahilan kung bakit naaalala ko yun."

Umiling ako. Natawa ako. Mapait. "Galing ah. Ako pa masama ngayon."

"Hindi kita sinisisi," sabi niya. "Pero kung gusto mong tumigil yung mga tao sa pagbubulong-bulongan... lumayo ka sakin."

"Yun lang?" tanong ko. Puno na luha mata ko. "Yun lang sasabihin mo sakin after 10 years?"

"10 years?" kumunot noo niya. "Anong 10 years?"

"Yung duyan!" sigaw ko. "Yung pinky promise! Yung panyo na may 'A'! Yung sinabi mong 'first love kita'! Naalala mo?!"

Tahimik siya. Tinitigan niya ko.

"Wala," sabi niya. "Wala akong maalala. At pagod na ko na pilitin maalala."

Yung salitang yun. "Pagod na ko."

Parang sinaksak ako.

"Lumayo ka sakin," sabi niya ulit. "Wag ka na magpapansin. Wag ka na lalapit. Para sa ikabubuti nating dalawa."

Lumapit ako ng isang hakbang. "Paano kung hindi? Paano kung hindi ko kaya?"

"Eh di ako lalayo," sabi niya. Walang awa. "Magpapalit ako ng section. Magpapalit ako ng barkada. Gagawin ko lahat para hindi kita makita."

Tumulo na luha ko. Pero tumawa ako.

"Ang galing mo, Alex. Ang husay mo mang-iwan."

"Hindi kita iniwan," sabi niya. "Nawala lang talaga."

"Nawala?" umiling ako. "Ikaw yung nawala. Ikaw yung nakalimot. Ako nandito pa rin. Ako yung naiwan."

Tumalikod siya. "Uwi ka na. Delikado dito."

"Alex!" tawag ko. Huling beses.

Lumingon siya.

"Pinky promise diba?" bulong ko. "Hindi tayo maghihiwalay."

Tumingin siya sakin. Matagal.

Tapos ngumiti. Pero hindi yung ngiti na hinahanap ko.

Iba. Malamig.

"Pasensya na," sabi niya. "Pero wala na yung Alex na yun."

Umalis siya. Iniwan ako sa tulay. Mag-isa.

10:15 PM. Nakarating ako sa bahay.

Basa ako. Hindi sa ulan. Sa luha.

Nasa sala si kuya. Nag-aalala.

"San ka galing?!"

"Tulay," sagot ko. Dumiretso sa kwarto.

Pagkapasok, sinara ko p***o.

Kinuha ko yung blue bracelet. Yung ginawa ko para sakanya.

Pinutol ko.

Isa. Isa. Isa.

Hanggang naputol lahat.

"Tapos na," bulong ko sa dilim. "Pinky promise... broken."

---

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Bryan
Bryan
sobrang Ganda....
2026-08-06 16:25:50
1
1
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status