Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER ONE

Share

MR.CEO and ME
MR.CEO and ME
Author: Lanny Rodriguez

CHAPTER ONE

last update Last Updated: 2025-08-31 21:54:22

THIRD PERSON:

Pinagmasdan muna ni Aling Carmen ang kanyang anak. Halatang pagod na pagod ito—bakas sa mukha ang puyat at bigat ng responsibilidad na pasan niya araw-araw. Ilang beses na niya itong ginising pero tila ayaw pang bumangon, marahil dahil sa sobrang pagod. Napabuntong-hininga si Aling Carmen, ramdam ang kirot sa dibdib habang marahang tinatapik ang balikat nito.

“Anak, gising na… male-late ka na sa trabaho,” malumanay niyang wika, kahit nais na sana niyang hayaan pa itong magpahinga.

Napabalikwas si Mira, pupungas-pungas pa at pilit kinakapa ang cellphone niya sa gilid ng unan.

“Ha? Anong oras na po?” medyo paos pa ang boses nito.

“Alas sais na,” sagot ng ina.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mira. Bigla itong tumayo at nagmamadaling pumunta sa banyo. “Hala, alas otso po ang pasok ko!” ” sigaw niya habang nagkukumahog.

“Dahan-dahan naman kasi, anak baka ikaw—” Hindi pa man natatapos ang salita ni Aling Carmen ay napairap si Mira sa sakit nang matisod ang paa sa kanto ng lamesita.

“Araaay!” napaigik ito habang halos lumuha sa kirot.

“’Yan na nga ba sinasabi ko,” buntong-hiningang wika ng ina. “Anong oras ba talaga kasi ang pasok mo?”

“Alas otso po! Kaya kailangan ko pong magmadali!” sagot ni Mira mula sa loob ng banyo habang nagsisipilyo.

Habang abala si Mira, dahan-dahang inayos ni Aling Carmen ang uniform pampasok sa trabaho ng anak. Ngunit napako ang kanyang mga mata sa isang pares ng sapatos na nakapatong sa gilid ng aparador.

Lumang-luma na iyon. Tuklap na ang kulay, may punit na sa gilid, at halatang ilang beses nang pinilit ayusin. Kinurot ang puso ni Aling Carmen sa eksenang iyon. Dahan-dahan niya iyong kinuha, at kahit pinipigil ang luha ay napahikbi siya.

“Anak,” mahinang tawag niya habang pinupunasan ng basang pamunas ang sapatos, pilit pang binubura ang mga mantsa, “wala ka na bang ibang sapatos?”

Lumabas si Mira mula sa banyo, nagmamadali pang nagsusuklay. Napatingin siya sa ina, hawak ang sirang sapatos na tanging ginagamit niya sa araw-araw.

Nilingon ni Aling Carmen ang likod ng pintuan. Isang tsinelas lang ang nandoon. Muling bumalik ang tingin niya sa anak na nagmamadaling isuot ang lumang sapatos.

At sa sandaling iyon, ramdam niyang parang pinipiga ang kanyang puso—dahil kahit gaano kasira ang sapatos, ito pa rin ang tanging sandata ng anak niya sa pangarap at sa laban ng buhay.

“Hayaan n’yo po, Inay… bibili po ako kapag sumahod na ako. Pati kayo, bibilhan ko rin,” ngiting sabi ni Mira, pilit na ikinukubli ang bigat sa dibdib.

Alam niyang nakita niya ang lungkot sa mga mata ng kanyang ina, kaya’t mas lalo pa niyang pinilit ngumiti—para iparamdam dito na hindi na kailangang mag-alala.

“Kumain ka na muna, anak.” malumanay na sabi ni Nanay Carmen.

“Huwag na po, Nay. Doon na lang po ako kakain sa hotel.” sagot niya habang minamadali ang pagsusuot ng sapatos.

“Pasabi na lang kay Tita Marlyn mo, hindi ko pa naluluto ’yong order niyang turon. Nakikiramdam pa kasi ako kahapon, parang hihingalin ako sa sobrang init.” paliwanag ng kanyang ina.

“Sige po, Nay. Huwag na po kayong mag-alala, sasamahan ko na lang po kayong mamili… o kaya ako na lang po mamimili mamaya sa palengke kapag maaga ang uwi ko.” mabilis niyang tugon habang nag-aayos ng sarili.

“Sige, nak.”

Huminto saglit si Mira at lumapit sa kanyang ina, hinawakan ito sa balikat bago humalik sa pisngi. “Pero Nay, last na po ’yan ha. Alam niyo naman po na bawal na po kayong magpapagod.” aniya, pilit pinapakita ang tapang kahit may bahid ng pag-aalala ang kanyang tinig.

Alam ni Mira na mahina na ang puso ng kanyang ina—kaya’t bawat araw ay hindi niya mapigilang magpaalala. Ayaw na niyang hayaan si Aling Carmen na magbanat pa ng buto, dahil para sa kanya, sapat na ang sakripisyong ibinigay nito noon pa man. Siya na ang bahala ngayon, siya na ang kikilos, para lang hindi na mahirapan pa ang kanyang ina.

“Opo…” mahina ngunit may ngiting sagot ni Nanay Carmen.

“Ingat, Nak!” habol pa nito, sabay kaway habang nakatayo sa pintuan.

Habang nakatanaw si Aling Carmen sa anak niyang nagmamadaling lumalakad, ramdam niya ang paninikip ng dibdib—hindi lang dahil sa sakit ng kanyang puso, kundi dahil sa awa at pagmamahal sa kaisa-isa niyang anak na pilit nagsasakripisyo para sa kanya.

Nagmadaling lumabas si Mira, halos patakbo na, bitbit ang lumang bag na ilang taon na ring kasa-kasama niya sa trabaho. Humigpit ang hawak niya roon, kasabay ng mabilis na paglakad, habang ramdam pa rin sa likod ng isip niya ang tinig ng kanyang ina.

Kahit mahirap, kahit kulang ang sahod, pinipilit ni Mira na magpakatatag. Dahil para sa kanya, ang bawat pawis at pagod ay walang halaga kung kapalit naman nito ay buhay at kalusugan ng nag-iisa niyang ina.

Kahit kapos, hindi siya kailanman nagreklamo. Sa halip, mas lalo pa niyang pinipilit magtrabaho—walang iniisip na bakante o oras ng pahinga, dahil para kay Mira, bawat minuto ay mahalaga.

Hindi niya alintana ang pagod, dahil ang mahalaga sa kanya ay may pambili siya ng maintenance na gamot ng kanyang ina. Para kay Mira, wala nang mas hihigit pa sa kapakanan at kalusugan ni Nanay Carmen—iyan ang dahilan kung bakit kahit gaano kahirap, patuloy siyang lumalaban.

Sa umaga, abala siya bilang housekeeping staff sa Villaruel Hotel—kung saan halos hindi napapansin ng mga guest ang tahimik at maamong presensya niya. Ngunit sa bawat kuwartong nililinis niya, sa bawat sahig na kanyang tinutunton, dama niya ang bigat ng responsibilidad sa kanyang balikat.

At kapag rest day naman, imbes na magpahinga, pumapasok pa rin siya bilang part-time crew sa restuarant na dating pinagtatrabahuan ng kanyang ina. Doon siya nagbubuhos ng lakas—nagsisilbi, nag-aayos ng mesa, at minsan ay tumutulong pa sa kusina. Wala siyang iniwan para sa sarili. Ang tanging iniisip niya ay makaraos sa araw-araw at makaipon kahit kaunti para sa gamot ni Inay Carmen.

Sa bawat paghakbang ni Mira, ramdam niya ang bigat ng pagod. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang ngiti ng kanyang ina, parang kusang nabubura ang lahat ng sakit ng katawan. Para kay Mira, iyon na ang pinakamalaking gantimpala—ang makita si Inay Carmen na kahit papaano’y gumagaan ang pakiramdam dahil sa kanyang pagsusumikap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Hindi siya basta nakamasid lamang. Nakaalerto ang mga mata niya, para bang naghihintay ng kahit anong senyales na may kakaiba o hindi komportableng mangyari kay Mira. Sa una, akma na sana siyang lalapit, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kusang huminto ang mga paa niya.'Hayaan mo muna siya.'Binibigyan niya si Mira ng pagkakataong mag-isa. Isang tahimik na pagsubok sa sarili niya kung kaya ba ng dalaga ang ganitong lugar nang mag-isa, nang walang kasama.Ilang minuto ang lumipas.Bahagyang napatingkad ang tingin ni Dominic nang makita niyang napapitlag si Mira nang may isang staff na lumapit sa dalaga. Hindi niya inalis ang mga mata rito, sinusukat ang bawat kilos, bawat reaksyon. Handa siyang pumasok anumang oras.Ngunit ngumiti lamang si Mira.Ngiting magaan at natural. Doon lang nakahugot ng mahabang hininga si Dominic, isang hiningang hindi niya namalayang kanina pa niya pinipigilan.Hanggang sa makapili na nga si Mira at papalabas na ito ng store. Akma na sanang l

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-ONE

    DOMINIC POV:Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.Kung paano ako tumitig lang sa kanya, kung paano malinaw na malinaw sa dibdib ko ang gusto kong sabihin…pero biglang nagkasundo ang bibig at boses ko na manahimik.Sa hangin ko tuloy inamin ang nararamdaman ko.Napahawak ako sa noo at mariing ipinikit ang mga mata."Damn this feeling!!""Torpe. Kaiinis!"Parang lalong sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis.“Ahm… sir?”Napadilat ako at masamang tumingin sa pumasok.Si Felix.“What?!” halos maputol ang pasensya kong sagot.“Uhm… tungkol po sa parents ni Monica,” maingat na sabi nito. “Nag-check out na po sila kaninang umaga. Tumawag na lang po sila sa mommy niyo para magpaalam.”Bahagya lang akong tumango. "Buti naman kung ganon." Ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop, nagkunwari na lang akong abala sa trabaho.Pero hindi pa rin umaalis ang kumag.“Si Monica naman po ay hindi pa rin umaalis.”“Hayaan mo lang siya, ume-stay.”“Pero, pagkakaalam ko po, sir, pinag

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY

    THIRD PERSON:Hindi nga pumasok si Mira sa hotel dahil tinuloy nga ni Doña Celestine ang balak nitong mag all-around shopping kasama siya at higit sa lahat, kasama rin nila ang kanyang ina, si Aling Carmen.Sa una pa lamang, hindi na mapigilan ni Mira ang kabog ng dibdib. Hindi kabog na hindi kaba, kundi isang kakaibang uri ng saya na matagal na niyang hindi pa naramdaman. Isang damdaming kailangan niyang itago, dahil sa sandaling pakawalan niya ito, kasabay nitong guguho ang kanyang mga luha.Unang beses niyang makita ang kanyang ina na pumapasok sa mga mamahaling boutique.Unang beses niyang makita ang mga mata nitong kumikislap habang hinahaplos ang tela ng isang damit, na para bang bata na nakatagpo ng laruan.May kaunting hiya si Mira, oo.Alam niyang kung hindi dahil kay Doña Celestine, hindi sila naroroon.Hindi nila basta kayang pumasok sa mga ganong store.Ngunit sa tuwing lilingon siya sa kanyang ina, sa tuwing makikita niya ang malapad na ngiti ni Aling Carmen, napapawi ang

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-NINE

    THIRD PERSON:Kinabukasan sa hotel, puno parin ng bulung-bulungan at pag-alala ang lobby. Nasa isang sulok sina Joy, Rod, Marites, at Lisa.“Kahapon, di ko na nakita si Mira. Umuwi ba siya ng maaga?” tanong ni Lisa.Umiling si Joy. “Hindi siguro, kasi narinig ko sila Aling Marlyn at Sir Juluis na utos daw ni Sir Dominic na panatilihin na safety si Mira, dahil nga sa mga report kahapon, di siya makakalabas ng hotel sa raming naka abang kahapon, kaya malamang um-stay sa isang room ng hotel si Mira.”"Kamusta na kaya iyon?" singit naman ni Rod Napabuntong-hininga si Marites. “Hayss…Di pa siya dumadating ehh, ano oras na.""Grabe talaga ang nangyayari. Ang taong ayaw sa gulo at hindi dapat makaranas ng ganitong bagay… eh nararanasan pa ni Mira. Kawawa naman.” si Lisa na may pag lingon pa nga sa entrance lobby na para bang inaabangan ang pag dating ni Mira.Mabilis namang tumango si Joy. “Uhm… kaya siguro mabilis ang proteksyon ni Sir Dominic sa kanya dahil nga sa kondisyon ni Mira.”Nagl

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    THIRD PERSON: Magkasabay na naglakad sina Doña Celestine, Mr. Lim, at Dominic papunta sa silid kung saan nagpapahinga si Mira. Tahimik lang si Dominic habang naglalakad, pero hindi niya parin mapigilan ng puso niyang bumilis ang tibok. Ang bawat hakbang niya papalapit kay Mira ay nagpapainit sa dibdib niya. Pagdating nila sa kwarto, binuksan niya ang pinto at tumambad agad si Mira na bahagyang bangon, tila nahihiya at aligagang salubungin sila. “Ma’am Celestine-” agad siyang tumayo para yumuko ngunit- Mas mabilis ang kilos ng ginang. Bigla nitong niyakap si Mira, mahigpit, parang ina. Isang yakap na hindi inaasahan ng sinuman… lalo na ni Mira. “Oh, dear… masyado ka atang na-stress ngayon,” sabi ni Doña Celestine, habang banayad na hinihimas ang likod ni Mira na parang pinapawi ang lahat ng bigat nito. Nanlaki ang mga mata ni Mira sa gulat, halos hindi makapagsalita. “O-okay lang po ako, Ma’am. Ako nga po itong-” “Ssshh. Stop.” Maamo ngunit matatag na putol ng gina

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Nadatnan ni Cyrus si Monica sa pool area, na nakahiga sa chaise lounge, naka-two piece, sunglasses on pa kahit palubog na ang araw, at parang wala siyang kahit anong pakialam sa gulong ginawa niya sa buong araw.Relax na relax.Parang hindi trending sa social media.Parang walang pinahiya.At parang walang nilagay sa alanganin.Napailing si Cyrus, bahagyang naiinis.Kung ibang lalaki iyon, siguradong matutulala kay Monica.Hubog ng katawan, kutis na parang porselana, ganito ang dahilan kung bakit sikat siyang modelo.Pero ngayon?Wala na iyon sa taste ni Cyrus.Hindi na siya natuturn-on sa mga tulad ni Monica.Simula nang makilala niya si Mira… nagbago ang sentro ng mundo niya.Ang dating party boy, babaero, at walang pakialam?Ngayon, iisang babae lang ang laman ng utak niya.At si Mira iyon.Kaya ngayong alam niyang tinulak ni Monica ang dalaga sa video, kahit “accident daw,”hindi niya papalagpasin.Lumapit siya.Walang pasabi, walang ingay.Pagdating sa tabi ng chais

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status