LOGINTHIRD PERSON:
Mabilis ang lakad ni Mira habang tinatahak ang kalsada, halos nagmamadali sa bawat hakbang. Ramdam niya ang init ng sikat ng araw na dumidikit sa kanyang balat, dahilan para unti-unting bumakat ang pawis sa kanyang sentido. Sandali siyang napahinto nang sumalubong sa kanya ang amoy ng bagong lutong pandesal mula sa maliit na bakery sa kanto—mainit-init pa at nakakaakit, tila ba pilit siyang hinihila papasok. Pumasok siya at bumili ng ilang piraso, iyon na ang magiging baon niya sa maghapon. Madalas, tinapay na lamang ang kanyang pananghalian upang makatipid, at pag-uwi na lang siya bumabawi sa mga simpleng luto ng kanyang inay. Paglabas ng bakery, mahigpit niyang hinawakan ang plastik ng pandesal, parang ayaw niyang mabitiwan ang tanging kasiguraduhan niyang pagkain sa araw na iyon. Muli siyang naglakad-takbo patungo sa sakayan. Habang tinatahak ang maingay na kalsada, ramdam niya ang halo-halong amoy ng usok ng jeep, prito ng mga kakanin sa bangketa, at pawis ng mga taong nagmamadali ring makarating sa kani-kanilang trabaho. Sa magkabilang gilid ng kalsada, rinig ang malalakas na sigaw ng mga tinderang nag-aalok ng paninda, habang sunod-sunod din ang busina ng jeep at tricycle. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bag kung saan nakasilid ang tinapay—simpleng baon na para sa kanya’y kayamanang hindi dapat mawala. Sa kanilang bahay, kilala si Mira bilang isang malambing at mapagmahal na anak. Lagi niyang inuuna ang kapakanan ng kanyang ina, at handa siyang magsakripisyo kahit kapalit ay ang sariling kaligayahan. Pero sa labas ng kanilang tahanan, lalo na sa trabaho, ibang anyo ang ipinapakita niya. Tahimik lamang si Mira—hindi dahil mahiyain siya, kundi dahil ayaw niyang makisabay sa mga kasamahan. Lalo na kapag nagyayaya ang mga ito na sabay-sabay kumain sa labas. Madali siyang tumatanggi. Hindi dahil suplada siya, kundi dahil iniisip niyang dagdag gastos lang iyon. Imbes na ilaan sa pagkain sa labas, mas pipiliin niyang ipunin ang kaunting salapi para may maipambili ng gamot ng kanyang ina. Kahit pa minsan, marinig niya ang mga kasamahan na nag-aalok ng libre, magalang pa rin siyang tatanggi. Para kay Mira, walang “libre” na hindi kailangang tumbasan balang araw. Mas gusto niyang umiwas kaysa magkaroon ng utang na loob. Dahil dito, napagbibintangan siyang “introvert,” laging nag-iisa, at tila mailap. Ang hindi nila alam, sa bawat pagtanggi ni Mira, may kaakibat itong dahilan—ang pag-iisip para sa kaligtasan ng nag-iisa niyang ina. Sa trabaho, tanging si Tita Marlyn lamang ang palagi niyang nakakausap at napaglalabasan ng saloobin. Ito lang ang taong nakakaintindi sa kanya, kaya’t kahit sa gitna ng kanyang pananahimik, hindi siya lubos na nag-iisa. Pagdating niya sa hotel, agad siyang pumasok sa staff area at umupo sa isang sulok kung saan tahimik. Kinuha niya mula sa bag ang piraso ng tinapay na binili kanina. Hindi pa man niya nauubos ang tinapay ay agad siyang nilapitan ni Tita Marlyn, dala-dala ang isang baso ng mainit na kape. “Nak, may 20 minutes ka para kumain,” malumanay na sabi nito, sabay abot ng kape. Napatingin si Mira at bahagyang ngumiti. Hindi na kailangan ng paliwanag, alam na ng kanyang tita ang routine niya araw-araw—ang pagmamadali para huwag malate at para makaiwas sa sermon ng masungit nilang supervisor. At higit sa lahat, alam din nitong madalas na hindi na nakakain ng maayos si Mira tuwing umaga. “Salamat po, Tita,” mahina ang tugon ni Mira sabay hawak sa baso ng kape. Ramdam niya ang init na nagmumula rito—init na hindi lang nakakapawi ng antok at pagod, kundi tila ba nagdadala rin ng init ng malasakit mula sa tanging taong nakakaunawa sa kanya sa trabaho. “Nga pala, Tita…” dagdag pa niya habang nakayuko, pilit pinipigil ang antok at gutom. “Pinapasabi po ni Inay… na hindi pa raw niya maluluto ’yong paborito n’yong turon. Sabi niya, baka bukas o sa susunod na araw na lang.” Hinawi ni Mira ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha bago muling ngumiti. May bahid ng hiya at pag-aalala sa kanyang tinig. “Ayos lang iyon, Mira,” sagot nito, bahagyang tumikhim at saka marahang pinisil ang balikat ng pamangkin. “Sabihin mo sa inay mo, lagi niyang unahin ang sarili niya. Huwag siyang magpapagod, lalo na at alam naman nating hindi na gano’n kalakas ang katawan niya.” Isusubo na sana niya ang tinapay, pilit na iniisip na kahit paano’y may laman ang kanyang tiyan, nang biglang bumukas ang pinto ng staff area. “Mira!” halos hingal na tawag ni Joy, isa sa mga kasamahan nila. Halata ang taranta nito habang papalapit. “Andiyan na si Sir Julius, bilisan mo diyan!” Napapitlag si Mira, agad na ibinaba ang tinapay na halos di man lang niya natikman. Kumabog nang malakas ang dibdib niya—alam niyang kapag si Sir Julius ang humarap, hindi puwede ang mabagal o ang may konting palusot. At bago pa siya makapaghanda, pumasok na nga sa loob si Sir Julius, nakapamewang, nakaangat ang kilay, at may matalim na titig na agad tumama kay Mira. “Aba’t heto ka na naman, Mira!” malakas at matinis na boses ang pumuno sa paligid, kasabay ng pagkumpas ng kamay ng kanilang supervisor—isang baklang kilala sa pagiging mataray at istrikto. Nakataas ang kilay nito, pulang-pula ang labi, at tila laging handang makipag-debate. “Wala nang oras para sa meryenda-meryenda! May bagong client na dumating, VIP pa! Linisin mo agad ang Room 305. Bilis-bilisan mo at baka ako pa ang mapagalitan!” utos nito, sabay kumpas ng kamay na parang nagdedemanda. Agad na tumango si Mira, kahit kumakalam pa ang tiyan. “Opo, Sir.” “Unahin mo muna ’yon, ha? Hindi puwedeng mamaya na. Gusto ko pag-akyat ng guest, mabango’t kumikislap ang kwarto—parang hindi pa natulugan.” “Pero Sir meron pang oras si Mira para—” kukontra pa sana si Tita Marlyn, ramdam ang pag-aalala sa pamangkin, pero agad siyang hinawakan ni Mira sa braso, marahang umiling. “Opo, Sir,” mahinahong ulit ni Mira, pinipigilan ang sarili na magpaliwanag. Bago pa umalis si Sir Julius, huminto muna ito sa pintuan at tiningnan si Tita Marlyn mula ulo hanggang paa, may kunot-noo at nakataas na kilay. “At ikaw naman, Marlyn… huwag mong ini-spoil ang pamangkin mo. Dapat matuto siyang sumunod sa utos. Hindi tayo charity rito, ha?” madiin nitong sabi, sabay irap at pabagsak na paglakad palabas. Tahimik lang si Mira. Pinilit niyang ngumiti kay sa Tita Marlyn niya, kahit halatang pinipigilan niya ang gutom at panghihina. “Ayos lang po, Tita… trabaho muna bago kain,” mahina niyang sabi. Napabuntong-hininga si Tita Marlyn, ramdam ang bigat sa kanyang dibdib. Parang bawat paghinga ay may kasamang kirot habang pinagmamasdan niya ang pamangkin, patakbong lumabas para gampanan ang iniutos. Sa likod ng kanyang mga mata ay may halong pag-aalala at awa—dahil batid niyang sa murang edad nito, pasan na nito ang bigat ng responsibilidad na hindi dapat nakapatong sa mga balikat ng isang tulad niya.THIRD PERSON:Hindi siya basta nakamasid lamang. Nakaalerto ang mga mata niya, para bang naghihintay ng kahit anong senyales na may kakaiba o hindi komportableng mangyari kay Mira. Sa una, akma na sana siyang lalapit, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kusang huminto ang mga paa niya.'Hayaan mo muna siya.'Binibigyan niya si Mira ng pagkakataong mag-isa. Isang tahimik na pagsubok sa sarili niya kung kaya ba ng dalaga ang ganitong lugar nang mag-isa, nang walang kasama.Ilang minuto ang lumipas.Bahagyang napatingkad ang tingin ni Dominic nang makita niyang napapitlag si Mira nang may isang staff na lumapit sa dalaga. Hindi niya inalis ang mga mata rito, sinusukat ang bawat kilos, bawat reaksyon. Handa siyang pumasok anumang oras.Ngunit ngumiti lamang si Mira.Ngiting magaan at natural. Doon lang nakahugot ng mahabang hininga si Dominic, isang hiningang hindi niya namalayang kanina pa niya pinipigilan.Hanggang sa makapili na nga si Mira at papalabas na ito ng store. Akma na sanang l
DOMINIC POV:Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.Kung paano ako tumitig lang sa kanya, kung paano malinaw na malinaw sa dibdib ko ang gusto kong sabihin…pero biglang nagkasundo ang bibig at boses ko na manahimik.Sa hangin ko tuloy inamin ang nararamdaman ko.Napahawak ako sa noo at mariing ipinikit ang mga mata."Damn this feeling!!""Torpe. Kaiinis!"Parang lalong sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis.“Ahm… sir?”Napadilat ako at masamang tumingin sa pumasok.Si Felix.“What?!” halos maputol ang pasensya kong sagot.“Uhm… tungkol po sa parents ni Monica,” maingat na sabi nito. “Nag-check out na po sila kaninang umaga. Tumawag na lang po sila sa mommy niyo para magpaalam.”Bahagya lang akong tumango. "Buti naman kung ganon." Ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop, nagkunwari na lang akong abala sa trabaho.Pero hindi pa rin umaalis ang kumag.“Si Monica naman po ay hindi pa rin umaalis.”“Hayaan mo lang siya, ume-stay.”“Pero, pagkakaalam ko po, sir, pinag
THIRD PERSON:Hindi nga pumasok si Mira sa hotel dahil tinuloy nga ni Doña Celestine ang balak nitong mag all-around shopping kasama siya at higit sa lahat, kasama rin nila ang kanyang ina, si Aling Carmen.Sa una pa lamang, hindi na mapigilan ni Mira ang kabog ng dibdib. Hindi kabog na hindi kaba, kundi isang kakaibang uri ng saya na matagal na niyang hindi pa naramdaman. Isang damdaming kailangan niyang itago, dahil sa sandaling pakawalan niya ito, kasabay nitong guguho ang kanyang mga luha.Unang beses niyang makita ang kanyang ina na pumapasok sa mga mamahaling boutique.Unang beses niyang makita ang mga mata nitong kumikislap habang hinahaplos ang tela ng isang damit, na para bang bata na nakatagpo ng laruan.May kaunting hiya si Mira, oo.Alam niyang kung hindi dahil kay Doña Celestine, hindi sila naroroon.Hindi nila basta kayang pumasok sa mga ganong store.Ngunit sa tuwing lilingon siya sa kanyang ina, sa tuwing makikita niya ang malapad na ngiti ni Aling Carmen, napapawi ang
THIRD PERSON:Kinabukasan sa hotel, puno parin ng bulung-bulungan at pag-alala ang lobby. Nasa isang sulok sina Joy, Rod, Marites, at Lisa.“Kahapon, di ko na nakita si Mira. Umuwi ba siya ng maaga?” tanong ni Lisa.Umiling si Joy. “Hindi siguro, kasi narinig ko sila Aling Marlyn at Sir Juluis na utos daw ni Sir Dominic na panatilihin na safety si Mira, dahil nga sa mga report kahapon, di siya makakalabas ng hotel sa raming naka abang kahapon, kaya malamang um-stay sa isang room ng hotel si Mira.”"Kamusta na kaya iyon?" singit naman ni Rod Napabuntong-hininga si Marites. “Hayss…Di pa siya dumadating ehh, ano oras na.""Grabe talaga ang nangyayari. Ang taong ayaw sa gulo at hindi dapat makaranas ng ganitong bagay… eh nararanasan pa ni Mira. Kawawa naman.” si Lisa na may pag lingon pa nga sa entrance lobby na para bang inaabangan ang pag dating ni Mira.Mabilis namang tumango si Joy. “Uhm… kaya siguro mabilis ang proteksyon ni Sir Dominic sa kanya dahil nga sa kondisyon ni Mira.”Nagl
THIRD PERSON: Magkasabay na naglakad sina Doña Celestine, Mr. Lim, at Dominic papunta sa silid kung saan nagpapahinga si Mira. Tahimik lang si Dominic habang naglalakad, pero hindi niya parin mapigilan ng puso niyang bumilis ang tibok. Ang bawat hakbang niya papalapit kay Mira ay nagpapainit sa dibdib niya. Pagdating nila sa kwarto, binuksan niya ang pinto at tumambad agad si Mira na bahagyang bangon, tila nahihiya at aligagang salubungin sila. “Ma’am Celestine-” agad siyang tumayo para yumuko ngunit- Mas mabilis ang kilos ng ginang. Bigla nitong niyakap si Mira, mahigpit, parang ina. Isang yakap na hindi inaasahan ng sinuman… lalo na ni Mira. “Oh, dear… masyado ka atang na-stress ngayon,” sabi ni Doña Celestine, habang banayad na hinihimas ang likod ni Mira na parang pinapawi ang lahat ng bigat nito. Nanlaki ang mga mata ni Mira sa gulat, halos hindi makapagsalita. “O-okay lang po ako, Ma’am. Ako nga po itong-” “Ssshh. Stop.” Maamo ngunit matatag na putol ng gina
THIRD PERSON:Nadatnan ni Cyrus si Monica sa pool area, na nakahiga sa chaise lounge, naka-two piece, sunglasses on pa kahit palubog na ang araw, at parang wala siyang kahit anong pakialam sa gulong ginawa niya sa buong araw.Relax na relax.Parang hindi trending sa social media.Parang walang pinahiya.At parang walang nilagay sa alanganin.Napailing si Cyrus, bahagyang naiinis.Kung ibang lalaki iyon, siguradong matutulala kay Monica.Hubog ng katawan, kutis na parang porselana, ganito ang dahilan kung bakit sikat siyang modelo.Pero ngayon?Wala na iyon sa taste ni Cyrus.Hindi na siya natuturn-on sa mga tulad ni Monica.Simula nang makilala niya si Mira… nagbago ang sentro ng mundo niya.Ang dating party boy, babaero, at walang pakialam?Ngayon, iisang babae lang ang laman ng utak niya.At si Mira iyon.Kaya ngayong alam niyang tinulak ni Monica ang dalaga sa video, kahit “accident daw,”hindi niya papalagpasin.Lumapit siya.Walang pasabi, walang ingay.Pagdating sa tabi ng chais







