Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER SIXTY-FOUR

Share

CHAPTER SIXTY-FOUR

last update Last Updated: 2025-12-20 14:49:45

MIRA POV:

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. O kung paano ko napapansin.

Pero may kakaibang hangin akong nararamdaman sa tuwing katabi ko ang isa sa kanilang dalawa.

Si Sir Dominic, na parang biglang umiiba ang aura sa tuwing lumalapit si Sir Cyrus sa akin. Tahimik lang siya, pero ramdam kong meron kung anong bigat ang tingin niya kay Sir Cyrus, may higpit ang tindig niya, na para bang may gusto siyang gawin o sabihin pero pinipigilan niya.

At si Sir Cyrus naman, palaging may ngiti, palaging magaan ang kinikilos, parang walang pakialam sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Sir Dominic. Na para bang sadya niyang hinahamon ang katahimikan ni Sir Dominic.

Minsan, ako na lang ang dumidistansya.

Nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing ganon na ang mga eksena naming tatlo dahil hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.

Na para bang may labanan silang dalawa na hindi ko alam ang umpisa.

At ayokong maging dahilan.

Hanggang sa matapos ang buong araw at oras
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-FOUR

    MIRA POV:Hindi ko alam kung kailan nagsimula. O kung paano ko napapansin.Pero may kakaibang hangin akong nararamdaman sa tuwing katabi ko ang isa sa kanilang dalawa.Si Sir Dominic, na parang biglang umiiba ang aura sa tuwing lumalapit si Sir Cyrus sa akin. Tahimik lang siya, pero ramdam kong meron kung anong bigat ang tingin niya kay Sir Cyrus, may higpit ang tindig niya, na para bang may gusto siyang gawin o sabihin pero pinipigilan niya.At si Sir Cyrus naman, palaging may ngiti, palaging magaan ang kinikilos, parang walang pakialam sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Sir Dominic. Na para bang sadya niyang hinahamon ang katahimikan ni Sir Dominic.Minsan, ako na lang ang dumidistansya.Nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing ganon na ang mga eksena naming tatlo dahil hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.Na para bang may labanan silang dalawa na hindi ko alam ang umpisa.At ayokong maging dahilan.Hanggang sa matapos ang buong araw at oras

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-THREE

    DOMINIC POV:Para hindi tuluyang masira ang bonding date nilang tatlo, hindi na sineryoso pa ni Mom ang nangyari at hindi na rin nagtanong pa kay Cyrus. Tinuloy na lamang nila ni Aling Carmen ang pamimili, na para bang walang katapusan ang mga boutique na pinapasok nila. Samantala, ako—seryoso ang mukha, pero ang totoo, naka-full alert mode ako.Bantay-salakay.Naka bantay kay Mira.Lalo na bantay sa kulugong ’yon na si Cyrus.Para bang sinasadya talaga ng pinsan kong ’to na dumikit-dikit kay Mira sa tuwing may pagkakataon. Kapag napapagitna kami ni Mira, boom bigla na lang siyang sisingit. Kapag may hawak si Mira na paper bag, he grab it' siya na raw ang magdadala.Excuse me?Ako dapat ’yon.Hindi ba’t sabi ni Felix pogi points ’yon?Eh paano ako makakapuntos kung may kutong lupa na sumasalo ng lahat ng pagkakataon?Halos puputok na ata ang ugat sa leeg ko tuwing makikita ko ang mukha ni Cyrus, ’yong tipong ngiti na para bang sinasabi na “Oh, naka-score ako.”Ganito pala talaga mara

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Hindi siya basta nakamasid lamang. Nakaalerto ang mga mata niya, para bang naghihintay ng kahit anong senyales na may kakaiba o hindi komportableng mangyari kay Mira. Sa una, akma na sana siyang lalapit, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kusang huminto ang mga paa niya.'Hayaan mo muna siya.'Binibigyan niya si Mira ng pagkakataong mag-isa. Isang tahimik na pagsubok sa sarili niya kung kaya ba ng dalaga ang ganitong lugar nang mag-isa, nang walang kasama.Ilang minuto ang lumipas.Bahagyang napatingkad ang tingin ni Dominic nang makita niyang napapitlag si Mira nang may isang staff na lumapit sa dalaga. Hindi niya inalis ang mga mata rito, sinusukat ang bawat kilos, bawat reaksyon. Handa siyang pumasok anumang oras.Ngunit ngumiti lamang si Mira.Ngiting magaan at natural. Doon lang nakahugot ng mahabang hininga si Dominic, isang hiningang hindi niya namalayang kanina pa niya pinipigilan.Hanggang sa makapili na nga si Mira at papalabas na ito ng store. Akma na sanang l

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY-ONE

    DOMINIC POV:Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.Kung paano ako tumitig lang sa kanya, kung paano malinaw na malinaw sa dibdib ko ang gusto kong sabihin…pero biglang nagkasundo ang bibig at boses ko na manahimik.Sa hangin ko tuloy inamin ang nararamdaman ko.Napahawak ako sa noo at mariing ipinikit ang mga mata."Damn this feeling!!""Torpe. Kaiinis!"Parang lalong sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis.“Ahm… sir?”Napadilat ako at masamang tumingin sa pumasok.Si Felix.“What?!” halos maputol ang pasensya kong sagot.“Uhm… tungkol po sa parents ni Monica,” maingat na sabi nito. “Nag-check out na po sila kaninang umaga. Tumawag na lang po sila sa mommy niyo para magpaalam.”Bahagya lang akong tumango. "Buti naman kung ganon." Ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop, nagkunwari na lang akong abala sa trabaho.Pero hindi pa rin umaalis ang kumag.“Si Monica naman po ay hindi pa rin umaalis.”“Hayaan mo lang siya, ume-stay.”“Pero, pagkakaalam ko po, sir, pinag

  • MR.CEO and ME   CHAPTER SIXTY

    THIRD PERSON:Hindi nga pumasok si Mira sa hotel dahil tinuloy nga ni Doña Celestine ang balak nitong mag all-around shopping kasama siya at higit sa lahat, kasama rin nila ang kanyang ina, si Aling Carmen.Sa una pa lamang, hindi na mapigilan ni Mira ang kabog ng dibdib. Hindi kabog na hindi kaba, kundi isang kakaibang uri ng saya na matagal na niyang hindi pa naramdaman. Isang damdaming kailangan niyang itago, dahil sa sandaling pakawalan niya ito, kasabay nitong guguho ang kanyang mga luha.Unang beses niyang makita ang kanyang ina na pumapasok sa mga mamahaling boutique.Unang beses niyang makita ang mga mata nitong kumikislap habang hinahaplos ang tela ng isang damit, na para bang bata na nakatagpo ng laruan.May kaunting hiya si Mira, oo.Alam niyang kung hindi dahil kay Doña Celestine, hindi sila naroroon.Hindi nila basta kayang pumasok sa mga ganong store.Ngunit sa tuwing lilingon siya sa kanyang ina, sa tuwing makikita niya ang malapad na ngiti ni Aling Carmen, napapawi ang

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-NINE

    THIRD PERSON:Kinabukasan sa hotel, puno parin ng bulung-bulungan at pag-alala ang lobby. Nasa isang sulok sina Joy, Rod, Marites, at Lisa.“Kahapon, di ko na nakita si Mira. Umuwi ba siya ng maaga?” tanong ni Lisa.Umiling si Joy. “Hindi siguro, kasi narinig ko sila Aling Marlyn at Sir Juluis na utos daw ni Sir Dominic na panatilihin na safety si Mira, dahil nga sa mga report kahapon, di siya makakalabas ng hotel sa raming naka abang kahapon, kaya malamang um-stay sa isang room ng hotel si Mira.”"Kamusta na kaya iyon?" singit naman ni Rod Napabuntong-hininga si Marites. “Hayss…Di pa siya dumadating ehh, ano oras na.""Grabe talaga ang nangyayari. Ang taong ayaw sa gulo at hindi dapat makaranas ng ganitong bagay… eh nararanasan pa ni Mira. Kawawa naman.” si Lisa na may pag lingon pa nga sa entrance lobby na para bang inaabangan ang pag dating ni Mira.Mabilis namang tumango si Joy. “Uhm… kaya siguro mabilis ang proteksyon ni Sir Dominic sa kanya dahil nga sa kondisyon ni Mira.”Nagl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status