Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER THREE

Share

CHAPTER THREE

last update Last Updated: 2025-09-01 16:20:42

THIRD PERSON:

Sa kabila ng gutom at pagod, napalunok siya at agad kinuha ang mga gamit sa paglilinis. Pagdating sa corridor, muli niyang nasilayan ang kinang ng mamahaling chandelier at kintab ng marmol na sahig. Para bang ipinapaalala ng bawat kislap kung gaano siya kaliit sa mundo ng marangyang hotel na ito.

Huminga siya nang malalim at pumasok sa Room 305. Mabilis niyang inayos ang mga unan, pinunasan ang lamesa, at tiniyak na walang bakas ng alikabok. Kahit nanginginig ang kamay sa gutom, pinilit niyang maging maingat—alam niyang isang pagkakamali lang, sermon na agad ang aabutin niya kay Sir Julius.

Saka niya lang napansin na naisama pala niya ang plastik ng pandesal, nakahalo sa basket ng mga panlinis. Buti na lang may makakain ako mamaya, bulong niya sa sarili, kahit may kaunting hiya sa ideya na bitbit niya iyon sa loob ng marangyang silid. Marahan niyang inilabas ang supot at ipinatong muna sa lamesita bago muling nagpunas ng mesa.

Ngunit bago pa siya muling makakilos, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Napalingon siya, at tumambad ang isang babaeng nasa edad apatnapu’t singko hanggang singkuwenta—kaedad halos ng kanyang inay, ngunit ibang-iba ang dating. Naka-eleganteng bestida, kumikislap ang mga alahas, at bawat galaw ay may kasamang tikwas ng kilay.

Bigla itong suminghot-singhot, para bang may naamoy na hindi nito gusto. “Anong amoy iyon?!” madiin at maarte ang tanong nito, sabay igalaw ang ilong na wari’y may hinahanap.

Nanlaki ang mga mata ni Mira. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang pandesal na nakapatong sa lamesita. Pasimple siyang lumapit sa lamesita, pilit ikinukubli ang supot ng pandesal sa kanyang likuran. Maging ang amoy nito ay parang iniingatan niyang huwag kumawala, umaasang matabunan ng halimuyak ng floor wax at air freshener ng silid. Diyos ko, sana huwag nilang mapansin, iniisip niya.

Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso—lalo pa’t sa awra ng babae sa kanyang harapan. Malinaw na hindi ito basta ordinaryong kliyente. Maayos ang pagkakaayos ng buhok, mamahalin ang suot, at bawat galaw ay may kasamang tikwas ng kilay na tila nagsasabing sanay na sanay siya sa karangyaan. May lamig sa mga mata nito, at may tikom na bibig na para bang handang bumuga ng reklamo anumang oras.

Pakiramdam ni Mira, kahit ang simpleng amoy ng pandesal ay isa nang malaking kasalanan sa harap ng ganoong uri ng tao. Diyos ko… bakit sa akin pa ito napunta? Mukhang masungit pa ata, bulong niya sa isip.

Ngunit bigla ring nanlaki ang mga mata ng babae at lumapit kay Mira, nakapamewang pa.

“Oh my God… it’s pandesal, am I right?” tanong nito, may halong gulat at interes.

“O-opo… pasensya na po kayo kung—” mautal na sabi ni Mira, pilit na itinatago ang supot sa likod.

Ngunit sa halip na mainis, ngumiti ang babae at marahang lumapit kay Mira.

“Oh, pandesal nga ang dala mo!” sabi nito nang mahinahon, may kakaibang init sa tinig. “Pwede ba… makahingi ng isang piraso? Gusto ko lang maranasan yung simpleng pagkain na katulad nito.”

“Po?!” napatingin si Mira, halatang nagulat.

Ngumiti ang babae habang tumingin sa pandesal. “Nanawa na rin ako sa mga pagkain abroad, at sigurado akong sobrang fancy rin ng pagkain dito sa hotel… pero gusto ko ring matikman kung anong lasa ng simpleng pagkain sa araw-araw.”

Biglang nagbago ang aura ng babae—ang dating mataray at istrikto awrahan niya kanina, ngayo’y may halong kabaitan at curiosity. Tila ba nais niyang iparamdam kay Mira na hindi siya dapat mangamba, at na kahit sino ay puwede niyang kausapin nang maayos.

Napangiti si Mira at bahagyang huminga nang malalim. Dahan-dahan niyang inilabas ang supot mula sa pagkakatago sa kanyang likod.

Ngumiti ang babae sa kanya, halatang napansin ang kaunting kaba sa mukha ni Mira.

“Sorry… did I scare you earlier?”

Napangisi si Mira at mahinang tumugon, sabay hina ng tingin:

“Medyo po… pero okay lang naman po. Kasalanan ko rin po kasi na nagdala po ako nito.”

Dahan-dahan niyang inabot ang supot ng pandesal.

“Ito po sa inyo… habang mainit pa po, at masarap pong ipartner sa kape iyan,” mahinahong sabi niya, bahagyang nanginginig ang kamay sa kaba.

“Oh, dear… thank you,” sagot ng babae nang may ngiti. Para sa kanya, tila may halong pagkamangha at pagkabighani sa simpleng galaw ni Mira—sa kabaitan at kasimplehan ng bata sa kabila ng kanyang kabataan at pagod.

Bahagyang tumango si Mira, at saka niya namalayan na tumatakbo na pala ang oras. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang galit na supervisor.

“Ayy, Ma’am… sige, kainin niyo po iyan. Tatapusin ko na po itong paglilinis ko,” mahinang paliwanag niya, sabay ngiti at pag-aalay ng pandesal sa babae, habang pinipilit ayusin ang sarili upang maging maayos ang silid.

Habang nakatingin sa babae, hindi maiwasang mapansin ni Mira ang makinis na kutis nito at ang eleganteng damit na halatang mamahalin. Sa sandaling iyon, biglang pumasok sa isip niya ang imahe ng kanyang ina.

“Ah, siguro sobrang saya ni Inay kung mabibili ko siya ng ganitong klase ng damit… kakaganda, kasing elegant ng suot ng kliyenteng ito. Haysss… kailan kaya mangyayari iyon?” bulong ni Mira sa sarili, sabay halungkat ng isang malalim na hininga.

Para sa isang sandali, naglakbay ang isip ni Mira sa isang mundo kung saan ang kanyang ina ay hindi na mag-aalala sa pera, kung saan ang bawat simpleng pangarap ay puwede niyang matupad—kahit sa pinakamaliit na paraan. Ngunit sa kabila ng pangarap na iyon, naroon pa rin ang katotohanan: gutom pa rin siya, pagod pa rin, at may trabaho pa siyang dapat tapusin.

Habang nagliligpit si Mira ng mga gamit at nilalagay sa kanyang basket, muling lumapit ang matanda sa kanya.

“Hija, ito naman sa’yo. Thank you sa mainit at masarap na pandesal ha,” sabi nito nang may ngiti, at iniabot ang halagang dalawang libong piso.

Nanlaki ang mga mata ni Mira.

“Po? Naku, huwag po, Ma’am!” halos tumalon ang puso niya sa sobrang gulat. Alam niya kung gaano kalaki ang halaga nito—hindi lamang para sa kanya kundi lalo na para sa gamot ng kanyang ina.

Ngunit sa kabila ng kabutihan, pinili pa rin niyang huwag kunin. Iniisip niya ang kanyang prinsipyo: hindi niya gusto na basta-basta tumanggap ng pera mula sa iba, kahit pa alam niyang makakatulong ito sa kanilang pangangailangan.

“Okay na, iha… pambili mo ulit ng pandesal,” sabi ng matanda, may halong pagpupumilit sa tono.

Dahan-dahan, iniabot ng babae ang pera sa kanya, subalit tahimik niyang itinago ang kanyang kamay sa likod, pilit binabalot ang sarili sa pagkapahiya at sa kanyang disiplina.

“Salamat po… pero hindi po talaga, okay lang po iyon, Ma’am,” mahinang sagot ni Mira, pilit pinipigil ang ngiti at ang kakaibang kilig na dala ng kabutihang ipinakita sa kanya. Ramdam niya ang init sa dibdib—isang halo ng hiya at tuwa.

Ngunit ngumiti ang matanda at nilibot ang paningin sa paligid.

“Ano ka ba, bata ka. Tsaka sulit din ‘yung serbisyo mo. Look, ang linis ng paligid,” sabi nito, halatang natuwa sa kasipagan at dedikasyon ni Mira.

Napangiti si Mira, bahagyang yumuko bilang pasasalamat. Sa simpleng papuri ng matanda, ramdam niya ang malaking gantimpala sa hirap at pagod ng kanyang trabaho—parang kahit maliit, napapahalagahan ang kanyang pagsisikap.

Napabuntong-hininga ang matanda nang mapansin ang tigas at prinsipyo ni Mira, at binalik ang pera sa wallet.

“Okay fine, but…” mahina niyang sambit, at agad pumunta sa maleta nito. Binuksan niya iyon, at inilabas ang ilang balot ng chocolate.

Nanlaki ang mga mata ni Mira sa tuwa, at pilit niyang pinigil ang pagtili.

“Hmm, mukhang ito ang gusto mo, hija,” wika ng matanda, may halong pagpapatawa at kabaitan sa boses.

“Dahil mabait ka na bata, may kapatid ka ba?” tanong pa ng matanda, habang maingat na sinusulyapan ang mukha ni Mira.

Umiling ang dalaga at bahagyang ngumiti, halatang nahihiya sa atensyon.

“Oh, heto,” sabi ng matanda, habang iniabot sa kanya ang paper bag na ilang balot na chocolate.

“Hala… ang dami naman po nito, Ma’am,” namangha si Mira, hindi maalis ang pagkagulat sa biglaang kabutihang natanggap mula sa matanda.

“Nahh!! Kunin mo na iyan, hija,” pakiusap ng matanda, may halong ngiti sa mga labi.

“Thank you po,” sagot ni Mira, sabay yuko nang magalang at pinilit itago ang kaba at tuwa sa kanyang mukha.

Bahagyang tumango ang matanda bilang tanda ng pagkakuntento at ngiti sa dalaga.

Dahan-dahan niyang nilakad ang corridor, iniwan ang Room 305, at huminga nang malalim sa labis na saya at pasasalamat. Sa labas ng silid, ramdam niya ang lamig ng aircon at tahimik na ambience ng hotel—ngunit sa kalooban, init ng kabutihan at pag-asa ang bumabalot sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY-ONE

    THIRD PERSON:Pagdating ni Dominic sa mansyon, sinalubong siya ng katahimikan. Unusual iyon para sa malaking sala ng kanilang bahay na kadalasang puno ng ilaw at alingawngaw ng boses ng mga katulong. Napatigil siya nang makita ang kanyang ina—nakaupo, nakataas ang kilay, at nakapulupot ang mga braso na para bang matagal nang naghihintay sa kanya. Iba ang awra ng mukha nito—seryoso, matalim, at halatang mainit pa sa pinagdaanang usapan.Nakatayo naman sa gilid ang kanyang ama, hawak pa ang tasa ng kape, tila kakagaling lang sa isang diskusyon kasama ang ginang.“Mom? Dad?” tawag ni Dominic, medyo nag-aalangan habang naglalakad papasok sa sala.“Buti naman at dumating ka na, Dominic,” baling ni Mr. Lim, malamig ang tono ngunit may bahid ng pagod.“Bakit, Dad? Anong nangyayari? Mukhang napaka-seryoso niyo naman ata ni Mom.” Pabiro pa niyang tanong, sinusubukan gawing magaan ang atmosphere, saka siya lumapit sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Ngunit nanatiling tahimik si Doña Cele

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY

    THIRD PERSON:“Bilang bahagi ng Hospitality Showcase, ipapakita natin sa VIP guests ang aming mga best-sellers—mula sa masasarap na appetizer, main courses, hanggang sa dessert. Sa ganitong paraan, hindi lang nila matitikman ang ganda ng hotel amenities, kundi pati ang culinary excellence na tanging La Tavola lang ang makapagbibigay,” paliwanag ng head chef, na isang half Italian, half filipino, habang pinapatingin ang buong management team sa eleganteng layout ng menu at presentation ng mga pagkain.Isa-isa niyang ipinakita ang ilan sa mga specialty ng restaurant: ang handmade gnocchi na may creamy truffle sauce, risotto na may seafood at saffron, wood-fired Margherita at Quattro Formaggi pizza, at ang tagaytay-inspired tiramisu. Ipinakita rin niya ang iba pang dishes—mga antipasti platter na puno ng prosciutto, mozzarella, at sun-dried tomatoes, pati na ang selection ng mga fresh salads at artisan bread.“Lahat ng ito ay inihahanda ng aming skilled chefs, gamit ang sariwang sangkap a

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:“Anak, nakakagulat naman ang amo mong iyon,” ani Aling Carmen habang papasok sila sa loob ng bahay. “Walang kaarte-arte, kahit halatang sanay siya sa marangyang buhay.”Napangiti si Mira at bahagyang tumango. “Sabi ko naman po sa inyo, Nay, mabait siya. Kahit noong una, paran masungit siya, pero habang tumatagal, iba pala ang ugali. Hindi niya ako tinitingnan na parang alalay lang.”Huminto si Aling Carmen sandali at tinitigan ang anak, bago ngumiti nang malapad. “Kung tutuusin, anak, maswerte ka rin. Hindi lahat ng amo, ganyan ang asal. Yung iba, kahit kapwa tao nila, tingin nila mababa kapag wala kang pera. Pero si Doña Celestine… iba. Ramdam kong may malasakit siya sayo.”Bahagyang napayuko si Mira, marahang kumapit sa braso ng ina. “Oo nga po, Nay. Kaya parang… kahit nakakapanibago, mas gumagaan yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya.”Napansin ni Aling Carmen ang kakaibang kislap sa mga mata ng anak, na para bang may iniingatang paghanga at respeto kay Doña Celesti

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagkatapos ng mahabang oras ng pamimili, dinala naman siya ni Doña Celestine sa isang mamahaling Italian restaurant. Sa unang tingin pa lang ni Mira sa loob, agad siyang napatigil—ang mga gintong chandelier na nakasabit, ang mamahaling carpet, at ang malalaking painting sa dingding ay halos hindi nagkakalayo sa pagka-elegante ng resto na dati niyang pinagtatrabahuhan. Ngunit may malaking pagkakaiba: doon, siya ang naglilingkod; dito, siya ang pinaglilingkuran.Nakasunod siya sa ginang habang inihahatid sila ng waiter sa kanilang reserved table. Pagkaupo, agad lumapit ang mga staff, sabay-sabay na maayos ang kilos—parang ritwal ng karangyaan. Isa-isang nilalatag sa kanilang harapan ang mga plato, baso, at kubyertos, at maya-maya’y dumating na rin ang iba’t ibang pagkain.Naamoy ni Mira ang nakakagutom na aroma ng pasta na may halong herbs, ang mainit na tinapay na may butter, at ang rich na sauce ng pizza na nilapag sa gitna ng mesa. Napakuyom siya ng palad at napakapit s

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Nasa kabilang boutique na sila, ngunit halata pa rin ang bahagyang inis ng ginang. Agad namang nagbago ang kanyang mood nang mapansin niya ang magalang na pagbati at maayos na paglapit sa kanila. Sa sandaling iyon, pinaupo na sila ng mga staff, at ramdam ang maingat na pag-aasikaso sa bawat galaw nila.Abala si Doña Celestine sa pagpili ng mga damit. Nakaupo siya sa upuan habang isa-isang ipinapakita ng mga staff ang mga naggagandahang disenyo. May ngiti sa labi ng ginang, at halata ang respeto at paggalang ng lahat sa loob ng boutique. Ang mga ilaw ay malambot at kumikinang sa mga mamahaling tela, habang ang mga shelves at racks ay maayos na nakaayos, na para bang bawat piraso ay isang alahas na ipinagmamalaki.Kung sa naunang pinuntahan nila ay mahigpit ang seguridad at tila may kayabangan ang mga empleyado, dito nama’y ibang-iba ang hangin. Malumanay, magiliw, at halos may halong pag-aalaga ang paglapit ng mga staff sa kanila. Halos nararamdaman ni Mira ang katahimikan

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SIX

    THIRD PERSON: Unang hakbang pa lang ni Mira sa loob ng engrandeng department store ay tila nanikip na ang kanyang dibdib. Kumikinang ang bawat sulok—mula sa malalaking chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa sahig na parang salamin kung saan malinaw na nakikita ang kanyang repleksyon. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin, dahil sa bawat gilid ay nakahilera ang mga mamahaling damit, sapatos, at bag na tanging sa mga magasin niya lang dati nakikita. Ramdam niya ang kaba sa dibdib. Para bang bawat segundo ay natatakot siyang may mahawakan o masagi at baka biglang mapresyuhan ng hindi niya kayang bayaran. Hindi ito ordinaryong lugar para sa kanya—ito ang mundo ng mga taong sanay sa karangyaan. Ngunit sa tabi niya, si Doña Celestine ay naglakad na parang reyna sa sariling palasyo. Maayos ang tindig, may kumpiyansa sa bawat galaw, at halos sabay-sabay ang pagbibigay-galang ng mga staff na agad yumuyuko at bumabati. “Good morning, Doña Celestine!” halos sabay-sabay na bat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status