Share

TWENTY-SEVEN

last update Huling Na-update: 2025-09-16 14:12:31

MONDRAGON SHIPPING COMPANY

"Hsssh!" Pagpapatahimik ng kambal sa sekretarya ng Mondragon Shipping Company nang tumayo ito upang batiin sana sila.

Nakagawa naman kasi sila ng plano habang nasa galaan. Bihira man itong nasa kapuluan gawa ng ito ang namamahala sa MARGARITA na pag-aari ng pamilya nila. Mabuti na kung dumadaong ito ng isang beses sa isang taon. Maliban na nga lang kung may gathering ang grupo nito. Kahit saang lulalop sila ng mundo kung may importanting okasyon ang bawat isa sa magkakaibigan ay susulpot ito upang daluhan ang mga kaibigan.

Gusto nila itong gulatin kaysa surpresahin upang hindi makatanggi sa kanilang paglalambing. Kaya sila nakaisip ng kalokohan. Patihaya silang pumasok sa opisina nito saka ganoon din sa paglapit sa lamesa nito.

"Hala, si Kuya, dinaig pa ang pulubi sa pagtratrabaho. Namumulubi ka na nga ba?" Nakahagikhik na panunutil ni Cassandra Keith sa binatang subsob sa trabaho.

"Grabe ka naman, kambal, pulubi agad-agad? Baka naman maaring busy lang siya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY-SIX

    FEW WEEKS later...Dahil na rin sa rin sa pakiusap ng mag-asawang Clarence at MaCon ay hindi na sumabay si Tommy sa batang amo. Pinaiwan nila ito dahil na rin sa burol ng panganay na kapatid. Kailangan nila ang tulad nito sa barko ngunit hindi kaya ng konsensiya nila na hayaan itong sasampang muli sa barko samantalang nakaburol pa ang kapatid nito."Magandang umaga, Boss, Ma'am." Magalang na pagbati ng binata sa mga amo. "Same to you, Hijo. Maupo ka." Masayang itinuro ng Ginang ang sofa.Kaso hindi pa man lumapat ang puwet ng binata sa upuan ay nanukso ang Ginoo."Huwag mong sabihing ipapahatid na kita sa New Zealand, anak? Aba'y baka ako ang multuhin ng kapatid mo kung gagawin ko iyan samantalang wala pang siyam na araw simula ng nailibing siya." Nakatawang pagbibiro ni Ginoong Clarence.Tuloy ay napakamot si Tommy sa ulo kahit nasa harapan siya ng mga Bosses niya. Ibubuka pa nga lamang niya ang labi upang sagutin sana ito ngunit ang dalaga naman ang nanukso."Hala ka, Kuya Tommy, n

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY FIVE

    NANG dahil sa pakiusap ng most trusted man nila sa barko ay pinuntahan ng mag-asawang Clarence at MaCon ang panganay na kapatid ng huli. Ngunit dahil na rin sa nabuo nilang plano ay hindi sila kaagad nagpakita bagkus ay sumunod sila sa takbo ng buhay."Pasok maupo kayong tatlo," wika ni MA sa mga tauhan ng kumpanya.Wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang dahilan kung bakit nakiusap sa kaniya ang bayaw na ipatawag niya ang magkakaibigan. Ganoon pa man ay sinunod niya. Maaring may sasabihin ito sa tatlo ngunit hindi maaring ipagsabi sa labas kaya't sa kaniya ito dumaan."Salamat, Boss. Subalit maari ba naming malaman kung bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Samson na agad sinundan ni Anjo."Tama si Engineer Reyes, Boss. May nilabag ba kami sa patakaran dito?" anito."Hindi ko alam, Boss, pero pakiramdam ko ay may importante kang sasabihin. Maari mo naman po kaming kausapin in public pero pinagreport mo pa kami rito," wika naman ni Romy.Wala siyang masabi sa mga ito. Dahil simula

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY-FOUR

    LUMIPAS pa ang mga taon sa buhay nilang mag-anak. Nag-asawa na nga ang panganay na si Brian Niel."Huwag kang magulo, kambal. Ano ba!" singhal ni Mariz Kaye sa kambal dahil nakikipag-agawan ito sa pamangkin nila. Hindi naman siya galit pero natatakot na baka mabitawan nila ang Baby Dragon. Lagot pa sila sa ama nitong Dragon at inang amazonang tigre."Kapag mahulog ang anak ko'y itatakwil ko kayong dalawa. Aba'y hindi n'yo na lang siya bantayan ng maayos. Baby pa lang iyan, hindi pa niya kayo tatakbuhan," sabi tuloy ni Brian Niel.Magkakatabi lang naman kasi sila. Maaring ibinalita na ng mga biyanan niya na nanganak ang asawa niya kaya't napasugod ang buong mag-anak, including Mang Carlito."Ay, ang harsh ni Kuya. Itong si Mariz kasi, ayaw ipahawak sa akin si Baby Dragon." Nakangiwing angal ni Cassandra.Tuloy!Kahit bagong panganak siya(Agatha) ay hindi niya napigilang napangiti. Natutuwa siya kahit noon pa sa kiti-kiting kambal kung tawagin ng asawa niya. Some sides of their persona

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY-THREE

    COUPLE OF WEEKS LATER! Sa mansion ng mga Herrera-Mondragon."Ano sa tingin mo, Honey?" tanong ni MaCon sa asawa."Hindi ako mapatingin sa iba, Honey. Dahil ikaw lang ay sobra-sobra ng nakakabusog sa mata ko." Imbes na sagutin ni Clarence ito ay bumanat.Tuloy!Napahalakhak tuloy ito na para bang teenager na kinikilig."Aba'y sinagot ko lang naman ang tanong mo, Honey."Napatawa na rin si Clarence dahil sa paghalakhak nito. Alam naman niyang hindi siya ang pinagtatawanan nito kundi ang banat line niya rito."Ikaw, Honey. Santisima ka namang tao ka, ang ganda ng tanong ko kaso sinagot mo naman ng banat lines. Kako ano sa tingin mo sa panganay natin." Itinakip pa nito ang palad sa bibig dahil hindi mapigilan ang sarili sa pagtawa.This time ay umayos ng pag-upo si Clarence, alam naman niyang iyon ang tinutukoy ng asawa pero ayaw din naman kasi nilang pakialaman ang tungkol sa personal na buhay ng kanilang mga anak."Sa tingin ko'y malapit na tayong magkaapo," parang wala sa sariling sam

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY-TWO

    "Baka naman tutuhanin na ng Kuya ninyong magalit sa inyo kapag malaman ang pinaggagawa n'yo?" Napailing si Clarence ng ipagtapat ng kambal ang kanilang plano. Wala na yatang makakatalo sa kakulitan nila."Believe me Daddy, hindi iyan magagawa ni Kuya Brian. Alam mo namang lambing-lambingin lang namin siya'y mapapangiti na," sagot ni Mariz habang nagniningning ang mga mata."Mag-ingat lang kayo mga anak at huwag magpahalata sa Kuya ninyo dahil ayaw kong iyan ang hindi ninyo pagkakaunawaan. Malalaman naman ninyo kung saan siya pupunta o kung sino ang engineer Agatha Pearl Bonifacio na iyan ng hindi kayo parang under cover diyan eh," sabad na rin ni MaCon. Wala na ring nagawa kundi ang sumang-ayun sa kalokohan ng mga anak."Don't worry, Mommy. We will." Halos hilain na ni Cassandra ang kakambal palabas ng bahay nila. Kailangang sundan nila ang Kuya BN nila upang malaman kung Ate Girl at Agatha Pearl ay iisa. Kaya naman lakad-takbo na rin ang ginawa nilang dalawa. Nasabi ng guwardiya na

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY ONE

    MAKALIPAS NG ILANG ARAW hindi naman nerbiyusong tao si Brian Niel pero habang papalapit ang private investigator na inupahan niya upang alamin ang katutuhanan sa ipinagtapat sa kaniya ng kambal niyang kapatid. Ngunit ng oras na iyon ay hindi niya maunawaan ang sarili na dinadagundong ng kaba ang dibdib niya."Sir, nandito na po ang private investigator." Tinig ng sekretarya niya."Let him come in," tugon niya."Okay po, Sir," sagot rin nito kahit nasa labas ng opisina niya ang lamesa nito.Kaso sa pagbukas ng pintuan ay sabay na pumasok ang mga magulang niya at ang private investigator."Nandito po pala kayo, Mommy, Daddy. Maupo po kayo." Sinalubong niya ang mga ito ng mainit na pagbati pagbati bago hinarap ang nakatayong PI sa tabi ng pinto."Come closer, Sir. Let's talk about your reports." Lumapit siya rito saka iginaya papalapit sa lamesa niya.Subalit bago pa ito makasagot ay nagsalita ang kaniyang ama."Mukhang wrong timing ang dalaw namin, anak. May bisita ka pala, mukha pa nam

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status