Napatulala na lamang si Keird Sendo sa dalawang bagong dating. Tinitigan niya nang matiim si Angela, hindi naman ito makatingin sa kanya nang derecho at nakayuko lamang fiance. Hindi niya alam kung sino ba sa kanilang dalawa ang kanyang unang kakausapin.
"Pare John Paul... baka naman may gusto kang sabihin sa pinsan ko ahh???" Inis na tanong ni Rovan.
"Hmm... Bro Keird mag-usap tayo, para maipaliwanang ko ang lahat sayo. " Kalmadong sabi nang kanyang bestfriend na si John Paul. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot dahil nabuhay muli ang sakit at galit sa kanyang puso. Pero nanatili pa riun siyang kalmado. At nilagok ang huling laman na beer sa baso at sumagot rito.
"Sige... mukhang madami dapat akong malaman, siguraduhin niyo lang na hindi na kayo magsisinungaling sa akin." Mariing sagot ni Keird Sendo na tumitis sa mga mata nila John Paul at Angela. Agad naman na umiwas si Angela dahil hindi niya matagalan ang nag- aapoy nitong mga mata dahil labis na galit nito.
Naunang naglakad si John Paul sa likod nang kanyang bar, nandun ang mini garden kaya walang makakarinig kung magsigawan man sila roon. Iniwan nila.. sila Angela at Rovan sa bar. Pagkaharap ni John Paul sa kanya nang nasa hardin na sila ay malakas niyang sinuntok ang mukha nang kanyang bestfriend kaya nagdugo ang ibabang bahagi nnag labi nito.
"Hayup ka JP... Tinuring kitang kapatid at pinagkatiwalaan kita sa lahjat annag bagay maging kay Angela. Ano bang meron sa inyo huh...???" Galit niyang sigaw at nanlilisik ang kanyang mata na tumungin sa dating bestfriend na tinuturing.
"I'm really sorry Keird... Hindi ko din mapigilan na tumibok ang aking puso para kay Angela. Lalo nang mangyari sa amin, gusto siyang panagutan. Nasasakal sioya sayo dahil sa pagiging mahgigpit mo sa kanya lalo na nag pigilan mo siya sa mga pangarap niyang mag- aral ng Fashion designer sa paris dahil ayaw mo siyang malayo sayo..." Mahinahon na sad ni John Paul.
"Fuck... fuck!... Ako pa pala ang nakakasakal at hadlang sa mga pangarap niya??? Eh di sana hiniwalayan niya na lang ako bago ang kasal namin, hindi yung ganito na nakipagrelasyon pa siya sayo at may nangyari na sa inyo...??? Kailan niyo pa ba ako niloloko ahhh..." Galit na tanong ni Keird Sendo na naghihinagpis ang puso dahil sa mga nalaman. Gusto niyang patayin ang taksil niyang kaibigan pero wala na siyang magagawa pa kung ito ang pinili nang kanyang dating kasintahan. Ang kailangan na lang niya sa ngayo ay closure para makamove- on na siya.
"Sorry pare... hindi ko rin ginusto ang mga nangyari naawa lang ako kay Angela hanggang sa mahulog na ang damdamin ko sa kanya." Paliwanag ni John Paul.
"Nauunawaan ko na... traydor ka talaga, kayong dalawa ni Angela. Hindi rin kayo liligaya kasi kung nagawa niya skin na magtaksil, hindi malabong gawin niya rin sayo. Mabuti nang habang hindi pa kami kasal ay siya na ang nagloko at pinakita niya ang kanyang tunay na pagkatao. Goodluck sa inyo pare, sana maging maligaya kayo habang buhay." Nakangising sagot ni Keird Sendo.
"Sendo... " Pagtawag ni Angela sa kanya.
"Oh mahal kong fiance... alam ko na ang lahat kaya hindi mo na kailangan pang magpaliwanag." Sagot niya sa dati niyang nobya.
"Patawarin mo kami Keird... sana maunawaan mo ako na hindi po ako handang magpakasal at may mga pangarap ako na gusto kong matupad." Paliwanag ni Angela sa kanya.
" Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ngayon pumili ka na sa amin ni JP. Mag- sama na kayong dalawa, simula din ngayon hindi ko na kayo kilala at kakalimutan ko na kayo. Mas okey na din dahil mahirap din na magsisi ako sa bandang huli kung ikaw nakatuluyan kong maging asawa." Masakit na pang-iinsulto niya kay Angela at liniwan na ang mga ito para lisanin na ang lugar na iyon dahil alam alam na niya ang lahat.
Nakaabang na sa kanya si Rovan para alamin ang naging pag- uusap nila nang kanyang bestfriend at taksil na kasintahan. Pero wala pa siya sa mood para ikwento sa pinsan ang tungkol rito, kaya inaya na lamang niya ito na lumipat sa ibang bar.
Nang makarating na sila sa bar ay agad na umorder si Keird Sendo nang mga alak at kanilang pulutan. Pagdating nang kanilang order ay agad niya inisahan tunggga ang alak sa kanyang harapan.
"Hinay-hinay ka lang Sendo... Pwede mo naman ikwento sa akin para kahit paano ay mabawasan yang bigat na nararamdaman mo." Paalala sa kanya nang kanyang pinsan.
"Kailangan ko pa ikwento sayo insan...??? Napanood mo na siguro ang mga dahilan nila sa teleserye, napakababaw... " Natatawang saad ni Keird Sendo.
"Talaga napakababaw ba...??? Pero mas exciting kasi kung ikaw ang mag-kukwento sa akin." Pabirong sabi ni Rovan na napapailing pa.
"Loko ka talaga... pero sige para na din sa ikakagaan nang loob ko. Nasasakal sa relasyon namin si Angela at may mga pangarap pa daw siya na gustong matupad. Hindi pa siya handang mag- asawa at makasal sa akin." Napapa- iling na lamang na kwento ni Keird Sendo at tumingin sa mata nang kanyang pinsan.
"Kung yun ang dahilan ni Angela.. pwede naman na kausapin ka niya na maghintay ka pa na maging handa siya, hindi yung nakipagrealsyon pa siya sa bestfriend mo. Malandi talaga siya at hindi siya kuntento sayo couz. Kaya mabuti nang siya ang nagloko at nalaman mo nang hindi pa kayo kasal para hindi ka nagsisi sa bandang huli.
"Tama ka... wala siyang kwentang babae, hindi na dapat pang pahinayangan." Napangising saad ni Keird at nilagok ulit ang kanyang alak.
Lumalim pa ang gabi at nag- inom lang sila hanggang sa malasing na si Keird Sendo. Nang may tumawag sa kanyang telepono... si John Paul ang kanyang taksil na bestfriend.
"Hello Jp... mahal kong taksil na bestfriend....!" Galita na sagot niya sa kabilang linya.
"Keird... patawarin mo sana kami, aalis na kami papuntang paris para doon ipagpatuloy ang mga pangarap ni Angela. " Kalmadong paalam ni John Paul sa kanyang bestfriend.
"Gawin niyo ang gusto niyong gawin... Limot ko na kayo sa buhay ko.. Sana maging maligaya kayo!" Galit na sagot ni Keird Sendo at binalibag ang kanyang celphone sa sobrang galit.
"Ang kapal nang mukha mo na tumawag pa para sabihin na pupunta na kayong paris.! Pinapamukha niyo pa sa akin na wala akong kwentang lalaki. hah!.." Galit na galit siya nang marinig yun kay Jp sobra siyang naiinsulto kaya pinaghahagis niya lahat anang makita niya sa lamesa at nagwala siya sa loob nang bar.
"Keird Sendo!... Stop that... tama na lasing kana... uuwe na tayo." Pag- awat ni Rovan sa kanyang pinsan kaya inalalayan na niya itong lumabas.
Nag- abot na lamang siya nang pera sa waiter para kabayaran sa kanilang nainom at mga nadamage ni Sendo. Nang makarating sila sa parking lot ay nagsisigaw pa ito at nagwala, pero agad din mahimasmasan nang binuhusan siya ni Rovan nag tubig.
"Tumigil ka na Sendo!... Hindi na ako natutuwa..." Galit na sigaw nito sa kanya. Kumalma naman si Keird Sendo.
"Pasensiya insan... Pero ang sakit pa rin pala..." Malungkot na sabi niya.
"Kailangan mo nang tanggapin na hindi na siya babalik pa sayo at kailangan mo nang magmove -on." Paalala anang kanyang pinsan.
"Tama ka... hayyy... gusto na lang umuwe at magpahinga para sa bagong araw bukas."Mahinang sagot niya at nauna nang maglakad papunta sa kanyang kotse.
"Sigurado ka ba na kaya mo mag- drive...????" Kinakabahang tanong ni Rovan sa kanya.
"Oo naman couz..." Sagot niya sa kanyang pinsan.
"Okey sige... basta mag- iingat at dahan- dahan ka lang." Paalalani Rovan sa pinsan.
Habang nasa biyahe ay nakaidlip si Rovan, si Keird Sendo naman ay nilalabanan ang kanyang antok. Nakapula ang signage pero ang paningin nya ay kulay green kaya naggo siya nang may tumawid na isang babae at nabundol niya ito. Siyang gising naman ni Rovan dahil sa pagbiglaang preno ni Keird Sendo.
"Anong nangyari Keird...???" Gulat na sigaw nito.
"May nabundol akong babae... " Kinakabahan na sagot niya sa pinsan.
"Ano Sendo... sabi ko mag- iingat ka diba.." Sigaw ni Rovan sa kanya at agad na lumabas nang kotse para tingnan ang nabundol nito, maging siya ay lumabas din.
"Couz... napuruhan mo yata ang babae." Ani ni Rovan.
"Tulungan natin at dalhin natin sa malapit na ospital. "Agad niyang sagot kaya pinagtulungan nilang buhatin ang babae.
Nang maisakay nila ay si Rovan na ang nag- drive at tinawagan naman ni Keird Sendo ang kanyang secretary para papuntahin sa ospital.
"Mukhang bata pa ang nasagasaan mo, at matindi ang tama. Anong gagawin natin nito..???" Saka na natin isipin yan ang mahalaga mailigtas muna natin siya.
Inihinto ni Keird Sendo ang kanyang sasakyan sa harap ng gate ng kanyang private resort sa batangas. Siya lang ang nakakaalam ng lugar na iyon dahil ang lugar na iyon ang kanyang safe haven. Kapag gusto niyang magbakasyon at peaceful na moments ay dito siya nagpupunta. May care taker siya dito si Celso na dati niyang kababata, ito rin ang dahilan kaya nalaman niya ang resort na ito. Tinawagan niya ito kanina pa, para ipaalam na darating siya kasama niya ang kanyang asawa. Kaya naghanda na din ito ang ang asawa nitong si Mila."Nasaan po tayo sir Keird...??? Seryosong tanong ni Alyanah sa kanyang masungit na amo."Stop calling me sir Alyanah!" Iritableng sigaw ni Keird Sendo at sinamaan ng tingin ang dalaga. Napatigil na lamang si Alyanah at nanginig ang katawan niya sa takot sa kanyang binatang amo. At napayuko na lamang siya hindi na muli pang tumingin samga mata nito." Pasensiya po... tatandaan ko po." Mababang boses at nanginginig na sagot ni Alyanah kay Keird Sendo. Wala siyang
Nasa mansiyon na si Keird Sendo nang mapansin n iya na walang tao, kaya agad niyang hinanap si Alyanah. Pinuntahan niya agad sa silid nito si Alyanah, pero wala pa rin ang dalaga doon. Kaya agad niyang kinuha ang kanyang celphone at i- dinial ang numero nito at tinawagan ..."Hello po sir Keird Sendo..." Sagot ni Alyanah kanyang boss na tumatawag."Alyanah!... Nasaan ka ba ahhh... Umalis ka ng bahay na hindi man lang nag- papaalam ahh." Galit na sigaw ni Keird Sendo."Pasensiya po sir nandito po ako sa mansiyon ng mga magulang mo. Sinundo po nila ako kanina dahil may may mahalaga daw po kayong panauhin rito. Nandito po ako at tumutulong sa paghahanda." Kinakabahan na paliwanag ni Alyanah."Ako lang ang may karapatan na mag- utos sayo Alyanah! Wala akong pakialam kahit sino pa yang importante na panauhin nila. Dito ka lang dapat sa mansiyon nagsisilbi...!" Galit na sagot ni Keird sa kabilang linya."Pasensiya na po boss... sige po magpapaalam lang ako sa kanila." Mababang boses na saa
"Rovann saan ba tayo pupunta???" Pagtatakang tanong ni Keird Sendo."Couzin... Pupuntahan natin yung shaman o espiritista,, na mag- babalik ng kaluluwa ni Alyanah sa kanyang katawan..." Sagot ni Rovann sa kanyang pinsan."Akala ko ba nextweek na natin pupuntahan...??? Gusto ko pang matulog insan. Napuyat ako kagabi nang puntahan natin ang katawan niya na comatose pa." Sagot ni Keird Sendo."Couz.... Hindi tayo pwede mag- sayang ng oras kailangan mailisgtas mo si miss Alyanah. " Pag- kumbinsi ni Rovann sa kanyang pinsan na si Keird Sendo,"Oo nga pala Rovann... pakihintay ako, maliligo lang ako ahhh..." Dito ka lang huwag ka magsasabi ng kahit na ano kay Miss Cupid ahhh..." Mahigpit na bilin ni Keird Sendo kay Rovann."Okey insan... Gets ko... no problem." Agad na sagot ni Rovann sa kanyang pinsan. Umakyat nang muli si Keird Sendo sa kanyang kwarto para maligo at magbihis, pero napadaan siya sa kwarto ni Alyanah, nakadapa itong natutulog sa kanyang kama at nakahantad ang makinis at m
Nasa private office si Keird Sendo ng kanyang mansyon, naalala niya ang kanyang nabundol five years ago. Ang alam niya ay naitago niya ang student id nito , kaya hinanap niya sa kanyang drawer. Ang sabi ng kanyang ama at pinsan na si Rovann ay ligtas buhay ang dalaga na na aksidente na nasagasaan noon. Sobrang lasing siya nung gabi na yun, dahil sa hindi pagsipot ka kanilang kasal ni Angela. Ayaw niya na sana pang balikan ang mga nakaraan pero parang may nag- uutos sa kanyang isip na hanapin muli ito. Agad naman niyang nakita ang id nito, at sobra siyang nagulat dahil ang mga mata ng babae ay naalala niya kung kanino niya rin ito nakita. Mga mata ni Alyannah, mga mata nitong mabibilog at mahaba ang mga pilik mata na animo na laging nangungusap. Napa- isip siya na kung naging anghel ito maaring siya ang naging dahilan upang maging anghel ito. Maaring namatay ito noon kaya naging angel cupid na ito ngayon. Tumulo ang kanyang mga luha may nawalan ng buhay dahil sa kayang kapabayaan. Maar
Nasa grocery store na si Keird Sendo... Para ibili ng napkin si Alyanah pero ang dami palang brand at klase nito meron pang with wings. breatable, night pinili na lang niya yung naalala niyang ginagamit ng kanyang kapatid na si Khylee. Bumili na din siya wipes para kay Miss Cupid. Kahit pinag-titinginan siya ng mga staff at cashiers doon ay wala siyang pakialam, customer din siya na may importanteng bibilhin."Miss excuse me." Saad niya sa cashier na nasa counter, para bayaran na ang kanyang mga bibilhin."Okey sir... One hundredv twenty- eight pesos only." Sagot ng cashier pag-katapos mai- punched lahat ng kanyang bibilhin. "Here's my payment.,..miss" Pag- abot niya sa bayad at kinuha na niya ang kanyang mga pinamili para kay Alyanah."Ang pogi noh at brusko. Ang sweet naman niya sa girlfriend niya, hindi siya nahiya na bumili ng sanitary napkin." Bulong ng cashier sa kanyang bagger. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Keird Sendo, pero derecho lang siyang lumabas sa supermarket
"Okey ka na ba Miss CUPID???" Tanong ni Keird Sendo kay Alyanah. "Opo... Sir okey na po ako, mejoh sinisinok pa rin ako." Sagot niya sa binata. " Tara na punta na tayo sa mall, may bibilhin lang ako." Saad ni Keird Sendo. "Sige po sir Keird..." Sagot niya. Naglakad na sila papunta sa malapit na mall. Nagkakailangan pa sila habang sabay na naglalakad. Nang mahuli sa paglalakad si Keird Sendo ay pinagmasdan niya ang dalaga habang naglalakad, may nakasabay siyang lalaki at tinitingnan nito si Miss Cupid na may pagnanasa. Kaya sinabayan niya ang dalaga at hinawakan nito ang kamay ng dalaga at pinisil pa ang kamay nito. Nilingon niya ang lalaki at sinamaan niya ito ng tingin. Si Alyanah naman ay nagulat sa ginawa nito, kaya napatingin din siya sa tiningnan ng binata. Nakita niya ang isang lalaki na umiwas sa kanila ng tingin. Napangiti naman siya, at hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay ng binata at lumapit pa siya rito. "Ahk... ahk..." Pagsinok niya at nahiya kay Keird Send