Share

MY BOSS, MY SECRET HUSBAND
MY BOSS, MY SECRET HUSBAND
Author: GirlonFire28

CHAPTER 1

Author: GirlonFire28
last update Huling Na-update: 2025-07-24 12:52:54

AMAYA'S POV

HINDI NA ako makahinga sa sobrang pag-iyak habang kausap ang nobyo kong si Anthony. Hindi ako makapaniwala na ang masayang date namin kagabi ay mauuwi sa isang bangungot at napakasakit na pangyayari. Habang papauwi na kami ay bigla kaming sinalubong at hinarangan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Tinangka nila akong gawan ng masama, pero hindi ako pinabayaan ni Anthony.

Iniligtas niya ako sa kamay ng mga lalaking 'yon. At sa pagliligtas niya sa akin, napatay ni Anthony ang isa sa kanila at 'yon ang dahilan kung bakit ngayon ay nakakulong siya.

"Sshh! Please, don't cry." Pag-aalo niya sa akin.

Ngunit sa halip na tumigil, mas lalo lang akong napaiyak dahil wala man lang mababakas na pagsisisi sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba balewala sa kaniya kung ngayon ay nakakulong siya.

"I'm sorry. I'm sorry, Anthony. Sana hinayaan mo na lang ako--"

"Sshh." Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo sa labi ko. "Huwag na huwag mo nang uuliting sabihin 'yan." Hindi 'yon pakiusap kundi isang utos.

"Anthony..."

"Hindi ko pinagsisisihang iniligtas kita sa mga hayup na 'yon. Mahal na mahal kita, Amaya, at hindi ako makapapayag na mapahamak ka lalo na kung kasama mo ako. Hindi ko pinagsisisihang nakapatay ako para sa 'yo."

Mga salitang mas lalong nagpalakas ng iyak ko. Dahil na-realize ko kung gaano ako kamahal ng nobyo ko. Handa siyang pumatay at mamatay para sa akin. At napakasuwerte ko sa kaniya dahil doon.

"Sshh, tahan na." Masuyong pinalis ni Anthony ang mga luha ko, saka sinapo ang mukha ko.

Puno ng pagmamahal niya akong tiningnan sa aking mga mata. "Anthony..."

"Mahal na mahal kita, Amaya. At palagi mong tatandaan na wala akong nararamdamang pagsisisi na nandito ako ngayon. Mas pagsisisihan ko kung hinayaan kitang mapahamak sa mga lalaking 'yon na wala man lang akong nagawa para iligtas ka."

Napahikbi ako sa sinabi niya.

"Huwag ka ng umiyak. Makakalabas din ako rito. Baka matagalan, pero makakalabas ako at kapag dumating ang araw na 'yon, magpapakasal na tayo. Okay?" Puno ng pag-asa niyang sabi.

Hilam ng luha na tumango ako at mahigpit na yumakap sa kaniya.

"Mahal na mahal kita, Amaya," sabi niya habang yakap-yakap ko siya.

"Mahal din kita, Anthony. Mahal na mahal..."

"Mag-iingat ka palagi habang wala ako sa tabi mo, ha?"

Tumango ako at hindi na nakapagsalita pa. Yakap ko lang siya. At kagaya ko, umiiyak na rin siya dahil nabasa ang balikat ko.

Ayoko pa sanang bumitaw sa kaniya, pero may lumapit na sa amin at sinabing tapos na ang oras ng dalaw. Na kailangan ko na raw umalis at bumalik na lamang bukas.

Napilitan akong bumitaw kay Anthony.

"Umuwi ka na, ha? Mag-iingat ka." Bilin ni Anthony at masuyo akong hinalikan sa noo.

"Babalik ako bukas. Pangako, makakalabas ka rito. Ako mismo ang titistigo na wala kang kasalanan. Na iniligtas mo lang ako kaya mo siya napatay." Pangako ko.

"Huwag mo 'kong mas'yadong alalahanin dito. Ang gusto ko, umuwi ka ng ligtas at magpahinga. Hindi ako makikipag-usap sa 'yo bukas kapag mugto pa rin ang mga mata mo, Amaya."

Napalabi ako.

"Sige na, lumabas ka na. Babalik na ako sa loob." Taboy niya.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Pero bago 'yon, minsan ko pang niyakap si Anthony at nangakong gagawa ako ng paraan para makalaya siya agad.

PALABAS na ako ng presinto kung saan nakapiit si Anthony nang makasalubong ko ang kapatid niyang babae. Ang ate niya na simula nang maging kami ni Anthony ay ramdam ko na ang disgusto niya sa akin.

"Ate Verly--"

"Huwag mo akong ma-ate-ate, Amaya. Hindi kita gusto para sa kapatid ko."

Nagulat ako. Dahil ito ang unang pagkakataon na diretsa niyang sinabi ang bagay na 'yon sa akin. Dati hanggang paramdam lamang siya, pero ngayon diretsahan na.

"I'm sorry. Hindi ko gustong mangyari ang lahat ng ito, Ate. Alam mong mahal ko ang kapatid mo--"

She cut me off. "Letsing pagmamahal mo 'yan. Dahil sa 'yo palagi na lang inaabot ng malas ang kapatid ko. Hindi mo pa ba nahahalata na ikaw ang malas sa buhay ni Anthony?"

"Ate!" Nabigla ako. "Hindi totoo 'yan.

"Hindi totoo? Kaya pala simula nang maging kayo, hindi na siya nawalan ng problema! At ikaw ang malas sa buhay niya. Kung hindi dahil sa 'yo, wala siya dito ngayon sa kulungan! Hindi sana inatake sa puso ang papa namin." Tahasang paninisi sa akin ng ate Verlyn ni Anthony.

"I-Inatake sa puso si Tito Benson?" tukoy ko sa ama nila.

"Oo! At kasalanan mong lahat 'to. Kung hindi mo isinama sa letsing date na 'yan ang kapatid ko, sana hindi siya nakapatay! Sana hindi siya nakulong! Sana hindi nalagay sa peligro ang buhay ng papa namin!"

"Wala akong kasalana--" lagapak ng palad ni Ate Verlyn ang nagpatigil sa pagsasalita ko.

Natigalgal ako. Hindi agad nakahuma dahil sa pamamanhid ng pisngi ko na dalawang beses niyang sinampal. Hindi pa siya nasiyahan, pinagmumura niya ako sa harap ng mga tao. At paulit-ulit na sinabing malas ako sa buhay ng kapatid niya.

Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang pamamahiyang ginagawa niya dahil nang subukan kong ipagtanggol ang sarili ko, binantaan niya ako na hindi na makababalik dito para madalaw ang kapatid niya.

Sa loob ng tatlong taong relasyon kay Anthony, ngayon ko lang nakitang ganito kagalit sa akin ang kapatid niya.

At hindi lang pala ang kapatid niya dahil nang araw ding 'yon, pinuntahan ko sa hospital ang mga magulang niya. Ngunit kagaya ni Ate Verlyn, sampal at mura ang napala ko sa mama ni Anthony.

"Tita Flor, I'm sorry--"

"Hindi ko kailangan ang sorry mo, Amaya! Ang gusto ko, gumawa ka ng paraan para makalaya ang anak ko! Kung kinakailangang akuin mo ang nagawa niya, gawin mo!" Galit na galit niyang sabi sa akin.

"Tutal, ikaw naman ang dahilan kung bakit siya nando'n, hindi ba? Gawan mo ng paraan na makalaya ang anak ko dahil kung hindi, hindi ka na makakalapit sa kaniya kahit kailan! Buwisit ka! Malas ka talaga sa buhay ng anak ko!"

Umiiling-iling ako. Pinabulaanan ang mga paratang niya, pero pinagmumura ako ni Tita Flor.

Hiyang-hiya ako sa mga taong nakakarinig ng mga pinagsasabi niya. Kung hindi pa dumating ang bunsong kapatid na lalaki ni Anthony ay hindi ako titigilan ng mama niya.

"Ma, ano ba 'to? Bakit kayo nag-iiskandalo dito? Hospital ito at hindi palengke." Awat ni Frank sa sariling ina. At pagkuwa'y humingi ng paumanhin sa akin.

"Bakit ka humihingi ng paumanhin sa babaeng 'yan?" Angil ni Tita Flor sa anak.

"Ma, nakakahiya. Ang daming tao, oh. Nakakaiskandalo na kayo sa ibang pasyente dito--"

"Wala akong pakialam, Frank! Gusto ko lang malaman ng babaeng 'yan na ayoko sa kaniya dahil malas siya sa buhay nating lahat! Lalo na sa buhay ng kuya Anthony mo."

"Ma, girlfriend ni Kuya 'yang sinasaktan at ipinapahiya n'yo. Sa tingin n'yo ba, matutuwa siya kapag nalaman niya ito?" ani ni Frank.

Matalim akong tiningnan ni Tita Flor bago nagbanta. "Subukan mong magsumbong sa anak ko, Amaya."

"Ma, tama na nga 'yan." Awat ni Frank sa ina at inilayo na ito sa akin.

Habang sinusundan sila ng tingin, nakaramdam ako ng panliliit dahil wala man lang akong nakuhang simpatya mula sa pamilya ni Anthony. Sa halip ay puro galit at paninisi sa nangyari.

Sa tatlong taon namin ni Anthony, hindi lingid sa akin na hindi ako gusto ng pamilya niya para sa kan'ya. Ibang babae ang gusto nila para kay Anthony, pero dahil mahal namin ang isa't isa, hindi nila kami napigilan.

Akala ko nga, unti-unti na nila akong natatanggap dahil kahit papa'no maayos na ang pakikitungo nila sa akin kapag nasa bahay nila ako. Pero ngayon ko napatunayan na hindi pa rin pala. Na hanggang ngayon, ayaw pa rin nila sa akin para kay Anthony. At dalawa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ayaw nila sa akin. Una, dahil may ibang babae silang gusto para kay Anthony. At pangalawa, dahil alam nilang hindi ako tunay na anak ng mga kinilala kong magulang.

Mapait akong napangiti. Kasalanan ko bang naging ampon ako? Kasalanan ko bang iniwan ako ng tunay kong pamilya at ipinaampon ako?

Mabigat ang loob na nilisan ko ang hospital. Nasasaktan ako. Hindi naman ako bato para hindi maapektuhan sa mga sinasabi nila sa akin.

"Ate Amaya!"

Napahinto ako sa pagtawid sa kabilang side ng kalsada nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Frank, patakbong lumapit sa akin. "Frank."

"Ate, mabuti naabutan kita." Panimula niya, habol pa ang paghinga dahil sa pagtakbo.

"Bakit?" Malungkot kong tanong.

"Gusto kong humingi ng pasensya sa ginawa ni Mama sa 'yo kanina. Hindi niya dapat ginawa sa 'yo 'yon. Kapag nalaman 'yon ni Kuya Anthony, magagalit siya kay Mama." Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Hindi niya malalaman, Frank. Hindi na 'yon kailangang malaman ng kapatid mo. Hindi naman makakatulong 'yon."

"Salamat, Ate Amaya. Pasensya ka na talaga sa ginawa at nasabi ni Mama, ha? Sana 'wag mo nang mas'yadong damdamin 'yon."

"Oo naman." Maikling sagot ko.

Hinawakan ni Frank ang kamay ko at sinabing kakampi niya ako. Na hindi siya galit sa akin. Na hindi niya ako sinisisi sa nangyari sa kapatid niya.

Napaiyak ako. Dahil sa wakas, nakuha ko 'yong simpatyang kailangan ko para kahit papa'no ay lumawag ang dibdib ko.

Niyakap ako ni Frank. "Malalampasan n'yo 'to ni Kuya, Ate. Kayo pa ba? Mahal na mahal n'yo ang isa't isa."

Napangiti ako. "Salamat, Frank. Salamat sa simpatya. At pangako, gagawin ko ang lahat para makalaya ang kapatid mo."

Naghiwalay kami ni Frank nang araw na 'yon na dala-dala ko ang pangako kong gagawin ang lahat para kay Anthony. Oo, lahat.

PAG-UWI KO SA bahay, eksaktong naroon ang kaibigan kong si Pat. Sa kaniya ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa pamilya ni Anthony.

"Mga tanga sila. Bakit ikaw ang sisisihin nila sa nangyari? Ginusto mo ba 'yon?!" Galit na sabi niya.

"Sobrang makikitid ang mga utak! Naturingang may mga pinag-aralan, pero mga ungas! Hmmp! Nanggigigil ako sa mga 'yan." Gigil niyang dagdag.

"Kailangang malaman ni Anthony ang ginawa sa 'yo ng ate at nanay niya! Sino sila para pagbuhatan ka ng kamay?! Mga animal!"

Sa kabila ng sakit, natawa ako. Para kasing gusto nang pumatay ng kaibigan ko.

"Kuhang-kuha talaga ng mag-inang 'yan ang gigil ko. Matagal na nilang ayaw sa 'yo, pero makulit ka. Isinisiksik mo pa rin ang sarili mo sa pamilyang iyon."

"Mahal ko si Anthony, Pat."

"Alam ko. Pero ang hirap pakisamahan ng pamilya niya. Paano na lang kapag nagkatuluyan kayo?"

"Ayoko na munang intindihin 'yan. Ang kailangan ko, magaling na abogado para kay Anthony."

"Kung magaling na abogado din lang naman ang kailangan mo, isang tao lang ang kilala ko na puwede mong lapitan."

Mula sa pagkakahiga, napabangon ako bigla. "Talaga? May kilala ka?"

"Kilala mo rin siya."

Kumunot ang noo ko. "Kilala ko?" Tumango siya. "Sino?"

"Si Atty. Nicholas." Puno ng pagmamalaki na sagot ni Pat.

"Atty. Nicholas?"

"Ay, gaga! Nakalimutan mo na ba? 'Yong anak ni Donya Martina San Martin! 'Yong guwapong lalaki na sinilipan natin dati doon sa batis."

"Sinilipan sa batis?" Hindi ko pa rin ma-recall sa isip ko.

"Oo, gaga. Natatandaan mo ba 'yong umakyat tayo sa puno ng santol? Tapos habang nasa taas tayo, biglang may tumalon sa batis. Iyong biglang naghubo, at kitang-kita natin ang puwet kaya ka nahulog, 'di ba?" Sa pag-alala ni Pat sa eksenang 'yon.

Unti-unting luminaw sa akin ang nakaraan. Natatandaan ko na. Dahil 'yon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng hotdog ng lalaki. I was fifteen back then.

"Abogado na siya?" Wala sa loob na tanong ko.

"Yep. Hindi lang basta abogado, magaling na abogado, Amaya. Mag-research ka tungkol sa kaniya at masa-shock ka sa mga achievement niya. Malalaking kaso ang mga naipanalo niya. Palibhasa focus ka kay Anthony, hindi ka na aware sa mga ganap dito sa lugar natin."

"Kailangan ko siyang makita, Pat. Tulungan mo ako." Hiling ko.

"Sure, besty. Balita ko kay Nanay, may gaganaping selebrasyon sa mansyon ng mga San Martin. At uuwi ang mga anak ni Donya Martina. Mga anak, meaning ando'n si Atty."

Sa sinabing 'yon ni Pat, agad akong nagdesisyon. "Pupunta ako do'n. Kailangan ko ang tulong niya."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Hailey Carson💖
Welcome Aboard Angkol, Nicho & Amaya! 7/31/25
goodnovel comment avatar
Hailey Carson💖
Thank you Ms Lei.🤍🫰🫰
goodnovel comment avatar
Hailey Carson💖
Aww! kawawa Naman si Amaya! pero natawa ako sA nahulog Ka sa santol, yarn Kasi naninilip eh Haha. .
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 3

    AMAYA'S POV "ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda. Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman na itong dating magubat na lugar na ito ay hacienda na pala. "Paulit-ulit, 'Nay? Parang kanina n'yo pa sinasabi 'yan, ah." Reklamo ni Patricia sa ina. "Kailangan kong ulit-ulitin dahil kapag nakakakita ka ng guwapo, umiiral 'yang kalandutayan mo." Sikmat ni Tita Paula sa kaibigan ko. Napasimangot si Pat. "Grabe ka naman, 'Nay. Kung makapagsalita naman kayo, parang hindi n'yo ako anak, ah." "Kaya nga ako nagsasalita ay dahil anak kita. At kilala kita, Patricia." "Sus. Ito namang nanay ko, oh. Mas'yado kayong mahigpit sa akin. Diyos ko, Paula, bente-singko na itong anak mo, hayaan mo nang kumarengkeng paminsan-minsan." Pagbibiro nito. Sinabunutan siya ni Tita Paula."Matanda

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 2

    AMAYA'S POV "Walang piyansa?" Halos gumuho ang mundo ko nang sa muli kong pagbisita kay Anthony sa kulungan ay sumalubong sa akin ang masaklap na balita. "Oo, Amaya. H-Hindi nila ako pinayagang makapagpiyansa para pansamantalang makalaya habang hinaharap ang kaso ko." Kuwento ni Anthony habang tumututo ang masaganang luha. Umiiling-iling ako. "Hindi totoo 'yan, Anthony. Sabi ni Atty. Santiago, malakas ang laban natin dahil sa salaysay ko." Tukoy ko sa abogadong may hawak ng kaso niya. "Nakausap ko lang siya kahapon. Kaya paanong walang piyansa? Sinigurado niyang malakas ang laban natin, Anthony." Bahagyang tumaas ang boses ko. Kasi paanong walang piyansa? Kausap ko lang kahapon ang abogado niya at malinaw ang sinabi niyang malakas ang laban namin dahil sa salaysay ko. At dahil doon kaya kagabi ay nakatulog ako nang mahimbing. Asang-asa na rin ako na hindi ko na kailangan ang tulong ni Atty. Nicholas San Martin. Pero ano 'to? "Ayokong mag-isip ng masama laban kay Atty. S

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 1

    AMAYA'S POVHINDI NA ako makahinga sa sobrang pag-iyak habang kausap ang nobyo kong si Anthony. Hindi ako makapaniwala na ang masayang date namin kagabi ay mauuwi sa isang bangungot at napakasakit na pangyayari. Habang papauwi na kami ay bigla kaming sinalubong at hinarangan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Tinangka nila akong gawan ng masama, pero hindi ako pinabayaan ni Anthony. Iniligtas niya ako sa kamay ng mga lalaking 'yon. At sa pagliligtas niya sa akin, napatay ni Anthony ang isa sa kanila at 'yon ang dahilan kung bakit ngayon ay nakakulong siya. "Sshh! Please, don't cry." Pag-aalo niya sa akin. Ngunit sa halip na tumigil, mas lalo lang akong napaiyak dahil wala man lang mababakas na pagsisisi sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba balewala sa kaniya kung ngayon ay nakakulong siya. "I'm sorry. I'm sorry, Anthony. Sana hinayaan mo na lang ako--" "Sshh." Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo sa labi ko. "Huw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status