Share

CHAPTER 2

Author: GirlonFire28
last update Last Updated: 2025-07-24 15:37:21

AMAYA'S POV

"Walang piyansa?" Halos gumuho ang mundo ko nang sa muli kong pagbisita kay Anthony sa kulungan ay sumalubong sa akin ang masaklap na balita.

"Oo, Amaya. H-Hindi nila ako pinayagang makapagpiyansa para pansamantalang makalaya habang hinaharap ang kaso ko." Kuwento ni Anthony habang tumututo ang masaganang luha.

Umiiling-iling ako. "Hindi totoo 'yan, Anthony. Sabi ni Atty. Santiago, malakas ang laban natin dahil sa salaysay ko." Tukoy ko sa abogadong may hawak ng kaso niya. "Nakausap ko lang siya kahapon. Kaya paanong walang piyansa? Sinigurado niyang malakas ang laban natin, Anthony." Bahagyang tumaas ang boses ko.

Kasi paanong walang piyansa? Kausap ko lang kahapon ang abogado niya at malinaw ang sinabi niyang malakas ang laban namin dahil sa salaysay ko. At dahil doon kaya kagabi ay nakatulog ako nang mahimbing. Asang-asa na rin ako na hindi ko na kailangan ang tulong ni Atty. Nicholas San Martin. Pero ano 'to?

"Ayokong mag-isip ng masama laban kay Atty. Santiago, pero malakas ang kutob kong nabayaran siya ng kampo ng kalaban natin, Amaya."

Hindi ako nakapagsalita. Dahil aminin ko man sa sarili o hindi, pareho kami ng hinala ni Anthony. Dahil kahapon ay okay pa ang lahat kaya nga kinapalan ko na ang mukha kong manghiram ng pera sa mga magulang at kaibigan ko para lang mahustuhan ang perang kailangan sa piyansa ni Anthony.

Sa katunayan ay dala ko na ngayon at isang daang libong pangpiyansa ni Anthony. Limas ang ipon ko, nakapangutang pa ako, pero okay lang para sa nobyo ko.

"Anthony..."

"Bago ka dumating, nandito si Frank at sinabi niya sa akin na kaninang umaga, nakita niya si Atty. Santiago kasama ang isa sa kapatid ni Apollo." Tukoy niya sa lalaking napatay niya.

"Sabi ni Frank, mayaman ang pamilya ni Apollo. Hindi lang basta mayaman kundi makapangyarihan din. At malakas ang duda niya na nabayaran si Atty. Santiago kaya biglang walang piyansa."

"Anthony..." Tuloy-tuloy na namalisbis ang masaganang luha ng nobyo ko.

Awang-awa ako sa kaniya.

"Mukhang hindi na ako makakalabas dito, Amaya." Tila nawawalan na ng pag-asa na sabi niya.

Marahas akong umiling. "Hindi mangyayari 'yan. Makakalabas ka rito. Kahit anong mangyari, makakalabas ka rito, Anthony. Hindi ako papayag na hindi dahil wala kang kasalanan. Narinig mo? Wala kang kasalanan."

Pilit kong pinatatag ang sarili ko. Ayokong ipakita kay Anthony na kagaya niya nawawalan na rin ako ng pag-asa. Pero kahit anong pigil ko, bumigay ako. Kasabay ng pagkabasag ng tinig ko ay ang pamamalisbis din ng mga luha ko.

Sabay kaming napaiyak ni Anthony dahil sa mga nangyayari.

"Makakalabas ka, Anthony. Ipinapangako ko sa 'yo 'yan. Hindi ako papayag na hindi. Hindi ako papayag na wala akong gawin para sa 'yo lalo na't ako ang rason kung bakit ka nandito."

"Huwag mong sabihin 'yan, Amaya. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan."

Sa kabila ng sinabi niya, hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko at maniwala sa sinasabi ng pamilya niya na ako ang malas sa buhay ni Anthony.

"Ayoko nang marinig na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari, Amaya. Hindi mo kasalanan kung bakit ako nandito. At kung mauulit ang nangyari, gano'n pa rin ang gagawin ko. Ililigtas kita sa kanila."

Napahikbi ako at paulit-ulit na humingi ng sorry kay Anthony. At paulit-ulit din niyang sinabi na hindi ako dapat mag-sorry sa kaniya. Mas lalo kong minahal si Anthony dahil doon.

Nakaramdam ako ng bigat ng dibdib nang matapos ang oras ng dalaw. Tanda na kailangan na naman naming maghiwalay.

Bago umalis si Anthony para ibalik sa loob ng selda, nangako ako sa kaniyang kakausapin ko si Atty. Santiago. Ngumiti lang siya at sinabing magpahinga rin ako.

Palabas pa lamang ako ng kulungan, kinuha ko na ang cellphone ko para kontakin si Atty. Santiago. Ngunit tila hindi na kailangan 'yon dahil paglabas ko, nakita ko siya.

Hindi siya nag-iisa. Hindi ko kilala ang taong kausap niya. Dala ng matinding kuryosidad, pasimple akong lumapit sa kinaroroonan nila.

At mas lalong lumakas ang kutob ko nang marinig ang sinabi ni Atty. Santiago sa lalaki. Ang sabi niya, 'wag ang mga anak niya.

"Like what we've said, walang masamang mangyayari sa mga anak mo basta sumunod ka sa usapan natin. Nagkakaintindihan ba tayo, Atty.?" anang lalaki.

"Opo. Basta 'yong mga anak ko po." May nginig sa boses ng lalaki.

"Ligtas sila, as of now. At kapag sumira ka sa usapan, alam mo na ang mangyayari, Atty. Isang tawag mula sa boss ko, alam mo na."

Natutop ko ang aking bibig. Kung gano'n tama kami ni Anthony.

Hinintay kong makaalis ang lalaking kausap ni Atty. Santiago bago ko siya nilapitan.

"Miss Angeles!" Halatang nagulat siya nang makita ako.

"Kaya ho ba biglang walang piyansa si Anthony?" Prangka kong tanong.

Namutla si Atty. Santiago at nagpalinga-linga sa paligid. Nang masigurong walang tao, niyaya niya akong pumasok sa loob ng sasakyan niya.

"Atty. Paano po si Anthony?"

"I'm sorry, Miss Angeles. Totoong malakas ang laban natin, ninyo ng nobyo mo. Pero sana'y maintindihan mo na hindi ko kayang isakripisyo ang mga anak ko para ilaban ang kaso n'yo." Pag-amin niya, namumutla.

"Pero, Atty--"

"Hawak nila ang mga anak ko, Hija. Namatay ang asawa ko dahil mas pinili kong panindigan ang propesyon kong ito. At ayokong pati ang mga anak ko ay mawala sa akin dahil inuna ko pa rin ang sinumpaan kong trabaho kaysa sa kanila. Sila na lang ang meron ako, Hija. Kaya sana'y patawarin mo ako kung bibitawan ko na ang kaso ng nobyo mo. Kung ako lang, ilalaban ko kayo. Pero buhay na ng mga anak ko ang sangkot dito. Nangako ako sa asawa ko na iingatan at aalagaan ko sila. Hindi ko na 'yon nagawa sa kaniya noon kaya babawi ako ngayon sa mga anak ko. Patawarin mo ako, Hija." Mahabang paliwanag ni Atty. Santiago.

Gusto kong magalit sa kaniya, pero habang nakikita ko ang labis na takot sa mukha niya para sa kaniyang mga anak. Gusto ko siyang unawain.

"I'm sorry, Hija. Mahal ko ang trabaho ko, nandito ang puso ko sa ilang dekadang lumipas. Pero mas mahal ko ang mga anak ko. Mawawalan ng saysay ang buhay ko kung sila ang mawawala sa akin. I'm sorry." Nabasag ang boses niya.

"Paano po si Anthony, Atty.? Ano pong mangyayari sa kan'ya. Sa kaso niya? Do'n na lang ba siya habambuhay? Wala po siyang kasalan, Atty."

"Naniniwala ako sa pahayag mo. Maniwala ka, gusto ko kayang ilaban." Bakas ang katotohanan sa boses niya.

"Atty."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kagaya ng sabi ko, malakas ang laban n'yo. Pero ang kailangan n'yo ay 'yong taong kayang tapatan ang kapangyarihan ng pamilya nila. Hindi lang basta matapatan kundi malagpasan pa. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Hija. Sa buhay natin ngayon, hindi sapat ang magaling lalo na kung malaki o makapangyarihang tao ang babanggain natin."

Habang nakikinig kay Atty. Santiago, iisang tao lamang ang nasa isip ko. Si Atty. Nicholas San Martin. Nakapag-research na ako tungkol sa kaniya nang gabing mabanggit siya sa akin ng kaibigan kong si Pat. Nabasa ko na marami na siyang naipanalong kaso, hindi lang basta mga kaso kundi malalaki at bigating kaso.

Ayon pa sa article na nabasa ko tungkol sa kaniya, balewala raw rito kahit araw-araw siyang makatanggap ng death threat. Normal na lang daw 'yon sa matinik na abogado na wala yatang kinatatakutan. Maski si kamatayan.

Hanggang sa maghiwalay kami ni Atty. Santiago nang araw na 'yon ay laman ng isip ko si Atty. Nicholas. Mukhang kailangan ko talaga siyang makita para kay Anthony.

------

KINAGABIHAN nang araw ding 'yon, tinawagan ko si Pat para papuntahin sa bahay namin.

Gusto kong malaman kung kailan ang selebrasyon sa mansyon ng mga San Martin para makapunta ako. Kailangan kong makausap si Atty. Nicholas sa lalong madaling panahon.

At habang hinihintay ko si Pat na dumating, nilapitan ako ni Papa at kinausap.

"Kumusta na ang kaso ni Anthony, anak?" Umiling ako.

"Ano'ng nangyari? Akala ko ba makakalabas na siya kanina?"

Nag-init ang sulok ng aking mga mata nang akbayan ako ni Papa. Ikinuwento ko sa kaniya na walang piyansa.

"Bakit nagkaganoon?"

Umiling lang ako. May usapan kami ni Atty. Santiago na walang dapat makaalam sa mga sinabi niya para na rin sa kaligtasan ng pamilya ko. Kaya kahit anong tanong ni Papa, nanatiling tikom ang bibig ko dahil ayoko silang madamay.

Mahal na mahal ko ang adopted parents ko at hindi ko sila ipapahamak.

"Mabait na bata 'yang si Anthony. Alam kong hindi siya pababayaan ng Diyos, anak. Magtiwala lang tayo Sa Kaniya." Payo niya kapagkuwan.

"Opo, Pa. Salamat po."

"Wala 'yon. Basta nandito lang kami ng mama at kapatid mo, ha?"

"Salamat po, Papa." Pasalamat kong muli.

Kung gaano kagusto ni Papa at mama ang nobyo ko ay kabaliktaran ako sa pamilya ni Anthony. At nitong mga nakaraan, mas ipinamukha nila sa akin na hindi nila ako gusto. Na mas matutuwa sila sa akin kung aakuin ko ang nagawa ni Anthony. Kung ako ang makukulong at hindi ang anak at kapatid nila.

Ngunit sa kabila niyon, hindi ako sumusuko na gawin ang lahat para kay Anthony. Ayokong magpadala sa masasakit na salitang ibinabato nila sa akin.

Mayamaya pa, dumating na si Pat kaya iniwan na kami ni Papa pagkatapos magmano ng kaibigan ko sa kaniya.

"Anong nangyari?" Ikinuwento ko kay Pat ang lahat.

"Oh, my God! Seryoso?" Bulalas niya nang marinig ang mga ipinagtapat ko.

"Oo."

"Alam na ni Anthony na bibitawan na siya ni Atty. Santiago?" Usisa niya.

"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Ayoko siyang panghinaan ng loob, Pat."

Puno ng simpatya niya akong tiningnan. "Naiintindihan ko. Pero anong...anong plano mo ngayon?"

"Gusto kong makausap si Atty. Nicholas, Pat. Wala na akong choice kundi ang humingi ng tulong sa kaniya."

"Paano kung hindi siya pumayag? Hindi sa dini-discourage kita, besty, pero sigurado akong malaki ang bayad sa kaniya. Hindi siya basta-basta at tiyak na malaki ang bayad para makuha ang serbisyo niya. Well, puwera na lang kung maawa siya sa 'yo, pero 'di ba? Ayon sa mga article, suplado daw 'yon. Saka, sinabi ni Nanay sa akin na sa mga anak ni Donya Martina, si Atty. ang pinakamasungit."

"Baka false information lang 'yon, Pat." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Gusto kong umasa na mali ang impormasyong nabasa namin sa kaniya.

"Sana nga false lang para mapapayag mo siyang hawakan ang kaso ni Anthony. Kaso paano nga kung truth? Anong gagawin mo?"

Natahimik ako. Nahulog sa malalim na pag-iisip. Ano nga ba ang gagawin ko kung hindi siya pumayag? Hanggang saan ba ang kaya ko para kay Anthony--- naudlot ang pag-iisip ko nang tapikin ni Pat ang hita ko.

"Huwag ka nang malungkot. Malay natin, false pala 'yon, 'di ba?"

"Sana nga. Pero kailan ba ang selebrasyon sa mansyon? Nasabi ba sa 'yo ng nanay mo?"

"Oo nasabi niya."

"Kailan daw?"

"Sa makalawa na. At tamang-tama naghahanap si Nanay ng tatlong babae para makasama sa mansyon. Kailangan daw ng helper kasi malaking selebrasyon iyon dahil kaarawan ni Don Fausto."

"Ipresinta mo ako kay tita, Pat." Mabilis na pasya ko.

"Sige, sige. Ako na rin ang isa para may kasama ka."

"Talaga?"

"Oo naman. Sa tingin mo ba pababayaan kita do'n? Siyempre, hindi." Kumislap ang mga mata niya.

Napalabi ako. "'Yong totoo? Gusto mo akong samahan o gusto mo lang makita si Atty?"

"Both." Humagikhik siya na ikinailing ko.

"Landi mo."

"Kasi naman ngayon ko lang ulit siya makikita, 'no? Kailan ko pa ba siya nakita? Noong hubong sinalo ang katawan mo sa batis nang mahulog ka sa santol? Napakatagal na niyon, 'no? Sa mga site, ang guwapo-guwapo niya, baka sa personal makalaglag panty siya. Diyos ko day!"

Natawa ako. At dahil kay Pat, kahit papa'no gumaan ang dibdib ko na sobrang bigat na simula nang gabing iyon.

"Huwag kang magsusuot ng maluwag na panty para hindi malaglag." Pagbibiro ko.

"Ay basta! Excited na akong makita si Atty. Sigurado ako, mas guwapo siya sa personal." Tila kilig na kilig na sabi pa ni Pat.

Sana pumayag siya. At sana makausap ko siya. Piping hiling ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jhenlove099
mabait naman si Atty.Nicholas wag mo lng gagalitin ...
goodnovel comment avatar
Hailey Carson💖
Makukulong Yung tama dahil my pera ang Mali. Ang Sakittt Lang na pag my pera ang Kalaban anG mahirap wala Ng Kalaban Laban ang hirap maging mahirap..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 17

    NICHOLAS POV HINDI KO MAINTINDIHAN ang sarili ko habang patungo kami sa opisina ng judge na magkakasal sa amin ni Aya ngayon. Literal na para akong gago na ngumingiting mag-isa. Daig ko pa ang teenager na excited sa date namin ng crush ko. Fvck! I'm too old to feel like an idiot. Kung malalaman lang ng mga kaibigan ko ang mga pinaggagawa ko ngayon, malamang pagtatawanan nila ako nang malala. Naiiling na nilingon ko si Aya sa tabi ko. Napakatahimik niya. Alam kong ang lalaking 'yon na naman ang laman ng isip niya. At ewan ko ba? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil alam kong ang lalaking 'yon ang nasa isip niya. Ano pa bang aasahan mo, Nick? Mahal na mahal niya 'yong lalaki. Kaya nga siya napilitang um-oo sa kasal na inalok mo dahil para sa lalaking 'yon, hindi ba? Sulsol ng kabilang bahagi ng isip ko. "Tss! Hindi sila bagay." Bulong ko habang nakatingin pa rin kay Aya. At sinong bagay sa kaniya? Ikaw? Biglang lumingon si Aya dahilan para itigil ko ang lihi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 16

    NICHOLAS POV I CAN'T HELP IT but to smile. Dahil kitang-kita ko ang inis sa magandang mukha ni Aya pagkatapos kong sabihin sa kaniya na ngayong araw na rin kami ikakasal. Namumula ang mukha niya. Halatang nagtitimpi lang na 'wag magsalita nang hindi maganda sa akin. Dahil alam niyang posibleng magbago ang isip ko sa usapan namin. Posible pa nga ba? Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko upang itago ang pinipigilan kong ngiti dahil alam kong kuhang-kuha ko ang inis at gigil niya ngayon. Bukod sa pamumula ng mukha niya, mariin ding nakakuyom ang mga kamao niya. Parang kating-kati siyang bigwasan ang mukha ko. Palihim kong inihanda ang sarili ko, tinalasan ang pakiramdam para kung sakaling umigkas ang mga kamao niya ay ready ako. Sinubukan kong 'wag na siyang lingunin ngunit tila may kung anong klaseng mahika ang humihila sa akin para ibalik ang tingin kay Aya. God! She's so damn gorgeous. And I can't help it but to stare at her. Matinding pagpipigil ang gi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 15

    AMAYA'S POV MAY ILANG minuto na ang nakalipas mula nang maiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan ni Atty. Nick, pero hindi ko pa rin magawang igalaw ang mga paa ko para sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginawa ko. Itong mga naging desisyon ko. Pakiramdam ko kasi, mali at naging padalos-dalos ako. Lalo na sa parteng magpapakasal ako sa iba gayong si Anthony ang kasama kong nagplano tungkol sa bagay na 'yon. Siya ang kasama kong nangarap at nagplano. Napabuntong-hininga ako, saka sumubsob sa mga tuhod ko habang nakahawak nang mahigpit sa buhok ko. Nakaka-frustrate ang mga nangyayari dahil kahit sabihing tatlong taon lamang tatagal ang kasal na 'yon sa abogadong 'yon, still ikakasal pa rin ako sa kaniya. Lord, please, tulungan Mo po akong mag-decide at mag-isip. Hindi ko po alam kung tama ito, pero ang alam ko lang po ay gagawin ko ang lahat para sa nobyo ko. Piping dasal ko habang nananatiling nakasubsob sa mga tuhod ko. Nasa ganoong posisyon ako nang

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 14

    AMAYA'S POV AMAYA'S POV "UHM...ARAY!" Hindi ko napigilang mapadaing habang ginagamot ng nars ang sugat ko sa kanang siko. Dito ako sa hospital idiniretso ni Atty. Nick pagkaalis namin sa pinangyarihan ng aksidente. Kahit anong giit kong 'wag na dahil okay lang ako ay hindi siya pumayag. Sa huli, siya pa rin ang nasunod kaya nandito kami ngayon sa emergency room para gamutin ang sugat ko. "Ouch, uhm!" Mariin akong napapikit dahil masakit. At nang nandito na kami sa hospital, saka ko na-realize na hindi pala simpleng sugat lang ang natamo ko mula sa pagkakahila ni Atty. Nick sa akin. Medyo malalim at malaki ang sugat ko sa kanang siko. Tumama yata sa matulis na bato kaya gano'n. Habang nakapikit, saka lang nag-sink in sa akin na muntik na pala talaga akong mamatay kung hindi ako nahila ni Atty. Nick palayo sa humahagibis na mixer truck dahil nawalan ng preno. Kung wala siya, malamang patay na ako. Pinanlamigan ako ng katawan nang bumalik sa isip ang video na pinanuod sa akin

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 13

    AMAYA'S POV "OKAY KA LANG?" Napatingin ako sa kaibigan kong si Pat nang tabihan ako sa upuan at magtanong kung okay lang ba ako. Nandito ako sa bahay nila. Dito ako dumiretso sa kanila pagkagaling ko sa city jail para sana bisitahin si Anthony. Kaso hindi niya ako hinarap. "Kanina ko pa napapansin na maya't maya ang buntong-hininga mo," dinunggol niya ang balikat ko. "Ano bang nangyari sa pagbisita mo kay Anthony?" Malungkot akong umiling bilang sagot. "Hindi ka niya hinarap kagaya nang sinabi niya?" Panghuhula niya. Tumango ako, saka muling bumuntong-hininga bago sinabi kung bakit tila pasan ko ang mundo. Ikinuwento ko sa kaniya na hindi ako hinarap ni Anthony, pero ang kapatid niyang si Ate Verlyn at si Diva ay hinarap niya. Na naiinis ako at nasasaktan dahil bakit sila hinaharap niya habang ako ay hindi. "Girlfriend niya ako, Pat. Ba't gano'n? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kaya niya 'to ginagawa ay dahil galit siya sa akin at ako rin ang sinisisi niya sa na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 12

    AMAYA'S POV "BAKIT AKO?" Lakas-loob na isinatinig ko ang tanong sa isip ko. "Bakit hindi ikaw?" Nailang ako nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko. "Disente ka naman na pasok sa criteria ko." "Disente talaga akong tao, Atty, pero baka lang po nakalimutan n'yo na may nobyo ako. At siya po ang dahilan kung bakit ako lumapit sa 'yo para humingi ng tulong." Paalala ko dahilan para salubungin niya ng tingin ang mga mata ko. Napalunok ako bago nagpatuloy. "Bakit hindi n'yo na lang ako tulungan tapos hahanapan ko kayo ng tamang babae para sa inyo. Iyong single. Iyong malaki ang posibilidad na magustuhan n'yo ang isa't isa along the way ng marriage n'yo." "Marami akong kaibigan, disente, single, ready to mingle at higit sa lahat ay virgin pa. H-Hindi kagaya ko na may mahal ng iba at h-hindi na v-virgin," nangungumbinsing dagdag ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang nabadtrip ito. "Atty." Bumalik ito sa pagkakaupo at pinaglaruan ang ballpen na hawak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status