Share

CHAPTER 3

Author: GirlonFire28
last update Huling Na-update: 2025-07-24 17:13:12

AMAYA'S POV

"ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda.

Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman na itong dating magubat na lugar na ito ay hacienda na pala.

"Paulit-ulit, 'Nay? Parang kanina n'yo pa sinasabi 'yan, ah." Reklamo ni Patricia sa ina.

"Kailangan kong ulit-ulitin dahil kapag nakakakita ka ng guwapo, umiiral 'yang kalandutayan mo." Sikmat ni Tita Paula sa kaibigan ko.

Napasimangot si Pat. "Grabe ka naman, 'Nay. Kung makapagsalita naman kayo, parang hindi n'yo ako anak, ah."

"Kaya nga ako nagsasalita ay dahil anak kita. At kilala kita, Patricia."

"Sus. Ito namang nanay ko, oh. Mas'yado kayong mahigpit sa akin. Diyos ko, Paula, bente-singko na itong anak mo, hayaan mo nang kumarengkeng paminsan-minsan." Pagbibiro nito.

Sinabunutan siya ni Tita Paula.

"Matanda na ako, 'Nay. Kaya ko nang mabuntis, Diyos ko naman. Sa kakahigpit n'yo sa akin nang ganiyan, aamagin na 'tong belat ko. Mangangabulok na lang ito sa ilalim ng panty ko, 'Nay."

"Hamo nang mabulok kaysa ang magdukit ka sa kung sino-sino lang."

"Ay, very bad ka, 'Nay. Si Atty. Nicholas ang pangarap kong dumikit sa akin, 'no?"

"Asa ka namang dudukitin ka no'n. Mga yayamaning belat ang gusto no'n kaya tumigil ka sa pangarap mong 'yan. Masasaktan ka lang, Patricia."

Pigil-pigil ko ang matawa dahil sa pag-uusap nilang mag-ina. At aaminin ko na dahil sa kakulitan nila, medyo humupa ang kaba sa dibdib ko.

Nang hindi pa rin sila tumigil sa pag-aasaran, natawa na ako. Ang kulit kasi nila. Parang magbarkada lang kung magbardagulan at hindi mag-ina.

Maging ang dalawang security sa guard house ay tawang-tawa sa kanilang mag-ina. Pagkatapos magbardagulan ng dalawa, kinuha ng dalawang guward'ya ang mga ID namin. Na-realize ko na gano'n pala kahigpit para makapasok sa hacienda.

At nang makapasok na kami, sumalubong sa aking mga mata ang napakalawak na lupain. Maraming punong mangga na hitik na hitik sa bunga.

"Grabe! Ang ganda pala dito, 'Nay?" Hindi napigilang bulalas ni Pat.

Kagaya ko ay manghang-mangha din siya sa nakikita ng kaniyang mga mata.

"Oo. Maganda dito."

"Parang ang sarap tumira dito, 'Nay. 'Di ba, besty?" Untag niya sa akin.

"Oo. Tahimik at maganda ang lugar. Hindi ako makapaniwalang ganito na ito kaganda. Kasi dati, gubat ito, 'di ba?"

"Oo, Amaya. Pero nang mabili ito ng mga San Martin, ginawa nilang hacienda." Si Tita Paula.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad patungo sa mansyon na nasa gitna raw ng hacienda na ito.

"Pero, 'Nay, 'yong batis, nando'n pa rin ba?" Usisa ni Pat sa ina.

Iyon din ang tanong sa isip ko na binigyang tinig ni Pat.

"Oo. Pero mas maganda na 'yon ngayon."

"Puwede kayang pumunta do'n, 'Nay?"

"Ay bawal. Malilintikan ka talaga sa akin kapag nagtungo ka roon, Patricia."

"Ang oa mo, 'Nay. Nagtatanong lang ako."

"Mabuti na 'yong malinaw sa 'yo. Katulong tayo dito ng mga San Martin kaya tayo nandito, hindi bisita kaya mahiya ka." Ang sermon ni Tita Paula na 'yon ay umabot pa hanggang sa matanaw na namin ang mansyon.

Hindi ko pa nakikita sa malapitan, pero alam ko nang napakaganda niyon. At napatunayan kong tama ang sapantaha ko nang makalapit kami.

"Ang ganda." Puno ng paghangang sabi ko. "Hindi yata 'to mansyon kundi palasyo."

"Kaya nga, eh. Grabe!" Bulalas din ng kaibigan ko.

Abala kami ni Pat sa pagmamasid sa mansyon habang si Tita Paula ay kausap ang mayordoma.

Mayamaya pa, tinawag kami at ipinakilala sa mayordoma. Kagaya ni Tita Paula, mabait si Ma'am Mica.

"Naku, 'wag nang ma'am. Ate Mica na lang ang itawag n'yo sa akin o kaya nanay." Sabi niya.

"Sige po, Ate Mica." Sabay naming pagsang-ayon ni Pat.

Isinama nila kami sa loob ng mansyon. At habang gumagala ang mga mata, para akong nahihipnotismo sa sobrang gara ng mansyon. Napakaganda.

"Dito ang kitchen area, dito tayo magtatrabaho ngayong araw hanggang bukas ng gabi." Anunsiyo ni Ate Mica.

"Dito tayo. Lalabas lang tayo dito kapag kailangan tayo sa labas, hangga't hindi sinasabi na lumabas, walang lalabas. Maliwanag?" dagdag niya.

Nagkatinginan kami ni Pat. Bawal lumabas? E, paano ko makakausap si Atty. Nicholas kung dito lang kami?

"As in po? Dito lang tayo?" Si Pat. Nakita kong siniko ito ni Tita Paula at tinapunan ng nagbabantang tingin. Na para bang sinasabi na umayos ka, Patricia.

"Nagtatanong lang po ako." Biglang bawi nito.

"Oo, Patricia. Kabilin-bilinan ni Donya Martina na bawal tayo sa labas. Kung kailangan tayo do'n, saka lang puwede. Pero kung hindi, dito lang tayo." Paglilinaw ni ate Mica.

"Maliwanag ba sa inyong lahat ang sinabi ko?"

"Opo." Napilitan kaming makisang-ayon ni Pat.

Hanggang sa magsimula na ang paspasang trabaho. Luto dito, luto doon. Takbo dito, takbo doon.

Sa sobrang nakakapagod, pero para kay Anthony, go lang.

At sa sobrang busy ng lahat, hindi ko namalayang gabi na kung hindi pa sinabi ni Ate Mica na maghapunan muna kami.

Sabay-sabay kaming kumain.

Patapos na kaming kumain nang may babaeng pumasok sa kitchen area. Maganda ang babae, mukhang kaedad lang namin ni Pat.

"Good evening, everybody!" Nakangiting bati niya sa aming lahat. "Ang daming new faces, ah." Puna niya.

Tumayo si Ate Mica at ipinakilala kaming lahat. Nalaman namin na apo pala siya ni Donya Martina at Don Fausto. Anak ng panganay na anak ng mga ito.

"Nice to meet you all. By the way, I'm Romeshell--Rome for short." Kinamayan niya kami isa-isa.

Nahiya akong tanggapin ang kamay niya dahil may kanin pa ang kamay ko. Naghugas muna ako bago 'yon tinanggap.

"Amaya po, Ma'am." Pakilala ko sa aking sarili.

Matamis siyang ngumiti dahilan para lalong lumitaw ang ganda. "Rome na lang, Amaya."

"Sige po."

Pagkatapos niyang magpakilala sa amin, kinausap niya si Ate Mica. "Ate Mica, I need hot chocolate for Uncle Nicho."

Nagkatinginan kami ni Pat. Nicho? As in Nicholas?

"Dumating na rin pala si Señorito Nicho? Akala ko bukas pa siya sabi ng abuela mo?"

"Oh, that. As usual change of mind, Ate Mica. Kaya ayon, sabay na kaming umuwi ngayon."

Nagkatinginan ulit kami ni Pat. Nandito na siya! Habang nag-uusap si Rome at Ate Mica, naging malikot ang mga mata namin ni Pat.

"Gano'n yata talaga kapag tumatanda na, Ate Mica, mabilis magbago ang isip. Palibhasa, walang babae kaya madaling magbago ng isip."

Pati pagtawa ni Rome ay tunog sosyal.

Mayamaya, inutusan ako ni Ate Mica na gumawa ng hot chocolate. Marunong ako kaya mabilis kong nagawa at ibinigay kay Rome.

Nang umalis ang mabait na babae, lihim akong dumalangin na sana'y magustuhan niya ang lasa. Para madali akong makahingi ng pabor kung sakaling makakatiyempo ako ng lapit sa kaniya.

Pagkatapos kumain, itinuloy namin ang trabaho.

Nagbabalot ako ng embutido na nakatoka sa akin na gagawin ko nang marinig ko ang impit na tili ni Annalisa sa tabi ko. Nagtaka ako nang maging si Wena ay impit na ring tumili.

Wala na sana akong balak pansinin ang mga ito nang sikuhin ako ni Pat sa tagiliran. "Bakit ba?"

Pinandilatan niya ako, saka muling siniko. Mas malakas kaysa sa una kaya napaigik ako.

"Bakit ba? Magtrabaho ka na nga lang diyan." Angil ko.

Pagod na kasi ako at gusto ko ng magpahinga.

"Señorito Nicho!" Natigilan ako sa pagbabalot nang marinig ang sinabi ni Ate Mica. "Ano hong ginagawa n'yo rito? Makalat ho dito. Doon na ho kaya sa labas. May kailangan po ba kayo? Dadalhin ko na lang ho sa inyo," sunod-sunod na sabi ni Ate Mica. Aligaga ang boses.

May tumawa.

Siniko ako ni Pat at bumulong. "Shucks! Tawa pa lang ang sarap na."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Relax, Mica." Anang baritonong boses. Lalaking-lalaki.

"Pero, Señorito, makalat ho dito."

"It's okay. Gusto ko lang malaman kung sino ang gumawa ng hot chocolate na hiningi ko."

Oh, my God! Bakit kaya? Masama kaya ang lasa? Kinabahan ako. Hindi ako puwedeng pumalpak sa simpleng hot chocolate dahil may pabor akong kailangan sa kaniya! Piping sigaw ng utak ko.

"Bakit po, Señorito? Hindi n'yo po ba nagustuhan? Ipauulit ko ho--"

"No. Actually I love it. I love the taste."

Lihim akong nakahinga nang maluwag.

"I want more. Sino ba ang gumawa no'n sa mga tauhan mo, Mica?"

"Oh, kinabahan po ako, Señorito. Akala ko hindi n'yo nagustuhan. Pero si Amaya po ang gumawa niyon para sa inyo, Señorito."

"Amaya? Who's Amaya?"

Siniko ako ni Pat. "Magpakilala ka na, bilisan mo!"

"Kinakabahan ako, Pat." Bulong ko.

"Gaga, bilisan mo. For sure naman limot na niya ang mukha mo. For sure limot na rin niyang ikaw ang nakakita ng pototoy niya 10 years ago."

Pinandilatan ko si Pat. Napakagago kasi. Ipinaalala pa 'yon.

Hanggang sa tawagin ako ni Ate Mica. Wala akong choice kundi ang mag-angat ng tingin at tumingin sa kanila.

Natulala ako nang makita ng personal si Atty. Nicholas. Kung guwapo siya sa mga site sa social media, triple pala sa personal. Lalaking-lalaki ang hitsura at katawan.

Sunod-sunod akong napalunok nang humakbang siya palapit. Nanuot sa ilong ko ang napakabango niyang amoy.

Hindi ko alam kung bakit titig na titig siya sa akin. Lihim akong dumalangin na sana'y hindi na niya ako mamukhaan.

"So, you're Amaya?" Basag niya sa pananahimik ng lahat.

"O-Opo." Nauutal kong sagot.

Ang guwapo niya, pero halatang madamot sa ngiti.

"You looked familiar."

"P-Po?"

"Those eyes," ani niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. "Nagkita na ba tayo? Somewhere?"

Nanigas ako.

"Oh, nevermind. Baka kamukha mo lang. Anyway, thanks for the hot chocolate. Pakigawan ulit ako."

"S-Sige po."

"Thanks. Pakisunod na lang sa kuwarto ko."

Napanganga ako. Sa kuwarto niya? "Ah, po?"

"Is it really necessary to repeat myself?"

Napahiya ako. "Ah, hindi po."

"Good. Bring my hot choco in my room."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jhenlove099
my god nag sisimula pa lng ang kwento parang kikiligin na ako ...
goodnovel comment avatar
Elvira Peralta
wow ah Atty sungit sungitan lng ang peg hehehe ... ... thanks ms.A
goodnovel comment avatar
Cris Te Ly
hahahahhaha ...lokong pat talaga
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 4

    AMAYA'S POV "BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon. Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita." "Narinig ko.""E, ba't hindi ka sumasagot?" "Iniisip ko kasi kung paano sasabihin sa kaniya ang kailangan ko. Kinakabahan ako." Pag-amin ko. Sinilip ni Pat ang mukha ko. Tiningnan ako sa mga mata. "Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na para 'to kay Anthony." Pagkarinig sa pangalan ng nobyo ko, biglang lumakas ang loob ko. Yeah, para kay Anthony. "Sige.""Go, besty. Pagkakataon mo na 'to, kaya i-grab mo na agad. Kasi narinig mo naman ang sinabi ni Ate Mica kanina, 'di ba? Bawal tayong pakalat-kalat dito bukas dahil maraming tao, for sure hindi ka na makakalapit or mahihirapan ka nang makausap siya. Magiging busy na si Atty bukas." "Kaya nga." Maikling sagot ko. "Kaya nga, go na. Nakakangarag ng beauty ang trabaho rito, besty.

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 3

    AMAYA'S POV "ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda. Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman na itong dating magubat na lugar na ito ay hacienda na pala. "Paulit-ulit, 'Nay? Parang kanina n'yo pa sinasabi 'yan, ah." Reklamo ni Patricia sa ina. "Kailangan kong ulit-ulitin dahil kapag nakakakita ka ng guwapo, umiiral 'yang kalandutayan mo." Sikmat ni Tita Paula sa kaibigan ko. Napasimangot si Pat. "Grabe ka naman, 'Nay. Kung makapagsalita naman kayo, parang hindi n'yo ako anak, ah." "Kaya nga ako nagsasalita ay dahil anak kita. At kilala kita, Patricia." "Sus. Ito namang nanay ko, oh. Mas'yado kayong mahigpit sa akin. Diyos ko, Paula, bente-singko na itong anak mo, hayaan mo nang kumarengkeng paminsan-minsan." Pagbibiro nito. Sinabunutan siya ni Tita Paula."Matanda

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 2

    AMAYA'S POV "Walang piyansa?" Halos gumuho ang mundo ko nang sa muli kong pagbisita kay Anthony sa kulungan ay sumalubong sa akin ang masaklap na balita. "Oo, Amaya. H-Hindi nila ako pinayagang makapagpiyansa para pansamantalang makalaya habang hinaharap ang kaso ko." Kuwento ni Anthony habang tumututo ang masaganang luha. Umiiling-iling ako. "Hindi totoo 'yan, Anthony. Sabi ni Atty. Santiago, malakas ang laban natin dahil sa salaysay ko." Tukoy ko sa abogadong may hawak ng kaso niya. "Nakausap ko lang siya kahapon. Kaya paanong walang piyansa? Sinigurado niyang malakas ang laban natin, Anthony." Bahagyang tumaas ang boses ko. Kasi paanong walang piyansa? Kausap ko lang kahapon ang abogado niya at malinaw ang sinabi niyang malakas ang laban namin dahil sa salaysay ko. At dahil doon kaya kagabi ay nakatulog ako nang mahimbing. Asang-asa na rin ako na hindi ko na kailangan ang tulong ni Atty. Nicholas San Martin. Pero ano 'to? "Ayokong mag-isip ng masama laban kay Atty. S

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 1

    AMAYA'S POVHINDI NA ako makahinga sa sobrang pag-iyak habang kausap ang nobyo kong si Anthony. Hindi ako makapaniwala na ang masayang date namin kagabi ay mauuwi sa isang bangungot at napakasakit na pangyayari. Habang papauwi na kami ay bigla kaming sinalubong at hinarangan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Tinangka nila akong gawan ng masama, pero hindi ako pinabayaan ni Anthony. Iniligtas niya ako sa kamay ng mga lalaking 'yon. At sa pagliligtas niya sa akin, napatay ni Anthony ang isa sa kanila at 'yon ang dahilan kung bakit ngayon ay nakakulong siya. "Sshh! Please, don't cry." Pag-aalo niya sa akin. Ngunit sa halip na tumigil, mas lalo lang akong napaiyak dahil wala man lang mababakas na pagsisisi sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba balewala sa kaniya kung ngayon ay nakakulong siya. "I'm sorry. I'm sorry, Anthony. Sana hinayaan mo na lang ako--" "Sshh." Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo sa labi ko. "Huw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status