Share

CHAPTER 6

Penulis: GirlonFire28
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-04 11:30:38

AMAYA'S POV

"OKAY LANG BA SA 'YO?" tanong ni Tita Paula nang makiusap si Ate Mica na bukas nang umaga na kami umalis dahil kailangan pa raw nila ng tulong dito sa mansyon.

"Sige po." Mabilis na sang-ayon ko dahil plano kong muling kausapin si Atty. Nick kapag nabigyan ako ng pagkakataon.

"Salamat, Maya. Tawagan mo rin ang mama mo para hindi mag-alala sa 'yo."

"Sige po. Tatawagan ko po mamaya, Tita."

Pagkatapos kaming kausapin ni Ate Mica, bumalik na kami sa trabaho.

Habang busy, pakiramdam ko dumoble 'yong pagod ko dahil sa sinabing dalawang milyon ng lalaking 'yon kanina. Maganda lang ako, pero wala akong gano'ng kalaking halaga.

Dumaan ang mga oras, lumalim ang gabi, unti-unti nang humupa ang dami ng tao. Nagsisialisan na ang karamihan sa kanila.

Bandang alas dose ng hating-gabi, mangilan-ngilan na lamang ang bisita. Dahil kami ang maglilinis, allowed na kaming lumabas para unti-untiin ang mga kalat sa lahat.

Habang naglilinis, sa ibang direksyon naka-focus ang mga mata ko. Kay Atty. Nick. Kanina ko pa siya nakita, pero hindi ako makalapit dahil may kausap pa siyang tatlong lalaki.

May kalahating oras pa yata ang lumipas bago umalis ang dalawa sa tatlong lalaking kausap niya. At ang natira na lamang ay 'yong lalaking ipinakilala ni Miss Rome kanina. Warren daw ang pangalan.

Pinagmasdan ko sila. Hinintay siyang mapag-isa. Ngunit mukhang naramdaman niya ang presensya ko dahil lumingon siya sa puwesto ko. Magbabawi sana ako ng tingin ngunit bago ko pa man magawa 'yon ay huli na. Nakita na niya ako.

Binalingan nito ang kaibigan, may sinabi yata. Kunwaring busy-busy-han ako. Pagtingin ko ulit sa puwesto nila kanina, wala ng tao roon.

Hinanap ko siya hanggang sa may magsalita mula sa likuran ko.

"Are you looking for me?" Baritonong boses ng nagsalita.

Matapang ko siyang hinarap bago sumagot. "Yes."

"About your boyfriend's case, right?"

"Nothing else."

"Kung wala kang pera, it's a no." Iyon lang at tinalikuran na ako.

Hindi ako papayag na umuwing bigo para kay Anthony kaya hinabol ko siya. Desperado na ako.

"Atty. sandali!" Pigil ko sa kaliwang braso niya nang maabutan ko siya.

Natigilan siya, ilang sandali rin 'yon bago humarap sa akin. Seryoso ang mukha niya na tumingin sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa kaniya.

"I'm sorry." Tila napapasong binawi ko ang kamay ko at humingi ng sorry.

Hindi siya nagsalita.

"May pera ako, Atty. Hindi lang kasinglaki ng halaga na gusto mo, pero meron ako. Baka naman po puwedeng bawasan n'yo, magkababayan naman tayo, eh." Hindi pa rin siya nagsalita.

Matamang nakatingin sa akin. Naiilang na ako, pero itinuloy ko ang pakikiusap sa kaniya.

"Sige na po, Atty. Pumayag ka nang hawakan ang kaso ng boyfriend ko. Pangako po na habambuhay kong tatanawing utang na loob sa inyo ito. Maawa ka sa boyfriend ko, hindi siya puwedeng makulong dahil wala siyang kasalanan. Ipinagtanggol lang niya ako, Atty. Mabuti siyang tao at mahal na mahal ko po siya. Ayoko siyang makulong habambuhay. Marami pa kaming plano, Atty. Magpapakasal pa po kami. Magkakaanak ng marami. Bubuo ng sariling pamilya at magkasamang tatanda." Sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses ko.

"Tulungan mo 'ko, Atty. K-Kung papayag ka, huhulog-hulugan ko po ang magiging kulang ko. Kahit habambuhay ko pong bayaran, okay lang basta po tulungan n'yo si Anthony." Pakiusap ko, saka hinawakan ang magkabilang niyang braso.

"Atty. T-Tulungan mo 'ko..." Hiling ko, diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. "T-Tulungan mo 'ko, please? Mahal na mahal ko po ang boyfriend ko..." dagdag ko.

Pinipigilan kong umiyak, ngunit ang traydor kong mga luha ay hindi nagpapigil.

"Amaya..." sambit niya sa pangalan ko.

Niyuygog ko ang mga braso niya, paulit-ulit na nakiusap. Umiiyak. Hindi ko alam kung ano na ang hitsura ko, pero nawalan na ako ng pakialam. Ang gusto ko lang ay mapapayag siyang hawakan ang kaso ni Anthony.

"Atty. Please? T-Tulungan mo 'ko." Umiiyak pa ring pakiusap ko.

"I'm sorry."

Nanikip ang dibdib ko nang alisin niya ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya kasabay ng dalawang salitang 'yon na ang ibig sabihin ay hindi.

"Atty."

"Gusto kitang tulungan--"

"Pero wala akong sapat na halaga na kasinglaki ng gusto mo, 'di ba?" putol ko. "Ganiyan ba talaga kayong mga abogado? Pera-pera na lang?" Dahil sa pinaghalo-halong pagod, puyat, inis, sakit at galit ay nasabi ko 'yon sa kaniya.

Halatang nagulat ito.

"Hindi n'yo ba talaga kayang tumulong ng walang kapalit na pera? Paano naman kaming maliliit na mamamayan na walang sapat na pera? Tatanggapin na lang na makulong at magdusa? Atty. Pinagtangkaan akong pagsamantalahan ng mga lalaking 'yon, ipinagtanggol ako ng boyfriend ko sa kanila kaya nakapatay siya. Hindi pa malakas ang laban namin dahil self defense iyon?" Nanginginig ang boses ko na isinisiwalat sa kaniya ang hinanakit ko.

"Ipinagtanggol lang namin ang sarili namin. Pero dahil mayaman ang kalaban, tatanggapin na lang ba namin? Paano kung kami ang napatay nila? May hustisya ba para sa kagaya naming kapos sa pera? O, hahayaan na lang ang kaso dahil wala kaming kakayahang lumaban sa inyo? Gano'n ba talaga ang batas natin dito sa Pilipinas? Kapag walang-wala ka, tatanggapin na lang ang desisyon ng mas makapangyarihan? Ng may pera?"

Sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata dahil sa luha, may nabanaag akong dumaang emosyon sa mga mata niyang nakatingin sa akin. Emosyong hindi ko kayang pangalanan.

"Amay--"

"Ang damot mo, Atty." Walang prenong sabi ko, saka nagmamadali nang umalis at bumalik sa ginagawa ko..

Habang nagliligpit ng mga kalata, walang patid sa pagtulo ang mga luha ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa para kay Anthony. Nagagalit ako dahil napaka-unfair ng mundo. Na kapag mahirap ka, walang sapat na pera ay wala kang magagawa kundi ang tanggapin na lang.

"Napaka-unfair! Kailan ba magiging fair ang mundo para sa aming mga wala!" Himutok ko.

Sa gigil ko, pahagis kong itinapon sa basurahan ang mga basura.

"Mga mukhang pera! Kaya sila lang ang umuunlad, eh. Wala na nga, gigipitan pa. Buwisit! Mga buwisit!"

Pagkatapos kong maghimutok, marahas kong pinalis ang mga luha ko. Babaliktad din ang mundo at sisiguraduhin kong ako naman ang manggigipit. Ako naman!

Gigil kong pinagsisipa ang basurahan. Doon ko ibinunton ang lahat ng frustration ko.

Tumigil ako dahil sa pakiramdam na tila may nakamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil pagtingin ko sa kaliwa ko, naroon si Atty. Nick. Nakatayo habang nakatingin sa akin.

Kung gaano na siya katagal roon, hindi ko alam. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya bago nagbawi ng tingin at umalis sa puwesto ko.

________

KINABUKASAN, maaga kaming gumising dahil ngayon ang alis namin ni Pat dito sa mansyon.

Palabas na kami ng maid quarter nang sabihin ni Ate Mica na pinatatawag kami ni Donya Martina. Sumama kami ni Pat sa kaniya.

Kumatok si Ate Mica sa nakasaradong pinto, saka bahagyang binuksan at ipinagbigay alam sa amo na narito na kami.

"Donya Martina, heto na po si Pat at Maya."

"Papasukin mo sila." Anang boses babae mula sa loob.

"Pasok na kayo." Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pinapasok kami ni Pat.

Pagpasok namin, hindi ko inaasahang hindi lang si Donya Martina ang naroon kundi maging si Atty. Nang makita ko siya, agad akong nag-iwas ng tingin.

"Good morning sa inyong dalawa. Pinatawag ko kayo rito para ibigay ang sahod ninyo." Panimula ni Donya Martin, saka kinuha ang dalawang puting sobre.

Tumayo ito at inabot sa amin ni Pat ang tig-isang sobre.

"Maraming salamat po, Donya Martina." Pasalamat ni Pat.

Nagpasalamat din ako.

"Ako ang dapat magpasalamat sa inyong dalawa. Nalaman ko kay Mica kung gaano kayo kasipag na dalawa." Tumingin ito sa akin, ngumiti. "Ikaw ba si Maya?"

"Opo."

"Thank you sa napakasarap na embutido, Hija. Nagustuhan ng mga amiga ko ang homemade embutido na ikaw raw ang gumawa ayon kay Mica at Paula. Gusto kong malaman mo na sobrang nasarapan sila at kami ng aking asawa." Nakangiti niyang sabi.

"Salamat po, Donya Martina."

"Walang anuman. Salamat din sa serbisyo mo, ninyong dalawa, Patricia."

"Walang anuman din po, Donya Martina." Si Pat.

"Anyway, dinagdagan ko pala ang bayad sa inyong dalawa." Mabait niyang sabi dahilan para magkatinginan kami ng kaibigan ko.

Kaya pala nang damhin ko ang sobre ay medyo makapal 'yon. "Hindi naman na po kailangan ang bonus, Donya Martina. Mas masarap po sa pakiramdam na magbigay ng tamang serbisyo sa kapuwa sa tamang halaga o serbisyong walang hinihintay na kapalit." Sinadya kong lakasan ang sinabi ko para marinig ng anak niyang garapal sa pera kung maningil.

Habang kausap kasi ang donya, alam kong nakatingin siya.

"It's okay. Deserve n'yong dalawa ang bonus dahil napakasisipag ninyo." Giit ng donya at muling nagpasalamat sa amin ni Pat.

Bago kami lumabas ng silid na 'yon, nagsabi pa siya na sana huwag kaming madadala na sumideline sa mansyon kapag may okasyon. Um-oo lang kami ni Pat at umalis na rin.

Umalis ako ng hacienda na bigo. At walang maihahatid na magandang balita kay Anthony.

Sakay na kami ng dyip pauwi nang mapatingin ako kay Pat, hinawakan niya kasi ang hita ko. "Pat."

"Laban."

"Oo naman. Para kay Anthony, laban." Buo ang loob na sagot ko.

________

DAYS HAD PASSED

NATAPOS NA ANG 2 weeks leave ko kaya bago ako bumalik sa trabaho ko bukas, dinalaw ko na si Anthony.

"Baka sa weekend na kita mabisita ulit, ha? Tapos na ang leave ko." Magkausap kami habang pinagsasaluhan ang niluto kong pagkain para sa kaniya.

Hindi siya nagsalita, tumango lang.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako hihinto na gumawa ng paraan para mailabas ka rito. Naghahanap na ako ng magaling na abogado para sa 'yo."

"Huwag na siguro, Maya."

"Anthony."

Bumuntong-hininga ito, tila kaybigat ng dibdib niya. "Magsasayang ka lang ng oras, ng pagod, ng pera. Hindi natin maiipanalo ang kaso."

Naiinis na binitawan ko ang kamay niya. "Nag-uumpisa pa lang tayo, pero sumusuko ka na agad. Akala ko ba sabay tayong lalaban dito? Ba't parang sumusuko ka na agad, Anthony?"

"Dahil alam kong wala kang magagawa. Wala tayong magagawa dahil mayaman ang pamilya nila. Siguro mas maganda na hindi na tayo umasa. Huwag mo na akong ilaban, Maya. Ituloy mo na lang 'yong buhay mo na hindi ako kasama--"

"No!" Marahas akong tumayo at masama ang loob na tiningnan ito. "Kung gusto mong sumuko, bahala ka. Basta ako, lalaban pa para sa 'yo. Kung paano mo ibinigay ang buhay mo para sa akin, gano'n din ang gagawin ko."

"Maya--"

"Tapusin mo na 'yang pagkain mo para makaalis na ako." Malamig na sabi ko at bumalik sa pagkakaupo.

Wala kaming imikan nang muling bumalik sa pagkain hanggang sa matapos na kami.

"Babalik ako sa weekend. Susubukan kong mag-loan para sa abogado mo." Malamig pa ring sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot, tinalikuran ko na siya. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang may yumakap sa beywang ko mula sa likuran ko. It's him. My boyfriend.

"I'm sorry, babe," anas niya habang yakap ako. "I'm sorry kung nawawalan na ako ng pag-asa. Ang hirap dito, eh."

Pumihit ako paharap sa kaniya. "Kaya nga ako gumagawa ng paraan, 'di ba? Dahil alam kong mahirapan dito."

Tumango siya, nangingilid ang mga luha. Alam ko, kagaya ko pinipigilan niyang ipakita sa akin na down na down na siya.

"Makakalabas ka rito. Pangako 'yan."

"I love you, Maya."

"I love you, too. Sige na, aalis na ako. Babalik na lang ako sa weekend, ha?"

"Sige. Ingat ka, ha?"

"Oo naman, para sa 'yo. Ingat ka rin dito, ha?"

Minsan pa naming niyakap ang isa't isa bago ako tuluyang umalis at umuwi sa bahay para magpahinga. Kinagabihan, bago matulog nagdasal ako na sana bukas ay may magandang mangyari sa buhay ko.

Ngunit mukhang hindi maganda ang nakatakdang mangyari kundi masama. Dahil kinabukasan, bandang tanghali habang nasa loob ako ng opisina ko ay tinawag ako ng staff ko at sinabing may naghahanap sa akin sa labas.

Lumabas ako sa pag-aakalang costumer 'yon na gustong magreklamo, pero hindi pala. Si Ate Verlyn ang taong naghahanap sa akin--ang kapatid ni Anthony.

"Ate!" Nagimbal ako nang malutong na sampal ang isinalubong niya sa akin.

Malakas na singhapan mula sa mga staff ko at costumer ang narinig ko. Habang ako, sapo ang nasaktang pisngi.

Sobrang napahiya ako, pero bilang manager ikinalma ko ang sarili ko. Mukhang hindi 'yon ang inaasahan ni Ate Verlyn kaya lalo siyang nanggalaiti sa akin. Sumigaw siya at sinabihan akong makapal ang mukha.

"Ate Verlyn, please? Huwag kang gumawa ng eksena rito. Kung may problema ka, hintayin mo 'kong matapos sa trabaho ko--" dinuro niya ako.

"Ang kapal mo talaga, Amaya! So, ano? Ako ang palalabasin mong masama ngayon?" Gigil na gigil niyang bulyaw sa akin.

I stayed calm. "Wala akong gustong palabasin, Ate Verlyn. Ang akin, nasa public place ka, huwag kang gumawa ng iskandalo rito. Baka mawalan ako ng trabaho dahil sa ginagawa mong pag-iikandalo--"

"Wala akong pakialam kung mawalan ka ng trabaho! Dahil kapag nangyari 'yon, magpa-party pa ako! Ang kapal mo. Back to normal na ang buhay mo habang 'yong kapatid ko nando'n sa kulungan dahil sa 'yo!" Bulyaw niya.

Mukhang hindi na siya madadala sa maayos na pakiusap kaya sumenyas na ako sa security na palabasin siya. Lalo siyang nagwala.

"Ang kapal ng mukha mo, Amaya! Sana pinabayaan ka na lang ma-rape ng kapatid ko kaysa ang makulong siya! Sinira mo ang buhay niya, walanghiya! Bakit hindi mo na lang aminin, na nilandi mo ang mga lalaking 'yon kaya nagka-interest sila sa 'yo, ha?!"

"Tumigil ka na, Ate Verlyn! Sumusobra ka na!" Puno ng pagtitimpi kong sabi.

"Oh, bakit? Hindi ba totoo na malandi ka?! Nagpapasarap ka na sa buhay habang 'yong kapatid nasa kulungan!"

"Tumigil ka na sabi! Tumigil ka na!"

Hindi ko napaghandaan ang pag-igkas ng kamay niya, sinampal niya ako sa pangalawang pagkakataon. Sobrang lakas kaya halos natulig ako.

Akma niyang uulitin ngunit may pumigil sa kamay niya dahilan para mabitin sa ere.

"Kung hindi ka pa titigil sa pag-iiskandalo mo, ako mismo ang magpapasok sa 'yo sa kalungan kasama ng kapatid mo." Anang pamilyar na boses.

"At sino ka naman?" Angil ni Ate Verlyn, pilit binabawi ang kamay kay Atty. Nick.

"Ang may-ari ng lugar na ito."

"Ikaw ang boss ng babaeng 'yan?!"

"Yes. So, stop making a scene here. Mas'yado kang palengkera, Miss."

Nagtawanan ang mga tao kaya pahiyang-pahiya ang kapatid ni Anthony. Habang ako, tulala, hindi makapaniwala. Kailan ko pa siya naging boss?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Elvira Peralta
oh c angkol nick nmn isipin mo nsa bakuran mo n pala ung pinpahinog mo tapos npitas p ng iba ahm pero mukhang stalker k lang ah angkol nick ... thanks ms.A ...
goodnovel comment avatar
Lina Bustria Paras
ayay yay...mahina ka pala magbantay sa pinapahinog mo angkol nick..nsa bakuran mo na napitas pa ng iba.........
goodnovel comment avatar
Jhenlove099
stalker si Atty.Nick 🫣...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 13

    AMAYA'S POV "OKAY KA LANG?" Napatingin ako sa kaibigan kong si Pat nang tabihan ako sa upuan at magtanong kung okay lang ba ako. Nandito ako sa bahay nila. Dito ako dumiretso sa kanila pagkagaling ko sa city jail para sana bisitahin si Anthony. Kaso hindi niya ako hinarap. "Kanina ko pa napapansin na maya't maya ang buntong-hininga mo," dinunggol niya ang balikat ko. "Ano bang nangyari sa pagbisita mo kay Anthony?" Malungkot akong umiling bilang sagot. "Hindi ka niya hinarap kagaya nang sinabi niya?" Panghuhula niya. Tumango ako, saka muling bumuntong-hininga bago sinabi kung bakit tila pasan ko ang mundo. Ikinuwento ko sa kaniya na hindi ako hinarap ni Anthony, pero ang kapatid niyang si Ate Verlyn at si Diva ay hinarap niya. Na naiinis ako at nasasaktan dahil bakit sila hinaharap niya habang ako ay hindi. "Girlfriend niya ako, Pat. Ba't gano'n? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kaya niya 'to ginagawa ay dahil galit siya sa akin at ako rin ang sinisisi niya sa na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 12

    AMAYA'S POV "BAKIT AKO?" Lakas-loob na isinatinig ko ang tanong sa isip ko. "Bakit hindi ikaw?" Nailang ako nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko. "Disente ka naman na pasok sa criteria ko." "Disente talaga akong tao, Atty, pero baka lang po nakalimutan n'yo na may nobyo ako. At siya po ang dahilan kung bakit ako lumapit sa 'yo para humingi ng tulong." Paalala ko dahilan para salubungin niya ng tingin ang mga mata ko. Napalunok ako bago nagpatuloy. "Bakit hindi n'yo na lang ako tulungan tapos hahanapan ko kayo ng tamang babae para sa inyo. Iyong single. Iyong malaki ang posibilidad na magustuhan n'yo ang isa't isa along the way ng marriage n'yo." "Marami akong kaibigan, disente, single, ready to mingle at higit sa lahat ay virgin pa. H-Hindi kagaya ko na may mahal ng iba at h-hindi na v-virgin," nangungumbinsing dagdag ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang nabadtrip ito. "Atty." Bumalik ito sa pagkakaupo at pinaglaruan ang ballpen na hawak niya

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 11

    AMAYA'S POV "P-PUWEDE BANG LUMAYO KA NA?" Pinilit kong hindi mautal nang sabihin 'yon. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko at naiilang ako dahil doon. Kulang na lang ay dumikit ang mukha niya sa akin. Hindi ako kumportable. Napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi niya bago nagtanong. "Why? Natatakot ka ba sa akin?" "Hindi." "Hindi? Bakit pinalalayo mo ako?" "Dahil hindi ako kumportable na may ibang lalaking lumalapit sa akin nang ganiyan kalapit maliban kay Anthony." Natigilan siya. Pagkuwa'y tila napapasong inilayo ang sarili sa akin. "Lucky bastard." Dinig kong sabi niya. "Magpahinga ka na. Tawagin mo lang si Angie kapag may kailangan ka." Pagkasabi niya niyon, walang lingon-likod na siyang umalis ng kuwartong pinagdalhan niya sa akin. Nang mapag-isa, pinilit kong ipahinga ang isip ko, pero hindi ako nagtagumpay. Dahil sa pagpikit ng aking mga mata, mukha ni Anthony ang nakita ko. It's true. I'm breaking up with you, Maya. Huwag ka

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 10

    AMAYA'S POV "Nasaan ako?" Mahinang tanong ko sa aking sarili nang magising sa isang 'di pamilyar na kuwarto. Sinanay ko muna sa liwanag ang aking mata bago iginala ang tingin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan ko. "Anong ginagawa ko rito?" Muli kong tanong nang ma-realize na hospital room itong kinaroroonan ko. "Bakit nandito ako?" Akma akong babangon nang mapansin ko ang swerong nakatusok sa kaliwang kamay ko. "Bakit naka-dextrose ako?" Dahil wala naman akong kasama rito sa kuwarto, wala akong mapagtanungan kung anong nangyari sa akin. Kaya pinilit kong alalahanin ang nangyari kung bakit ako nandito. "Oo nga pala nahilo ako kanina," sabi ko nang maalala ang nangyari. Hindi ko alam kung sa sobrang init ba 'yon o sa gutom ko na. Naalala kong kahapon pa ng tanghali ako huling kumain at tinapay lang. Sa dami ng stress at pagod ko nitong mga nakaraan, aminado akong naabuso ko na ang sarili kong katawan. At kusa nang bumigay kanina. Mayamaya'y natigilan ako. Napais

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 9

    AMAYA'S POV MAGKAHALONG KABA, EXCITEMENT, at takot ang nararamdaman ko habang patungo sa korte. Dumating na kasi ang araw ng paghahatol kay Anthony at ngayon na 'yon. At kagabi pa lamang ay ganito na ang nararamdaman ko. Halos hindi ako napagkatulog kagabi, nagdasal ako nang nagdasal na sana'y makamit namin ang tamang hustisya. Ang tamang hatol dahil nakakapagod na rin 'yong pakiramdam na araw-araw kang nag-aalala para sa lalaking mahal mo. At kanina nga ay dumaan muna kami ni Pat sa simbahan para sumimba muna. Oo, kasama ko si Pat. Lumiban siya sa trabaho niya para masamahan ako ngayon dahil baka raw kung ano na naman ang gawin sa akin ng pamilya ni Anthony. Pagdating namin, agad kaming pumasok sa loob. At sabay kaming natigilan ni Pat nang makita namin ang babaeng kasama ng pamilya ni Anthony. Si Diva--ang babaeng gusto nila para kay Anthony. Nasaktan ako. Nanginig. Dahil lantaran na ang ginagawa nilang pambabastos sa akin. At alam kong ginagawa nila ito dahil alam nil

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 8

    AMAYA'S POV NAGPAPAALAM na ako sa mga magulang ko para pumasok sa trabaho nang makarinig kami ng sigaw na tila mula sa labas ng gate ng bahay namin. "Sino 'yon? Ang aga-agang mag-iskandalo." Ani ni Papa Joel, at sumilip sa labas ng bintana para tingnan kung sa gate nga namin nanggaling ang malakas na kalampag. "Sa gate ba natin 'yon, Joel?" tanong ni Mama Julie, na nakisilip na rin. "Aba'y sa gate nga natin. Sino ba 'yon?" "Amaya! Lumabas ka riyan!" Nagkatinginan kami ng pamilya ko nang marinig ang sigaw ng boses ng babae. At kahit hindi ko na tingnan, alam ko na kung sino ang nag-iiskandalo sa labas ng gate namin. "Amaya! Alam kong nariyan ka sa loob! Lumabas ka riyan!" Lumagabog ang gate namin. Mukhang may ibinato si Ate Verlyn. "Ano ba naman 'yang ate ng nobyo mo, parang gaga." Komento ni Mama, halatang inis na. "Anong parang gaga, Ma, gaga talaga 'yang kapatid ni Kuya Anthony na 'yan," segunda ni Joana--ang tunay na anak ng mga umampon sa akin. "Daig pa a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status