Share

CHAPTER 5

Author: GirlonFire28
last update Last Updated: 2025-08-03 09:26:34

AMAYA'S POV

"ANG LIKOT MO." Hindi na nakatiis na reklamo ni Pat sa tabi ko nang hindi pa rin ako tumigil sa kapapabaling-baling sa higaan.

May dalawang oras na yata kaming nakahiga, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Anthony.

Alam kong hindi siya kumportable doon. Mainit sa kulungan, mabaho dahil sa pinagsama-samang amoy, masikip dahil sa dami ng bilanggo.

Napabuntong-hininga ako. Alam kong sa mga sandaling ito ay hindi pa rin tulog si Anthony. Hindi 'yon sanay sa mainit dahil kahit papa'no, maalwan ang buhay nila. Manager sa isang kilalang banko si Anthony, matagal na siya ro'n at malaki na rin ang sahod.

Pareho kaming manager ni Anthony. Ako, sa kilalang fastfood habang siya ay sa banko. Pareho kaming may stable job. At bukod ro'n, pareho kaming nagpaplanong mangibang-bansa para doon makipagsapalaran sana. Next year sana ang balak namin, pero dahil sa nangyari hindi ko alam kung possible pa 'yon. Dahil aminin man o hindi, kapag nagkaroon ka na ng record ay mahihirapan nang makapag-apply o makalabas ng bansa. Hindi maiiwasan ang discrimination.

Kasalanan mo! Dahil ikaw ang malas sa buhay ng kapatid ko! Ikaw ang malas sa buhay ng anak ko!

Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga nang bumalik sa isip ang mga katagang 'yon na nanggaling mismo sa pamilya ng nobyo ko. Masakit. Dahil umasa ako na sa ganitong pagkakataon ay magtutulungan kami para kay Anthony.

"My God, besty. Ako ang napapagod sa maya't maya mong pagbuntong-hininga," ani ni Pat at dumukhang sa akin. "Matulog ka na, puwede ba? Pagod na pagod kaya tayo kanina."

"Hindi ako makatulog, Pat."

Napalabi ito. "Si Anthony na naman?"

"Hindi siya puwedeng makulong nang matagal, Pat. Mahirap sa loob ng kulungan, baka bumalik ang asthma niya."

Isa pa 'yon sa inaalala ko para kay Anthony.

"Kaya nga tayo nandito, 'di ba? Para kay Anthony. Kaya matulog ka na. Magpahinga dahil bukas, panibagong pagod na naman tayo. Hindi mo naman siya pinababayaan, eh."

Nang hindi na ako nagkomento at bumalot na lamang sa kumot ay tumahimik na rin siya at muling bumalik sa pagtulog.

Mayamaya pa, dinalaw na rin ako ng antok sa wakas. Hanggang sa tuluyang makatulog.

KINABUKASAN, kahit puyat ay maaga pa rin akong nagising. Mas nauna pa ako sa ibang kasama namin sa maid quarter. May sariling banyo ang mga kasambahay sa mansion sa loob ng quarter nila at do'n ako nakiligo. Doon na rin ako nagbihis at nag-ayos nang kaunti.

Suot ang maong pants at t-shirt na gray, lumabas na ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko ro'n si Tita Paula at Ate Mica na abala na. Tumulong na ako sa kanila hanggang sa dumami na kami sa kitchen.

Sa paglipas ng mga oras, aligaga na ang lahat dahil nagsimula na ring dumating ang mga bisita ng mga San Martin. Sa loob kami abala habang ang catering service na kinuha ng mga San Martin ay sa labas. Kaya bawal kami sa labas kasi meron nang nakatalaga roon.

Habang lumilipas ang mga oras, nawawalan na ako ng pag-asang makaharap si Atty. Nicholas. Buong maghapon kasing hindi siya nagawi sa kitchen.

Ngunit tila iba ang plano ni Lord sa akin dahil nang sumapit ang alas nuebe ng gabi, may iniutos sa akin si Ate Mica at kailangan kong lumabas para gawin 'yon.

"Go, besty. Kailangan mo nang masabi oras na makita mo si Atty." Bilin ni Pat sa akin bago ako lumabas ng kusina.

Dala ang dalawang bote ng mamahaling alak ay hinanap ko ang table 2. Ayon kay ate Mica doon sa table 2 ko ibibigay ang alak na dala ko.

Pagpasok ko pa lang sa magarang ayos ng harapan ng mansyon, nakakapangilag na. Sobrang ganda, ang daming bisita na pawang mga bigatin base sa mga kausotan at hitsura nila.

Napatingin ako sa sarili ko. Siguradong makakakuha ako ng atensyon habang hinahanap ang table 2 dahil sa suot ko. Hindi naman masama ang suot ko ngunit tiyak na naiiba.

Napabuntong-hininga ako, saka paulit-ulit na ipinaalala sa sariling para ito kay Anthony. Minsan pa akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tuluyang hinanap ang table 2.

"Amaya!" Boses ng babae na tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Miss Rome.

Nakangiti siyang kumaway sa akin. Lumapit ako sa kinaroroonan at nagtanong.

"Table 2?" Paglilinaw niya, malakas kasi ang musika kaya kailangang ulitin.

"Opo." Ipinakita ko sa kaniya ang dala ko. "Pinasuyo ni Ate Mica ang mga ito, eh."

"Oh, table 2. Halika sasamahan kita."

"Ha? Sure ka? Kahit ituro mo na lang sa akin--"

"It's okay." Mabait niyang sabi, saka tumayo.

"Okay lang ba? Nakakahiya sa 'yo." Pag-aalangan ko.

"It's okay. Halika na." Yaya niya pagkatapos magpaalam sa mga kasama niya sa table.

Sinamahan niya ako sa table 2. At gusto kong ipagpasalamat iyon dahil pawang mga lalaki pala ang nasa table 2.

"Hey, why are you here?" Anang lalaki na tumayo at pasimpleng lumapit kay Miss Rome.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero nakita kong pinisil nito ang beywang ni Miss Rome. Sa hula ko, nasa mid thirties na ang lalaki. Guwapo at mukhang bagay sila.

Nang mapansin ni Miss Rome na nakatingin ako sa kanila ay agad siyang dumistansya sa lalaking humawak sa beywang niya.

"Amaya, si U-Uncle Warren, Uncle Nick's friend."

Nagulat ako nang ipakilala niya sa akin ang lalaki dahil hindi naman kami magkaibigan. Kagabi lang kami nagkakilala ni Miss Rome.

"U-Uncle Warren, si Amaya. Ang ganda niya, 'di ba?"

"Yeah," sang-ayon ng lalaki, saka naglahad ng kamay sa akin.

Nag-init ang pisngi ko sa tahasang papuri niya sa akin sa harap ng lalaking ipinakilala niyang kaibigan ng Uncle Nick niya.

Kahiya-hiya man tinanggap ko ang pakikipagkamay ng lalaki.

"Nice to meet you, Amaya."

"Nice to meet you, too po, Sir." Yumukod pa ako bilang respeto sa kaniya.

Paalis na kami ni Miss Rome sa table 2 nang may tumawag dito. Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses.

"Uncle Nick."

Kumunot ang noo nito nang mapatid sa akin. Nagtatanong ang mga mata. Mukhang nabasa rin 'yon ni Miss Rome dahil siya ang sumagot.

"Sinamahan ko siya rito, Uncle. Dinala niya 'yong wine." Itinuro pa ni Miss Rome ang dalawang bote ng alak na nasa table 2 na.

Habang nag-uusap ang magtiyuhin, nag-isip ako kung paano isisingit ang pakay ko. Pero hanggang sa maging busy na naman si Atty. Nicholas ay hindi ko nasabi.

Nang bumalik si Miss Rome sa table niya, hindi ako bumalik sa kusina. Nasa isang sulok ako, nakatingin kay Atty. Nicholas. Hinihintay kong mawalan siya ng kausap para makalapit ako sa kaniya.

May trenta minutos yata ako sa puwesto ko bago ko siya makitang bakante. Walang kausap. Mas lalong akong nabuhayan ng loob nang may dinukot ito sa ilalim ng coat na suot. Cell phone yata 'yon dahil mayamaya ay itinapat sa may tainga niya.

Umalis siya sa puwesto niya. Naglakad palayo sa karamihan. Wala akong sinayang na sandali, sinundan ko siya. Tumigil siya sa lugar na hindi na mas'yadong maingay. Sapat na para marinig ang kausap niya.

Pasimple akong lumapit sa kaniya. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakita.

"I'm not sure. I'm here at my parents house. Yeah, but tomorrow morning." Narinig kong sabi niya sa kausap.

"I'll try to go back there after the party or tomorrow morning," dagdag pa niya.

Hindi na talaga ako puwedeng magpaligoy-ligoy pa. Hinintay ko siyang matapos sa kausap niya.

"Amaya!" Gulat na gulat ito nang pagpihit paharap ay makita ako at halos bumunggo sa akin ang katawan.

"What are you doing here?" tanong niya nang makabawi.

"K-Kailangan po kitang makausap."

Kumunot ang noo niya. "Me?"

"Opo."

"About what?"

"Tungkol po sa boyfriend ko."

Natawa siya at pagkuwa'y tila manghang-manghang napatitig sa akin.

"Please, Atty. Kailangan ko po ang tulong n'yo kaya lakas-loob akong lumapit sa inyo ngayon." Pakiusap ko.

Natahimik siya. Nakatingin lang sa akin. Kung ano ang nasa isip niya ngayon, hindi ko alam.

"Tulungan mo po akong mapalaya ang boyfriend ko. Wala po siyang kasalanan. Muntik na akong ma-rape at iniligtas niya ako. Nakapatay po siya dahil sa akin at ngayon ay nakakulong po siya."

Wala pa rin siyang imik.

"Please? Tulungan mo po ako. Hindi ko pp kayang makulong ang boyfriend ko habambuhay. Mahal na mahal ko po siya." Pakiusap ko, nanginginig ang boses at mga labi.

"Kayo lang po ang alam kong puwedeng makatulong sa akin."

"Bakit ako?" Sa wakas ay nagsalita na siya.

"Dahil magaling ka. Walang kinatatakutan at wala pang naipatatalong kaso."

"Mukhang nakapag-research ka na about me, huh?"

"Atty."

"Pero mukhang kulang ang impormasyong nakuha mo tungkol sa akin, Miss Angeles." Seryoso ang mukhang sabi niya.

"Hindi ako public attorney. At mahal akong maningil dahil kapag nagtrabaho ako hindi lang puso at galing ang puhunan ko kundi ang buhay ko. Murder ang kaso ng boyfriend mo, hindi basta-basta 'yan."

"Alam ko po."

"Kaya mo bang bayaran ang serbisyo ko?" Prangka niyang tanong na ikinabuntong-hininga ko.

"Hindi po ako mayaman, Atty."

"'Yon ang problema dahil hindi libre ang serbisyo ko, Amaya. Hindi ko itataya ang buhay ko para sa isang taong pumitas sa pinahihinog ko."

"Po?" Hindi ko mas'yadong naintindihan ang sinabi niya dahil pahina iyon nang pahina.

"Kung wala kang ibabayad sa serbisyo ko, it's a no."

"Atty..." Bigla akong nanghina sa naging sagot niya.

"I'm sorry, Amaya. Subukan mo na lang sa iba--"

"Pero ikaw ang gusto ko!" Putol ko sa sasabihin niya. "Ikaw ang kailangan ko para kay Anthony."

Natigilan siya, sandali. At nang makabawi ay ngumiti, saka may kinuha sa wallet niya.

"Here's my calling card. Call me kapag may pambayad ka na sa serbisyo ko para hawakan ang kaso ng boyfriend mo."

"M-Magkano ba ang kailangan mong bayad?"

"Para sa 'yo 2M."

"2 million?!" Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko sa panlalaki. "Gano'n kamahal ang serbisyo mo?"

"Yes. Worth it ang halagang 'yan kung talagang gusto mo pang makasama ang boyfriend mo. In fact discounted na 'yan para sa 'yo."

"Mas'yado kang garapal sa pera, Atty!" Nasabi ko dahil sa pagkabigong makuha ang tulong niya. "Akala ko pa naman dahil magkababayan tayo, matutulungan mo ako."

"Wala ng libre, Amaya. Mababa na 'yan. Now, kung hindi mo kaya, it's a no."

"Pero--"

"Excuse me." Iyon lang at iniwan na niya ako.

Wala akong nagawa kundi ang habulin siya ng tanaw habang hawak ang ibinigay niyang calling card.

"2 million para sa kaso ni Anthony? Saan ako kukuha ng 2 million?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Lorena Alub
uncle nick ikaw pala nagpahinog jan kay amaya..hahaha
goodnovel comment avatar
Elvira Peralta
grabe k naman atty. nick 2m talaga, at ikaw naman doc.warren simpleng malandi k rin may papisil p s bewang eh ahm ... thanks ms.A
goodnovel comment avatar
Jhenlove099
sus! kunwari ka pa Atty. Nick halata nman na type mo si Amaya e ......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 17

    NICHOLAS POV HINDI KO MAINTINDIHAN ang sarili ko habang patungo kami sa opisina ng judge na magkakasal sa amin ni Aya ngayon. Literal na para akong gago na ngumingiting mag-isa. Daig ko pa ang teenager na excited sa date namin ng crush ko. Fvck! I'm too old to feel like an idiot. Kung malalaman lang ng mga kaibigan ko ang mga pinaggagawa ko ngayon, malamang pagtatawanan nila ako nang malala. Naiiling na nilingon ko si Aya sa tabi ko. Napakatahimik niya. Alam kong ang lalaking 'yon na naman ang laman ng isip niya. At ewan ko ba? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil alam kong ang lalaking 'yon ang nasa isip niya. Ano pa bang aasahan mo, Nick? Mahal na mahal niya 'yong lalaki. Kaya nga siya napilitang um-oo sa kasal na inalok mo dahil para sa lalaking 'yon, hindi ba? Sulsol ng kabilang bahagi ng isip ko. "Tss! Hindi sila bagay." Bulong ko habang nakatingin pa rin kay Aya. At sinong bagay sa kaniya? Ikaw? Biglang lumingon si Aya dahilan para itigil ko ang lihi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 16

    NICHOLAS POV I CAN'T HELP IT but to smile. Dahil kitang-kita ko ang inis sa magandang mukha ni Aya pagkatapos kong sabihin sa kaniya na ngayong araw na rin kami ikakasal. Namumula ang mukha niya. Halatang nagtitimpi lang na 'wag magsalita nang hindi maganda sa akin. Dahil alam niyang posibleng magbago ang isip ko sa usapan namin. Posible pa nga ba? Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko upang itago ang pinipigilan kong ngiti dahil alam kong kuhang-kuha ko ang inis at gigil niya ngayon. Bukod sa pamumula ng mukha niya, mariin ding nakakuyom ang mga kamao niya. Parang kating-kati siyang bigwasan ang mukha ko. Palihim kong inihanda ang sarili ko, tinalasan ang pakiramdam para kung sakaling umigkas ang mga kamao niya ay ready ako. Sinubukan kong 'wag na siyang lingunin ngunit tila may kung anong klaseng mahika ang humihila sa akin para ibalik ang tingin kay Aya. God! She's so damn gorgeous. And I can't help it but to stare at her. Matinding pagpipigil ang gi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 15

    AMAYA'S POV MAY ILANG minuto na ang nakalipas mula nang maiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan ni Atty. Nick, pero hindi ko pa rin magawang igalaw ang mga paa ko para sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginawa ko. Itong mga naging desisyon ko. Pakiramdam ko kasi, mali at naging padalos-dalos ako. Lalo na sa parteng magpapakasal ako sa iba gayong si Anthony ang kasama kong nagplano tungkol sa bagay na 'yon. Siya ang kasama kong nangarap at nagplano. Napabuntong-hininga ako, saka sumubsob sa mga tuhod ko habang nakahawak nang mahigpit sa buhok ko. Nakaka-frustrate ang mga nangyayari dahil kahit sabihing tatlong taon lamang tatagal ang kasal na 'yon sa abogadong 'yon, still ikakasal pa rin ako sa kaniya. Lord, please, tulungan Mo po akong mag-decide at mag-isip. Hindi ko po alam kung tama ito, pero ang alam ko lang po ay gagawin ko ang lahat para sa nobyo ko. Piping dasal ko habang nananatiling nakasubsob sa mga tuhod ko. Nasa ganoong posisyon ako nang

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 14

    AMAYA'S POV AMAYA'S POV "UHM...ARAY!" Hindi ko napigilang mapadaing habang ginagamot ng nars ang sugat ko sa kanang siko. Dito ako sa hospital idiniretso ni Atty. Nick pagkaalis namin sa pinangyarihan ng aksidente. Kahit anong giit kong 'wag na dahil okay lang ako ay hindi siya pumayag. Sa huli, siya pa rin ang nasunod kaya nandito kami ngayon sa emergency room para gamutin ang sugat ko. "Ouch, uhm!" Mariin akong napapikit dahil masakit. At nang nandito na kami sa hospital, saka ko na-realize na hindi pala simpleng sugat lang ang natamo ko mula sa pagkakahila ni Atty. Nick sa akin. Medyo malalim at malaki ang sugat ko sa kanang siko. Tumama yata sa matulis na bato kaya gano'n. Habang nakapikit, saka lang nag-sink in sa akin na muntik na pala talaga akong mamatay kung hindi ako nahila ni Atty. Nick palayo sa humahagibis na mixer truck dahil nawalan ng preno. Kung wala siya, malamang patay na ako. Pinanlamigan ako ng katawan nang bumalik sa isip ang video na pinanuod sa akin

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 13

    AMAYA'S POV "OKAY KA LANG?" Napatingin ako sa kaibigan kong si Pat nang tabihan ako sa upuan at magtanong kung okay lang ba ako. Nandito ako sa bahay nila. Dito ako dumiretso sa kanila pagkagaling ko sa city jail para sana bisitahin si Anthony. Kaso hindi niya ako hinarap. "Kanina ko pa napapansin na maya't maya ang buntong-hininga mo," dinunggol niya ang balikat ko. "Ano bang nangyari sa pagbisita mo kay Anthony?" Malungkot akong umiling bilang sagot. "Hindi ka niya hinarap kagaya nang sinabi niya?" Panghuhula niya. Tumango ako, saka muling bumuntong-hininga bago sinabi kung bakit tila pasan ko ang mundo. Ikinuwento ko sa kaniya na hindi ako hinarap ni Anthony, pero ang kapatid niyang si Ate Verlyn at si Diva ay hinarap niya. Na naiinis ako at nasasaktan dahil bakit sila hinaharap niya habang ako ay hindi. "Girlfriend niya ako, Pat. Ba't gano'n? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kaya niya 'to ginagawa ay dahil galit siya sa akin at ako rin ang sinisisi niya sa na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 12

    AMAYA'S POV "BAKIT AKO?" Lakas-loob na isinatinig ko ang tanong sa isip ko. "Bakit hindi ikaw?" Nailang ako nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko. "Disente ka naman na pasok sa criteria ko." "Disente talaga akong tao, Atty, pero baka lang po nakalimutan n'yo na may nobyo ako. At siya po ang dahilan kung bakit ako lumapit sa 'yo para humingi ng tulong." Paalala ko dahilan para salubungin niya ng tingin ang mga mata ko. Napalunok ako bago nagpatuloy. "Bakit hindi n'yo na lang ako tulungan tapos hahanapan ko kayo ng tamang babae para sa inyo. Iyong single. Iyong malaki ang posibilidad na magustuhan n'yo ang isa't isa along the way ng marriage n'yo." "Marami akong kaibigan, disente, single, ready to mingle at higit sa lahat ay virgin pa. H-Hindi kagaya ko na may mahal ng iba at h-hindi na v-virgin," nangungumbinsing dagdag ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang nabadtrip ito. "Atty." Bumalik ito sa pagkakaupo at pinaglaruan ang ballpen na hawak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status